TULAD NANG nakagawian nina Michael, Giovanni, Jonathan at Gabriel ay nagtungo muli ang mga ito sa bahay ni Raphael para mambulabog. Makikigamit na naman ang mga ito ng gym kahit meron naman silang sariling gym sa loob ng mga bahay nila. Maybe it's a tradition to them or more like gusto lamang nilang inisin si Raph dahil sa kanilang lima, si Raph ang pinakamaikli ang pasensya."I bet hindi na naman maipinta ang mukha ni Raph," nakangising sabi ni Michael. "Malamang! Sinong hindi maiinis sa mukhang 'yan!" Kantyaw sa kanya ni Giovanni."Pakyu ka," he countered while raising his middle finger."Tumahimik nga kayo malapit na tayo, tsaka huwag niyo lakasan boses niyo. I think I heard something or someone in his house." Nakunot noong turan ni Jonathan."Yeah, I heard that too," dagdag ni Gabriel habang tumango-tango.Nagkatinginan ang dalawa at sabay sabing, "KIDS?"Nanlaki ang mga mata ng apat, lalo na nang marinig nila ang mga matitinis na sigaw ng kambal. Hindi na sila nagpatumpik-tumpik
Terakhir Diperbarui : 2025-03-06 Baca selengkapnya