All Chapters of Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy: Chapter 21 - Chapter 30

136 Chapters

Chapter 13

Chapter 13NAMUMULA ang ilong ni Camila, parang gusto niyang umiyak. Hanggang ngayon, si Lolo Herman lang ang nagparamdam sa kanya ng init ng isang pamilya. Pero alam niyang hindi na ito magiging katulad ng dati dahil hiwalay na siya sa apo nito. Dahan-dahan siyang umatras, pilit na ngumiti sa matanda kahit masakit ang kalooban at hinawakan ang mga kamay nito. "Lolo, babalik na lang po ako sa ibang araw para bisitahin ka, okay?"Napabuntong hininga ang matanda at dismayado talaga sa apong si Brix. Matanda na ito pero parang lito pa rin sa desisyon sa buhay. Tumingin si Lolo Herman kay Camila at nagbigay rin ng makahulugang tingin. "Hindi mo naman kayang alagaan mag-isa lang ang bata, di ba, Camila?"Biglang natigilan si Camila. Paano nalaman ni Lolo Herman ang tungkol kay Braylee? Nanlamig ang likod niya at nagsimula siyang pagpawisan habang hindi maapuhap ang mga sasabihin kay Lolo Herman. Pilit niyang pinanatili ang pagiging kalmado, bahagyang niyuko ang ulo at nagpaalam na. Hin
last updateLast Updated : 2025-01-12
Read more

Chapter 14

Chapter 14NAGTAAS baba ang dibdíb ni Vivian sa sinabi ni Camila.'Ano? Nagpakasal lang ba ako kay Carlos para mauwi sa wala ang lahat at hindi ma-enjoy ang yaman at ipaglaban ang karapatan ni Charlotte?' sigaw ng utak ni Vivian habang pinapàtay sa tingin si Camila. "Camila, mas mabuti sigurong isipin mo muna ang posisyon mo sa kumpanya. Isa ka lang hamak na deputy director sa Public Relations Department pero ang lakas na ng loob mong mag-ambisyon na mamanahin ang buong Perez Empire. Hindi ba masyado kang nangangarap?""Ang gusto lang naman ni Papa ay ma-develop ang kakayahan ko. Hindi n'yo na kailangan masyadong mag-alala at problemahin ako."Nagkunwaring hindi naintindihan ni Camila ang sinabi ni Vivian at ngumiti lang siya. Alam niyang matagal na nitong inaasam ang Perez Empire pero hindi ito magtatagumpay.Huminga ng malalim si Vivian at tumango nang ilang beses habang may panghahamak pa rin sa tingin kay Camila. "May pakpak ka na at ang tapang mo nang sumagot sa akin?""Auntie,
last updateLast Updated : 2025-01-12
Read more

Chapter 15

Chapter 15"IT'S PRETTY clear your stepmother manipulated your father into leaving this mess for you. Why not rise to the challenge? Considering your family's situation, when will you finally outshine Charlotte?"Sinimulan ni Eric na ipaliwanag ang sitwasyon para ipakita na tama ang desisyon niya. Gusto rin niyang ipakita na siya ang taong maaasahan ni Camila.Nagsisimula na sanang tumutol si Camila para pigilan si Eric nang biglang nag-ring ang cellphone ni Camila. Sinagot niya ang tawag. "Ano 'yon?" tanong niya."Ang sabi ng mga boss, ikaw ang bahala sa usapan ng partnership sa Pimentel Group ngayon. Kailangan magtagumpay ka, Miss Perez, at hindi pwedeng pumalpak."Pagkatapos sabihin ito, ibinaba ng director ng public relations department ang tawag nang mabilisan. Napakunot ang noo ni Camila."Did you put pressure on them to pick me?" tanong niya kay Eric."Sabi ko lang, ikaw lang ang gusto kong kausap sa partnership na 'to, wala nang iba," sagot ni Eric, halatang alam na nito na an
last updateLast Updated : 2025-01-12
Read more

