All Chapters of Contract Marriage With My Bully Groom: Chapter 31 - Chapter 40

67 Chapters

Chapter 31

Elara Pov Isang malakas na alon ang humampas sa amin kaya pinakawalan ako ni Alexander. Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginawa at hindi ko kayang itanong iyon sa kanya. "Alex! Elara! What happened?" Sabay kaming napatingin sa boses ng kanyang ina. Nakita namin na naglalakad silang tatlo palapit sa amin. I wonder kung nakita nila ang ginawang paghalik sa akin ni Alexander. Sa halip na sumagot ay hinila ako ni Alexander papunta sa mababaw na bahagi ng dagat. At nang abot na ang mga paa ang buhangin sa ilalim ay bahagya kong itinulak palayo sa akin si Alexander at ako na lamang ang naglakad papunta sa pampang. Sumunod naman silang apat sa akin. "What happened earlier, Alex? We saw you panicking kaya bigla kaming nalapit sa inyo," tanong ni Edzel sa kaibigan nito nang pare-pareho na kaming nakaahon sa tubig. Malakas ang dagundong ng dibdib ko habang nakatingin kay Alexander. Nakatingin din siya sa akin st seryoso ang mukha kaya bigla akong nag-iwas ng tingin. "Elara almost
last updateLast Updated : 2025-02-22
Read more

Chapter 32

Elara PovExcited na nakatayo ako sa arrival area sa airport at nakahawak sa bakal na harang. Tumawag kagabi ang mama ko at ipinaalam niya sa akin na ngayon ang flight nila pabalik sa bansa namin. Excited akong makita ang papa ko na sabi ng mama ko malakas na at bumalik na ang dating sigla.Maaga akong nagpunta sa airport para sunduin sila at ihatid sa bahay nila, ang dati naming bahay kung saan ako lumaki. Halos isang oras lamang akong naghintay bago ko natanaw ang mga magulang ko na naglalakad palapit sa arrival area."Mama! Papa! Here!" nakangiting kumaway ako sa kanila para makuha ko ang pansin nila at madali nila akong makita. Narinig ng mama ko ang boses ko kaya inilibot niya ang mga mata niya sa mga taong naghihintay sa pagdating ng kanilang mga love ones hanggang sa nakita niya ako. Maluwang na napangiti ang mama ko. Itinuro niya ako sa papa ko at sabay silang kumaway sa akin. Ilang saglit pa ay nasa harapan ko na sila. "I miss you, Mama. I miss you, Papa," madamdamin kong pa
last updateLast Updated : 2025-02-23
Read more

Chapter 33

Elara Pov"O bakit bigla kang nakipagkita sa akin, bestie? Namiss mo na ba ako agad? Kahapon lang ay magkasama tayo sa office tapos miss mo na ako agad?" natatawang tanong sa akin ni Liam nang maupo siya sa bakanteng upuan na katapat ko. Sa loob ng coffee shop na nasa loob ng mall ako nakipagkita sa kanya. Malapit lamang dito ang bahay niya kaya in-orderan ko na rin siya ng coffee habang hinihintay ko ang pagdating niya."You're right. I miss you that's why I called you here," nakangiting sagot ko sa kanya. Ibinigay ko sa kanya ang coffee na in-order ko para sa kanya. Hindi ko na lang binanggit ang tungkol sa hinala kong pulang kotse na sumusunod sa akin dahil ayokong mag-alala siya. Masyado pa naman siyang exaggerated. Tiyak na mas matatakot ako kapag nakarinig ako ng mga exaggeration mula sa kanya."How's your parents? Okay lang ba sila? Malusog na ba ang Papa mo?" tanong nito habang sumisipsip sa straw ng coffee.Nakangiting tumango ako sa kanya. "My Dad is fine. Gusto nga ni Papa
last updateLast Updated : 2025-02-23
Read more

