I'll try to update ng 4 pa mamaya pero I'm not feeling well. Malalaman mamaya kasi mapa-publish naman iyon. Thank u for reading!
Chapter 22HINDI pinansin ni Carlos ang halatang kaba ni Vivian.Hinaplos niya nang malambing ang bilugan na ulo ni Braylee. "Vivian, kahit pa saan siya galing, anak siya ni Camila kaya apo ko siya. Kasapi siya ng Perez Family."Nang marinig ito ni Braylee, kumislap ang mga mata nito na parang mga bituin. Ngumiti ito nang matamis at malambing na nagsalita. "Lolo!""Aba, marunong na magtawag ng lolo!" Napangiti si Carlos at halos maningkit ang mga mata nito sa tuwa. "Ang dami nang alam ni Braylee sa murang edad. Siguradong mahilig siyang magbasa," dagdag pa ni Carlos habang sumulyap kay Camila na halata ang kasiyahan sa mga mata.Tumango nang seryoso si Braylee nang marinig iyon. "Yes, Lolo. Sinabi po sa akin ni Mommy na magandang maraming alam kaya tuwing bedtime, lagi niya akong binabasahan ng books.""Ah, ganun pala. Good. Maganda ang ganyan." Tumango si Carlos, biglang naalala na ang panganay na anak ay nagtapos sa isang business school kaya may pinag-aralan naman talaga si Camila.
Chapter 23"MOMMY! Mommy! Huwag ka nang matulog, wala si Uncle Eric dito sa bahay!"Narinig ni Camila ang boses ni Braylee na parang kabado. Tumagilid siya sa kama nang hindi binubuksan ang mga mata, pilit iniiwasan ang maliit na kamay na ginugulo ang kanyang panaginip.Pabulong niyang sinabi kay Braylee, "Umalis na si Uncle Eric mo para magtrabaho, huwag mo na siyang alalahanin..."Pagkatapos nito, bumalik si Camila sa pagtulog."Mommy—" Hinila ni Braylee ang kanyang mahabang buhok. "Hindi, maaga siyang umalis ngayon!""Aray, ang sakit!"Naramdaman ni Camila ang kirot sa anit at napilitang dumilat. Umupo siya mula sa kama."Braylee, kahit maaga umalis si Uncle Eric mo at hindi ka nakakain ng pagkain, hindi mo pwedeng gawin ito kay Mommy," ani Camila habang bumangon nang may pagkadismaya. "Tatlong taong gulang ka na, hindi mo pwedeng iasa lahat kay Mommy."Sa isip niya, sinabi ni Camila, 'Tinatamad lang talaga ako at antok na antok kumilos.'Habang nagsusuot maayos ng damit mula sa pa
Chapter 24MULA SA may pinto, sumilip si Camila at tiningnan ang reaksyon ng ama niya nang may kaba.Si Carlos ay nagbitiw ng pilit na tawa. "Baka hindi alam ni Mr. Pimentel na kahit magaling si Camila sa academics, masyado pa siyang bata. Hindi rin siya makakatulong sa 'yo sa business. Kung bibigyan ko siya ng napakaraming shares, baka hindi niya ito makontrol nang maayos.""Anong ibig ninyong sabihin, Mr. Perez?" tanong ni Eric habang napapaisip."Sa tingin ko, one or two percent na shares ay sapat na para kay Camila."Napakunot ang noo ni Eric at muling umupo sa sofa sa loob ng living room. Si Carlos naman ay kalmado lang na umiinom ng tea at wala nang iba pang sinabi. Napangiti si Camila ng mapait. Kahit kailan talaga ay unfair ang ama sa kanya. Dito pa lang ay makikita na ang hindi siya nito iniisip. Ang perang inaalok ni Eric para tulungan ang Perez Empire ay alam ni Camila na barya lang para sa lalaki. Pero gusto siyang tulungan ni Eric. Alam niyang kaya ganito si Eric ay pa