Chapter 16

Chapter 16SA LOOB NG PEREZ EMPIRE, kaliwa't kanang tumingin si Charlotte sa paligid at nang masiguro na walang tao, patago siyang pumasok sa Public Relations Office. Kinuha ni Charlotte ang dalang flashlight at sinimulan ang paghahalughog sa mesa ni Camila pero walang kahit anong bakas ng kontrata ang nakita niya.Inuwi kaya ni Camila ang kontrata? Habang iniisip iyon, binuksan ni Charlotte ang computer ni Camila. Nang magsimula itong mag-boot, mas lalo siyang kinabahan.Walang password! Lihim na natuwa si Charlotte. Mukhang kulang pa rin sa talino ang kanyang ate dahil hindi man lang ito nag-abala na lagyan ng password ang computer nito. Pagkatapos halughugin ang iba’t ibang folders, sa wakas, natagpuan niya ang electronic document ng kasunduan ng Perez Empire sa Pimentel Group.Mouse clicks at keyboard taps, voila. Matapos ma-edit ang dokumento, hindi mapigilan ni Charlotte ang ngumiti.Tiningnan niya ulit ang "masterpiece" niya, binuksan ang email at ipinadala ito sa executive
last updateLast Updated : 2025-01-13
Read more

Chapter 17

Chapter 17ANG ISSUE sa project cooperation ay mabilis na naresolba ni Camila pero hindi man lang nagbigay ng opinyon si Carlos na nagbigay ng hindi magandang pakiramdam sa kanya. Sa apartment, kaharap niya si Eric at may nilapag itong isang dokumento sa mesa."Ito ang kuha sa CCTV sa paligid ng company ilang araw matapos maaprubahan ang kooperasyon. There are suspicious people that I found. Take a look, Camila."Pagkarinig ng sinabi ni Eric, taus-pusong nagpasalamat si Camila rito at kinuha ang dokumento. Nakaramdam siya ng kaunting saya.Sa sobrang abala niya sa pag-aasikaso ng nagulong project at gustong siguraduhin na kung may losses man ay hindi malaki, hindi niya nagawang mag-imbestiga. Mabuti na lang at tinulungan siya ni Eric.Habang isa-isang binubuklat ang mga litrato, unti-unting naging seryoso ang mukha ni Camila.Bagamat medyo malabo ang mga larawan, base sa kasuotan ng babae, agad niyang nakilala na si Charlotte ang printed footage. Nanlamig si Camila at hindi makapani
last updateLast Updated : 2025-01-13
Read more

Chapter 18

Chapter 18NANG makita na hindi man lang nagsisisi si Camila bagkus ay pinakikita pa nito ang pagiging suwail na anak imbes na tumulong na lang sa Perez Empire sa pamamagitan ng blind dates, nanginig sa galit si Carlos. Wala na nga si Camila na maitulong, ni ang magsakripisyo man lang para sa company ay hindi pa nito magawa! Nang makita ni Charlotte na namumula ang mukha ng ama sa galit, mabilis itong lumapit para maglapad ng papel ngunit bago pa nito masimulang idiin si Camilq, nasambit na ni Carlos ang masakit na mga salita para sa panganay na anak. "Kung ayaw mong mag-blind date, huwag ka nang bumalik sa pamilya!" Natigilan si Camila sandali ngunit pagkatapos ay ngumiti siyang mapait. Kung ayaw ninyo sa akin, hindi ko na pipilitin pa. Ang isang bahay na wala nang pagmamahal ay hindi na maituturing na tahanan kaya hindi na rin niya ituturing na tahanan ang Perez Family. Lumabas si Camila sa opisina at tinawagan si Eric."Nandiyan ka pa ba sa ibaba?""Nandito pa ako.""Pupuntahan
last updateLast Updated : 2025-01-13
Read more

Chapter 19

Chapter 19"UNCLE, sinasaktan mo ang mommy ko! Bakit mo siya inaaway?!" sigaw ni Braylee at tumalikod para haplusin ang mukha ni Camila na may pag-aalala. Nakayuko rin si Camila at mahigpit na yakap ang anak. Ayaw itong pakawalan.Tiningnan ni Brix si Lolo Herman na dahan-dahang lumabas. Halatang sinadya nitong palabasin si Braylee para mapuntahan sila. Naiinis si Brix at medyo nagsisisi kung bakit niya dinala si Braylee sa bahay."Camila, si Brix ay dinala lang si Braylee dito para makipaglaro, wala naman siyang ginawang masama. Sana huwag mong pag-isipan ng masama ang apo ko." Sinubukang pagaanin ni Lolo Herman ang sitwasyon habang nakangiti.Tumango si Camila bilang pagsang-ayon kahit na maputla pa ang mukha, ayaw na niyang magsalita pa. “Lolo, iuuwi ko na si Braylee.”“Ay, bakit hindi muna kayo magtagal dito?”Medyo nadismaya si Lolo Herman. Lagi kasing mainit ang ulo ng apo niya kapag nakikita si Camila at ito ang nagpapakabahala sa matanda dahil imbes na magkaayos ay mas lalo pan
last updateLast Updated : 2025-01-13
Read more