Chapter 34

Elara PovPaglabas ko ng mall ay agad akong naglakad papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse ko. Hindi pa ako gaanong nakakalayo sa entrance ng mall nang bigla na lamang may batang lumapit sa akin at binaril ako sa mukha ng hawak nitong water gun pagkatapos ay natatawang tumakbo ito palayo sa akin. Inis na kumuha ako ng dry tissue sa loob ng bag ko at pinunasan ang nabasa kong mukha."Great! My day is really great! Na-met ko ngayon ang manyakis, playboy at over confident na boyfriend ng kaibigan ko tapos ngayon naman ay napagtripan ako ng batang iyon na barilin ng water gun niya," nanggigigil sa inis na sabi ko sa sarili ko. Who knows kung saang kanal kinuha ng batang iyon ang tubig na inilagay nito sa kanyang water gun?Matapos tuyuin ng tissue paper ang mukha ko ay ipinagpatuloy ko na ang paglalakad papunta sa parking lot. Malapit na ako sa kotse ko nang isang batang babae naman ang lumapit sa akin at kinausap ako."Ipinabibigay ito sa'yo, Miss," sabi sa akin ng bata.
last updateLast Updated : 2025-02-23
Read more

Chapter 35

Elara PovPagpasok ko sa trabaho ay walang nakapansin sa aking sugat dahil lahat sila ay busy sa kani-kanilang mga ginagawa. Ngunit nang malaman ni Liam na dumating na ako ay agad siyang nagtungo sa opisina ko para kausapin ako. Agad niyang napansin ang gasgas ko sa noo at pisngi."My goodness, Elara! What to your face?" nagtatakang tanong nito na may halong pag-aalala. "Magkasama pala lamang tayo kahapon at wala ka namang ganyan tapos makikita kitang may bangas sa mukha. Nakakasira sa beautiful face mo, bestie. Tell me. Ano ba ang nangyari at nagkaroon ka niyan?""It's a long story," tinatamad na sagot ko sa kanya.Kumuha ng upuan si Liam at dinala sa aking tabi pagkatapos ay naupo at seryosong tumingin sa akin. "I have a lot of time to listen to your story, my dear. So umpisahan mo na ang paliwanag mo dahil ikaw ang mauubusna ng time kapag hindi ka pa nag-umpisa."Alam ko na hindi ako titigilan ni Liam sa kakatanong kung ano ang nangyari sa mukha ko kaya wala akong choice kundi sabi
last updateLast Updated : 2025-02-24
Read more

Chapter 36

Elara PovTinatamad akong pumasok today. Hindi ko akalain na darating ang araw na makakaramdam ako ng ganito. Samantalang kahit araw ng Sabado ay pumapasok ako sa opisina kapag may importanteng trabaho na dapat asikasuhin. Ngayon pa na masyadong mahalaga ang trabaho na dapat kong asikasuhin dahil dito nakasalalay ang pag-expand ng kompanya namin.Kahit tinatamad na bumangon sa kama ay pinilit ko pa rin ang sarili ko na bumangon para maligo. Hindi ako gumamit ng heater sa pagligo gaya ng madalas kong ginagawa. Hinayaan ko ang malamig na tunig na manuot sa katawan ko para magising ang bawat himaymay ng tinatamad kong katawan.Pagkatapos kong maligo ay napreskuhan ang katawan ko. Nakatulong ang pagligo ko ng malamig na tubig para mabawasan ang nakakatamad na pakiramdam. Agad kong tinuyo ang buhok ko gamit ang dryer pagkatapos ay nagbihis at lumabas na sa aking silid. Pagbukas ko sa pintuan ay nagulat ako nang makita ko si Alexander na nasa tapat ng pintuan at tila nagdadalawang isip kun
last updateLast Updated : 2025-02-24
Read more

Chapter 37

Elara PovKanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko. Paano ba naman kasi ako mapapakali kung palaging nakatingin sa akin si Henry. Sobrang lagkit kung makatingin siya sa akin. Hindi man lang nahiya sa mga empleyado ko at ng boyfriend niya na nasa harapan namin. Paano na lang kung may makahalata sa kakaibang mga titig niya sa akin? Baka isipin ng anim na empleyado namin na may something sa aming dalawa at gumagawa kami ng milagro sa likuran ng kaibigan ko."Stop drinking, Liam. Gusto mo bang gumapang pauwi sa bahay mo?" Pinigilan ko ang kaibigan ko nang muli itong uminom ng alak sa baso nito. Dinner lang ang plano namin ngunit nang dumating si Henry ay nag-suggest na ituloy sa bar ang celebration. Weekend bukas kaya walang pasok, puwede raw silang tanghali gumising. Sinang-ayunan ng mga empleyado pati na rin ni Liam ang sinabi ni Henry kaya no choice ako kundi ang sumama na lang din sa kanila."Don't worry, beshy. I can handle myself," nakangiting sagot sa akin ni Liam. Halatadong
last updateLast Updated : 2025-02-26
Read more

