maya uli. may klase ako till 8pm huhu wish me luck, people. pahingi na rin pong review sa main page. pang-boost lang ng stats. thank youuuu
Chapter 128"KUYA DALE, tulungan mo na akong umalis!"Hindi natinag si Dale at hinila siya patayo."Hindi gagawin ‘yun ni Brix. Gusto ka lang niyang takutin. Kung talagang gusto ka niyang hulihin, bakit pa niya ako pinayagang ilabas ka noon? Daisy, masyado kang nag-aalala."Malapit nang maiyak si Daisy. "Kuya! Ang tigas ng ulo mo! Tulungan mo akong makaalis, kundi tuluyan na akong mawawasak!""Daisy..."Biglang tumigil si Daisy sa pag-iyak at kalmadong sinabi ang totoo. "Nakapatay ako ng tao."Nanlaki ang mata ni Dale at napatingin sa kanya nang hindi makapaniwala."A-Anong sinabi mo?! Papaano mong nagawa ‘yun?" Hinawakan ni Dale ang balikat niya. "Paanong nagawa mong pumatay ng tao?"Iniwas ni Daisy ang tingin niya at tumalikod, umiiyak. "Hindi ko rin ginusto ‘yun. Pero dahil pinapahuli ako ni Billy, nagawa ko ‘yun nang hindi sinasadya. Kuya, nagsisisi ako... natatakot ako..."Hinawakan niya ang mukha niya at niyakap si Dale. "Alam kong nagkamali ako... hindi ko sinasadya, Kuya! Sa m
Kabanata 1"BRIX, hindi ba't kahit sandali nagkasundo naman tayong dalawa bilang mag-asawa? Please, mag-divorce na tayo. Nakikiusap ako, pakawalan mo ako. Sawang-sawa na akong patunayan ang sarili ko sa ‘yo."Si Camila ay nakatayo sa gilid ng ilog, suot ang maluwag na puting damit. Ang malamig na hangin ay nagbigay-diin sa kanyang payat na pangangatawan.Maya-maya, isang malamig na boses ng lalaki ang narinig mula sa kabilang linya ng cellphone. "Nagagawa mo pang makiusap, ha? Ang lakas talaga ng loob mo! Si Daisy, comatose pa rin sa ospital dahil sa kagagawan mo! Akala mo ba basta-basta kitang pakakawalan lang? Diyan ka nagkakamali!""Sinabi ko na noon pa, Brix! Siya ang nanggugulo sa akin. She wanted to push on the stairs pero siya mismo ang nadulas at nahulog. Kasalanan niya iyon kaya siya comatose!"Namumula ang mga mata ni Camila na hilam na ng luha habang sinisigaw ang kanyang paliwanag.Isang buwan na ang nakalipas nang puntahan siya ni Daisy, ang kababata ni Brix, para maghana
Kabanata 2"BUMALIK ako dahil sinabi ninyong may gusto kayong pag-usapan na importante. Ito ba iyon? Ang ialok ako sa ibang lalaki na parang kagamitan lang?"Malalim ang buntong-hininga niya at nagsalita. "Camila, wala na kaming magagawa. Lubog na sa utang ang pamilya natin kaya kailangan nating umasa sa kasal para maiangat uli ang business."Natawa nang mapait si Camila, parang malaking biro ang naririnig. "Wala ba kayong anak na babae bukod sa akin?"Biglang nagbago ang ekspresyon ng stepmother niya. "Ano ba ang pinagsasabi mo? Kapatid mo siya at bata pa siya!"Mas lalo pang napangisi si Camila sa narinig. "Hindi na bata iyon. Halos kasabay ko nga lang siya ipinanganak. Matanda lang ako ng ilang buwan, hindi ba?" aniya sabay sandal sa sofang kinauupuan. Nagbago ang mga mukha ng mag-asawang Perez. Ito ang lihim nila na hindi pwedeng sabihin. Ang kasalukuyang asawa ng ama ni Camila ay ang dating kabit nito. Nang mamatay ang ina ni Camila saka lamang nakatungtong ang kabit nito sa ba
