All Chapters of Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle: Chapter 101 - Chapter 110

128 Chapters

Chapter 101

MargauxI’m super happy!Sobrang saya ko, to the point na parang gusto kong tumili at tumalon sa kilig. Pero siyempre, hindi ko na ginawa ‘yon. Hindi ko inasahan na ganito pala ang pakiramdam kapag wala ka nang kailangang itago. Ngayong alam na ng mga magulang ko ang tungkol sa amin ni Draco, parang gumaan ang dibdib ko. Hindi ko na kailangan magsinungaling sa kanila at gamitin si Yvonne.Nagulat nga lang ako, as in legit shocked, nang bigla na lang suntukin ni Dad si Cupcake. Halos mapatili ako pero pinigilan ko ang sarili ko. Sa totoo lang, gusto ko sanang pumagitna, gusto kong pigilan si Dad, pero alam kong may karapatan siya. He’s my father. At bilang isang ama, normal lang na protektahan niya ako lalo na’t alam niyang may lalaking seryoso nang pumapasok sa buhay ko.Mas nakakagulat pa ‘yong sinabi niya pagkatapos na nakita pala niya kami ni Draco na naghahalikan. Napamulagat talaga ako roon. Akala ko ba walang nakakita? Ni minsan, hindi niya nabanggit ‘yon sa akin. Tahimik lang si
last updateLast Updated : 2025-04-06
Read more

Chapter 102

Margaux“Do you have any plans before and after graduation?” tanong ni Draco habang palapit ako sa kanya. Kakagaling lang niya sa trabaho at nakakapagtaka na imbis na sa kwarto ay sa sala siya nag-stay at naupo habang pababa ako ng hagdan. Kita ko pa ang bahagyang pagod sa mga mata niya, pero hindi nito natatabunan ang tuwang naroon nang makita niya ako.Nasa bahay kami ngayon. Ang bahay na ayon sa kanya ay sa amin. Umalis na ang mga magulang ko, tulad ng sinabi ni Dad. Babalik daw sila before ang graduation ko, saka mag-uumpisa ang masinsinang preparasyon para sa merging ng Skidmark at Pinto Dealership. Kaya sa ngayon, kami muna ng Cupcake ko ang magkasama rito.“After graduation, plano namin ni Yvonne na mag-Palawan. Gusto lang naming mag-relax. Tapos, since friends na rin namin sina Alexis at Tessa, malamang sasama rin sila. Bakit mo natanong?” tanong ko, sabay sandal sa likod ng sofa. Galing ako sa taas at may kinuha lang saglit dahil ang isip ko ay mamaya pa siya.“I want to go on
last updateLast Updated : 2025-04-06
Read more

Chapter 103

DracoHindi ko alam kung hanggang kailan mawawala ang mga magulang ni Margaux. Wala silang binanggit noong tumawag sila para ipagkatiwala sa akin si Sugar bago sila umalis. Wala ring eksaktong petsa kung kailan sila babalik maliban sa sinabi nga nla na before graduation ng kanilang anak, at kahit pilit kong maging kalmado, hindi mapakali ang loob ko.I’m actually happy about it, na sa akin nakadepende si Margaux ngayon. Pero hindi ko maiwasang makaramdam ng pagdududa. Hindi naman siguro may tinatago silang dahilan. Wala sanang masamang nangyayari, at lalong wala sanang kinalaman ang pag-alis nila sa isang bagay na pwedeng makasakit sa mahal ko.Kilala ko ang mga magulang ni Margaux. Nakita ko kung paano nila siya alagaan, kung gaano nila siya kamahal, pero bakit ganun? Parang may bumabagabag sa akin. Still—“Argh!” Pinilig ko ang ulo ko, pilit itinataboy ang gumugulong na tanong sa isip ko. Mas minabuti kong magtrabaho na lang. Ayokong matagalan pa sa opisina. Gusto kong umuwi nang maa
last updateLast Updated : 2025-04-07
Read more

