Elara"Ang ganda naman ng ngiti mo, beshy. May maganda bang nangyari sa buhay mo kaya ganyan na lamang kaganda ang mood mo?" Hindi napigilan ni Liam ang mag-usisa sa akin nang pagpasok niya sa opisina ko ay naabutan niyang malawak ang ngiti na nakapskil sa aking mga mata.Hindi ko kasi maiwasan ang mapangiti kapag naaalala ko ang mga nangyari nitong nakaraang tatlong araw. In instant ay mas naging malapit kami ni Alexander sa isa't isa. Naging sweet din siya sa akin. Natatawa nga at kinikilig ang mga maid sa pagiging sweet ni Alexander sa akin. Magmula nang may nangyari sa aming dalawa ay sa silid na niya ako natutulog tuwing gabi. At gabi-gabi ay nagsasalo kami sa tamis ng pag-iisa ng aming mga katawan. Sa silid lamang niya ako natutulog ngunit ang mga gamit ko ay nasa silid ko pa rin. Malapit lang naman ang mga silid namin kaya nagdesisyon ako na huwang nang ilipat sa silid nito ang mga gamit ko. Ngunit gayunpaman ay ramdam ko na tunay na nga kaming mag-asawa ngayon."Masyado bang
ElaraMahigpit ang pagkakayapos sa leeg ni Alexander ng babae na para bang namis niya ng labis ang asawa ko. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko. Gagawa ba ako ng ingay para ipaalam sa kanila ang presensiya ko o tatalikod na lamang ako at babalik sa labas? Nakakaramdam kasi ako ng paninikio ng dibdib dahil may ibang babaeng kayakap ang asawa ko. Ngunit hindi pa man ako nakakapagdesisyon kung ano ang gagawin ko ay biglang napatingin sa kinatatayuan ko si Alexander."Nandito ka na pala, Elara. Come here. I will introduce you to my little sister," nakangiting sabi niya sa akin nang pakawalan nito ang babae.Nagulat ako nang nalaman kong nakababatang kapatid pala niya ang babaeng nakayakap sa kanya. Mabuti na lamang hindi ako gumawa ng eksena dahil tiyak na napahiya lamang ako sa harap ng magkapatif. Nakakahiya. Hindi magiging maganda ang first impression sa akin ng kapatid ni Alexander.Nakangiting lumingon sa akin ang kapatid ni Alexander at agad na nilapitan ako."Hi, Elara. I'm R
ElaraUmalis ako ng bahay at nagtungo sa bahay ng kaibigan ko. Wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko kaya ang bigat-bigat ng dibdib ko. Hindi ko naman puwedeng sabihin kay Rona ang pinag-usapan namin ni Papa lalo na kay Alexander. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong mararamdaman niya kapag nalaman niyang nagtungo sa bahay niya ang mga magulang ko para pag-usapan ang pakikipag-divorce ko sa kanya.Sa bahay ni Liam ako nagtungo dahil wala naman pasok sa office ngayon. Kung hihintayin ko pa na dumating ang Monday para makausap ko siya at mailabas ang bigat na nasa loob ng dibdib ko ay baka bigla na lamang itong sumabog kapag hindi ko na napigilan.May susi ako sa bahay ni Liam kaya hindi na ako kumatok. Ginamit ko na lamang ang susi ko para makapasok sa loob. Katulad ko ay may spare key rin siya sa bahay ko kaya kapag gusto niyang magtungo sa bahay ay hindi na rin niya kailangan pang kumatok.Pagbukas ko ng pintuan ay agad na napakunot ang aking noo nang maamoy ko ang amoy-alak sa