Chapter 25NANG makalabas nang ligtas ang reporter mula sa bahay ng Perez Family, alam ni Camila na posibleng maging usap-usapan ang insidente dahil sa recordings na nilabas niya. Pero hindi niya inaasahan na mapapabilang ito sa mga trending topics. Binuksan niya ang mga komento sa ilalim ng balita at isa-isang binasa ang mga ito nang mabuti."Substitute marriage? Aagawin ang kasal ng kapatid? Nasa 21st century na tayo, tama ba ito?!""Anak mo rin naman sila, Mr. Perez, pero bakit ganoon na lang ang favoritism mo?""Hindi niyo ba alam, kabit lang si Mrs. Vivian Perez noon kaya ganyan.""Ang sama ng pamilya na ‘to! Tama talaga ang kasabihan, kung may madrasta, nauuwi na rin sa stepfather ang labas ng biological father. Kawawa si Miss Perez.""Grabe naman 'to! Inggit na inggit ang bunso sa ate. Sana siya na lang ang lasingin at ipakasal sa aso nang malaman niya!""Hoy, huwag niyong idamay ang aso! Ano bang ginawa ng aso sa inyo? Baka i-bully pa iyon ng Charlotte Perez na 'yan."Habang
Chapter 26MARAHAN at kaaya-ayang musika ang patuloy na tumutugtog sa plaza. Ang mga tao naman sa paligid nila ay tumigil sa pagngiti at tumingin sa tatlong tao na nasa center. Lumapit si Brix kay Camila na tulala sa pagdating ng lalaki at pilit siyang niyakap. "Kahit may alitan tayo, hindi mo kailangang magalit ng ganito, tama? Hmm? Wife?"Ang salitang "wife" mula kay Brix ay agad nagdulot ng ingay sa paligid."Anak ng... may asawa na pala iyong babae?""Ano? Baka mali lang ang dinig ko? Nagpo-propose ba iyong isang lalaki, 'di ba?""Grabe, hindi ba nasa shooting tayo ng movie? Mukhang oo na hindi pero mukhang ganun dahil sa hitsura nila.""Oo nga, parang hindi naman pelikula pero ganyan iyong madalas na nasa sinehan.""May kumukuha ng proposal eh. Baka movie shooting nga 'yan.""Tama tama movie shooting 'yan."May ilang taong napatango dahil inakala nila na shooting ng isang upcoming movie at ginamit ang mga fresh actors at actress. Hindi kilala ng mga tao na dalawang CEO ang nasa h
Chapter 27"NARITO na tayo."Huminto si Eric sa kotse, kinuha ang dokumentong nasa loob ng bag at iniabot kay Camila. Bago iyon, nagbigay ito ng suggestion. "Mag-concentrate ka lang sa trabaho mo at huwag nang isipin ang ibang bagay. Hmm, okay, Camila? Smile."Tumango si Camila, "Gagawin ko 'yan. Thank you, Eric.""Sige na, pasok na. Susunduin kita mamaya."Pagkababa ng kotse, naglakad na si Camila papunta sa gusali ng kompanya.Habang naglalakad siya, napansin niyang ang mga co-workers niya ay nagsimulang magbulungan, tinakpan ang mga bibig nila, at lihim siyang pinag-uusapan.Nang tumingin siya sa kanila, nagbago ang kanilang mga ekspresyon, naglakad na lang sila nang diretso na hindi na siya tinignan pa. Napailing si Camila dahil doon. Pagdating sa maliit niyang opisina, nakita niyang nasa loob si Charlotte. Nang marinig ni Charlotte ang pagbukas ng pinto, tumayo ang babae at nagsalita nang puro panlalait kay Camila agad ang ginawa nito. "Ano, Camila? Wala kang nakuha kay Mr. Pime
Chapter 28DAHIL GABI na, walang bituin sa madilim na kalangitan at wala ring bakas ng buwan.Nakatayo si Camila sa may balkonahe, nakapatong ang kanyang baba sa isang kamay habang tulalang nakatingin sa kawalan.“Hindi ka pa natutulog?” tanong ni Eric na lumapit sa kanya at tumayo sa tabi niya. Sinundan ni Eric ang tingin niya pero wala itong nakitang kakaiba.“Matutulog din ako mamaya,” sagot ni Camila nang mahina, halos parang natatakot na masira ang katahimikan. Wala nang tao sa kalye sa baba, tanging ang mga ilaw ng poste lang ang nagbibigay liwanag. Ang mainit na dilaw na liwanag ay sumasalamin sa kanyang mga mata, na parang dalawang kumikislap na bituin.Bahagyang tumagilid si Eric at parang natulala habang tinitingnan siya, nakalimutan na nitong magsalita.Makalipas ang ilang saglit, tumikhim ito para takpan ang nararamdaman at nagsalita sa mahinahon na boses, “Ano bang nangyari kaninang hapon?”Nakita nitong bahagyang kumunot ang noo ni Camila kaya dinugtungan nito ang sinasa