Chapter 20

Chapter 20"IKAW ang laman ng chismis! Ganyan ba talaga ang ginawa mo? Ang landiin ang CEO ng Pimentel Group?!"Pagkasalubong kay Camila, agad na pinagalitan siya ni Carlos. Sakto namang nakita ito nina Braylee at Eric pagdating nila.“Bakit mo sinisigawan si Mommy ko?!”Galit na galit si Braylee. Tumakbo siya palapit at kinagat si Carlos sa kamay nito. Agad namang papaluin ni Charlotte si Braylee dahil naroon din ito pero pinigilan siya ni Camila.“Saan ba nanggaling ang bastos na batang ito?” Galit na tanong ni Charlotte, pero pinigilan siya ni Carlos noong makalapit sa babae. “Papa, tingnan mo ang ginagawa ni Ate! Pati ba naman bata, inutusan niya para kagatin ka!” nanggagalaiti pang dugtong ni Charlotte. Plano niya sana ni Charlotte na mapahiya si Camila pero hindi nito inakala na may makulit na bata palang hahadlang. Nasira tuloy ang plano nitong pahiyain pa lalo si Camila! “Sino ka?” tanong ni Carlos sa bata. Nakasimangot si Braylee at galit na tumingin sa matandang lalaki sa
last updateLast Updated : 2025-01-13
Read more

Chapter 21

Chapter 21NAG-ISIP nang malalim si Carlos, ngunit sa huli, nagdesisyon ang lalaki na tumawag kay Camila para papuntahin ang anak sa bahay.Bago ni Carlos ibaba ang telepono, nagdagdag pa ito ng sinabi. "Isama mo na rin ang bata na nakita namin kanina. Bilang lolo niya, gusto kong makilala nang mabuti ang bata, Camila."Medyo naiinis si Camila nang marinig ito, ngunit wala siyang rason para tumanggi sa ama. Kung tatanggi siya, mas lalo lang siyang pipilitin nito. "Sige po, Papa."Pagkatapos pumayag, pabagsak siyang naupo sa sofa. Nang makita ito ni Eric, tahimik itong lumapit at umupo sa tabi niya."Anong problema? May mabigat ka bang iniisip uli?"Umiling si Camila at napabuntong-hininga. "Hindi naman malaki pero hindi ko lang alam kung ano ang plano ng tatay ko. Alam mo ang pagiging tuso ni Papa, Eric. Ama ko siya pero hindi ko mapagtatakpan ang ganoon niyang ugali.""Mommy, saan po tayo pupunta?" Narinig ng bata ang usapan kaya nagtatanong ito sa ina ngayon. Naguguluhan si Braylee h
last updateLast Updated : 2025-01-14
Read more

Chapter 22

Chapter 22HINDI pinansin ni Carlos ang halatang kaba ni Vivian.Hinaplos niya nang malambing ang bilugan na ulo ni Braylee. "Vivian, kahit pa saan siya galing, anak siya ni Camila kaya apo ko siya. Kasapi siya ng Perez Family."Nang marinig ito ni Braylee, kumislap ang mga mata nito na parang mga bituin. Ngumiti ito nang matamis at malambing na nagsalita. "Lolo!""Aba, marunong na magtawag ng lolo!" Napangiti si Carlos at halos maningkit ang mga mata nito sa tuwa. "Ang dami nang alam ni Braylee sa murang edad. Siguradong mahilig siyang magbasa," dagdag pa ni Carlos habang sumulyap kay Camila na halata ang kasiyahan sa mga mata.Tumango nang seryoso si Braylee nang marinig iyon. "Yes, Lolo. Sinabi po sa akin ni Mommy na magandang maraming alam kaya tuwing bedtime, lagi niya akong binabasahan ng books.""Ah, ganun pala. Good. Maganda ang ganyan." Tumango si Carlos, biglang naalala na ang panganay na anak ay nagtapos sa isang business school kaya may pinag-aralan naman talaga si Camila.
last updateLast Updated : 2025-01-14
Read more
PREV
123456
...
14
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status