Elara Tahimik lamang ako habang naghahapunan kami nina Alexander at Rona. Nakikita kong pasulyap-sulyap sa akin ang magkapatid ngunit hindi naman sila nagtatanong sa akin. Pagkatapos naming kumain ay nag-excuse agad ako at umakyat sa silid ko. Sa silid ko ako nagtungo at hindi sa silid ni Alexander. Ilang minuto pa lamang akong nakakapasok sa silid ko nang marinig ko ang sunud-sunod na katok sa pintuan. Ini-expect ko na si Alexander ang kumakatok kaya hindi na ako nagulat nang mapagbuksan ko siya ng pintuan. Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pintuan at hinayaan siyang pumasok sa loob bago ito isinara. "What's the problem, Elara? Kanina ko pa napapansin na sobrang tahimik mo? Ni hindi ka nga nagsalita habang kumakain tayo kanina. Hindi mo kami pinansin ni Rona na para bang wala kang nakikitang tao sa paligid," ani Alexander pagkapasok niya sa silid ko. "Tell me what's the problem. Haharapin natin iyon ng magkasama." Huminga ako ng malalim at tinitigan siya sa mata. "Nagpunta r
ElaraTahimik ang gabi at manaka-naka na lamang ang mga nagdaraang sasakyan sa kalsada. Malalim na rin ang tulog ko at ang tunog ng mangilan-ngilang sasakyan na nagdaraan sa kalsada ay hindi nakakagambala sa mahimbing kong pagtulog. Medyo malapit kasi sa highway ang bahay ko kaya hindi puwede na hindi maririnig mula sa labas ang tunog ng mga sasakyan sa labas.Habang mahimbing ang tulog ko ay bigla na lamang akong nagising na para bang may gumising sa akin. Agad kong sinipat ang oras sa cellphone ko na nakalagay sa gilid ng unan ko. Pasado alas dos ng madaling araw na pala. Wala pang eight ng gabi ay natulog na ako, pinilit palang matulog ang sarili ko para makapagpahinga ako sa pag-iisip kay Alexander.Maingat akong bumangon sa kama para lumabas sa silid ko. Nakaramdam kasi ako ng uhaw at maalinsangan ang paligid kaya siguro ako nagising. Kumuha ako ng isang baso ng malamig na tubig sa refrigerator at sinaid ang laman. Nabawasan ang alinsangan sa katawan ko nang maramdaman ko ang p
Elara "Elara! Elara!"Bigla akong napabalikwas sa higaan nang marinig ko ang malakas na boses ng nag-aalala kong kaibigan sa labas ng pintuan ng bahay ko. Kahit na inaantok pa ako dahil halos mag-umaga na nang sa wakas ay inantok ako ay bumangon pa rin ako sa kama at pinagbuksan ang kaibigan ko."It's too early— Naudlot ang sasabihin ko nang bigla akong niyakap ni Liam ng mahigpit pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan."I'm glad you're okay. I'm sorry I just came now. Kagigising ko lang kasi kaya kababasa ko pa lang sa text mo. Nang mabasa ko ang message mo ay agad kitang pinuntahan," sabi niya sa akin habang nakayakap ng mahigpit. "I'm okay. Pero hindi ako ngayon kasi gusto mo nang durugin ang mga buto ko," hindi ko napigilan ang magreklamo sa kanya.Agad naman niya akong pinakawalan at hinila papasok sa loob ng bahay at iniupo sa sofa."Nakilala mo ba kung sino ang taong nagtangkang pumasok sa bahay mo kagabi?" muling tanong nito, bagama't kalmado na ito ay nasa tinig pa rin ang
Alexander "Huwag mo akong pakialaman, Edzel! Wala kang pakialam sa akin! Hayaan mo akong uminom. Gusto kong malasing, okay?" Tinabig ko ang kamay ng kaibigan ko nang akmang aagawin niya ang bote ng beer na hawak ko. It's been three days magmula nang umalis sa bahay si Elara at hanggang ngayon ay hindi pa kami nakakapag-usap. Hindi niya sinasagot ang mga tawag at messages ko sa kanya. Pinuntahan ko siya sa kompanya nila ngunit ang sabi ni Liam ay naka-leave daw ang kaibigan nito. Ayaw naman naman niyang sabihin sa akin kung saan ang bahay ni Elara kaya hindi ko siya mapuntahan kung nasaan man siya ngayon. Pakiramdam ko ay pinagtataguan niya ako.Natatakot ako. Natatakot ako na baka pagbalik niya sa bahay ay may dala na siyang divorce papers. To hell with that divorce paper. Ayokong makipag-divorce sa kanya. Inaamin ko sa sarili ko na mahal ko na siya. Ngunit gusto ng mga kanyang ama na makipag-divorce siya sa akin. I know, dahil ito sa ginawa ko sa kanya noon na ngayon ay pinagsisiha
