Alexander Tinungga ko ang lahat ng laman ng bote ng beer na hawak ko na para bang uhaw na uhaw ako at ngayon lamang nakainom ng tubig. Pabagsak na inilapag ko sa bar counter ang bote na mabuti ns lang ay hindi nabasag."Whoah! Relax ka lang, bro! Masyado namng mainit ang ulo mo," saway sa akin ni Edzel nang makita nito ang ginawa ko. "May problema ka na naman ba? Huhulaan ko. Si Elara naman iyan ano?""Yes," walang gatol na sagot ko. Useless magtago sa kaibigan ko dahil kilalang-kilala na niya ako. Alam niya kung kailan ako may problema."Elara again. I think you better divorce her. Kasi magmula nang magpakasal kayong dalawa ay napansin ko na palagi nang marami kang problema nang dahil sa kanya." I don't know kung totoo ba sa loob nito ang suggestion nito o binibiro lamang niya ako pero hindi ko iyon nagustuhan."Pati ba naman iakw, Edzel? Gusto mo rin na makipag-divorce ako kay Elara? Bakit ba lahat kayo ay gusto na magkahiwalay kami?" hindi napigilang himutok ko. "She also wants to
ElaraNagulat ako nang paggising ko sa umaga ay katabi akong lalaki sa kama kaya bigla akong napasigaw ng malakas at binigyan ng sampal ang lalaking katabi ko. Kagigising ko pa lang at medyo malabo pa ang mga mata ko kaya hindi ko agad nakilala na si Alexander pala ang lalaking nakahiga sa aking kama. Nang sa wakas ay nakilala ko siya ay bigla naman akong umusog palayo sa kanya. Kasi bakit siya nakahiga sa kama ko? "Bakit ka nandito sa kama ko? May balak kang masama sa akin?" masama ang tingin na tanong ko sa kanya. Biglang niyakap ko ang aking sarili dahil manipis na pantulog lamang ang suot ko. "Sana tinanong mo muna ako kung bakit nakahiga ako sa kama mo, hindi iyong bigla mo na lang akong sasampalin," naniningkit ang mga matang sagot ni Alexander habang hawak ang nasampal nitong pisngi. Nakaramdam ako ng guilt dahil tama naman siya. Nagtanong sana muna ako bago ako nanampal sa kanya. Wala naman siyang ginawang masama sa katawan ko dahil kung meron at tiyak na mararamdaman ko p
Elara Naalimpungatan ako nang maramdaman ko na may mga matang nakatitig sa akin. Pagmulat ko ng mga mata ko ay nakasalubong ko ang matiim na titig ni Alexander. Biglang itinalukbong ko sa ulo ko ang kumot dahil nakaramdam ako ng pagkapahiya. Ngayon na tapos na ang mainit na pinagsaluhan namin ay saka lamang ako nakaramdam ng pagkapahiya.After our sweet lovemaking ay nakatulog ulit ako kaya hindi ako nakaramdam ng pagkapahiya. Ngunit ngayon na gising na ako at bumalik na aa tamang pag-iisip ay pakiramdam ko gusto ko nang lumubog sa kama. Iniisip ko kasi kung ano na kaya ang tingin niya sa akin ngayon pagkatapos ng nangyari sa amin."Why did you cover your face? Gusto pa kitang panuorin habang natutulog," narinig kong wika ni Alexander. "Bakit nandito ka pa?" tanong ko sa kanya sa halip na sagutin ang tanong niya, nanatili pa rin ang kumot sa aking ulo. Hindi ko yata siya kayang tingnan sa mukha. Sobrang nahihiya ang pakiramdam ko lalo na kapag naaalala ko kung gaano ako kalakas umu
