All Chapters of Contract Marriage With My Bully Groom: Chapter 41 - Chapter 50

67 Chapters

Chapter 41

Elara Nakakuyom ng mahigpit ang aking mga kamao habang nakatingin kay Dario na nakangiti sa akin. Kung makapagsalita siya ay parang wala siyang kasalanan na ginawa sa akin noon."Bakit mo ako sinusundan nang araw na iyon?" prankang tanong ko sa kanya. Hindi ko na kailangan pang magpaligoy-ligoy dahil natitiyak ko na alam nito kung ano ang ibig kong sabihin."Of course, that is to know where you live. Ang tagal kong walang balita sa'yo, Elara. Kaya nang sa wakas ay nakita kita ay hindi na kita hiniwalayan," sagot nito pagkatapos ay naglakad palapit sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya ng malakas. "Para iyan sa ginawa mo sa akin noon. You just don't know but you're one of the people who ruined my life." Yes. I considered my life to be ruined by what happened before. Dahil ipinagkait nila sa akin ang maranasan at mamuhay ng na tulad ng isang normal na tao. Iyong hindi natatakot na humarap sa maraming tao, makihalu-bilo at makipagsaya."I will consider that slap
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter 42

Elara Bigla akong namutla sa aking nakita at nabitawan ko ang box na pinaglalagyan ng doll na walang ulo at nakasuot ng black wedding dress habang nakukulapulan ng maraming dugo. Bigla akong napatingin sa paligid ko para tingnan kung may tao bang kahina-hinala na nakatingin sa kotse ko. Wala naman. Isinandal ko ang likuran ko sa sandigan ng upuan at ipinikit ang mga mata, pilit na kinalman ko ang aking sarili.Matapos kong pakalmahin ang sarili ko ay binuhay ko na ang makina ng kotse at pinaandar papunta sa office ko. Dinala ko sa loob ng office ko ang box at ipinakita kay Liam. Napatili ito nang buksan ko ang box at nakita kung ano nasa loob niyon."What the heck, Elara! Are you crazy? Bakit ka bumili ng ganyan klaseng laruan? It's very creepy!" hintakot na bulalas na Liam, napaatras pa ito ng ilang dipa na para bang mabubuhay ang doll at lilipad papunta sa kanya."Hindi ko binili ang doll na ito, bestie. Someone gifted this to me," pagtatama ko sa maling iniisip niya. "At sa tingi
last updateLast Updated : 2025-02-28
Read more

Chapter 43

ElaraPagmulat ko ng mga mata ay ang puting kisame ang una kong namulatan. Agad na pumasok sa isip ko kung ano ang nangyari bago ako nawalan ng malay. May tinulungan akong matandang lalaki na nagtutulak ng pushcart nito na may kargang grocery items. Walang pag-aalinlangan na nilapitan ko siya para tulungan ngunit hindi ko inaasahan na may masama pala siyang balak sa akin. Nasaksak na niya ako bago pa man ako makailag. Pero ano ang kasalanan ko sa kanya? Bakit nais niya akong patayin?Gumalaw ako at sinubukan kong bumangon ngunit bigla akong napaungol nang maramdaman ko ang sakit kung saan ako tinamaan ng kutsilyo ng lalaking iyon. Nang marinig ng mga tao sa loob ng private room na kinaroroonan ko ay agad silang napalapit sa akin."Thank God! You're finally awake! Akala ma-tsu-tsugi ka na," wika ni Liam sa tonong nagbibiro ngunit obvious namang katatapos pa lamang nitong umiyak dahil namumula pa ang mga mata at mamasa-masa ang mga talukap nito."I'm still alive," hindi makapaniwalang
last updateLast Updated : 2025-03-01
Read more