Chapter 104

DracoHindi ko na rin alam kung paano ko natapos ang mga papeles at report na kanina’y nakahilera pa sa lamesa ko. Simula nang lumabas si Samuel sa opisina ko, para akong binagsakan ng kung anong bigat. Pakiramdam ko’y may tinik akong nilunok. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong inisip kung tama bang pinayagan ko siyang dito na magtrabaho.Oo, sa pamilya naman ang kumpanya, pero hindi ibig sabihin ay gusto ko na ang lahat ng kapamilya ay nasa paligid ko, lalo na kung ang presensya nila ay parang lason na unti-unting kumakalat sa sistema ko at nagbibigay ng pangamba sa akin.Wala namang masama sa sinabi niya. Wala namang direktang pambabastos o pang-aalipusta, pero 'yung paraan ng pagkakabitaw niya ng salita, ‘yung mga titig niya, at ‘yung pagbibigay niya ng atensyon kay Sugar, hindi ko gusto. Hindi ako komportable. Hindi ako kampante. At ayoko sa lahat ng feeling na ‘yon.Umuwi ako sakay ng motor. Karaniwan na ito, si Kevin ang laging pinapagamit ko ng sasakyan, para kung sakali
last updateLast Updated : 2025-04-07
Read more

Chapter 105

MargauxAraw ng Linggo at nasa bahay lang kami ni Draco. Ayaw kong umalis. Hindi dahil may masama akong pakiramdam, kundi dahil tinatamad lang talaga ako. Isa pa, mas gusto kong sulitin ang buong araw na kasama siya dahil kung araw na may pasok ay masyado ko siyang namimiss."Anong ginagawa mo, Sugar?" tanong ni Draco matapos pumasok sa walk-in closet. Medyo messy ang buhok niya at mukhang bagong gising, pero sa totoo lang ay hindi naman dahil galing siya sa baba."Nilalagay ko lang 'yung mga damit na nilabhan at naplantsa," sagot ko habang inaayos ang mga neatly folded shirts sa drawer."Let me help you," aniya, sabay lapit. Hindi na ako tumanggi, syempre. Kung tutuusin, mas gusto ko pa ngang nagtutulungan kami sa ganitong mga simpleng bagay, parang may partner talaga ako sa buhay.Habang inaayos ang isang kahon ng mga lounge pants niya, napansin ko ang isang maliit na box sa ilalim. Pamilyar. Nakita ko na ‘yon dati. Parang biglang nanikip ang dibdib ko.“What is it?” tanong ni Draco,
last updateLast Updated : 2025-04-08
Read more

Chapter 106

MargauxGraduation day!!Sobrang saya ko, sobra. Parang lahat ng bigat na inipon ko sa loob ng ilang taon ay unti-unting nag-alisan sa balikat ko. Finally, tapos na rin ang ilang taong pagsusunog ng kilay.Yes, pagsusunog talaga ng kilay, literal at emosyonal. Ibinuhos ko ang lahat sa pag-aaral. Wala akong sinayang na pagkakataon. Ginawa ko ang lahat upang masiguro na masusuklian ko ang paghihirap ng aking mga magulang.Hindi ko man masukat ang sakripisyo nila, pero gusto kong kahit papaano ay maramdaman nilang worth it lahat ng pagod at puyat nila para sa akin.Ginawa nila ang lahat lahat para matugunan ang mga pangangailangan ko.Pangangailangan lang. Hindi ako lumaki sa luho. At hindi ako nagtampo doon. Hindi nila ako pinalaking spoiled, hindi nila ako pinaliguan ng mga materyal na bagay. Hindi dahil hindi nila ako mahal, o dahil wala silang kakayahan, kundi dahil gusto nilang matuto akong makuntento. Maging masinop. Maging mapagpakumbaba.“Hindi mo kailangang magkaroon ng lahat par
last updateLast Updated : 2025-04-09
Read more

Chapter 107

Margaux“Tita, baka po pwedeng makausap muna si Margaux.” Mahinahon ngunit may halong pakiusap ang tinig ni Sam. Nilingon ako nila Mommy, at saglit kaming nagkatinginan. Ramdam ko ang bigat sa kanilang mga mata. Mga matang alam ang buong istorya, pero pinipiling manahimik.Hindi ko alam kung bakit ba patuloy pa rin si Sam sa pangungulit. Ilang beses ko na siyang tinanggihan, ilang ulit ko na ring nilinaw ang lahat. Wala na. Wala nang dapat pang hintayin o balikan.“Hihintayin ka na lang namin sa labas, anak,” ani Mommy. Malumanay ang tinig niya ngunit may pagbibigay-laya.“Bakit mo pa hahayaang kausapin ng lalaking ‘yan ang anak natin?” protesta ni Dad, bakas sa kanyang boses ang pangamba at galit. Ngunit tinapik lamang siya ni Mommy sa braso, saka siya nginitian ng may pang-unawang siya lang ang kayang gawin.Hinila niya si Dad palabas ng hall, habang ako nama’y naiwan sa presensya ng isang lalaking dati kong minahal.Naglakad kami ni Sam palayo sa karamihan, patungo sa bahaging tahim
last updateLast Updated : 2025-04-09
Read more

