Natatawa ako ng makita kong nataranta si Vince. “Uncle Hector! Tingnan mo si Joshua… Kung magpatuloy pa si Maika sa ginagawa niya, baka hindi magustuhan ng pamilya Rascal ang magiging resulta nito?! Bilisan mo utusan mo siyang tigilan na niya si Joshua!” Tumingin ako sa asawa ko at nakita kong nanatiling kalmado ang ekspresyon ni Hector. Walang kahit anong emosyon sa kanyang mukha nang muling magsalita.“Maika, hindi mo na ba ako pinakikinggan ngayon?”Tila isang matalim na kutsilyo ang tinig niya na tumama kay Maika.Nakita kong namumula ang mata ni Maika, malalim ang kanyang paghinga at halatang hirap na hirap pigilan ang sarili. Hindi ko alam kung bakit ganuon na lang ang galit ni Joshua sa kaniya. Ngunit sa huli, marahas niyang binitiwan si Joshua.Lupaypay siyang bumagsak sa sahig at nawalan nang lakas.Samantala, si Melody ay nanginginig sa isang sulok, nakatakip ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mukha habang humahagulgol.“Teacher Anne… huhuhu…hindi ko ito gusto… Bakit ba a
Nang magtama ang aming mga mata. Sa halip na umatras ay lalo akong nagalit.Matalim kong tinignan si Jennie. "Nagtataka lang ako Jennie, paano mo naman nalaman na nandito si Joshua?"Saglit siyang natigilan. Alam kong hindi niya inaasahan ang tanong ko.Bago pa siya makaisip ng palusot, isang pamilyar na boses ang nagpatigil sa kanya."Anne, matanda ka na. Marami ka nang bagay na kayang isipin nang mag-isa. Siguro naman may common sense ka! "Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Hector na may bahagyang ngisi sa kaniyang labi. May kung anong kumpiyansa sa kanyang tindig, parang alam na niya ang sagot bago pa namin ito matuklasan."Pag-isipan mong mabuti, bakit biglang dumating ang Mommy mo sa parehas na oras kung kailan nagkakagulo na dito. At walang kahirap hirap ka niyang nakita.” VINCE POVSa saglit na iyon, biglang kumislap ang pagdududa sa isip ko. At alam kong may kakaiba sa mang nangyayaring ito. Alam ko na ang sagot sa isip ko pero hindi ko na ito sinabi a
"Vivian!" Pinataas ko nang bahagya ang boses ko, hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. "Huwag mong pagsalitaan ng ganyan si Mommy. Oo, may hindi kami pagkakaintindihan sa ngayon, pero siya pa rin ang nanay natin. Bilang mga anak, hindi natin siya pwedeng husgahan nang basta-basta."Napapailing na sumimsim ng alak si Vivian. "Bahala ka, kuya. Wala akong pakialam kung anong iniisip mo. Halika, cheers na lang tayo para sa mga sugatan nating puso.""Hindi ako heartbroken." Tinanggihan ko ang pag-toast ng baso namin. Saglit akong natahimik bago muling nagsalita. "Vivian, tanong ko lang… kung sakaling malasing ako at—aksidenteng makatulog sa tabi ni Joana nang hindi ko alam… tapos aaminin ko kay Anne, sa tingin mo mapapatawad niya ako?"Saglit akong tiningnan ni Vivian at marahil iniisip niya kung nagsasabi ba ako ng totoo."Kuya, hindi mo na kailangang magkunwaring ‘paano kung.’ Alam kong matagal nang nangyari ‘yan. At sa totoo lang, hindi na ako nagulat." Sagot niya sa akin. Hindi ako
