Semua Bab Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle: Bab 121 - Bab 128

128 Bab

Chapter 121

Margaux“Make sure na ready na ang lahat ng kakailanganin para sa contract signing natin with DZ Motors. Ayaw ko ng kahit na anong aberya kaya kailangan paghandaan ng mabuti ang lahat.” Ang contract signing namin ni Draco ay sa meeting room lang din naman namin gaganapin. Pareho kaming ayaw ng sobrang dami ng tao na hindi naman kailangan.“Yes, Ma’am Margaux.”“Thank you. You can leave.” Lumabas na si Rey, ang aking assistant. Siya na ang umaalalay kay Dad and now, sa akin na siya direktang nagrereport.Ang aming kanya-kanyang kumpanya na rin ang bahalang mag-post sa mga social media account para ipaalam sa tao ang aming partnership.Ang aking mga magulang ay hindi ko na napigilan sa pag-alis. Ang sabi nila ay kailangan naman nilang mag-relax na kaya sino ako para hadlangan iyon?Kahit na nahihiwagaan pa rin ako sa mga travel plans nila ay alam ko naman sa sarili ko na-deserve nila iyon.Anyway, ngayon na ako na ang namamahala sa aming kumpanya ay malaya silang gawin kahit na ano pa an
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-17
Baca selengkapnya

Chapter 122

Third Person"Balita?" tanong ng lalaki sa kanyang kausap sa cellphone. Inilagay niya ito sa loudspeaker, sadyang idinidiin ang bawat salitang lalabas mula sa linya para siguraduhing maririnig ng babaeng kaharap niya ang bawat detalye. Naiinip na kasi ito na wala man lang nangyayari sa pagsubaybay ng taong inutusann niya para sundan ang bawat kilos ni Draco."Boss, araw-araw pa rin siyang umuuwi sa condo. Wala pong pagbabago," sagot ng lalaking nasa kabilang linya at sinisikap na maipaunawa sa kausap na parang wala namang saysay na sundann nila ang lalaki dahil wala naman itong ibang acitvity."Sigurado ka ba?" malamig at matalim ang tanong ng lalaki. Ang mga mata niya’y mariin na nakatitig sa babae na nakaupo ngunit halatang nanggigigil na sa inis, ang mga daliri ay mahigpit na nakalapat armrest ng inuupuang single seater na couch."Yes, boss. Umaalis lang ako pagkatapos ng dalawang oras, may taong nakapuwesto sa exit ng parking area. Ako naman ay naka-assign sa main entrance kaya sig
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-17
Baca selengkapnya

Chapter 123

Margaux“Ready?” tanong ni Draco matapos kumatok at pumasok sa aking opisina. Hindi ko maiwasang mapangiti sa sandaling nasilayan ko ang kanyang mala-artistahing kagwapuhan. Parang kahit ilang beses ko siyang makita, hindi pa rin ako nasasanay sa epekto niya sa akin.Sumandal ako sa aking upuan, iniangat ang isang kilay, at hinintay na makalapit siya sa akin na para bang alam kong may binabalak na naman siya.At nang nasa tabi ko na siya, marahan niyang inikot ang aking swivel chair. Yumuko siya sa akin, inilapit ang kanyang mukha at itinukod ang magkabilang kamay sa armrest ng upuan na para bang sinadya niya akong i-trap. Mula sa ganoong posisyon, iginawad niya sa akin ang isang mapusok, mapang-angkin, at nakakakuryenteng halik na agad nagpaikot ng sikmura ko.“I miss you, Sugar,” malambing at nakangiti niyang sabi pagkatapos ng mainit naming halikan.“I miss you too, Cupcake,” sagot ko na may halong ngiti at titig na parang nangungusap.“So, ready ka na?” tanong niya habang nag-unat
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-18
Baca selengkapnya

Chapter 124

MargauxMakalipas ang isang oras ay kumatok na si Rey at hinintay niya na sumagot ako bago ito pumasok na talagang na-appreciate ko dahil nirerespeto niya ang privacy namin ni Draco."Ready na po ang conference room, Sir,Ma'am," nakangiti niyang sabi."Okay, papunta na kami." Nakangiti akong bumaling sa kanya na sinuklian din niya ng pagtango bago nauna ng lumabas at sinara ang pinto.Nagtinginan naman kami ni Draco. Umangat ang kanyang kamay para ayusin ang aking buhok. Inipit niya iyon sa likod ng aking tenga at pagkatapos ay kinuha ko ang aking compact mirror para tignan ang aking sarili.Dahil hindi naman ako mahilig sa makapal na makeup ay naisip ko na okay pa naman ang mukha ko. Pero nag-retouch ako ng face powder at lipstick na saglit ko lang ginawa."Iba talaga ang kagandahan ng Sugar ko. Instant!" Natawa ako sa sinabi niya. Alam ko naman na binobola lang niya ako pero aaminin kong nagustuhan ko 'yon."Halika na, Mr. Bolero." Gusto ko sanang magkahawak kami ng kamay na lalabas
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-18
Baca selengkapnya

