Andrea’s POVPagbalik namin sa villa, agad kaming naligo upang maghanda para sa dinner sa yate. Habang nasa banyo si Nick, maingat kong inilagay sa aking bulsa ang isang gamot, ang gamot na magpapabago ng aming relasyon. Isang mapanuksong ngiti ang gumuhit sa aking labi habang bahagyang napapikit. “Let’s go, hon,” yaya sa akin ni Nick.Nagulat ako sa kanyang biglang paglabas. Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko man lang siya namalayan.“Okay, let’s go!” masaya kong sagot, sabay hawak sa kanyang braso.Isang waiter ang naghatid sa amin papunta sa yate. Napakalaki at napakaganda nito, isang marangyang sasakyang pandagat na tila kumikinang sa ilaw ng buwan. May malaking deck sa itaas, at sa gitna nito, isang mahabang mesa na may apat na upuan.Napakunot-noo ako.“Excuse me, bakit may apat na upuan sa deck?” tanong ko, halatang nagtataka.“Sabi po kasi ng nag-book ng yate, ma’am, double date daw po ito, at dapat sa isang mesa lang ang apat. Siya po ang nagbigay ng instructions sa a
Terakhir Diperbarui : 2025-03-28 Baca selengkapnya