Kabanata 3SI BRIX ay tahimik na nakaupo nang dumating si Camila kasama ang isang abogado."Sit," malamig nitong sabi.Tumingin ang abogado kay Camila na tumango naman bilang sagot.Binuksan ng abogado ang hawak nitong mga dokumento. "Mr. Monterde, tatlong taon na po kayong hiwalay ni Miss Camila. Ayon sa batas, sapat na ito para mag-file ng divorce."Tumaas ang kilay ni Brix. "Who told you I want divorce?"Bago pa man makasagot ang abogado, hinila ni Brix ang isang papel mula sa ilalim ng mesa at inihagis ito sa abogado. "Atty. Hernandez, alam mo bang akin na law firm na pinapasukan mo?"Natigilan ang abogado. Nagpatuloy si Brix, "Kung tutuloy ka sa pagkampi kay Camila, sigurado akong wala ka nang trabaho bukas."Walang nagawa ang abogado kundi tumayo at tumingin kay Camila. "Pasensya na, Miss Camila. Kailangan kong mag-back out. Paalam."Tahimik ang buong opisina nang umalis ang abogado.Nagpalit si Brix ng kape, naglagay ng bago para kay Camila at inilapag ito sa harapan niya.Gali
Kabanata 4NAPUNO ng luha ang mga mata ni Daisy. "Camila, paano mo nagagawang sabihin ang mga ‘yan? Ako ang biktima sa nangyari tatlong taon na ang lumipas. Sa tingin mo ba, gugustuhin kong saktan ang sarili ko?"Ngumisi nang bahagya si Camila. "Sa totoo lang, hindi na gagaling pa ang talento mo sa piano. Mas magaling pa ako sa ‘yo noong bata pa ako. Ngayon naman, ginagamit mo pa ang mga imbento mong kwento kaya nasira ang kasal ko kay Brix—sabihin na nating nanalo ka na."Nanlamig ang mukha ni Daisy. Galit itong pumalo sa mesa at tumayo. "Ano bang pinagsasabi mo? Hindi na nga kita sinisi sa ginawa mo noon, tapos ikaw pa ngayon ang nagmamalinis?!"Kalmado lang si Camila na umiinom ng kape. "Sige na nga, huwag na nating balikan ang nakaraan. Tanong ko lang, hanggang saan na ba kayo ni Brix?"Natigilan si Daisy sa tanong niya. "A-Anong ibig mong sabihin?"Ngumiti nang bahagya si Camila at tumingin sa relo. "Let’s put it this way, mukhang nasasayang lang ang effort mo. Do you know, hindi
Kabanata 5TINITIGAN ni Braylee si Brix habang ito’y nakayuko. Ang gwapo ng lalaki pero napansin din ng bata ang mga sugat sa mukha ng lalaki. Dahan-dahan niyang hinawakan ito gamit ang maliit niyang kamay."Uncle, masakit ba?"Parang may kumurot sa puso ni Brix. Ang malambot na boses ng bata ay tila may hinaplos sa kanyang kalooban."I'm not hurt, little kid. You, why are you alone?" tanong ni Brix na nagulat sa sarili sa lambot ng tonong gamit niya sa bata. ‘Kung buhay pa ang anak ko... baka ganito rin ako kalambing magsalita sa kanya.’Ngumiti si Brix sa naisip at nahiya naman si Braylee sa ngiti ni Brix. Masaya nitong tinakpan ang mukha gamit ang kamay.“Uncle, ang gwapo mo pala kapag ngumiti! Nahihiya ako!” Mas lalong natawa si Brix. Ang batang kaharap ay talagang magaling magpa-cute."Ako nga pala si Braylee. Pero hindi ko pwedeng sabihin ang full name ko. Sabi ni Mommy, huwag daw akong magtiwala sa strangers."Napangiti si Brix. “Is that so? But you're alone. Samahan muna kita
Chapter 6.1SI CAMILA, ang babaeng iniisip at hanap-hanap ngayon ni Brix ay patungo na sa blind date na in-arrange ng pamilya para sa kanya. She knew she got caught by her stepmother's trap. Sa sandaling iyon, nakaramdam siya ng kaunting kaba. Ginawan siya ng paraan ng kanyang madrasta para maitulak sa sitwasyong ito kaya siguradong may mga plano itong hinanda, hindi nga lang alam ni Camila kung ano iyon. They want her to have this blind date because the company is facing financial problems? Umarko ang kilay niya sa naisip. Bakit hindi na lang si Charlotte ang ipa-blind date para maikasal sa isang mayamang pamilya, hindi ba?Sa naisip, biglang sumiklab ang galit ni Camila para sa ama at sa pamilya nito. She wouldn't consider them as family. Hindi rin naman pamilya ang turing sa kanya. Pero dahil nandito na siya, wala nang magagawa kundi ang harapin ito nang maayos at umayon sa sitwasyon.“Miss Camila!”Isang matangkad na lalaki na medyo mukha pa namang tao ang tumayo. Fine, she's k
