I Became an Instant Billionaire

I Became an Instant Billionaire

last updateLast Updated : 2025-04-01
By:  SachiOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
17Chapters
200views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Dahil sa matinding kahirapan at problema na dumating sa buhay ni Serina Mendez ay napagpasyahan nitong tapusin na ang kanyang paghihirap sa pamamagitan ng pagsu-suicide sa gitna ng Life Forest upang hindi na makita ang katawan nito. Ngunit bago pa man nitong wakasan ang kanyang buhay ay nakarinig ito ng mga taong naghuhukay sa gitna ng kagubatan at hindi ito makapaniwala sa nakita. Mga gintong nakalagay sa tatlong malalaking box ang nakita ni Serina na magpapabago sa kanyang masalimuot na buhay at magiging isang bilyonares! Ngunit ang kapalit ng kaginhawaan ay may naghihintay na karma dahil ang gintong ninakaw niya ay pagmamay-ati pa sila ng isang Mafia boss na si Dark Ventura, ang pinaka kinakatakutang mafia leader sa bansa. Magiging magulo ba ang buhay ni Serina o tuluyang magbabago dahil unti-unti silang mahuhulog sa isa’t-isa?

View More

Chapter 1

Chapter 1

Nanghihinang napangiti ako nang matanaw ko na ang gitna ng Life Forest na palagi kong pinupuntahan kapag gusto kong makalimutan panandalian ang problema ko.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at napapikit na lang nang biglang umihip ang malamig na hangin sa mukha ko.

“Mas extra ang sarap ng hangin ngayon ha? Dahil ba sa wakas ay magiging kaisa niyo na ako?” Pagsalita ko sa gitna ng kagubatan.

Ibinaba ko ang malaki kong bag at umupo sa lupa. Ilang oras ko rin nilakad ang lugar na ito at masasabi kong worth it talaga. Saglit ko pang pinagmasdan ang makulimlim na kalangitan bago ko kuhain ang binaon kong tubig kanina.

Pinakatitigan ko ang bote at sinipat kung nahalo ba ng maigi ang nilagay kong lason kanina.

“Sakto naman ito para mamatay ako diba?” Walang emosyon kong saad at bumuntong hininga.

Matagal.ko na sanang tinapos ang buhay ko noon kung hindi ko lang iniisip na gagaan pa ang pamumuhay ko. Ngayon na nagpatong patong na ang problema at suliranin ko ay sisiguraduhin ko na ngayong araw ay magwawakas na ang paghihirap ko.

Maya-maya lang ay naramdaman ko ang sunod-sunod na patak ng tubig sa pisnge ko kaya napahawak ako rito. Natawa ako na bahagyang humikbi.

“U-Umiiyak ba ako?” Pagtawa ko sa kabila ng aking pag-iyak. “Bakit ngayon pa ako iiyak eh matatapos na rin naman ang paghihirap ko ngayon? Wala rin naman himalang mangyayari sa akin!” Mapait na sigaw ko at tuluyan ng umiyak ng husto.

Napayakap na lang ako sa aking sarili nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Basang-basa agad ang katawan ko dahil sa tindi ng buhos ng ulan ngunit kahit na malakas ang tunog ng tubig na bumabagsak sa kalangitan ay rinig ko ang mga boses na tila nag-uusap.

“M-May tao rito?” Nakakunot na tanong ko na may nanginginig na labi.

“Anong gagawin natin dito boss? Hindi natin kakayanin dalhin ang mga ito pababa!”

“Oo nga boss! Ang lakas ng buhos ng ulan ngayon!”

“Balikan na lang natin ‘to mamaya kapag tumila na ang ulan?”

“Bwiset! Bakit ngayon pa kasi umulan?!”

Napatayo ako sa pagkakaupo nang marinig ang mga lalaking nag-uusap at nagtago sa isang malapad na puno. Dahan-dahan akong sumilip kung saan ang mga ito at nanliit na lang ang mata ko nang makita ang limang malalaking tao na may hawak-hawak na pala. Nang lumingon ako sa lupa ay nanlaki ang mata ko at napatakip na lang ng bibig nang makita ang tatlong kahon na kahoy na bukas na naglalaman ng mga ginto.