Elara"Ang ganda naman ng ngiti mo, beshy. May maganda bang nangyari sa buhay mo kaya ganyan na lamang kaganda ang mood mo?" Hindi napigilan ni Liam ang mag-usisa sa akin nang pagpasok niya sa opisina ko ay naabutan niyang malawak ang ngiti na nakapskil sa aking mga mata.Hindi ko kasi maiwasan ang mapangiti kapag naaalala ko ang mga nangyari nitong nakaraang tatlong araw. In instant ay mas naging malapit kami ni Alexander sa isa't isa. Naging sweet din siya sa akin. Natatawa nga at kinikilig ang mga maid sa pagiging sweet ni Alexander sa akin. Magmula nang may nangyari sa aming dalawa ay sa silid na niya ako natutulog tuwing gabi. At gabi-gabi ay nagsasalo kami sa tamis ng pag-iisa ng aming mga katawan. Sa silid lamang niya ako natutulog ngunit ang mga gamit ko ay nasa silid ko pa rin. Malapit lang naman ang mga silid namin kaya nagdesisyon ako na huwang nang ilipat sa silid nito ang mga gamit ko. Ngunit gayunpaman ay ramdam ko na tunay na nga kaming mag-asawa ngayon."Masyado bang
ElaraMahigpit ang pagkakayapos sa leeg ni Alexander ng babae na para bang namis niya ng labis ang asawa ko. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko. Gagawa ba ako ng ingay para ipaalam sa kanila ang presensiya ko o tatalikod na lamang ako at babalik sa labas? Nakakaramdam kasi ako ng paninikio ng dibdib dahil may ibang babaeng kayakap ang asawa ko. Ngunit hindi pa man ako nakakapagdesisyon kung ano ang gagawin ko ay biglang napatingin sa kinatatayuan ko si Alexander."Nandito ka na pala, Elara. Come here. I will introduce you to my little sister," nakangiting sabi niya sa akin nang pakawalan nito ang babae.Nagulat ako nang nalaman kong nakababatang kapatid pala niya ang babaeng nakayakap sa kanya. Mabuti na lamang hindi ako gumawa ng eksena dahil tiyak na napahiya lamang ako sa harap ng magkapatif. Nakakahiya. Hindi magiging maganda ang first impression sa akin ng kapatid ni Alexander.Nakangiting lumingon sa akin ang kapatid ni Alexander at agad na nilapitan ako."Hi, Elara. I'm R
ElaraUmalis ako ng bahay at nagtungo sa bahay ng kaibigan ko. Wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko kaya ang bigat-bigat ng dibdib ko. Hindi ko naman puwedeng sabihin kay Rona ang pinag-usapan namin ni Papa lalo na kay Alexander. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong mararamdaman niya kapag nalaman niyang nagtungo sa bahay niya ang mga magulang ko para pag-usapan ang pakikipag-divorce ko sa kanya.Sa bahay ni Liam ako nagtungo dahil wala naman pasok sa office ngayon. Kung hihintayin ko pa na dumating ang Monday para makausap ko siya at mailabas ang bigat na nasa loob ng dibdib ko ay baka bigla na lamang itong sumabog kapag hindi ko na napigilan.May susi ako sa bahay ni Liam kaya hindi na ako kumatok. Ginamit ko na lamang ang susi ko para makapasok sa loob. Katulad ko ay may spare key rin siya sa bahay ko kaya kapag gusto niyang magtungo sa bahay ay hindi na rin niya kailangan pang kumatok.Pagbukas ko ng pintuan ay agad na napakunot ang aking noo nang maamoy ko ang amoy-alak sa
Elara Tahimik lamang ako habang naghahapunan kami nina Alexander at Rona. Nakikita kong pasulyap-sulyap sa akin ang magkapatid ngunit hindi naman sila nagtatanong sa akin. Pagkatapos naming kumain ay nag-excuse agad ako at umakyat sa silid ko. Sa silid ko ako nagtungo at hindi sa silid ni Alexander. Ilang minuto pa lamang akong nakakapasok sa silid ko nang marinig ko ang sunud-sunod na katok sa pintuan. Ini-expect ko na si Alexander ang kumakatok kaya hindi na ako nagulat nang mapagbuksan ko siya ng pintuan. Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pintuan at hinayaan siyang pumasok sa loob bago ito isinara. "What's the problem, Elara? Kanina ko pa napapansin na sobrang tahimik mo? Ni hindi ka nga nagsalita habang kumakain tayo kanina. Hindi mo kami pinansin ni Rona na para bang wala kang nakikitang tao sa paligid," ani Alexander pagkapasok niya sa silid ko. "Tell me what's the problem. Haharapin natin iyon ng magkasama." Huminga ako ng malalim at tinitigan siya sa mata. "Nagpunta r
