Chapter 132S-IN-AVE ni Camila ang recording sa kanyang cellphone.Tiningnan siya ni Yesha at iniabot ang isang listahan."Ito ang listahan ng gastos ni Vivian noong nakaraang buwan kasama na ang travel expenses. Umabot sa halos sampung milyong piso ang kabuuan. Noong isang buwan naman, bumili siya ng sasakyan na nagkakahalaga ng mahigit thirty million pesos."Napakunot ang noo ni Camila nang marinig ang mga numero. Alam niyang maluho ang kanyang madrasta at tiyak na wala itong masyadong ipon.Noon, palagi itong humihingi ng pera kay Carlos pero dahil nasa comatose state ang kanyang ama matapos ang "maingat" na pangangalaga ng mag-ina, saan naman si Vivian kukuha ng pera?Kinuha na niya ang ilan sa shares ng dalawa at hawak na niya ang pondo ng kumpanya. Ibig sabihin, may posibilidad na ninakaw ni Vivian ang pera ng kumpanya.Malakas pa rin ang impluwensya nito sa ilang empleyado kaya hindi mahirap para sa babae ang gumawa ng paraan para makakuha ng pera.Tiningnan siya ni Yesha na may
Chapter 133ANG OSPITAL kung saan naka-confine ang ama ni Camila ay pareho rin kung saan nanatili si Braylee noon pero nasa ibang gusali.Hindi na mabilang ni Camila kung ilang beses na siyang napunta rito. Pagkababa ng sasakyan, magkasama silang pumasok ni Vivian papunta sa kwarto ng ama niya na parang sanay na sanay na sila sa lugar.Nang hahawakan na niya ang door handle, biglang hinila ni Vivian ang manggas ng kanyang damit at nagsalita. "Camila, hindi mo sasabihin sa ama mo ang ginawa ko, ‘di ba?"Mas mababa ang tangkad nito kay Camila kaya kailangan nitong tumingala nang bahagya habang nakatingin nang may kaba.Dahil sa mga sampal na natamo nito, may mga bakas ng pamumula sa mukha ni Vivian. Ilang beses nitong nilagyan ng concealer ang mukha at pulbos para matakpan ito.Itinaas ni Camila ang kilay at ngumiti nang malamig. "Bakit? Natatakot ka na ngayon?"Pinilit ngumiti ni Vivian habang ipinipisil ang mahahaba nitong kuko sa kanyang palad."Hindi ako nagpaalam sa’yo sa ginawa k
Chapter 134HINDI talaga inakala ni Camila na magkakaroon ng lakas ng loob si Vivian na magtago ng kabit. Lalo pa’t halos lahat ng ginagastos nito araw-araw ay galing kay Carlos.Karaniwan na sa mga lalaki sa kanilang mundo ang gumastos sa alak at babae pero kung ang mga mayayaman na asawang babae ay wala ring sariling pera o negosyo, hindi sila basta-basta gagawa ng ganitong bagay.Matapos ang ilang segundong pagkagulat, agad na kumalma si Camila at sinundan ang sasakyan.Sa unang pagkakataon, nakita niya ang sports car ni Vivian—isang matingkad na pula na napaka-agaw-pansin sa kalsada. Kahit hindi tutukan, hindi ito mawawala sa paningin.Matapos ang halos isang oras ng pagbyahe, pumasok ang sasakyan sa isang high-end na subdivision.Gamit ang access card, dumiretso si Vivian sa loob. Si Camila naman ay kinailangang magparehistro bago nakapasok.Sa basement parking, agad ni Camila na natunton ang sasakyan ni Vivian. Dahan-dahan siyang lumapit habang nagtatago sa isang malaking poste.
