Pumasok si Secretary General Jasmine, dala ang kanyang tablet, at walang anumang emosyon sa mukha. Direkta niyang itinama ang kanyang tingin kay Rico, tila hindi alintana ang presensya ni Ella, ngunit sa gilid ng kanyang mata, may bahagyang kislap na dumaan—isang banayad na kilos na hindi nakaligtas kay Ella. "Mr. Velasquez, narito na po ang final report para sa shipment ng bagong batch ng medical machines. Kailangan po ng confirmation para sa schedule." Walang alinlangan, mabilis na kinuha ni Rico ang tablet mula sa kamay ni Jasmine, sinulyapan ang dokumento, saka tumango. "Approve it. Siguraduhin mong maayos ang coordination with the hospitals. Ayoko ng anumang delay." "Noted, sir," sagot ni Jasmine, walang pagbabago sa tono ng boses. Ngunit bago siya tumalikod, saglit niyang nilingon ang paligid, at sa bahagyang galaw ng kanyang mga mata, parang sinilip niya si Ella sa gilid ng kanyang paningin. Napakabilis lang ng kilos, pero sapat para mapansin ni Ella ang kakaibang kilos ng s
Huling Na-update : 2025-02-01 Magbasa pa