Chapter 125

DracoAyaw ko sanang umalis. Ayaw kong iwan si Margaux, lalo na ngayon. Ilang araw rin akong mawawala, mga labing-apat na araw na hindi ko siya makikita, mahahawakan, maririnig. Ang tanging kunswelo ko lang ay pabalik na rin ang mga magulang niya. At kahit papaano, alam kong may kasama siya habang wala ako.Pero kahit pa sabihin kong okay lang, hindi ko alam kung paano ko kakayanin ang dalawang linggong ito. Dalawang linggo ng pag-aalala, pangungulila, at pagkasabik.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapalagay. Wala pa ring resulta ang imbestigasyon ni Ingomar. Hindi pa rin malinaw kung sino ang may pakana ng mga sunod-sunod na pagpatay. Walang pangalan, walang mukha, walang lead.Kung hindi lang dahil sa ilang inconsistencies na napansin niya sa mga police report, baka akalaing aksidente lang talaga ang lahat ng iyon. Ngunit ang mga bisktima ay ang mga babaeng iyon, lahat sila may gusto sa akin. At sa dami ng coincidences, parang imposible nang aksidente lang talaga.“Sugar, may dri
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-19
Baca selengkapnya

Chapter 126

DracoSumunod ako agad. Ayaw kong magalit o magtampo siya sa akin, lalo na’t aalis na ako bukas. Hindi ako pwedeng lumipad papalayo na hindi kami maayos. Alam ko sa sarili kong baka hindi ko na kayanin kung sakaling hindi niya na naman sagutin ang tawag o mensahe ko habang wala ako.Hindi ko siya bibigyan ng rason para masaktan muli.“Sugar, please, listen to me,” bulong ko habang mabilis kong nilapitan siya. Napansin kong may hawak siyang damit na pang-alis kaya natakot ako. Hindi siya pwedeng umuwi sa kanila kapag ganitong nagtatampo o nagagalit siya sa akin.Agad ko siyang niyakap mula sa likuran ng mahigpit, gusto kong iparamdam na kahit anong mangyari, hindi ko siya bibitawan. Ayaw kong magalit siya sa akin at iwan ako.Naramdaman ko ang tensyon sa katawan niya, pero hindi siya kumawala. Hanggang sa buhatin ko siya at dahan-dahang inilapag sa kama. Inihiga ko siya habang nakadagan naman ako, tinititigan ang kanyang mukha. Kita ko ang galit, takot, at lungkot na gumuhit sa mga mata
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-19
Baca selengkapnya

Chapter 127

MargauxMagaan ang pakiramdam ko nang magising. Para bang wala akong iniintinding bigat sa dibdib kahit na alam kong ngayong araw na ang alis ni Draco. Mamayang hapon pa ang flight niya, pero bago 'yon, ihahatid niya muna ako sa bahay nila Dad. Doon muna ako mananatili habang wala siya.Napatingin ako sa tabi ko. Wala na siya. Ang unang gumuhit sa isip ko ay kaba, pero agad ding napalitan iyon ng tamis. Sigurado akong naghahanda lang 'yon ng almusal, gaya ng nakasanayan niya sa araw-araw na magkasmaa kami.Bumangon ako at tinungo ang banyo. Malamig ang tubig sa shower pero tila ba hindi iyon tumatagos sa akin. Habang sinasabon ko ang aking katawan, biglang bumalik sa alaala ko ang nangyari kagabi. Napakagat-labi ako. Grabe, hiyang-hiya ako sa sarili ko!Naalala ko kung paano ko siya napagtampuhan, nang hindi ko muna sinubukang intindihin ang dahilan niya. Ngayon, mas na-gets ko na kung bakit kailangang personal niyang sabihin sa mga magulang niya ang tungkol sa amin. Ayaw niyang marini
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-20
Baca selengkapnya

Chapter 128

MargauxHindi ko namalayan na nakatulog na pala ako ng dahan dahan kong idilat ang aking mga mata. Tinatamad pa akong bumangon lalo na nang maalala kong nasa bahay nga pala ako nila Mommy.Dumako ang tingin ko sa wristwatch na suot ko. Alas-kwatro na pala… Napabuntong-hininga ako at napapikit saglit. Tumigilid ako ng higa sa aking kanan at kinuha ko ang cellphone na pinatong ko sa bedside table bago ako nakatulog. Binuksan ko ito at halos automatic na pinindot ang pangalan niya sa screen, ang pangalan ng taong nagpapagaan ng mundo ko.Tumawag ako. Isang ring. Dalawa. Tatlo. Wala pa rin. Hindi pa rin niya sinasagot.Napairap ako at nakaramdam ng pagkainis.“Alam mong gurang ka, nakakainis ka!” inis kong sabi habang nakaduro sa cellphone. “Kapag hindi mo sinagot 'tong tawag ko, sasamain ka talaga sa akin pagbalik mo!”Tumawag ako ulit and this time, video call na. Itinapat ko ang mukha ko sa camera, sinigurong makikita niya ang kunot ng noo ko at ang tampo sa mga mata ko. Sige lang, sag
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-21
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
8910111213
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status