Chapter 44

ElaraUmiiyak na niyakap ako ng Mama ko nang dumating sila sa hospital ni Papa kasama si Liam. Si Sam ang angbabantay sa akin dahil kailangan si Alexander sa kompanya nito. Kaya kahit ayaw nitong maiwan ako sa silid na tanging si Sam ang kasama ay napilitan pa rin itong iwan ako. Ngunit bago ito umalis ay tinapunan nito ng nagbabantang tingin si Sam na para bang sinasabi nito sa huli na huwag itong gagawa ng kahit ano laban sa akin dahil ito ang makakalaban ni Sam. "Okay lang po ako, Mama. Nadala agad ako sa hospital ni Liam kaya naagapan ang paglala ng sakit ko," sabi ko kay Mama para hindi na siya mag-alala. Si Papa naman ay tahimik lamang na nakatingin sa akin ngunit batid kong katulad ni Mama y labis din siyang nag-aalala sa akin. "Maraming salamat sa pagligtas mo sa buhay ng anak ko, Liam. Laking pasasalamat ko na palagi kang nandiyan sa tabi ni Elara sa oras na kailangan ka niya," sinserong pasasalamat ni Mama sa kaibigan ko.Nakangiting niyakap saglit ni Liam ang Mama ko at
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more

Chapter 45

Elara"Akala ko sa bahay ng mga magulang mo ka uuwi at hindi sa bahay ko. Bakit hindi alam ng mga magulang mo na kasal tayong dalawa? Wala ba sila sa simbahan nang ikinasal tayo?"Pagpasok ko pa lamang sa pintuan ay agad na akong sinalubong ni Alexander ng mga katanungan. Seryoso ang mukha nito at mukhang hindi ito papayag na hindi ako magpaliwanag sa kanya.Magmula nang dumalaw siya sa akin sa hospital at nagkataong naroon din ang mga magulang ko ay hindi na siya muling dumalaw sa akin. Sadyang hindi ko siya pinapunta dahil hindi umalis sa tabi ang aking ama. Mukhang sinisigurado nito na hindi na ako madadalaw pa ni Alexander. Tinanong ko ang aking ama kung bakit tila mabigat ang loob nito kay Alexander at ang tanging sagot lamang nito ay hindi nito gusto ang lalaki. Pinagbawalan niya ako na makipaglapit kay Alexander. Siguro kung hindi boss ko ang pagkakaalam ni Papa sa kanya ay tiyak pagbabawalan din niya akong kausapin ito. Paano na kaya kapag nalaman nito ang totoo tungkol sa am
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more

Chapter 46

Elara Paghinto ng kotse ni Liam sa tapat ng building ng kompanya ni Alexander ay agad akong huminga ng malalim para palakasin ng loob ko at pawiin ang kaba sa aking dibdib. Ngayon ang araw kung saan maglalaban-laban ang mga bidders para sa makakakuha ng contract na siyang gagawa sa bagong uniform ng kompanya nito. If before ay more than one thousand lamang na piraso ang kailangan nila ngayon ay mahigit thirty thousands na mga uniform na ng mga empleyado ang kailangan nila. Dahil lahat ng branches o subsidiary ng kompanya nito ay nagdesisyon na sumabay na rin sa pagbabago ng uniforms ng kanilang mga empleyado bilang pakikiisa sa anniversary ng Reed Conglomerate. Nagkalat ang subsidiary ng kompanya nito kaya naman umabot sa mahigit thirty thousand ang mga bagong uniform na kailangan nila."Are you sure kaya mo nang humarap sa maraming tao, Elara? For sure, mapo-pokus ng atensiyon nilang lahat sa atin kapag tayo na ang magpi-present sa product natin," nag-aalalang tanong sa akin ni Li
last updateLast Updated : 2025-03-06
Read more

Chapter 47

ElaraHabang nagsasalita si Liam sa in front and presenting our samples ay nasa gilid lamang ako at nagha-handle ng laptop para makita sa malaking screen ang inihanda naming presentation. Kinakabahan man ako ngunit pilit kong itinatatak sa utak ko na mag-isa lamang ako sa loob ng silid at walang mga matang nakatingin sa akin, though hindi naman talaga sila sa akin nakatingin kundi sa screen at sa kaibigan ko.Para hindi ako ma-awkward ay hindi ko rin tinapunan ng tingin si Alexander. Ngunit ramdam ko ang kanyang mga titig sa akin kahit na hindi ako nakatingin sa kanya."That was excellent! Your concept and ideas are great," nakangiting komento ng isa sa mga board of directors habang pumapalakpak matapos ang presentation ni Liam. Halatado sa mukha nito na na-impress siya sa samples na ginawa namin. Hindi lang siya ang natuwa kundi pati na rin ang iba pang board of directors. Kahit ang ibang bidders na kalaban namin ay na-impress din sa samples namin. Ngunit may kasabihan nga tayo na "Y
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more