Matapos tumayo ni Anne, dahan-dahan kong itinulak ang wheelchair papunta sa sulok ng dingding. Walang sabi-sabi ay hinablot ko ang buhok ni Joshua at itinaas ang ulo niya saka ito inumpog nang malakas sa puting pader.BAGG!Agad na kumalat ang dugo sa dingding at lumilikha ng nakakagimbal na eksena.[Joshua; naramdaman ko ang matinding sakit ng pagkakaumpog niya sa akin. Pakiramdam ko ay may umugong sa aking tenga. Hindi ko masyadong maramdaman ang aking bungo, pakiramdam ko ay humiwalay ang utak ko sa loob ng aking bungo. Sa gitna ng pagdidilim ng aking paningin, narinig niya ang malamig kong boses na bumalot sa kanyang pandinig.]"Hindi kita pinatay dahil ayokong madungisan ang kamay ko. Hindi sulit na mawala ang buhay ko para sa isang hayop na katulad mo."Pagkasabi ko nito ay tumingin ako kay Maika.Namula agad ang kanyang mga mata at mariing pinigilan ang galit sa kanyang kamao.Si Renz naman ay walang pakundangang hinawakan ang ulo ni Joshua at pinagsasampal ito nang paulit-ulit
Iniutos ni Hector na ihatid si Melody pauwi.Bago umalis, mahigpit na hinawakan ni Melody ang kamay ni Anne at yumuko nang malalim: “Teacher Anne, salamat sa pagligtas sa akin. Nakaabala na naman ako sa’yo.”Hinaltak ni Anne ang ulo ni Melody at hinaplos ito: “Ayos lang, tinulungan mo rin ako noon. Dapat lang kitang suklian.Kung hindi mo ako matapang na tinulungan bilang saksi, baka naalisan na ako ng lisensya sa pagtuturo at hindi na ako makapagturo habambuhay dahil sa maling paratang ng pagnanakaw noong internship ko.”Tumingin si Melody kay Anne at pinahid ang luha niya: “Teacher, hindi mo ba ako kinasusuklaman? Ang dami mong ginawa para sa akin, kahit pa nangangahulugan ito ng pagsalungat sa pamilya Rascal. Pero sa huli, inamin ko sa korte na may relasyon ako sa walang kwentang si Joshua na yun.”Pilit na ngumiti si Anne: “Lahat tayo may sariling desisyon sa buhay. Noong bata ka pa, sa dami ng tsismis laban sa’yo, gusto mo na lang matapos ang lahat. Naiintindihan ko ’yon. Natakot
Ngumiti si Jennie at sumagot, “Oo nga, Mama. Nag-aalala lang ako na walang makakasama si Anne.”“Oh? Ibig sabihin ba wala nang ibang tao sa bahay na ito? Hindi ba nila siya kayang samahan?” Malamig na tumingin ang matanda kay Jennie, na tila may babala sa kanyang mga salita.“Ang birthday party ng Pangalawa niyong anak ngayong taon ay simpleng pagtitipon lang ng pamilya. Ikaw bilang asawa, hindi mo ba alam kung ano ang nararapat?”Ngumiti si Jennie at nagbiro, “Ano ba ‘yang sinasabi mo, Mama! Magkapatid sina Elaine at Anne, kaya pamilya rin sila.”Malamig na suminghal muli ang matanda, “Oo, magkapatid sila, pero may pagkakaiba ang taga-loob at taga-labas. Walang masama sa pagsama sa pagkain, kayang-kaya ng pamilya Valderama ang maliit na gastusin na ’yan. Ang inaalala natin ay ang ibang tao na may matatayog na ambisyon, pero manipis ang kapalaran, at gustong agawin at palitan ang tunay na haligi ng pamilya para makaangat nang madalian.”{Anne:!Napakatuwiran at diretsahan ng matanda!
