Jessica’s POVHindi ko mapigil ang pag-agos ng aking luha, luha ng kaligayahan. Masaya ako para kay Scarlett at kay George, pero hindi ko rin maiwasang makaramdam ng kaunting inggit. Bigla kong naalala si Nick, at mas lalo akong napaluha.Ang isang tahimik na luha ay nauwi sa isang hagulgol.“Jes?” nagtatakang tanong ni Scarlett. “Are you okay?”“Uhmm, I’m just so happy for you, Carly,” sagot ko, Pinunasan ko ang aking luha at lumayo sa pagkakayakap. Pilit akong ngumiti habang tinititigan siya. “Alam na ba ito ni George?” tanong ko, pilit na binabago ang usapan.Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Scarlett nang marinig ang pangalan ni George. Umiling siya, dahilan para ako’y magtaka.“Natatakot ako, Jes. Baka hindi magustuhan ni George na malaman na buntis ako,” mahina niyang sabi habang nakayuko, nilalaro ang kanyang mga daliri.Itinaas ko ang kanyang mukha upang tingnan siya sa mata. “Bakit mo sinasabi ‘yan, Carly? I know George would be happy to know na magiging tatay na siya,”
Last Updated : 2025-04-01 Read more