ElaraAlam kong lasing si Alexander at baka nanaginip siya kaya niya ako hinalikan ngunit hinayaan ko siya sa ginagawa niya. Hindi ko lang siya hinayaan kundi tinugon ko pa ng buong puso ang kanyang mga halik. I missed him so much. At ngayon ay natutugunan ang pananabik ko sa kanya."Uuhmm," hindi ko napigil ang mapaungol sa pagpasok ng dila niya sa aking bibig at ekspertong nilaro ang aking dila na natuto na ring makipaglaro sa dila niya.Naramdaman ko ang pagpasok ng isang kamay niya sa loob ng suot kong blouse at sinapo ang dibdib kong natatabingan pa ng bra. Gumalaw ang kamay nito sa loob ng damit ko at minasahe ang dibdib ko. Hindi siguro ito nakuntento kaya may pagmamadaling hinubad nito ang suot kong blouse at isinama na ang suot kong bra. Tumitig ako sa mukha ni Alexander dahil parang hindi siya lasing kung kumilos. Para bang alam na alam niya ang kanyang ginagawa. Ngunit nakapikit ng mariin ang mga mata nito kaya hindi ko alam kung nagtutulog-tulugan lang ba siya at kunwari
Elara Nagising ako sa loob ng isang silid at nakahiga sa malamig na sahig habang nakatali ang mga kamay at paa ko. Kahit na hirap ay agad akong bumangon. Napakunot ang noo ko nang makita kong hindi lang pala ako nag-iisa sa silid na iyon. Dahil katulad ko ay nasa silid din si Hannah at nakatali ang mga kamay at paa habang nakahiga sa sahig. Walang malay pa ito kaya hindi nito alam ang sitwasyon nito ngayon. Gamit ang puwit ay lumapit ako kay Hannah at malakas na niyugyog ang mga balikat niya para magising siya. Ilang saglit pa ay nagmulat na ito ng mga mata. Agad na nanlaki ang mga mata nito at galit na tinapunan ako ng tingin nang makitang nakagapos ang mga paa at kamay nito. "How dare you kidnap me, Elara! Release me now, or else I will let your whole family be imprisoned!" galit na sigaw nito sa akin. Malakas na tinampal ko siya sa braso sa inis. "Una, wala akong pamilya na maipapakulong mo kasama ko dahil patay na ang mga magulang ko. Pinatay sila last week lamang. Pangala
ElaraMatapos bumalik ang lakas ko ay nagpasama ako kay Liam para bisitahin ang puntod ng mga magulang ko. Muli, hindi ko napigilan ang mapahagulgol sa harap ng kanilang puntod. Ang sakit at bigat sa dibdib na wala na sila. Parang ngayon pa lang masyadong nagsi-sink in sa isip ko na wala na talaga sila. Na kahit kailan ay hindi ko na sila makikitang buhay at mayayakap ng mahigpit.Mas madali ko sigurong matatanggap na wala na ang mga magulang ko kung pareho silang namatay sa sakit o di kaya ay sa aksidente. Ngunit ang kaalaman na pinatay sila at pinilit nilang lumaban para mailigtas ang kanilang buhay ay nagpapahirap sa akin na tanggapin ang katotohanan na iniwan na nila ako."Tahan na, Beshy. Baka kung mapaano ka naman dahil sa labis na pag-iyak," awat sa akin ni Liam habang marahang hinahagod ng palad niya ang likuran ko.Pinahid ko ang aking mga luha at binigyan ng isang malungkot na ngiti ang kaibigan ko. "Don't worry, Bestie. Hindi na mauulit ang nangyari sa akin.""You can cry,