Chapter 29"NAGKAKAMALI ka yata, kuya? Hindi kita kilala kaya bitiwan mo ako!" Sa desperadong pag-iisip dahil hawak siya nito, sinabi iyon ni Camila.“Aminado akong may mali ako, pero wala akong ginawang kasalanan sa’yo! Kaya bakit ka umaaktong hindi ako kilala? Umuwi na tayong dalawa! Ano, adik ka na ba sa paglabas at ayaw mo nang umuwi?”Tinitigan siya ng lalaki at mas hinigpitan pa ang hawak sa braso niya. Nagkatinginan sila, pero wala ni katiting na pagsisisi sa mukha ng lalaki.Biglang pinagpawisan ng malamig si Camila. Kumapit siya sa bakal ng shed at hindi bumitiw. “Hindi kita kilala kaya layuan mo ako! Tulong! Hindi ko kilala 'tong lalaking 'to!”Naalala niya ang mga balita tungkol sa panloloko at pag-kidnap sa mga tao tapos ay nasasangkot ang mga iyon sa human trafficking. Mas lalong natakot si Camila. “Hoy, babae, naghahanap ka ba ng gulo? Pinapakain kita at binibihisan nang maayos, ano pa bang gusto mo? Hala, uwi sa bahay!” sigaw ng lalaki habang pilit na hinihila ang braso
Chapter 125HINDI PA rin nagigising si Braylee kahit lumipas na ang isang buong araw kaya lalong kinabahan si Camila. Sinuri muli ng doktor ang kalagayan ng bata ngunit ang tanging sagot nito ay: hintayin na lang natin ang paggising ng pasyente. Wala nang nagawa si Camila kundi manatili sa tabi ni Braylee, tahimik na nagdarasal na magising na ang anak. Nasa VIP room ng ospital si Braylee na may disenyo parang bahay—may mga cooking equipment doon, pati extrang kama para sa mga bantay.Ang wallpaper na may disenyo ng orchids ay bumabalot sa buong dingding sa likod ng kama, simple pero presko tingnan. May tig-isang maliit na lamesa sa magkabilang gilid ng kama, may mga lampshade at may TV sa harapan para may mapanood ang pasyente kapag nabo-bored. Sa dulong bahagi ng kwarto, may malaking balcony at isang beige na sofa. Sa ngayon, natatakpan ng puting kurtina ang bintana kaya ang liwanag mula sa labas ay nagiging banayad at hindi masakit sa mata.Maganda at maaliwalas ang lahat—pero ka
Chapter 124MATAPOS maipasok si Braylee sa emergency room, naupo si Camila sa upuan sa labas ng pinto, tulala.Ang upuang bakal ay malamig at pag-upo niya, parang gumapang ang lamig sa buong katawan niya. Napayakap siya sa sarili at nanginig nang bahagya.Katabi niya si Brix, habang sina Jomar at Pilat ay lumabas para kumain.Sa gilid, si Brix ay saglit na nag-alinlangan, pero sa huli, iniakbay niya ang kamay sa balikat ni Camila at hinila ito papalapit sa kanya."Huwag kang mag-alala, magiging maayos ang lahat," mahina niyang bulong habang nakapatong ang labi niya sa buhok nito, puno ng lambing ang boses niya.Nanigas ang katawan ni Camila sa simula, pero kalaunan ay unti-unting lumambot. Nanatili lang siyang tahimik, nakatitig sa lumang corridor.May ilan-ilang taong dumaan, tumingin sa kanilang dalawa, tapos sa pinto ng emergency room, sabay iling na may habag sa kanilang mga mata.Makalipas ang sampung minuto, biglang bumukas ang pinto at lumabas ang doktor na nakasuot ng asul na