Chapter 38

Elara Pov"Damn! I should have limped that asshole!" nagngangalit ang mga ngipin na wika ni Alexander habang ginagamot ang sugat sa aking mga labi. Nasa loob na kami ng kuwarto ko ngayon. Binuhat niya ako papasok sa bahay at papunta sa aking silid. Hindi ako tumutol dahil pakiramdam ko ay nanghihina ang buo kong katawan habang nanginginig. Hindi ko nga alam kung paano ako nakapag-drive at nakauwi sa bahay nang ganito ang kalagayan. Siguro survival instinct ang nangyari. Gusto kong makalayo at makaligtas kaya nagawa kong makapag-drive kanina."What do you mean?" Siya ba ang nagligtas sa akin kanina sa mga kamay ni Henry? Ang katanungan sa isip ko ay agad nasagot nang magsalita si Alexander."Ang bar kung saan kayo uminom ay pag-aari ni Edzel. Pagpasok niyo pa lang sa bar ay nakita ko na agad kayo dahil nakaupo ako sa sulok bahagi ng bar ngunit nakaharap sa entrance na pintuan. Nakita ko ang ginawa sa'yo ng lalaking iyon sa mesa. Malagkit siyang tumitig sa'yo kaya nahuhulaan kong may g
last updateLast Updated : 2025-02-26
Read more

Chapter 39

Elara PovOne week akong hindi muna nagpakita sa office dahil tiyak na magtataka ang mga tao sa kompanya kapag nakita nilang may putok ang aking mga labi. Para sa reputasyon ng kaibigan ko ay mas mabuting hindi malaman ng mga employee namin ang ginawa sa akin ng kanyang ex-boyfriend.Kagaya ng iniisip ko ay humingi ng tulong si Henry kay Liam para makalabas ng kulungan. Humingi ito ng pam-piyansa para sa kasong attempted rape na isinampa ko sa kanya sa tulong na rin ni Alexander. Ngunit hindi ito tinulungan ng kaibigan ko. And speaking of Alexander, nitong mga huling araw ay napapansin ko ang pag-iwas niya sa akin. Matapos niya akong tulungan na masampahan ng kaso si Henry ay parang bigla na siyang dumistansiya sa akin. Katulad kanina, paglabas niya sa kuwarto niya ay nakita niya akong palabas naman sa kuwarto ko. Babatiin ko na sana siya ngunit mabilis siyang naglakad palayo na para bang may nakakahawa akong sakit at ayaw niyang mahawa siya. Baka ayaw niyang mapalapit sa akin dahil
last updateLast Updated : 2025-02-26
Read more

Chapter 40

Elara PovHindi ko na inabala si Alexander nang malaman kong nasa kanyang silid na siya at nagpapahinga. Naisip ko na lang na bukas ng umaga ko na lamang siya kakausapin at hihingi ako ng sorry dahil naghintay siya sa akin ng matagal para makasama akong mag-dinner pero hindi ako dumating. Although may kasalanan din naman siya dahil hindi niya sinabi sa akin ang tungkol doon kaya hindi agad ako nakauwi. Siguro gusto rin niya akong surpresahin dahil siya ang nagluto ng dinner sana namin.Akala ko ay makakausap ko siya kinabukasan ngunit pagkagising ko ay wala na siya. Maaga raw umalis sabi ng maid. Nakaramdam ako ng disappointment. Maaga na nga akong gumising para maabutan ko siya sa bahay pero mas maaga pa pala siyang nagising kaysa sa akin kaya nakaalis siya nang hindi man lang kami nakakapag-usap.Alam ko na masama ang loob ni Alexander sa akin kaya nagpatulong ako kay Miguelino na mag-bake ng maliit na cake para kay Alexander. Balak ko siyang puntahan sa kompanya niya at surpresahi
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more
PREV
1234567
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status