“W-What the heck is that? Totoo ba ang nakikita ko?” Hindi makapaniwalang sambit ko habang pilit na hinihinaan ang aking boses. Maya-maya lang hinagis ng isang lalaki ang pala na tila ba frustrated at nagsalita.

Lalong lumakas ang buhos ng ulan na tila ba wala itong balak tumigil. Sumabay pa ang malalakas na kidlat na nagpapagulat na lang sa akin at sa mga malalaking lalaki na nakakatakot.

“Hindi natin makukuha ‘to ngayon. Papaalam natin kay Dark na mamaya natin ‘to babalikan.”

Sambit nito at ginulo ang basa nitong buhok. Agad naman nilang tinapalan nang bahagya ang hinukay nila pagkatapos ay nagpaalalahanan sa isa’t-isa.

“Bantayan niyo kung may taong aakyat dito mamaya. Malalagot talaga tayo kay Dark kapag nawala ang kayamanan niya! Tara na!”

Sambit ng lalaki na tinatawag nilang boss. Tumango ang mga ito at nagmadaling naglakad paalis.

Napalunok ako nang ilang beses sa nasaksihan. Did I just witness something crazy event in my last moment? Napahawak ako sa aking dibdib sa bilis ng tibok ng puso ko sa hindi malaman na dahilan.

Umupo ako saglit at napahilamos sa aking mukha. Anong gagawin ko? Hayaan ko na lang ito at patayin na ang sarili ko? Pinagana ko ang isip ko ng ilang minuto at maya-maya lang ay tumayo.

“Salamat po, Lord! Salamat sa pagtugon sa panalangin ko! Salamat sa malaking biyaya!”

Masayang sigaw ko sa gitna ng kagubatan ngunit ang akala kong kaginhawan sa buhay ay magdudulot pala sa akin ng kapahamakan. Agad akong tumakbo papunta sa lugar na tinayuan ng mga lalaki kanina at kinuha ang pala. Sinubukan kong hukayin ng mabilis ang lupa ngunit dahil na rin sa basa ito ay nahirapan akong hukayin ito. Tinapak ko sa likod ng pala ang aking paa at pwersang tinulak ito upang bumaon sa lupa na siyang gumana naman kaya napangiti ako.

Paulit-ulit kong ginawa iyon hanggang sa mahukay ko ng tuluyan ang lupa at makita ang kahoy na kahon. Nakaramdam ako ng excitement ng makita ito kaya agad kong binuksan ito at tumambad sa akin ang mga ginto na nagpalaki ng mata ko.

“T-Totoo nga,”

Katagang nasambit ko na lang dahil sa hindi ako makapaniwala sa nakita. Nanginginig na kumilos ako ng mabilis dahil baka maabutan ako ng mga lalaki kanina. Agad kong kinuha ang malaki kong bag at tinapon ang mga laman nito sa sahig ngunit para hindi ako makilala ay binaon ko ang mga ito sa lupa.

Agad kong kinuha ang mga ginto na mabibigat at inilagay ito sa bag ng mabilisan. Napatingin ako sa kalangitan ng humina ang ulan kaya nagmadali akong limasin ang kahon. Tumayo ako ngunit natumba ako sa sobrang bigat ng bag ko kaya hindi ko alam kung makakaya ko bang dalhin ang mga ito. Sa huli ay napagpasyahan kong bawasan ang mga ito upang mabitbit ko ang bag ko kahit papaano.

Tumingin muna ako sa paligid kung may tao bang paparating ngunit wala akong nakita. Mabilis kong nilisan ang lugar na iyon at nagpakalayo-layo.

Bitbit ang bag na hawak ko na may ngiti kahit basa man ay tila ba nasa alapaap ako sa sobrang saya.

“Ito na ang simula ng maganda kong buhay,” Sambit ko sa aking sarili habang bumabaybay saan man ako dalhin ng taxi na ito.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
17 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status