Napangiti si Donya Estrelita at halos pumikit ang mga mata niya sa tuwa. Muli niyang hinaplos ang ulo ng General: “Ang tali-talino mo naman!”Sa kasabay na oras ay hinaplos din ni Anne ang ulo ng aso.Lumapit si Elaine at kunwaring walang alam, sabay tanong, “Ate, bakit parang ang lapit mo sa aso ni Hector? Hindi siya takot sa’yo.”Sakto namang hinablot ni General ang kahon mula sa kamay ni Renz, kaya’t nalaglag ang lahat ng buttons sa loob.Kinuha ng General ang isang key button at pinindot ito.Pagkatapos pindutin, dalawang beses siyang umalulong kay Elaine: “Awooo! Awooo!”Napaatras si Elaine sa takot, at namutla ang kanyang mukha.Nakita ito ng Donya Estrelita Valderama, kaya natuwa siya at sinabi sa isang katulong, “Bigyan niyo ng hita ng manok si General! Napakatalino talaga ng aso natin!”Matapos niya itong haplusin ng dalawang beses, tumayo ang matanda upang maghugas ng kamay at maghanda para sa sopas.Tinitigan ni Elaine ang matanda na tila mas masigasig pa sa isang aso kays
Kinabukasan, maagang nagising ani Donya Estrelita at isinama si Anne sa Manila Grand Opera House.Nang papalabas na sila ay biglang sumunod si Hector na tulak-tulak ang kaniyang wheelchair. “Mama, sasama ako sa inyo.”Tiningnan siya ng matanda nang matalim: “Bakit ka sasama? Aba Hector kailan ka pa nagka-interes sa pakikinig sa opera?” “Starting today, kasi gusto mo! Kaya sasama na din ako sayo.” sagot ni Hector na may bahagyang ngiti.Muling pinikit ng matanda ang mga mata at pinagmasdan siya. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang naririnig. Aba, parang sumikat ang araw sa kanluran ngayon, bakit parang ang bait ng Pangatlo kong anak?Suot ni Hector ang isang custom-made na madilim na asul na suit, may maayos na collar clip at mamahaling French cuffs, kaya naman lalo siyang mukhang kagalang-galang.“Hmph, bahala ka. Kung gusto mong sumama, edi sumama ka.”Hinawakan ni Anne ang braso ng matanda at hindi sinasadyang napatingin kay Hector.Bagaman hindi siya makatayo, ang porma niya ngay
Palihim niyang pinunasan ang kanyang mga mata dahil sa luhang pumatak doon.Ang sugat na iyon sa kanyang puso ay hindi na kailanman maghihilom.Habang tahimik niyang tinitingnan ang hardin, biglang may narinig siyang sigaw mula sa kanyang asawa."Ano?! Dave, halika rito!"Napakislot si Chairman Dave, at ang madilim na ekspresyon sa kanyang mukha ay napalitan ng pagkagulat at saya.Parang isang eunuko na biglang tinawag ng emperador at agad siyang sumagot:"O-Oo! Papunta na ako!""Matandang lalaki, naaalala ko dati mong sinabi na si Hector ay nalason ng mga kung anu-anong droga. Paano mo iyon hinarap?"Hinila ni Mrs. Sanvictores ang kamay ng kanyang mister at halatang balisa.Seryosong tiningnan ni Chairman Dave ang kanyang asawa sa unang pagkakataon"Bakit mo ako tinawag na matanda? Hindi pa ako ganoon katanda."Kung sa ordinaryong araw lang, wala siyang pake.Pero ngayong narito si Anne, kailangan pa ba talagang tawagin siyang matanda? Talaga naman!Hindi na nagpaligoy-ligoy ang kan
Sa puntong ito, hindi na makasagot si Jennie.BANG!Sa kasasabay ng tensyon, aksidenteng natapakan ni Anne ang isang bakal na platong nasa sahig, dahilan para lumikha ito ng malakas na tunog.Napalingon agad sina Jennie at Vince.Sa sandaling iyon, lumabas sila mula sa sulok ng koridor at nakita si Anne, na halatang nagulat at nahihiya sa narinig.Tila isang deer sa harap ng mga ilaw ng sasakyan si Anne—alam niyang naabutan siya.Namutla si Vince na punong-puno ng emosyon, at may bahid ng paninibugho sa kanyang mga mata."Narinig mo ba ang lahat?"Tumango si Anne, na nagulat din sa tila mahiwagang paglaro ng tadhana.Samantala, tiningnan siya ni Jennie nang may pang-uuyam, ang dulo ng kanyang labi ay bahagyang nakataas ang isang mapanuyang ngiti."Hindi ko alam kung tatawagin kitang tanga o dapat kang kaawaan.Sa tingin mo ba talagang gusto ka ni Hector?Interesado lang siya sa mga shares na hawak mo!Siguradong alam na niya ang plano nina Papa at Mama noon pa lang, kaya ka niya tinab