Chapter 108

MargauxMedyo mabigat sa dibdib ang naging dalahin ko pag-uwi. Parang ako ang naiwanan ng bagyong hindi ko inaasahan. Oo, mukhang sinubukan ni Sam na pagaanin ang kanyang kalooban, pero sa huli, ako ang naguluhan. Ako ang nabahala.Hindi dahil may gusto pa ako sa kanya. Hindi dahil may nararamdaman pa akong naiwan. Kundi dahil doon ko lang talaga naisip… na sa kabila ng lahat, sinaktan niya rin nang husto ang sarili niya.Dati, ako lang ang iniiyakan ko. Ako lang ang naawa sa sarili. Pero ngayon… mas masakit pala makita ang isang taong minsan mong minahal, na hindi na natutong bitawan ang alaala mo at naka move on na.Si Sam na mismo ang bumitaw sa pagkakayakap sa akin. Siya ang kusang humiwalay, pero bago siya tuluyang nagpaalam, sinabi pa rin niyang… hindi pa siya tapos. Hindi pa raw siya sumusuko. At dahil hindi pa raw kami kasal ni Draco, may pag-asa pa raw siyang magbago ang isip ko.Pero kung ako ang tatanungin, bahala na siya sa buhay niya. Dahil ako? Ako, kay Cupcake na. Siya n
last updateLast Updated : 2025-04-09
Read more

Chapter 109

Margaux“Hanep! Lungkot-lungkutan ka?” taas kilay na tanong ni Yvonne habang nakapamewang. “Hindi ba pwedeng magpanggap ka man lang na masaya dahil kasama mo ako? Ano ba, puro na lang si Uncle ang nasa utak mo? Can’t live without him na ba ang peg mo ngayon, Bruh?”Ang lakas ng naging pagtawa ko dahil sa sinabi niya dahil sa masyadong animated nitong reaksyon. Kakarating lang namin sa El Nido, sa beach resort na pagmamay-ari ng pamilya ng isa sa mga classmates ko sa kolehiyo. Napakaganda ng lugar. Hangin pa lang, presko na presko na, parang pinapawi lahat ng stress sa dibdib ko kung meron man.“Lukaret! Masayang-masaya akong kasama ka dito! Hindi ko kailangang magpanggap, no,” sagot ko habang sumalampak ako sa sofa na may malambot na cushions. Nakapasok na kami sa cottage, at masasabi kong ang cozy ng vibes, perfect para sa isang escape na matagal na naming pinagplanuhan.“Siguraduhin mo lang, ha! Bruhilda ako kapag selos ang usapan!” natatawa niyang tugon habang umupo sa paanan ng sof
last updateLast Updated : 2025-04-10
Read more

Chapter 110

Margaux“Draco!” gulat kong sabi ng pagharap ko ay makita ko ang aking Cupcake. Kahit si Yvonne ay hindi makapaniwala. “What are you doing here?”“Na-miss kita eh,” sabi niya. Napangiti ako sa kilig at pagtingin ko sa kaibigan ko ay kita ko ang pagrolyo ng kanyang mga mata kaya natawa na lang ako.Agad akong yumapos sa aking Cupcake na akala mo ay ang tagal naming hindi nagkita. Sinandig ko ang aking pisngi sa kanya at saglit na pumikit upang damhin ang init ng kanyang katawan.Naramdaman ko naman ang pagpulupot din ng kanyang mga kamay sa akin ang mahigpit na yakap kasunod ang paghalik sa aking pisngi.“Ano, busog ka na?” Agad akong bumitaw kay Draco ng magsalita si Yvonne at nilingon siya. “Ngising-ngisi?”“Extra happy lang,” tugon ko naman kasunod ang pagdantay ng kamay ni Draco sa aking likod.“Kung naiinggit ka kay Margaux eh nandito naman ako.” Sabay kaming napatingin ni Yvonne sa pinanggalingan ng tinig at nakita ko ang nakangiting si Kevin.“As if naman, mapupunan mo ang narara
last updateLast Updated : 2025-04-10
Read more
PREV
1
...
8910111213
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status