Chapter 135NANG tuluyang tumahimik ang paligid, sa wakas ay nagawang kumapit ni Camila sa bathtub gamit ang nanghihinang mga kamay. Sa bahagyang paggalaw, bigla siyang bumangon mula sa tubig.Matapos pahirin ang tubig sa mukha niya, bumagsak siya sa sahig at huminga nang malalim.Halos mamatay na siya kanina pero buti na lang at mabilis siyang nakapag-isip at nagpanggap na patay kaya siya nakaligtas. Hindi madaling magkunwaring patay—halos makagat na niya ang dila niya sa pagsupil sa sakit sa dibdib.Kung tumagal pa iyon, baka totoong namatay na siya.Piniga niya ang tubig mula sa kanyang damit, lumabas ng banyo at tinungo ang pinto. Nakita niya ang cellphone niyang nahulog sa sahig, agad niya itong kinuha at tumawag sa pulis:"Hello, may nagtangkang pumatay sa akin. Tumakas na siya. Narito ako sa..."Matapos gawin iyon, napaupo siya sa sofa at tila natulala. Sa totoo lang, hindi niya inaasahan ang ginawa ni Vivian kanina.Sa kanyang pagkakaalam, isa lang itong socialite na puro porm
Chapter 136PAGLABAS nila ng ospital, madilim ang mukha ni Camila at halatang-halata ang inis doon. Si Brix ay tumawa nang bahagya nang may pagkasarkastiko at nagsabi, "Hindi ba't magaling magsalita? Bakit ganoon ang nangyari sa loob?"Napairap si Camila sa inis, "Kahit anong sabihin ko, hindi naman sila maniniwala. Ano pang magagawa ko?"Kanina lang, tinakot siya ng ama niyang magpapakamatay kung hindi siya papayag sa gusto nito at si Vivian naman ay basta na lang ipinagwalang-bahala ang lahat sa dahilan na "pamilya" sila at hindi na dapat ilabas ang baho nila. Tinapik ni Brix nang magaan ang balikat niya bilang pampalubag-loob. "Gabi na, umuwi na tayo."Pagtingin niya sa kamay ni Brix na nasa balikat niya, bigla niyang naalala kung paano siya siniraan noon ni Daisy at hindi siya pinaniwalaan ng lalaking ito. Lalo siyang nagalit.Malamig niyang inalis ang kamay nito at sumakay sa kotse.Pagkarating sa bahay ng pamilya ng mga Monterde, tuluyan nang dumilim ang paligid.Masayang tuma
Chapter 137MATAGAL nang naging executive president si Carlos at sanay na sa iba't ibang pagsubok sa buhay. Kaya nang makita nito ang ekspresyon ni Camila, agad nitong naintindihan na hindi siya nagsisinungaling."I-play mo," utos nito habang halatang nagugulat.Kalmado namang binuksan ni Camila ang cellphone niya at pinatugtog ang recording.Nang marinig ni Carlos na may iba't ibang lalake si Vivian, agad itong tumingin sa doktor na nagmo-monitor ng kalagayan nito. Nahihiya at galit na galit, pinatigil nito iyon. “Tama na ‘yan!” sigaw ni Carlos. Pinatay ni Camila ang recording at nagtanong, "Naniniwala ka na ngayon sa sinabi ko?"Hawak-hawak ni Carlos ang dibdib nito, malalim ang paghinga. Pinaalis muna nito ang doktor bago galit na itinapon ang lahat ng gamit sa bedside table."Walang-hiya ang babaeng ‘yon!"Habang namumula sa galit si Carlos, bahagyang ngumiti si Camila, puno ng pangungutya.Dati, ang totoo at mapagmahal niyang ina ay iniwanan lang dahil sa tingin ng kanyang ama,
Chapter 138HINDI alam ni Camila na patuloy na tinutulungan ni Carlos si Vivian sa lihim, kaya nagulat siya nang makatanggap ng tawag mula sa ospital matapos maipakulong ang madrasta niya."Miss Camila, may sakit ulit ang tatay mo at hindi maganda ang lagay niya. Kung may oras ka, pakiusap, pumunta ka rito..."Matapos magpaalam kay Brix, agad niyang pinaharurot ang sasakyan papuntang ospital. Papalapit na ang rainy season pero mainit pa rin ang hangin. Pagdating niya, pinagpawisan na siya nang husto.Pinuntahan niya ang doktor ng ama at nalaman niyang matagumpay ang pagsagip dito at nasa ligtas nang kalagayan. Nakahinga siya ng maluwag.Pagdating sa pinto ng kwarto, sinabihan siya ng doktor. "Huwag mo masyadong paiinitin ang ulo ng tatay mo."Narinig na niya ito ng paulit-ulit, pero mahinahon pa rin siyang sumagot, "Salamat, doc. Naiintindihan ko."Pagpasok niya, nakita niya ang ama niyang nakahiga, nakapikit at mukhang sobrang hina.Lalong lumiit ang mukha nito, namamaga ang pisngi,