Saktong tumayo si Henry at binakante ang upuan ng presidente.Diretsong tumayo si Hector at naglakad patungo sa upuan ng presidente, inilagay ang mga kamay sa mesa, at matatalim ang tingin na ibinigay niya kay Jennie na parang isang lawin na nakakita ng biktima."Tingnan mo ulit, pwede na ba akong umupo sa posisyong ito ngayon?"Natakot si Jennie na parang nakakita ng multo!"Ikaw... ikaw... paano ka nakatayo?!"Napatitig din si Vince kay Anne. Nang makita niya ang kalmadong ekspresyon nito, hindi niya napigilan ang sarili at nagtanong"Alam mo na ba ito noon pa?"Ngumiti si Anne at kalmadong sumagot"Kung hindi ka nagtago noong gabing nagpunta rito ang pamilya ni Joana para manggulo malamang nalaman mo rin ito."Nabilaukan si Vince sa hiya at yumuko.Maraming direktor sa silid ang napabuntong-hininga ng malalim."Ibig sabihin, magaling na pala ang paa ni Hector!""Buti na lang at nasa tamang panig ako!"Hindi nagtagal ay opisyal nang inihayag ng general secretary ang resolusyon ng p
Anong anak-mayaman sa Tondo ang may ganitong kalaking dote?Biglang pinagsisihan ni Jennie ang lahat. Kung nalaman ko lang na may ganito palang halaga si Anne, sana siya na lang ang pinakasal ko kay Vince! Bakit pa ako nag-aksaya ng panahon sa ibang bagay?Samantala, hindi rin alam ni Anne na may shares siya. Sandali siyang natulala, pero matapang siyang tumingin kay Hector at sinabing, "Oo, pumapayag ako. Naniniwala ako sa kakayahan mo!"Ngumiti si Hector at hinawakan ang kamay ni Anne, at sinabing "Salamat, asawa ko."Lahat ng shareholders: !!!"Putik, totoo ba tong nakikita ko? Si Hector ba talaga tong nakikita kong ngumingiti? Pakshit! Sa buong buhay ko ngayon ko lang ito nakita na ganito kalambing!” "Ano to? drama ba ‘to o true love?"Naiinis na si Jennie sa pagpapakitang-gilas ni Hector at Anne kaya’t iniwang pansamantala ang inis at sumabat."Kahit pagsamahin mo pa, 30% lang ‘yan! Mas mataas pa rin ang share ng anak ko na 33%! Huwag na tayong mag-aksaya ng oras, sige na i-anun
Saglit na tumingin si Jennie kay Vince at napansin niyang nakatitig ito kay Anne. Nang makita niyang magkahawak-kamay ang dalawa at tila naglalandian, napairap siya nang mariin."Tssss. Ano bang nakakainggit sa dalawang malalanding ‘to?"Kapag nakuha na ni Vince ang posisyon ng pagiging presidente ay pwede na siyang pumili ng kahit sinong babaeng gustuhin niya.Sa puntong ito, isang matandang shareholder ang hindi na napigilang magsalita."Jennie, sinabi mong kung sino ang may mas maraming shares ang dapat masunod... Tama ‘yan. Pero hindi ako sang-ayon na ang desisyon mong ito ay makakabuti sa kumpanya."Saglit na dumilim ang mukha ni Jennie na mistulang isinusuot na niya ang korona ng isang pinuno. Sa isang malamig at matapang na tono ay sumagot siya “sige ng sabihin mo sa akin? Ano ang hindi mo sinasang-ayunan?”Ang matandang shareholder, na nasa animnapung taong gulang ay nagkrus ng kanyang mga braso at galit na sinabi“Hindi mo ba nakikita kung gaano karaming pera ang nawala sa at