ElaraMasakit mang tanggapin ang nangyari sa mga magulang ko ay pilit ko iyong tinanggap. Hindi ako gagaling at babalik sa normal kung hindi ko ma-overcome ang trauma ko sa pagkamatay ng mga taong pinakaimportanteng tao sa sa akin. Ito na ang pangalawang beses na nagkaroon ako ng trauma. At parehong connected kay Alexander ang aking mga nagiging trauma. Hindi na dapat nagtagpo ang mga landas naming dalawa. Baka hanggang ngayon ay buhay pa rin ang mga magulang ko."Kumain ka, Beshy. Naglugaw ako para sa'yo. Sabi kasi ng doktor ay huwag ka munang pakainin ng matitigas na pagkain kaya pagtiyagaan mo na lamang ang niluto kong lugaw. "Dinala ni Liam sa bedside table ang dala nitong lugaw at isang baso ng tubig. Nakikita ko sa kilos at pagsasalita ng kaibigan ko na nais nitong maiyak ngunit pinigilan nito ang sarili. Siya na lamang ang kinakapitan ko. Kung katulad ko ay magbi-breakdown din siya ay sino na ang mag-aasikaso sa akin? Napakalaki ng utang na loob ko kay Liam. May sarili siyan
Elara Tulala ako habang nakahiga sa aking kama. Sa tabi ng kama ko ay nakaupo si Liam na hindi malaman kung ano ang gagawin. Magmula nang pagbalikan ako ng aking malay ay hindi pa ako nagsasalita. Pakiramdam ko bigla akong nawalan ng kakayahang magsalita. Hindi ko mahagilap ang boses ko kahit na gusto kong magsalita, humagulgol at sumigaw ng malakas. Paggising ko ay nakaupo na sa gilid ng kama ko ang aking kaibigan at marahang hinahaplos ang aking buhok. Halatado na katatapos pa lamang nitong umiyak. Siguro ay tumawag siya sa akin at nang hindi ko sinasagot ang tawag niya ay nagpunta na siya sa bahay ng mga magulang ko para alamin kung bakit hindi ko sinasagot ang tawag niya. At malamang nang dumating siya ay nalaman niya mula sa mga taong nag-uusyuso kung ano ang nangyari sa mga magulang ko. "Magsalita ka naman, Beshy. Huwag ka namang ganyan. Tinatakot mo ako," kausap sa akin ni Liam. Bahagyang nag-crack ang boses nito sanhi ng pagpipigil nitong umiyak. "Ano na ang gagawin ko magi
Elara Nagliligpit ako ng mga gamit ko sa ibabaw ng table ko at naghahanda para umuwi sa araw na iyon nang pumasok sa office ko si Liam. Malawak ang pagkakangiti nito nang maupo ito sa upuan na nasa harapan ng table ko. "What is it again this time? Malawak ang ngiti mo kaya natitiyak ko na may plano ka naman para sa akin, right?" Inunahan ko na siya. Kapag ganito kasi ang kilos niya pagpasok sa office ko ay tiyak may balak na naman itong gawin. "Don't worry, Beshy. This time, wala akong balak na iset-up ka ng date. I just came to follow-up," nakangiting sagot nito sa akin. Tumaas ang kilay sa sinabi niya. "Follow-up? For what?" Ano naman ang ipa-follow-up niya sa akin? "It's about my friend Rex. So, what do you think of him?" Nagkibit ako ng balikat. "Okay lang siya. Maayos naman siyang kausap. Gentleman siya at hindi bastos." "That's it? Wala ka nang ibang sasabihin pa tungkol sa kanya?" tanong ni Liam na biglang nalukot ang ilong nang marinig ang sinabi ko. "Wala ka bang
Elara Matapos kong ipagtabuyan si Alexander ay hindi na ulit siya nagpunta sa bahay ng mga magulang ko. Akala ko ay babalik pa siya ngunit hindi iyon nangyari. Aminin ko man o hindi ngunit nakaramdam ako ng disappointment dahil doon. Hindi na rin siya nagtangkang puntahan ako sa kompanya namin. Naisip ko na baka na-realized niyang mabuti nga siguro na magkahiwalay na kami ng tuluyan para walang gulo. "Beshy, may lakad ka ba mamayang gabi?" tanong sa akin ni Liam. Nasa loob kami ng opisina niya at nagmi-meryenda. Breaktime kaya nagkaroon kami ng time na magkuwentuhan. "Wala naman. Bakit?" "Can you come with me?" Nagdududang tinapunan ko siya ng tingin. "Ano na namang kalokohan ang nais mong gawin?" Umirap sa akin si Liam bago sumagot. "Hindi ito kalokohan, girl. May kakilala akong gusto ka niyang makilala. Actually, nakita ka na raw niya ng ilang beses ngunit wala siyang courage na lumapit sa'yo at magpakilala. Kaya hiningi na niya ang tulong ko since alam naman niyang best