Chapter 6.2PAGKARATING pa lang ni Brix sa coffee shop, wala siyang nakitang Camila na hinahanap. Kaya naman inutusan niya ang mga subordinates na hanapin ito nang mabilis. Mamaya ay kung ano na ang nangyari sa babaeng iyon. May pagkatanga pa naman si Camila at mabilis ma-take advantage. At tama nga ang hinala ni Brix dahil nakita niya na lang ang sarili na sinuntok ang lalaking may balak gawing masama rito. "Damn it. What kind of stupid are you, woman?" he murmured as he hugged her. Dahil sa sigawan, bahagyang nagising ang diwa ni Camila. Dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata at tiningnan ang lalaki sa harapan. Napakunot si Camila ng noo at mahina nitong tinawag ang pangalan ng lalaki sa balintanaw. "Brix... Are you a dream?"Ang hitsura ni Camila sa mga bisig niya ay lalong nakapagpagalit kay Brix. Ano?Bilang asawa kahit sa papel na lang, ganoon ba kaimposibleng puntahan niya ito para bantayan ang blind date? Bakit naisip nito na panaginip lang siya? Napakurap pa ang mga m
Chapter 128"KUYA DALE, tulungan mo na akong umalis!"Hindi natinag si Dale at hinila siya patayo."Hindi gagawin ‘yun ni Brix. Gusto ka lang niyang takutin. Kung talagang gusto ka niyang hulihin, bakit pa niya ako pinayagang ilabas ka noon? Daisy, masyado kang nag-aalala."Malapit nang maiyak si Daisy. "Kuya! Ang tigas ng ulo mo! Tulungan mo akong makaalis, kundi tuluyan na akong mawawasak!""Daisy..."Biglang tumigil si Daisy sa pag-iyak at kalmadong sinabi ang totoo. "Nakapatay ako ng tao."Nanlaki ang mata ni Dale at napatingin sa kanya nang hindi makapaniwala."A-Anong sinabi mo?! Papaano mong nagawa ‘yun?" Hinawakan ni Dale ang balikat niya. "Paanong nagawa mong pumatay ng tao?"Iniwas ni Daisy ang tingin niya at tumalikod, umiiyak. "Hindi ko rin ginusto ‘yun. Pero dahil pinapahuli ako ni Billy, nagawa ko ‘yun nang hindi sinasadya. Kuya, nagsisisi ako... natatakot ako..."Hinawakan niya ang mukha niya at niyakap si Dale. "Alam kong nagkamali ako... hindi ko sinasadya, Kuya! Sa m
Chapter 127PAREHO silang tahimik, ayaw gambalain ang natutulog na si Camila pero sapat na ang madilim na ekspresyon ni Brix para ipakita ang galit niya.Tumayo si Eric, walang bahid ng pagsisisi sa mukha at diretsong naglakad palabas ng kwarto nang walang takot.Paglabas nila sa pasilyo, si Eric ang unang gumalaw—isang malakas na suntok ang pinakawalan nito sa kaliwang pisngi ni Brix."Brix! Alam mo ba kung gaano kahirap ang pinagdaanan ni Camila at Braylee? Ilang luha ang iniyak nila dahil sa 'yo nitong mga nakaraang taon?"Inikot ni Brix ang dila sa nasaktang pisngi, dinama ang kirot sa pisngi bago bumawi ng suntok, diretsong tumama sa mukha ni Eric."Wala kang pakialam sa buhay ko."Hingal si Eric pero hindi umatras. "Wala nga siguro pero kung may hiya ka bilang lalaki, alagaan mo sila nang maayos! Huwag mong hayaang maliitin kita!"Namaga ang pisngi ni Eric pero hindi ito nagdalawang-isip na sumugod muli, itinulak si Brix pababa sa sahig at mabilis na pinagsusuntok.Lalong nag-in