ElaraTahimik ang gabi at manaka-naka na lamang ang mga nagdaraang sasakyan sa kalsada. Malalim na rin ang tulog ko at ang tunog ng mangilan-ngilang sasakyan na nagdaraan sa kalsada ay hindi nakakagambala sa mahimbing kong pagtulog. Medyo malapit kasi sa highway ang bahay ko kaya hindi puwede na hindi maririnig mula sa labas ang tunog ng mga sasakyan sa labas.Habang mahimbing ang tulog ko ay bigla na lamang akong nagising na para bang may gumising sa akin. Agad kong sinipat ang oras sa cellphone ko na nakalagay sa gilid ng unan ko. Pasado alas dos ng madaling araw na pala. Wala pang eight ng gabi ay natulog na ako, pinilit palang matulog ang sarili ko para makapagpahinga ako sa pag-iisip kay Alexander.Maingat akong bumangon sa kama para lumabas sa silid ko. Nakaramdam kasi ako ng uhaw at maalinsangan ang paligid kaya siguro ako nagising. Kumuha ako ng isang baso ng malamig na tubig sa refrigerator at sinaid ang laman. Nabawasan ang alinsangan sa katawan ko nang maramdaman ko ang p
ElaraSa halip na sa dinner sa isang restaurant ay sa bar ni Edzel ako pinapapunta ni Alexander. May sasabihin daw siya sa akin kaya sa bar na lang daw kami magkita.Alam ko nakita niya ang kotse ko paglabas nila ni Edzel ng bahay kanina ngunit hindi siya nag-abala na tawagan ako at i-confirm kung nasa bahay ba ako. Pero mabuti nga at hindi niya ako tinawagan dahil maririnig lamang niya sa boses ko ang pag-iyak.Tinawagan ko si Liam at pinapunta sa bahay para siyang magmaneho ng kotse ko. Hindi nagtagal ay dumating ito."Bakit need mo ng driver, beshy? May balak ba kayong magpakalasing ni Alexander kaya pinapunta mo ako?" nangiting biro sa akin ng kaibigan ko. Sa malas ay wala itong kaalam-alam sa nangyari."I will treat you dinner," sabi ko sa kanya."Bakit? Hindi ba tuloy ang dinner date ninyo ni Alexander?" nakakunot ang noo na tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot sa halip ay pumasok ako sa kotse ko. "What's wrong, Elara? Nag-away ba kayo ni Alexander kaya parang wala ka sa mood
ElaraGaya nga ng sinabi ni Alexander ay tinulungan niya akong ma-overcome ko ang aking fear sa pagharap sa mga tao lalo na kung sa akin naka-pokus ang kanilang atensiyon. Isinama niya ako sa mga parties at events na kanyang dinadaluhan. Sinasadya niya na maagaw ko ang atensiyon ng mga tao para subukan kong makakaya kong humarap sa kanila ng hindi nati-trigger ang aking phobia. Ngunit kahit anong gawin niya ay wala talagang epekto. Hindi ko pa talaga kayang humarap sa maraming tao kung sa akin nakapokus ang kanilang atensiyon.Hindi naman minadali ni Alexander ang aking paggaling. Batid niya na hindi basta-basta gagaling agad ang taong nagsa-suffer ng mga ganitong klaseng sakit sa loob lamang ng ilang araw. "Hoy, beshy!" Napapitlag ako nang marinig ko ang malakas na boses ng kaibigan ko kasabay ng pagpitik ng kanyang mga daliri sa harap ng mga mata ko. "Ikaw pala, bestie. Bakit? May kailangan ka sa akin?" "Ano ka ba? May problema ka ba? Kanina pa ako nagsasalita sa harapan mo ay wa
