KABANATA 14: “Janna, i-serve mo raw ito sa table 9,” utos sa akin ng manager ng club na kumausap sa akin sa bar. Isang linggo pa ang nakalipas ay hindi pa rin umuuwi si Colton. At idi-discharge na rin si inay sa hospital, hindi sapat ang perang iniwan ni Theo para sa gamot at maintenance ni inay. Kaya tinawagan ko yung calling card na binigay sa ‘kin ng bakla, mabuti na lang ay may sumagot kaagad at pinapapunta ako dito sa bar. “Sige po Sir,” sagot ko at kinuha ang tray na may lamang iba’t ibang inumin. Hindi ko alam iyon pero wala na akong pakialam basta makapagtrabaho lang ako. “Miss magkano isang gabi sa ‘yo?” tanong ng isang lalaking nakasalubong ko pero umiling lang ako sa kanya at dumiretso na sa table number 9 na paghahatiran ko nitong inumin. “Sir, ito na po ang order niyo,” wika ko at nilapag isa-isa ang kanilang inumin. Aalis na sana ako ng kausapin ako ng lalaking kung makatingin ay para akong kakatayin. Sobrang nakakatakot kapag tumitingin siya kaya napaayos ako ng tay
Last Updated : 2025-01-15 Read more