Chapter 126PAGKAALIS ni Camila sa restaurant, matagal na nakaupo lang si Brix sa kanyang upuan, walang imik.Madilim ang mukha niya habang inaalala kung paano niya tinrato si Camila noon—kung gaano siya kalamig, kung paano niya ito sinaktan nang paulit-ulit.Pero wala nang silbi ang pagsisisi, hindi ba? Ang tanging magagawa niya ay ang ayusin ang kasalukuyan - iyong bumawi sa lahat ng kasalanan na nagawa niya dati. Kahit gumamit siya ng puwersa o pananakot, hindi na niya hahayaang lumayo sa kanya sina Camila at Braylee. Kailangang nasa kanya na ang mag-ina niya. Hindi na rin niya gustong marinig na tinatawag siya ng anak niya bilang "bad daddy" nang paulit-ulit.Tumayo siya, matatag ang desisyon sa kanyang puso. Babawiin na niya ang ang asawa at ang anak nila ni Camila. Pagbalik ni Brix sa ospital, dumiretso siya sa kwarto ni Braylee. Wala si Camila, tanging si Braylee lang ang tahimik na natutulog.Umupo siya sa tabi ng kama, marahang hinaplos ang maliit na mukha ng bata gamit ang
Chapter 125HINDI PA rin nagigising si Braylee kahit lumipas na ang isang buong araw kaya lalong kinabahan si Camila. Sinuri muli ng doktor ang kalagayan ng bata ngunit ang tanging sagot nito ay: hintayin na lang natin ang paggising ng pasyente. Wala nang nagawa si Camila kundi manatili sa tabi ni Braylee, tahimik na nagdarasal na magising na ang anak. Nasa VIP room ng ospital si Braylee na may disenyo parang bahay—may mga cooking equipment doon, pati extrang kama para sa mga bantay.Ang wallpaper na may disenyo ng orchids ay bumabalot sa buong dingding sa likod ng kama, simple pero presko tingnan. May tig-isang maliit na lamesa sa magkabilang gilid ng kama, may mga lampshade at may TV sa harapan para may mapanood ang pasyente kapag nabo-bored. Sa dulong bahagi ng kwarto, may malaking balcony at isang beige na sofa. Sa ngayon, natatakpan ng puting kurtina ang bintana kaya ang liwanag mula sa labas ay nagiging banayad at hindi masakit sa mata.Maganda at maaliwalas ang lahat—pero ka
Chapter 124MATAPOS maipasok si Braylee sa emergency room, naupo si Camila sa upuan sa labas ng pinto, tulala.Ang upuang bakal ay malamig at pag-upo niya, parang gumapang ang lamig sa buong katawan niya. Napayakap siya sa sarili at nanginig nang bahagya.Katabi niya si Brix, habang sina Jomar at Pilat ay lumabas para kumain.Sa gilid, si Brix ay saglit na nag-alinlangan, pero sa huli, iniakbay niya ang kamay sa balikat ni Camila at hinila ito papalapit sa kanya."Huwag kang mag-alala, magiging maayos ang lahat," mahina niyang bulong habang nakapatong ang labi niya sa buhok nito, puno ng lambing ang boses niya.Nanigas ang katawan ni Camila sa simula, pero kalaunan ay unti-unting lumambot. Nanatili lang siyang tahimik, nakatitig sa lumang corridor.May ilan-ilang taong dumaan, tumingin sa kanilang dalawa, tapos sa pinto ng emergency room, sabay iling na may habag sa kanilang mga mata.Makalipas ang sampung minuto, biglang bumukas ang pinto at lumabas ang doktor na nakasuot ng asul na
Chapter 123PUMUTOK ang baril at tumama sa kisame, dahilan para mahulog ang ilang piraso ng semento.Agad na inagaw ni Brix ang baril at tinadyakan ito palayo. Hinila niya si Braylee mula kay Daisy at pinilit si Daisy na lumuhod sa sahig, tinali ang mga kamay nito sa likod para hindi na makagalaw."Mommy!"Mabilis na tumakbo si Braylee papunta kay Camila at niyakap si Camila nang mahigpit.Nang mapagtanto ni Daisy na nalinlang ito, nanlaki ang mga mata nito at tinitigan si Brix nang galit."Niloko mo ako! Niloko mo ako para sa babaeng ‘yan!"Walang emosyon ang mukha ni Brix para bang ang kaninang mabait na ekspresyon niya kay Daisy ay isa lang ilusyon."Paulit-ulit kang gumagawa ng kasalanan. Hindi ko na hahayaan na magpatuloy pa ‘yan.""Ano'ng balak mo? Ipadala ulit ako sa kulungan? Ang sama mo, Billy!""Pumatay ka ng tao, Daisy."Diretsong sinabi ni Brix ang katotohanan sa malamig na tono.Mapait na natawa si Daisy. Sa paulit-ulit na pagtataksil dito ni Brix, tuluyan nang napuno ng