Elara Nakahinga ako ng maluwag nang malaman ko mula sa doktor na nag-asikaso kay Alexander na maayos na ang kalagayan niya. Hindi naman grabe ang tinamong pinsala niya sa ulo. Pasalamat din ako nang lumabas ang resulta ng CT Scan nito at hindi nagkaroon ng damage ang utak nito.Nang malaman kong okay na si Alexander at ano mang oras ay magigising na ito ay saka lamang ako nagpasyang umalis ng hospital. Ngunit pinigilan ako ni Edzel nang makita niyang aalis na kami ni Liam."Hindi mo ba hihintayin na magising si Alex bago ka umalis, Elara? Tiyak hahanapin ka niya kapag nagkamalay na siya," sabi ni Edzel sa akin. Alam ko na nais lamang niyang manatili ako sa tabi ni Alexander para magkaroon kami ng pagkakataong makapag-usap. Ngunit nakapagdesisyon na ako na tuluyan ko na siyang lalayuan kaya hindi ko na kailangan na manatili pa sa kanyang tabi."Sabi ng doktor ay ligtas na siya. Nandito naman kayo ni Rona kaya may magbabantay sa kanya," malamig ang boses na sagot ko sa kanya. Pagkatapo
ElaraMagmula nang ni-reject ko sa harapan ng maraming tao ang marriage proposal sa akin ni Alexander ay himalang gumaling ako sa karamdaman ko. Biglang nawala ang aking social phobia. Kung ano-anong paraan na ang ginawa namin noon pero walang epekto. At hindi ko akalain na ang makakapagpagaling lang pala sa akin ay iyong maranasan din ni Alexander ang mapahiya sa harapan ng maraming tao na ako ang may kagagawan.Pinadalhan ko siya ng divorce paper para lubusan na akong makakawala sa kanya. Masakit pero kailangan kong tanggapin na hanggang dito na lang kami. Ilang araw lamang ay bumalik na sa akin ang divorce paper na pirmado ni Alexander. Para lubusang wala na kaming koneksiyon sa isa't isa ay binayaran namin ni Papa ang mga nagastos ng ina ni Alexander sa pagpapagamot kay Papa. Hinintay ko na kasuhan ako ni Alexander sa pag-breach ng contract agreement namin gaya ng sinabi niya sa akin noon ngunit hindi naman niya ako kinasuhan. Siguro ay nagi-guilty pa rin siya dahil kung hindi sa
ElaraSa halip na sa dinner sa isang restaurant ay sa bar ni Edzel ako pinapapunta ni Alexander. May sasabihin daw siya sa akin kaya sa bar na lang daw kami magkita.Alam ko nakita niya ang kotse ko paglabas nila ni Edzel ng bahay kanina ngunit hindi siya nag-abala na tawagan ako at i-confirm kung nasa bahay ba ako. Pero mabuti nga at hindi niya ako tinawagan dahil maririnig lamang niya sa boses ko ang pag-iyak.Tinawagan ko si Liam at pinapunta sa bahay para siyang magmaneho ng kotse ko. Hindi nagtagal ay dumating ito."Bakit need mo ng driver, beshy? May balak ba kayong magpakalasing ni Alexander kaya pinapunta mo ako?" nangiting biro sa akin ng kaibigan ko. Sa malas ay wala itong kaalam-alam sa nangyari."I will treat you dinner," sabi ko sa kanya."Bakit? Hindi ba tuloy ang dinner date ninyo ni Alexander?" nakakunot ang noo na tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot sa halip ay pumasok ako sa kotse ko. "What's wrong, Elara? Nag-away ba kayo ni Alexander kaya parang wala ka sa mood