Chapter 123PUMUTOK ang baril at tumama sa kisame, dahilan para mahulog ang ilang piraso ng semento.Agad na inagaw ni Brix ang baril at tinadyakan ito palayo. Hinila niya si Braylee mula kay Daisy at pinilit si Daisy na lumuhod sa sahig, tinali ang mga kamay nito sa likod para hindi na makagalaw."Mommy!"Mabilis na tumakbo si Braylee papunta kay Camila at niyakap si Camila nang mahigpit.Nang mapagtanto ni Daisy na nalinlang ito, nanlaki ang mga mata nito at tinitigan si Brix nang galit."Niloko mo ako! Niloko mo ako para sa babaeng ‘yan!"Walang emosyon ang mukha ni Brix para bang ang kaninang mabait na ekspresyon niya kay Daisy ay isa lang ilusyon."Paulit-ulit kang gumagawa ng kasalanan. Hindi ko na hahayaan na magpatuloy pa ‘yan.""Ano'ng balak mo? Ipadala ulit ako sa kulungan? Ang sama mo, Billy!""Pumatay ka ng tao, Daisy."Diretsong sinabi ni Brix ang katotohanan sa malamig na tono.Mapait na natawa si Daisy. Sa paulit-ulit na pagtataksil dito ni Brix, tuluyan nang napuno ng
Chapter 122"MOMMY..."Mahina ang iyak ni Braylee, halos kasinghina ng isang kuting. Ang dating bilugang mga mata nito ay halos wala nang sigla pero nang makita si Camila, nagkaroon iyon ng bahagyang kislap."Braylee..."Nanginig ang mga kamay ni Camila sa sakit, luhaan ang kanyang mga mata.Ang dating chubby ni Braylee na mukha ay ngayon buto't balat na, maputlang-maputla at kitang-kitang sobrang pagod.Ilang araw pa lang ang lumipas pero hindi na niya maisip kung ano ang pinagdaanan ng anak niya."Tama na ‘yan!" singhal ni Daisy, inis na inis. "Wag kayong magdrama ng anak mo sa harap ko!"Hinila ni Brix si Camila sa likod niya, iniharang ang sarili at malamig na nagtanong. "Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?""Ha-ha! Ano ang gusto kong mangyari?" Tumawa si Daisy, pero tuloy-tuloy ang luha nito. "Ikaw, Billy! Ikaw ang nagtulak sa akin sa ganitong sitwasyon!"Napalalim ang kunot sa noo ni Brix pero hindi ito sumagot.Muling umiyak si Daisy, puno ng sakit ang tinig. "Bakit? Billy,
Chapter 121SI Camila at ang iba pa ay bumaba isa-isa mula sa ikalawang palapag ng lumang bahay at sabay-sabay nilang pinalibutan ang matandang babae.Dahan-dahang bumangon ito mula sa sahig at umupo, ang mukhang kulubot na parang tuyong kahoy ay lalong nagmukhang luma.Dumikit si Jomar kay Brix at doon lang ito nagkalakas ng loob."Matandang bruha ka! Dinala mo kami rito para gawing pagkain?"Para kay Jomar, ito lang ang pinakamakatwirang paliwanag, pero nanatiling tahimik ang matanda.Lumapit si Brix, pinaningkit ng bahagya ang mga mata at malamig na nagtanong, "Sino ka ba talaga?"Itinaas ng matanda ang madilim na mukha at tumingin kay Brix. Bigla nitong dinampot ang palakol sa sahig at walang pakundangang inundayan ng malalakas na palo ang mga lalaki.Napasigaw si Jomar ng, "Diyos ko!" sabay takbo palayo.Hindi man lang gumalaw si Brix. Sa halip, tinulak lang nito si Camila palayo at nang malapit nang tamaan ng palakol ang mukha nito, bahagya lang nitong iniwas ang ulo at nakaligt
Chapter 120SA TAHIMIK na gabi, ang paminsan-minsang huni ng hayop ay nagbibigay ng kaba, parang anumang sandali ay may mabangis na hayop na babasag sa marupok na bahay at kakain ng tao.Nakahiga si Camila sa sahig ng ikalawang palapag, hindi makatulog.Ang lumang kutson na may amoy amag ang tanging gamit niya pero kahit ito ay isang privilege na sa sitwasyon nila.Si Brix ay nakahiga sa kaliwa niya, may dayami sa ilalim. Ang dalawa pang kasama nila ay nasa may dalawang metro ang layo, nakahiga rin sa dayami.Lahat sila ay natulog nang hindi nag-aalis ng damit, wala nang oras para sa pagiging pihikan.Napabuntong-hininga siya at nang maalala ang malambot, maluwag, at mainit na kama sa villa, biglang kumirot ang ilong niya.Pagkapikit ng kanyang mga mata, lumitaw agad sa isip niya ang masayahing mukha ni Braylee at mas lalo pang nanikip ang dibdib niya.Pinunasan niya ang ilong niya at marahang bumangon mula sa kutson."Saan ka pupunta?" narinig niyang tanong ni Brix mula sa dilim."Ii