Chapter 48

ElaraNagkagulo sa loob ng meeting room dahil sa biglang pagsuntok ni Alexander sa mukha ni Mr. Tuvera. Hindi yata nito natiis ang kabastusan sa bibig ng matandang iyon kaya hindi ito nakapagpigil sa sarili at nasuntok ng malakas ng bastos na matanda."Matanda ka na ngunit napakabastos ng bibig mo, Mr. Tuvera! Hindi kailangan ng kompanya ng isang board of directors na bastos at walang galang!" galit na wika ni Alexander nang sa wakas ay nagpaawat ito sa mga taong umaawat sa kanya."Bakit ka nagagalit, Alexander? Dahil totoo ang mga sinabi ko tungkol sa kanya? Dahil ginagamit niya ang katawan niya para iangat ang kanyang sarili? She's a whore. Kaya hindi mo siya dapat na tinutulungan," sabi ulit ni Mr. Tuvera. Mukhang hindi ito nasaktan sa mga suntok ni Alexander kaya nais pa nitong magpasuntok na agad namang ibinigay ng huli.Muling inundayan ng malakas na suntok ni Alexander ang mukha ni Mr. Tuvera kahit na dumudugo na ang ilong nito. At dahil tila hindi na magpapaawat si Alexander s
last updateLast Updated : 2025-03-09
Read more

Chapter 49

ElaraPagkatapos ng imbestigasyon na isinagawa ni Alexander ay napatunayan na sadyang kinopya ni Mr. Chua ang aming design para masira ang pangalan ng maliit naming kompanya at ma-disqualify kami sa biddings. Nang i-check namin ang record ng CCTV sa loob ng kompanya ay may nakita kaming babae na pasimpleng lumapit sa mesa ko at pinakialaman ang aking computer at ninakaw ang design namin ni Liam na nakita nito sa files. Hindi lang ito isa kundi dalawa silang babae na nagpanggap na clients namin. Isa ang sadyang inilayo ang atensiyon ko sa computer ko habang ang isa ay sumilip sa laman ng computer ko, kaya nagawa nilang manakaw ang aming designs. Ipinahanap ni Alexander sa mga pulis ang dalawang babae na nakita namin sa CCTV ngunit hindi na sila mahagilap na para bang naglaho na lamang sila na parang bola.Si Mr. Tuvera ay napilitang ibenta ang shares nito kay Alexander kapalit ng hindi na pagdedemanda ng huli sa datjng board of directors na napatunayang kasabwat pala ni Mr. Chua. An
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more

Chapter 50

Elara Nang pagbalikan ako ng malay ay nakahiga na ako sa hospital bed habang binabantayan ni Alexander. Agad na lumarawan sa mukha nito ang galak nang makitang gising na ako."Thank goodness, you're awake, Elara!," bulalas ni Alexander. Agad nitong hinawakan ang kamay ko at dinala sa mga labi. "Labis akong nag-alala sa'yo. Kung hindi ako dumating ay tiyak may masama nang nangyari sa'yo."Nagulat ako sa matinding pag-aalala na nakita ko sa mukha ni Alexander. Aaminin ko na nakadama ako ng kasiyahan sa pag-aalala niya ngunit hindi ko iyon gaanong pinagtuunan ng pansin. Hindi ito ang time para kiligin. "Si Liam? Nasaan ang kaibigan ko? Okay lang ba siya?" nagpapanic ang boses na tanong ko kay Alexander ng sunud-sunod matapos kong bawiin sa kanya ang kamay kong hawak niya."Don't worry. He's fine now. Nasa kabilang silid siya at nagpapagaling. Magpagaling ka rin dahil—"Nang malaman kong nasa kabilang silid lamang ang kaibigan ko ay hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi ni Alexander at
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more
PREV
1234567
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status