Chapter 122"MOMMY..."Mahina ang iyak ni Braylee, halos kasinghina ng isang kuting. Ang dating bilugang mga mata nito ay halos wala nang sigla pero nang makita si Camila, nagkaroon iyon ng bahagyang kislap."Braylee..."Nanginig ang mga kamay ni Camila sa sakit, luhaan ang kanyang mga mata.Ang dating chubby ni Braylee na mukha ay ngayon buto't balat na, maputlang-maputla at kitang-kitang sobrang pagod.Ilang araw pa lang ang lumipas pero hindi na niya maisip kung ano ang pinagdaanan ng anak niya."Tama na ‘yan!" singhal ni Daisy, inis na inis. "Wag kayong magdrama ng anak mo sa harap ko!"Hinila ni Brix si Camila sa likod niya, iniharang ang sarili at malamig na nagtanong. "Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?""Ha-ha! Ano ang gusto kong mangyari?" Tumawa si Daisy, pero tuloy-tuloy ang luha nito. "Ikaw, Billy! Ikaw ang nagtulak sa akin sa ganitong sitwasyon!"Napalalim ang kunot sa noo ni Brix pero hindi ito sumagot.Muling umiyak si Daisy, puno ng sakit ang tinig. "Bakit? Billy,
Chapter 121SI Camila at ang iba pa ay bumaba isa-isa mula sa ikalawang palapag ng lumang bahay at sabay-sabay nilang pinalibutan ang matandang babae.Dahan-dahang bumangon ito mula sa sahig at umupo, ang mukhang kulubot na parang tuyong kahoy ay lalong nagmukhang luma.Dumikit si Jomar kay Brix at doon lang ito nagkalakas ng loob."Matandang bruha ka! Dinala mo kami rito para gawing pagkain?"Para kay Jomar, ito lang ang pinakamakatwirang paliwanag, pero nanatiling tahimik ang matanda.Lumapit si Brix, pinaningkit ng bahagya ang mga mata at malamig na nagtanong, "Sino ka ba talaga?"Itinaas ng matanda ang madilim na mukha at tumingin kay Brix. Bigla nitong dinampot ang palakol sa sahig at walang pakundangang inundayan ng malalakas na palo ang mga lalaki.Napasigaw si Jomar ng, "Diyos ko!" sabay takbo palayo.Hindi man lang gumalaw si Brix. Sa halip, tinulak lang nito si Camila palayo at nang malapit nang tamaan ng palakol ang mukha nito, bahagya lang nitong iniwas ang ulo at nakaligt
Chapter 120SA TAHIMIK na gabi, ang paminsan-minsang huni ng hayop ay nagbibigay ng kaba, parang anumang sandali ay may mabangis na hayop na babasag sa marupok na bahay at kakain ng tao.Nakahiga si Camila sa sahig ng ikalawang palapag, hindi makatulog.Ang lumang kutson na may amoy amag ang tanging gamit niya pero kahit ito ay isang privilege na sa sitwasyon nila.Si Brix ay nakahiga sa kaliwa niya, may dayami sa ilalim. Ang dalawa pang kasama nila ay nasa may dalawang metro ang layo, nakahiga rin sa dayami.Lahat sila ay natulog nang hindi nag-aalis ng damit, wala nang oras para sa pagiging pihikan.Napabuntong-hininga siya at nang maalala ang malambot, maluwag, at mainit na kama sa villa, biglang kumirot ang ilong niya.Pagkapikit ng kanyang mga mata, lumitaw agad sa isip niya ang masayahing mukha ni Braylee at mas lalo pang nanikip ang dibdib niya.Pinunasan niya ang ilong niya at marahang bumangon mula sa kutson."Saan ka pupunta?" narinig niyang tanong ni Brix mula sa dilim."Ii