Chapter 119SA PANGUNGUNA ng matandang babae, naglakad ang lima sa isang makitid at matinik na daan.Matataas at matataba ang mga punong kahoy sa gilid ng daan kaya’t halos hindi makapasok ang sikat ng araw. Dahil dito, ramdam ng grupo ang malamig na hangin sa ilalim ng mga puno.May hamog pa sa mga damo sa gilid ng daan kaya nabasa ang pantalon ni Camila. Ramdam niya ang malamig na dampi nito sa kanyang balat.Napansin niyang kahit mukhang nasa sitenta na ang matanda at buto’t balat ang mga binti nito, mabilis pa rin itong maglakad.Napaisip siya kung sino talaga ang matandang ito. Isa ba itong ermitanyo? O baka naman isang matandang may kakaibang kakayahan at may alam sa panghuhula?Kung isa itong bihasa sa mga ganitong bagay, baka matutulungan siya sa paghahanap kay Braylee at Daisy.Matapos ang halos isang oras ng paglalakad, maraming liko at pasikot-sikot, saka sila dumaan sa isang madilim na kagubatan. Tumigil ang matanda at nagsalita. "Narito na tayo." Napahinto ang lima at tu
Chapter 118"N-NOONG isang araw, kumakain ako sa tapat ng clinic nang makita ko ang isang babaeng may dalang bata na pumasok doon. Kakaunti lang ang tao dito sa lugar namin kaya hindi lang ako ang nakakita. Kung hindi ka naniniwala, puwede mong tanungin ang iba."Hawak ng lalaki ang namamagang likod nito habang nagsasalita. Pagkatapos niyang magsalita, may isang lalaking nagtaas ng kamay at bumulong. "Maaari kong patunayan 'yan. Nakita rin ng misis ko at nabanggit pa niya sa akin habang magkatabi kami kagabi!"Isa sa mga benepisyo ng maliit na bayan ay mabilis nilang napapansin kung may bagong dayuhan na dumating.Napansin ni Camila na mukhang hindi nagsisinungaling ang dalawa kaya sumunod siya sa direksyon kung saan nakita si Daisy. Ngunit sa kasamaang-palad, ayon sa lalaki, umalis ito kahapon pa.Kung tutuusin, iyon ang araw na nakatulog siya ng mahaba. Muling nawala ang bakas ni Daisy kaya napuno ng inis at pagkadismaya si Camila.Tumingin siya kay Brix at nakita niyang kalmado it
Chapter 117PAGMULAT ng mga mata ni Camila, umaga na. Bumangon siya mula sa matigas na kama at tumingin sa paligid.Sa loob ng simpleng kwarto, sa tapat ng kama ay may lumang kabinet na bahagyang lubog, sa kanan ay isang kurtinang hindi man lang nakakatakip sa liwanag, at katabi nito ay isang hugis-parihabang mesa na kulay mamula-mulang kahoy. Maging ang sahig ay may ilang bahagi nang sira…Tinanggal niya ang manipis at matigas na kumot, tumayo, at kinuha ang cellphone. Nakita niyang ika-17 na ng kasalukuyang buwan—ibig sabihin, nakatulog siya nang isang buong araw at gabi.May messages mula kay Brix. Matapos itong sagutin, naupo siya sa tabi ng bintana at tulala habang nakatingin sa maalikabok na kalsada sa labas.Dalawang araw na…Saan dinala ni Daisy si Braylee? Bakit may dugo? Ano na ang nangyari sa anak niya?Habang iniisip ito ni Camila, mas lalong lumakas ang kanyang kaba. Alam niyang ipinadala na ni Brix ang mga tao nito upang hanapin sila, pero dahil hindi siya personal na na