All Chapters of Contract Marriage With My Bully Groom: Chapter 51 - Chapter 60

67 Chapters

Chapter 51

Elara"I'm sorry pero hindi nahuli ng mga pulis si Henry. Nakatunog ito na papunta sa pinagtataguan nitong bahay ang mga pulis kaya mabilis na tumakas," paliwanag ni Alexander sa akin. Second day ko sa hospital at bukas ay puwede na akong umuwi sa bahay para doon na lamang magpagaling. Kanina ay nakatanggap ito ng tawag mula contact nitong pulis at ipinaalam na natagpuan na ng mga ito ang pinagtataguan ni Henry. Sumama ito sa pag-aresto sa lalaking iyon ngunit sa malas ay nakatakas ang kriminal na iyon."It's okay. I know na mahuhuli rin siya balang araw," nakakaunawang wika ko kay Alexander. "Kapag naiisip ko ang ginawa sa atin ng lalaking iyon ay hindi ko maiwasan ang manggigil sa kanya. Tinrato ko siya ng maayos tapos pagtatangkaan niya ang buhay natin? Pasalamat nga siya na hindi ko binawi ang mga ibinigay ko sa kanya pero ano ang ginawa niya? He tried to kill us," may galit ang boses na wika ni Liam, nasa loob siya ng silid ko dahil kaya naman niyang makabangon sa higaan saman
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more

Chapter 52

Elara "P-Papa," ang tanging salita na namutawi sa aking mga labi nang makita ko ang aking ama na galit na nakatingin sa akin."Anong ibig sabihin ng narinig ko, Elara? Bakit sinabi ng kaibigan mo na asawa mo si Mr. Reed? Hindi ba't sabi mo ay boss mo lamang siya?" naglakad si Papa palapit sa akin. Ang mama ko naman na hindi malaman ang gagawin ay napasunod na lamang kay Papa. "L-Let me e-explain, Papa," kandabulol na sabi ko sa kanya dahil sa labis na kaba. Hinawakan ako ni Papa sa braso at hinila palayo kay Alexander."Of course! You really need to explain everything to me," mariing sagot ni Papa sa akin. "Let's go home. Sa bahay na lamang kita kakausapin."Akmang aalalayan na ako ni Papa na maglakad para iwan si Alexander ngunit mabilis akong napigilan sa braso ng asawa ko."Elara is my wife, Mr. Nobleza. Now, kung gusto mo siyang makausap at marinig ang kanyang explanation na gusto ko rin marinig ay sumama kayong dalawa ni Mrs. Nobleza sa bahay namin. After all, you are my parent
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more

Chapter 53

Elara"Alam mo ang tungkol sa ginawa sa akin ni Alexander noon, Papa? Pati na rin ang tungkol sa aking social phobia?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Biglang nangilid ang aking mga mata. Akala ko ay kami lamang ni Liam ang nakakaalam sa aking karamdaman. Hindi ko alam na pati pala ang ama ko ay alam ang bagay na iyon. At hindi ko ma-imagine ang naramdaman niya nang nalaman niyang nagkaroon ako ng social phobia dahil sa nangyaring iyon. No wonder why he was hostile when I thought he first saw Alexander."Yes, Elara. I know it all," pag-amin ni Papa. "Nang umalis ka sa bahay natin ay madalas palihim kitang sinusundan. Actually, hindi ka pa umaalis at nagsarili ng bahay ay napansin ko nang may kakaiba sa kilos mo matapos kumalat ang kahihiyang naranasan mo sa school. Kaya inalam ko kung sino ang lalaking namahiya sa'yo para sana ipaghiganti ka. Ngunit nalaman kong si Alexander Reed pala iyon, ang anak ng isa sa mga kaibigan ng mama mo at wala na siya sa bansa," mahabang paliwan
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more