Elara Nang pagbalikan ako ng malay ay nasa loob na ako ng silid ni Alexander at nakahiga sa kama. Sa tabi ng kama ay nakaupo sina Rona at Alexander habang nagbabantay sa akin. Gumalaw ako para malaman nilang gising na ako. "You finally woke up, Elara. Labis akong nag-alala sa'yo," natutuwang bulalas ni Alexander na siyang unang nakapansin sa akin. Tinulungan niya akong makabangon sa kama at maupo na lamang. "Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo?" Mabagal akong umiling. "Okay lang ako." "I'm sorry, Elara. Hindi ko sinasadyang maitulak ka sa fountain. Gusto ko lang naman kayong pigilan ni Marion sa pag-aaway," paumanhin ni Rona sa akin, hinawakan nito ang isa kong kamay at marahang pinisil. "Kasalanan ko rin ang nangyari. Kung hindi lang kita iniwan para samahan ang kaibigan ko sa pag-iikot sa bawat table ng mga bisita niya ay hindi ka sana malalapitan ng babaeng iyon. I don't know that she was holding a grudge against you because you married my brother. Nagkataon nama
ElaraHindi ko na mabilang kung ilang beses akong lumunok ng laway at palihim na humugot ng malalim na buntong-hininga habang kaharap ang sa mesa ang tatlong babaeng lumapit sa akin. Nasa isang birthday party kasi ako ngayon at tahimik na kumakain sa mesa na pang-apatan ngunit mag-isa lamang akong nakaupo.Si Rona ang nagsama sa akin sa party. Wala naman daw akong gagawin sa bahay ngayong gabi kundi ang matulog lang kaya pinilit niya akong isama. Hindi sana niya ako mapipilit na sumama sa kanya ngunit sumang-ayon si Alexander sa kapatid nito na sumama ako sa party para raw paminsan-minsan ay makisalamuha ako sa ibang tao. Napansin kasi nila na kapag may party o event na pupuntahan sila ay hindi ako sumasama. Hindi naman kasi nila alam na kaya mas gusto kong manatili na lamang sa bahay ay dahil nag-aalala akong umatake ang aking social phobia at mapahiya lamang ulit ako sa harapan ng maraming tao katulad ng nangyari sa akin noon. Ayokong matuklasan ni Alexander na siya ang dahilan kung
ElaraPareho kaming tahimik na nakaupo ni Alexander sa sofa at tila walang nais na maunang magsalita. Ayokong maunang magsalita dahil wala naman akong sasabihin sa kanya. Siya ang nagpunta rito kaya siya ang may sadya sa akin. Ngunit parang hinihintay niya muna kung ano ang sasabihin ko kaya hindi rin siya nagsasalita."Paano mo nalaman kung nasaan ang bahay ko?" Hindi ako nakatiis sa awkward na katahimikang bumabalot sa amin kaya napilitan na akong maunang magsalita."I secretly followed you," sagot ni Alexander sa mahinang boses. "Nagising ako nang bumangon ka sa kama kaya nang lumabas ka sa silid ko ay agad din akong bumangon at nagbihis pagkatapos ay dali-dali akong lumabas sa kuwarto para sundan ka.""Nagpanggap kang tulog pa para masundan mo kung nasaan ang bahay ko?" nakasimangot na sabi ko sa kanya. Para pala akong temang na labis ang pag-iingat na huwag siyang magising tapos iyon pala ay gising na pala siya at nagpapanggap lamang na tulog."I'm sorry. I have no choice. I kno
ElaraAlam kong lasing si Alexander at baka nanaginip siya kaya niya ako hinalikan ngunit hinayaan ko siya sa ginagawa niya. Hindi ko lang siya hinayaan kundi tinugon ko pa ng buong puso ang kanyang mga halik. I missed him so much. At ngayon ay natutugunan ang pananabik ko sa kanya."Uuhmm," hindi ko napigil ang mapaungol sa pagpasok ng dila niya sa aking bibig at ekspertong nilaro ang aking dila na natuto na ring makipaglaro sa dila niya.Naramdaman ko ang pagpasok ng isang kamay niya sa loob ng suot kong blouse at sinapo ang dibdib kong natatabingan pa ng bra. Gumalaw ang kamay nito sa loob ng damit ko at minasahe ang dibdib ko. Hindi siguro ito nakuntento kaya may pagmamadaling hinubad nito ang suot kong blouse at isinama na ang suot kong bra. Tumitig ako sa mukha ni Alexander dahil parang hindi siya lasing kung kumilos. Para bang alam na alam niya ang kanyang ginagawa. Ngunit nakapikit ng mariin ang mga mata nito kaya hindi ko alam kung nagtutulog-tulugan lang ba siya at kunwari
