Lahat ng Kabanata ng Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy: Kabanata 131 - Kabanata 136

136 Kabanata

Chapter 120

Chapter 120SA TAHIMIK na gabi, ang paminsan-minsang huni ng hayop ay nagbibigay ng kaba, parang anumang sandali ay may mabangis na hayop na babasag sa marupok na bahay at kakain ng tao.Nakahiga si Camila sa sahig ng ikalawang palapag, hindi makatulog.Ang lumang kutson na may amoy amag ang tanging gamit niya pero kahit ito ay isang privilege na sa sitwasyon nila.Si Brix ay nakahiga sa kaliwa niya, may dayami sa ilalim. Ang dalawa pang kasama nila ay nasa may dalawang metro ang layo, nakahiga rin sa dayami.Lahat sila ay natulog nang hindi nag-aalis ng damit, wala nang oras para sa pagiging pihikan.Napabuntong-hininga siya at nang maalala ang malambot, maluwag, at mainit na kama sa villa, biglang kumirot ang ilong niya.Pagkapikit ng kanyang mga mata, lumitaw agad sa isip niya ang masayahing mukha ni Braylee at mas lalo pang nanikip ang dibdib niya.Pinunasan niya ang ilong niya at marahang bumangon mula sa kutson."Saan ka pupunta?" narinig niyang tanong ni Brix mula sa dilim."Ii
last updateHuling Na-update : 2025-02-09
Magbasa pa

Chapter 121

Chapter 121SI Camila at ang iba pa ay bumaba isa-isa mula sa ikalawang palapag ng lumang bahay at sabay-sabay nilang pinalibutan ang matandang babae.Dahan-dahang bumangon ito mula sa sahig at umupo, ang mukhang kulubot na parang tuyong kahoy ay lalong nagmukhang luma.Dumikit si Jomar kay Brix at doon lang ito nagkalakas ng loob."Matandang bruha ka! Dinala mo kami rito para gawing pagkain?"Para kay Jomar, ito lang ang pinakamakatwirang paliwanag, pero nanatiling tahimik ang matanda.Lumapit si Brix, pinaningkit ng bahagya ang mga mata at malamig na nagtanong, "Sino ka ba talaga?"Itinaas ng matanda ang madilim na mukha at tumingin kay Brix. Bigla nitong dinampot ang palakol sa sahig at walang pakundangang inundayan ng malalakas na palo ang mga lalaki.Napasigaw si Jomar ng, "Diyos ko!" sabay takbo palayo.Hindi man lang gumalaw si Brix. Sa halip, tinulak lang nito si Camila palayo at nang malapit nang tamaan ng palakol ang mukha nito, bahagya lang nitong iniwas ang ulo at nakaligt
last updateHuling Na-update : 2025-02-09
Magbasa pa

Chapter 122

Chapter 122"MOMMY..."Mahina ang iyak ni Braylee, halos kasinghina ng isang kuting. Ang dating bilugang mga mata nito ay halos wala nang sigla pero nang makita si Camila, nagkaroon iyon ng bahagyang kislap."Braylee..."Nanginig ang mga kamay ni Camila sa sakit, luhaan ang kanyang mga mata.Ang dating chubby ni Braylee na mukha ay ngayon buto't balat na, maputlang-maputla at kitang-kitang sobrang pagod.Ilang araw pa lang ang lumipas pero hindi na niya maisip kung ano ang pinagdaanan ng anak niya."Tama na ‘yan!" singhal ni Daisy, inis na inis. "Wag kayong magdrama ng anak mo sa harap ko!"Hinila ni Brix si Camila sa likod niya, iniharang ang sarili at malamig na nagtanong. "Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?""Ha-ha! Ano ang gusto kong mangyari?" Tumawa si Daisy, pero tuloy-tuloy ang luha nito. "Ikaw, Billy! Ikaw ang nagtulak sa akin sa ganitong sitwasyon!"Napalalim ang kunot sa noo ni Brix pero hindi ito sumagot.Muling umiyak si Daisy, puno ng sakit ang tinig. "Bakit? Billy,
last updateHuling Na-update : 2025-02-10
Magbasa pa