Chapter 54

Alexander Tinungga ko ang lahat ng laman ng bote ng beer na hawak ko na para bang uhaw na uhaw ako at ngayon lamang nakainom ng tubig. Pabagsak na inilapag ko sa bar counter ang bote na mabuti ns lang ay hindi nabasag."Whoah! Relax ka lang, bro! Masyado namng mainit ang ulo mo," saway sa akin ni Edzel nang makita nito ang ginawa ko. "May problema ka na naman ba? Huhulaan ko. Si Elara naman iyan ano?""Yes," walang gatol na sagot ko. Useless magtago sa kaibigan ko dahil kilalang-kilala na niya ako. Alam niya kung kailan ako may problema."Elara again. I think you better divorce her. Kasi magmula nang magpakasal kayong dalawa ay napansin ko na palagi nang marami kang problema nang dahil sa kanya." I don't know kung totoo ba sa loob nito ang suggestion nito o binibiro lamang niya ako pero hindi ko iyon nagustuhan."Pati ba naman iakw, Edzel? Gusto mo rin na makipag-divorce ako kay Elara? Bakit ba lahat kayo ay gusto na magkahiwalay kami?" hindi napigilang himutok ko. "She also wants to
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Chapter 55

ElaraNagulat ako nang paggising ko sa umaga ay katabi akong lalaki sa kama kaya bigla akong napasigaw ng malakas at binigyan ng sampal ang lalaking katabi ko. Kagigising ko pa lang at medyo malabo pa ang mga mata ko kaya hindi ko agad nakilala na si Alexander pala ang lalaking nakahiga sa aking kama. Nang sa wakas ay nakilala ko siya ay bigla naman akong umusog palayo sa kanya. Kasi bakit siya nakahiga sa kama ko? "Bakit ka nandito sa kama ko? May balak kang masama sa akin?" masama ang tingin na tanong ko sa kanya. Biglang niyakap ko ang aking sarili dahil manipis na pantulog lamang ang suot ko. "Sana tinanong mo muna ako kung bakit nakahiga ako sa kama mo, hindi iyong bigla mo na lang akong sasampalin," naniningkit ang mga matang sagot ni Alexander habang hawak ang nasampal nitong pisngi. Nakaramdam ako ng guilt dahil tama naman siya. Nagtanong sana muna ako bago ako nanampal sa kanya. Wala naman siyang ginawang masama sa katawan ko dahil kung meron at tiyak na mararamdaman ko p
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Chapter 56

Elara Naalimpungatan ako nang maramdaman ko na may mga matang nakatitig sa akin. Pagmulat ko ng mga mata ko ay nakasalubong ko ang matiim na titig ni Alexander. Biglang itinalukbong ko sa ulo ko ang kumot dahil nakaramdam ako ng pagkapahiya. Ngayon na tapos na ang mainit na pinagsaluhan namin ay saka lamang ako nakaramdam ng pagkapahiya.After our sweet lovemaking ay nakatulog ulit ako kaya hindi ako nakaramdam ng pagkapahiya. Ngunit ngayon na gising na ako at bumalik na aa tamang pag-iisip ay pakiramdam ko gusto ko nang lumubog sa kama. Iniisip ko kasi kung ano na kaya ang tingin niya sa akin ngayon pagkatapos ng nangyari sa amin."Why did you cover your face? Gusto pa kitang panuorin habang natutulog," narinig kong wika ni Alexander. "Bakit nandito ka pa?" tanong ko sa kanya sa halip na sagutin ang tanong niya, nanatili pa rin ang kumot sa aking ulo. Hindi ko yata siya kayang tingnan sa mukha. Sobrang nahihiya ang pakiramdam ko lalo na kapag naaalala ko kung gaano ako kalakas umu
last updateLast Updated : 2025-03-14
Read more

Chapter 57

Elara"Ang ganda naman ng ngiti mo, beshy. May maganda bang nangyari sa buhay mo kaya ganyan na lamang kaganda ang mood mo?" Hindi napigilan ni Liam ang mag-usisa sa akin nang pagpasok niya sa opisina ko ay naabutan niyang malawak ang ngiti na nakapskil sa aking mga mata.Hindi ko kasi maiwasan ang mapangiti kapag naaalala ko ang mga nangyari nitong nakaraang tatlong araw. In instant ay mas naging malapit kami ni Alexander sa isa't isa. Naging sweet din siya sa akin. Natatawa nga at kinikilig ang mga maid sa pagiging sweet ni Alexander sa akin. Magmula nang may nangyari sa aming dalawa ay sa silid na niya ako natutulog tuwing gabi. At gabi-gabi ay nagsasalo kami sa tamis ng pag-iisa ng aming mga katawan. Sa silid lamang niya ako natutulog ngunit ang mga gamit ko ay nasa silid ko pa rin. Malapit lang naman ang mga silid namin kaya nagdesisyon ako na huwang nang ilipat sa silid nito ang mga gamit ko. Ngunit gayunpaman ay ramdam ko na tunay na nga kaming mag-asawa ngayon."Masyado bang
last updateLast Updated : 2025-03-15
Read more