Alexander "Huwag mo akong pakialaman, Edzel! Wala kang pakialam sa akin! Hayaan mo akong uminom. Gusto kong malasing, okay?" Tinabig ko ang kamay ng kaibigan ko nang akmang aagawin niya ang bote ng beer na hawak ko. It's been three days magmula nang umalis sa bahay si Elara at hanggang ngayon ay hindi pa kami nakakapag-usap. Hindi niya sinasagot ang mga tawag at messages ko sa kanya. Pinuntahan ko siya sa kompanya nila ngunit ang sabi ni Liam ay naka-leave daw ang kaibigan nito. Ayaw naman naman niyang sabihin sa akin kung saan ang bahay ni Elara kaya hindi ko siya mapuntahan kung nasaan man siya ngayon. Pakiramdam ko ay pinagtataguan niya ako.Natatakot ako. Natatakot ako na baka pagbalik niya sa bahay ay may dala na siyang divorce papers. To hell with that divorce paper. Ayokong makipag-divorce sa kanya. Inaamin ko sa sarili ko na mahal ko na siya. Ngunit gusto ng mga kanyang ama na makipag-divorce siya sa akin. I know, dahil ito sa ginawa ko sa kanya noon na ngayon ay pinagsisiha
Elara "Elara! Elara!"Bigla akong napabalikwas sa higaan nang marinig ko ang malakas na boses ng nag-aalala kong kaibigan sa labas ng pintuan ng bahay ko. Kahit na inaantok pa ako dahil halos mag-umaga na nang sa wakas ay inantok ako ay bumangon pa rin ako sa kama at pinagbuksan ang kaibigan ko."It's too early— Naudlot ang sasabihin ko nang bigla akong niyakap ni Liam ng mahigpit pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan."I'm glad you're okay. I'm sorry I just came now. Kagigising ko lang kasi kaya kababasa ko pa lang sa text mo. Nang mabasa ko ang message mo ay agad kitang pinuntahan," sabi niya sa akin habang nakayakap ng mahigpit. "I'm okay. Pero hindi ako ngayon kasi gusto mo nang durugin ang mga buto ko," hindi ko napigilan ang magreklamo sa kanya.Agad naman niya akong pinakawalan at hinila papasok sa loob ng bahay at iniupo sa sofa."Nakilala mo ba kung sino ang taong nagtangkang pumasok sa bahay mo kagabi?" muling tanong nito, bagama't kalmado na ito ay nasa tinig pa rin ang
ElaraTahimik ang gabi at manaka-naka na lamang ang mga nagdaraang sasakyan sa kalsada. Malalim na rin ang tulog ko at ang tunog ng mangilan-ngilang sasakyan na nagdaraan sa kalsada ay hindi nakakagambala sa mahimbing kong pagtulog. Medyo malapit kasi sa highway ang bahay ko kaya hindi puwede na hindi maririnig mula sa labas ang tunog ng mga sasakyan sa labas.Habang mahimbing ang tulog ko ay bigla na lamang akong nagising na para bang may gumising sa akin. Agad kong sinipat ang oras sa cellphone ko na nakalagay sa gilid ng unan ko. Pasado alas dos ng madaling araw na pala. Wala pang eight ng gabi ay natulog na ako, pinilit palang matulog ang sarili ko para makapagpahinga ako sa pag-iisip kay Alexander.Maingat akong bumangon sa kama para lumabas sa silid ko. Nakaramdam kasi ako ng uhaw at maalinsangan ang paligid kaya siguro ako nagising. Kumuha ako ng isang baso ng malamig na tubig sa refrigerator at sinaid ang laman. Nabawasan ang alinsangan sa katawan ko nang maramdaman ko ang p