Ibang-iba ang itsura ni Jennie ngayon, nakasuot siya ng isang mamahaling windbreaker, mahigpit na nakatali sa baywang niya ang isang maayos na bow, at naglalakad gamit ang kanyang pulang high heels. Ang kaniyang tindig ay nagpapakita ng matinding kumpiyansa. At punong puno ng yabang.Kasunod niya ay dumating din si Vince na nakasuot ng mamahaling suit, ngunit nakayuko ang ulo niya at nakakuba ang likod niya, halatang kinakabahan siya at parang nawalan ng sariling paninindigan. Napapailing na lang sila Anne ng kanilang ulo dahil sa totoo lang ay nasayang lang ang mamahalin niyang suot. Hinila ni Jennie ang kamay ni Vince at iginiya ito papasok sa loob ng meeting room.Dahil sa takot at kaba ay pumipihit si Vince patalikod saka bumulong sa Mommy niya. “Mommy ayoko na… hindi ko ata kaya!” Pero lalong hinigpitan ni Jennie ang pagkakahawak sa kamay niya, dinala siya sa isang silya at pinaupo sa mismong tapat ng upuan ni Hector, saka naupo si Jennie. Sa mahinang boses ay sinabi niya sa
Kaya saglit siyang natigilan, ngunit hindi niya napigilan ang munting ngiti na sumilay sa kanyang labi.Sa unang pagkakataon sa kanyang buhay, may isang taong ipinagmamalaki siya, ipinagtatanggol siya, at kinikilala ang halaga niya.Hindi tulad ng dati niyang pamilya, kung saan siya ay laging binabalewala.Naramdaman niya ang isang kakaibang init sa kanyang puso.At sa kauna-unahang pagkakataon... mas lalong lumakas ang pagmamahal niya sa kanyang sarili.Ibinaba ni Anne ang prutas sa mesa, itinakip ang katawan niya rito upang hindi makita, at mabilis na isinubo ang isang cherry sa bibig ni Hector.Napangiti si Hector, “Salamat, misis ko. Ang tamis.”Napakunot-noo si Anne at kunwaring nagtampo, pero bago pa siya makasagot, biglang pumasok nang nagmamadali si Renz at halatang balisa.“Hector! Magpapatawag ng shareholders' meeting si Jennie!”Pagkasabi nito ay halos sabay-sabay na nag-ring ang mga telepono nina Hector, Felix, at Henry .Napuno ng seryosong ekspresyon ang kanilang mga muk
"It’s time""Well, mukhang oras na," wika ni Anne at ang boses niya ay kalmado ngunit puno ng awtoridad.Napatingin ang lahat ng mamamahayag sa kanya at nag-aabang sa huling mga salita na kanyang bibitawan."Siguro naman ay naitanong na ninyo ang lahat ng gusto ninyong itanong. Kaya ngayon, gusto ko ring ibahagi ang aking opinyon."Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy, "Bilang isang babae na hindi eksperto sa larangan ng pera, hindi ko lubusang nauunawaan kung paano nakakaapekto sa stocks ng Valderama Group of Company ang mga tsismis tungkol kay Vince.""Ngunit isang bagay ang sigurado ako, ang mga negosyante ay naghahanap ng kita, at ganoon din ang mga stockholders. Walang dahilan upang hayaan nating maapektuhan ang ating investment decisions ng mga usapang walang kinalaman sa tunay na pag-unlad ng kumpanya.""Una, hindi kasali si Vince sa mismong operasyon ng Valderama Group of Company.""Pangalawa, ang kakayahan ng isang kumpanya na kumita para sa mga stockholders ay nakabatay s
Sa palagay mo ba makakabuti kay Joana ang patuloy na pagkaantala?"Muling ngumiti si Anne, ngunit sa pagkakataong ito, ang ngiti niya ay may bahagyang lamig."Tatlong araw pa lang mula nang natanggap ko ang balita, tama?""Sa loob ng tatlong araw, nagkaroon na raw ito ng matinding epekto sa bata at sa kalusugan ni Joana? Kung ganon, ano ang ginawa niya bago ito?"Naputol ang reporter—hindi nakasagot.Sa puntong ito, dalawang reporter naman ang halos magkasabay na nagtanong."Miss Anne, bilang pinag-uusapang malapit na kaibigan ni Hector at kandidato para maging susunod na ikakasal sa Pamilya Valderama , papanig ka ba sa Pamilya Valderama sa isyung ito?""Bilang isang babae, susuportahan mo ba si Joana, o papanigan mo ang Pamilya Valderama para masigurado ang iyong posisyon para makapag-asawa mula sa isang mayamang pamilya?""Miss Anne, sa tingin mo ba dapat ituloy ni Joana ang pagbubuntis, o ipalaglag niya ang bata?"Habang sunod-sunod ang matutulis na tanong, nanatiling kalmado si