Alijax POV “You know, I know this other Benjamin. Benjamin Frank.” Kita kong hindi mapakali si Beny sa kinauupuan niya, pinaglalaruan ang mga daliri niya, pero hindi pa rin ako matignan nang diretso. Nakakaaliw. Ang panoorin siyang pilit pinapanatili ang dignidad niya. “American writer,” tuloy ko, “Scientist, inventor, statesman, diplomat, printer, publisher, and political philosopher.” Bahagya kong itinagilid ang ulo ko habang nakatitig pababa sa kanya. “Sound familiar?” Wala siyang sinabi. Bahagyang umiling lang, pero hindi ko pinalampas kung paano siya pinagpapawisan, o ang bahagyang panginginig ng mga kamay niya. Kinuha ko ang wallet ko at hinugot ang isang daang dolyar—malinis, presko, hindi pa natitiklop. Dahan-dahan kong inilapag iyon sa mesa sa pagitan namin. “That’s him,” sabi ko. “Benjamin Franklin.” Bahagya siyang tumango—o baka umiling? Wala siyang kasiguraduhan, pati ako hindi na rin sigurado. “Fun fact about Benjamin,” unholster ko ang baril ko, hinayaan k
Last Updated : 2025-02-20 Read more