Napangiti ako at humalukipkip sa tuwa. "Iyon lang ba ang gagawin ko? Okay! Sobrang dali lang naman pala," Natatawang lintanya ko at napailing. "Meron naman palang magandang paraan para mapatawad mo ako eh," Sambit ko pa na siyang nginisian niya lang na tila amused sa naging reaksyon ko. "Ano bang business mo? Baka matulungan pa kita dyan," Nakangiti kong saad at itinaas baba pa ang kilay ko. Tumikhim ito at ngumiti sa akin ng bahagya. "Are you sure you'll gonna help me?" Tanong nito na may kakaibang ngiti kaya tumango ako. "Oo naman! Ang dami ko ng trabaho na napasukan, maski ang business world ay pinasok ko na rin kaya kahit papaano ay may alam ako sa business," Nakangiti kong wika. Tumango ito sa akin na may kakaibang ngiti na hindi ko na lang pinansin sa sobrang tuwa. Feeling ko kasi, lahat ng mga paghihirap na ginawa ko sa buhay ay may mararating na. "Hmm, okay. There's something I need you to do tomorrow regarding my business," Sambit nito na agad kong tinanguan.
Terakhir Diperbarui : 2025-03-07 Baca selengkapnya