Chapter 123

Chapter 123PUMUTOK ang baril at tumama sa kisame, dahilan para mahulog ang ilang piraso ng semento.Agad na inagaw ni Brix ang baril at tinadyakan ito palayo. Hinila niya si Braylee mula kay Daisy at pinilit si Daisy na lumuhod sa sahig, tinali ang mga kamay nito sa likod para hindi na makagalaw."Mommy!"Mabilis na tumakbo si Braylee papunta kay Camila at niyakap si Camila nang mahigpit.Nang mapagtanto ni Daisy na nalinlang ito, nanlaki ang mga mata nito at tinitigan si Brix nang galit."Niloko mo ako! Niloko mo ako para sa babaeng ‘yan!"Walang emosyon ang mukha ni Brix para bang ang kaninang mabait na ekspresyon niya kay Daisy ay isa lang ilusyon."Paulit-ulit kang gumagawa ng kasalanan. Hindi ko na hahayaan na magpatuloy pa ‘yan.""Ano'ng balak mo? Ipadala ulit ako sa kulungan? Ang sama mo, Billy!""Pumatay ka ng tao, Daisy."Diretsong sinabi ni Brix ang katotohanan sa malamig na tono.Mapait na natawa si Daisy. Sa paulit-ulit na pagtataksil dito ni Brix, tuluyan nang napuno ng
last updateHuling Na-update : 2025-02-10
Magbasa pa

Chapter 124

Chapter 124MATAPOS maipasok si Braylee sa emergency room, naupo si Camila sa upuan sa labas ng pinto, tulala.Ang upuang bakal ay malamig at pag-upo niya, parang gumapang ang lamig sa buong katawan niya. Napayakap siya sa sarili at nanginig nang bahagya.Katabi niya si Brix, habang sina Jomar at Pilat ay lumabas para kumain.Sa gilid, si Brix ay saglit na nag-alinlangan, pero sa huli, iniakbay niya ang kamay sa balikat ni Camila at hinila ito papalapit sa kanya."Huwag kang mag-alala, magiging maayos ang lahat," mahina niyang bulong habang nakapatong ang labi niya sa buhok nito, puno ng lambing ang boses niya.Nanigas ang katawan ni Camila sa simula, pero kalaunan ay unti-unting lumambot. Nanatili lang siyang tahimik, nakatitig sa lumang corridor.May ilan-ilang taong dumaan, tumingin sa kanilang dalawa, tapos sa pinto ng emergency room, sabay iling na may habag sa kanilang mga mata.Makalipas ang sampung minuto, biglang bumukas ang pinto at lumabas ang doktor na nakasuot ng asul na
last updateHuling Na-update : 2025-02-11
Magbasa pa

Chapter 125

Chapter 125HINDI PA rin nagigising si Braylee kahit lumipas na ang isang buong araw kaya lalong kinabahan si Camila. Sinuri muli ng doktor ang kalagayan ng bata ngunit ang tanging sagot nito ay: hintayin na lang natin ang paggising ng pasyente. Wala nang nagawa si Camila kundi manatili sa tabi ni Braylee, tahimik na nagdarasal na magising na ang anak. Nasa VIP room ng ospital si Braylee na may disenyo parang bahay—may mga cooking equipment doon, pati extrang kama para sa mga bantay.Ang wallpaper na may disenyo ng orchids ay bumabalot sa buong dingding sa likod ng kama, simple pero presko tingnan. May tig-isang maliit na lamesa sa magkabilang gilid ng kama, may mga lampshade at may TV sa harapan para may mapanood ang pasyente kapag nabo-bored. Sa dulong bahagi ng kwarto, may malaking balcony at isang beige na sofa. Sa ngayon, natatakpan ng puting kurtina ang bintana kaya ang liwanag mula sa labas ay nagiging banayad at hindi masakit sa mata.Maganda at maaliwalas ang lahat—pero ka
last updateHuling Na-update : 2025-02-11
Magbasa pa
PREV
1
...
91011121314
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status