Atticus POVAng hangin sa pagitan namin ay mabigat at tensyonado habang bumibiyahe kami pauwi mula sa simbahan. Tahimik si Alijax, nakapako ang mga mata niya sa kalsada, pero ramdam ko ang alon ng tensyon sa loob ng sasakyan. Gusto kong magsalita, basagin ang katahimikan, pero parang may bumabara sa lalamunan ko. Hindi ako makapag-isip nang maayos.Siya ang unang bumasag sa katahimikan. “Is it your mother’s?”Napa-kunot noo ako. “What?”“The locket,” aniya, saglit na lumipad ang tingin niya sa leeg ko. “Is it your mother’s?”Mariing kinagat ko ang loob ng pisngi ko. Hindi pa niya sinasabi sa’kin ang kahit anong tungkol kay Sof, pero ako, dapat mag-open up agad tungkol sa mama ko?“It’s none of your business,” sagot ko, matigas.Nanahimik siya, kita ko ang pag-igting ng panga niya habang mahigpit ang hawak niya sa manibela. Walang nagsalita kahit nang makarating na kami sa penthouse.Diretso akong umakyat sa kwarto niya, hinubad ang dress at heels ko, at sumuot sa kama niya. Ramdam ko
Last Updated : 2025-02-24 Read more