Halos pagtinginan kaming tatlo ng mga tao sa loob ng Paloma Entertainment na tila ba bagong mukha na naman ang kanilang nakita sa lugar nila. Alam ko naman kung bakit ganun na lamang sila tumingin, lalo na ang mga kababaihan na kung makatingin kay Hebrew at Brent ay akala mo'y ngayon lang nakakita ng gwapo. Ngunit may isang bulong ang narinig ko mula sa isang babae na nakapukaw ng atensyon ko. "Naku! Bakit nagsama sila ng babae? Iba pa naman ang tingin ni Mr. Troy sa mga bagong babaeng nakikita niya!" "Tara, pasok kayo!" Pagyaya ni Mr. Troy sa amin kaya hindi ko na nalingon pa yung babae kanina. Agad kaming umupo sa guest area nito sa kanyang office at dinalhan ng maiinom. Prente naman na umupo si Mr. Troy sa kanyang upuan at nginitian kami, especially sa akin na hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang ngiti niya. Bale, napapagitnaan ako ni Hebrew at Brent na ngayon ay prente lang na nakaupo at tila ba hindi kinakabahan. "So, I've heard about a positive feedback about the pr
Last Updated : 2025-03-14 Read more