Chapter 58

ElaraMahigpit ang pagkakayapos sa leeg ni Alexander ng babae na para bang namis niya ng labis ang asawa ko. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko. Gagawa ba ako ng ingay para ipaalam sa kanila ang presensiya ko o tatalikod na lamang ako at babalik sa labas? Nakakaramdam kasi ako ng paninikio ng dibdib dahil may ibang babaeng kayakap ang asawa ko. Ngunit hindi pa man ako nakakapagdesisyon kung ano ang gagawin ko ay biglang napatingin sa kinatatayuan ko si Alexander."Nandito ka na pala, Elara. Come here. I will introduce you to my little sister," nakangiting sabi niya sa akin nang pakawalan nito ang babae.Nagulat ako nang nalaman kong nakababatang kapatid pala niya ang babaeng nakayakap sa kanya. Mabuti na lamang hindi ako gumawa ng eksena dahil tiyak na napahiya lamang ako sa harap ng magkapatif. Nakakahiya. Hindi magiging maganda ang first impression sa akin ng kapatid ni Alexander.Nakangiting lumingon sa akin ang kapatid ni Alexander at agad na nilapitan ako."Hi, Elara. I'm R
last updateLast Updated : 2025-03-16
Read more

Chapter 59

ElaraUmalis ako ng bahay at nagtungo sa bahay ng kaibigan ko. Wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko kaya ang bigat-bigat ng dibdib ko. Hindi ko naman puwedeng sabihin kay Rona ang pinag-usapan namin ni Papa lalo na kay Alexander. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong mararamdaman niya kapag nalaman niyang nagtungo sa bahay niya ang mga magulang ko para pag-usapan ang pakikipag-divorce ko sa kanya.Sa bahay ni Liam ako nagtungo dahil wala naman pasok sa office ngayon. Kung hihintayin ko pa na dumating ang Monday para makausap ko siya at mailabas ang bigat na nasa loob ng dibdib ko ay baka bigla na lamang itong sumabog kapag hindi ko na napigilan.May susi ako sa bahay ni Liam kaya hindi na ako kumatok. Ginamit ko na lamang ang susi ko para makapasok sa loob. Katulad ko ay may spare key rin siya sa bahay ko kaya kapag gusto niyang magtungo sa bahay ay hindi na rin niya kailangan pang kumatok.Pagbukas ko ng pintuan ay agad na napakunot ang aking noo nang maamoy ko ang amoy-alak sa
last updateLast Updated : 2025-03-17
Read more

Chapter 60

Elara Tahimik lamang ako habang naghahapunan kami nina Alexander at Rona. Nakikita kong pasulyap-sulyap sa akin ang magkapatid ngunit hindi naman sila nagtatanong sa akin. Pagkatapos naming kumain ay nag-excuse agad ako at umakyat sa silid ko. Sa silid ko ako nagtungo at hindi sa silid ni Alexander. Ilang minuto pa lamang akong nakakapasok sa silid ko nang marinig ko ang sunud-sunod na katok sa pintuan. Ini-expect ko na si Alexander ang kumakatok kaya hindi na ako nagulat nang mapagbuksan ko siya ng pintuan. Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pintuan at hinayaan siyang pumasok sa loob bago ito isinara. "What's the problem, Elara? Kanina ko pa napapansin na sobrang tahimik mo? Ni hindi ka nga nagsalita habang kumakain tayo kanina. Hindi mo kami pinansin ni Rona na para bang wala kang nakikitang tao sa paligid," ani Alexander pagkapasok niya sa silid ko. "Tell me what's the problem. Haharapin natin iyon ng magkasama." Huminga ako ng malalim at tinitigan siya sa mata. "Nagpunta r
last updateLast Updated : 2025-03-18
Read more
PREV
1234567
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status