Chapter 139KAILANGANG aminin na talagang kilala ni Carlos ang ugali ni Charlotte.Matapos matanggap ang tawag mula kay Atty. Leonidas, tahimik lang si Camila maliban sa gulat. Samantalang si Charlotte, na nasa malayo pa, agad na tinawagan si Atty. Leonidas upang alamin ang laman ng huling habilin at dali-daling bumalik.Pagkababa ni Charlotte ng eroplano, iniwan niya ang bagahe sa driver at dumiretso sa ospital nang hindi man lang nagpapahinga.Pagdating sa ward, agad siyang hinarang ng mga bodyguard."Miss, sinabi ni Sir Carlos na ayaw niyang makita ang kahit sino. Sana huwag mo kaming pahirapan.""Lumayas kayo! Mga walang silbi!" Sinipa ni Charlotte ang tuhod ng isa sa mga gwardya.Pero nanatili lang ito sa puwesto, ang ekspresyon sa mukha niya ay lalo pang lumamig."Hangga't walang pahintulot si Sir Carlos, hindi ka namin maaaring papasukin."Hindi niya kayang itulak palayo ang dalawa, kaya galit siyang kumatok nang malakas sa pinto:"Papa! Ako si Charlotte, papasukin mo ako! Papa
Chapter 220DAHIL sa sobrang pag-inom, nagka-allergy si Eric sa alak. Buti na lang at naagapan agad kaya hindi ito nagkaroon ng malalang epekto.Kahit ganoon, hindi pa rin umalis si Camila at inalagaan siya buong magdamag sa ospital.Maagang-maaga kinabukasan, dumating ang isang babaeng halatang mayaman at nagpakilalang ina ni Eric. Dahil dito, napilitan nang umalis si Camila kahit pagod na pagod pa siya. Hindi man lang niya napansin ang matalim na tingin ni Gloria sa kanya bago siya lumabas.Pagkaalis ng ospital, hindi siya dumiretso sa bahay o opisina. Sa halip, tinawagan niya si Brix at niyaya itong magkita.Dahil hindi pa siya nag-aalmusal, sa isang restaurant niya ito pinapunta.Mas mabilis dumating si Brix kaysa sa inaasahan niya.Habang kumakain siya, pasulyap-sulyap siya sa paligid. Mayamaya pa, nakita niyang lumabas si Brix mula sa elevator.Suot nito ang isang simpleng puting T-shirt at isang usong smoky blue na blazer. Gwapo at preskong tingnan. Pero saglit lang siyang tumi
Chapter 219MATAPOS ang isang araw ng trabaho, lumabas si Camila sa kumpanya gaya ng dati at naghintay kay Eric sa tabi ng puno sa gilid ng kalsada.Lumipas ang limang minuto. Pinikit ni Camila ang kanyang mga mata at sinilip ang mga sasakyang dumadaan, pero ang kotseng hinihintay niya ay wala pa rin.Laging nasa oras si Eric pero mukhang natagalan siya ngayon.Saktong kukunin na ni Camila ang cellphone niya para sabihing huwag na itong dumaan, isang puting sasakyan ang huminto sa harapan niya. Kotse iyon ni Eric."Akala ko hindi ka na darating," nakangiting sabi ni Camila, wala ni katiting na panunumbat sa boses niya.Bumaba si Eric at binuksan ang pinto sa likod para sa kanya. May bahagyang paghingi ng paumanhin sa tono nito."Naipit ako sa traffic. Sa susunod, mas maaga akong aalis."Nang mapalapit sa kanya, napansin ni Camila na mas mukhang matamlay ito ngayon kaysa kaninang umaga. Maputla ang mukha ni Eric, parang may hindi magandang nangyari.Hindi muna siya sumakay. Sa halip, t
Chapter 218"ANONG sabi mo? Gusto mong iwanan ko si Camila?"Sa kalsada kung saan humihip ang malamig na hangin, tiningnan ni Eric ang lalaking amoy alak at bahagyang napakunot ang noo."Hindi mo ba naisip na nakakatawa 'yang hiling mo? Bakit ko siya iiwan?"Kahit medyo lasing na si Brix, malinaw pa rin ang isip niya. Matapos marinig ang sinabi ni Eric, malinaw niyang sinabi ang gustong ipaintindi sa kaharap. "Dahil asawa ko siya."Kung hindi lang siya nag-aalala na magagalit si Camila kapag sinaktan niya si Eric, matagal na sana niyang ginawa.Pero ngayong gabi, pinaalala ni Pete na si Camila ay asawa niya at parang hindi ito iniisip ni Eric kahit kailan!Napangisi si Eric. "Mr. Monterde, ang alam ko, matagal nang hinihingi ni Camila ang divorce pero ikaw itong ayaw siyang pakawalan. At saka, wala namang masama sa pagitan namin, pero kahit anong mangyari, hindi ko siya iiwan."Biglang lumamig ang ekspresyon ni Brix. "Ibig sabihin, hindi mo gagawin?""Oo."Tinitigan siya ni Brix nang
Chapter 217PAGKAGISING ni Camila kaninang umaga, napansin niyang mahamog sa labas.Pagdating sa kumpanya sakay ng kotse ni Eric, tulad ng nakasanayan, nagsimula na naman siya sa pagiging isang modelong empleyado.KNOCK KNOCK. "Ako ito, si Yesha, Ma'am Camila.""Tuloy ka."Habang nakatutok si Camila sa dokumentong hawak niya, may biglang dumaan na berdeng anino sa gilid ng kanyang paningin.Nang tumingala siya, nakita niya si Yesha na nakatayo sa harapan niya. Napansin niyang iba ang suot nito ngayon kaya naman kumislap ang mga mata niya.Suot ni Yesha ang isang dark green suit na nagpapatingkad sa kanyang tindig. Ang kulay at istilo nito ay mukhang pormal at disente pero hindi sobrang pasikat. Sa ilalim ng fitted na blazer na may ruffled hem, suot niya ang isang bilog na kwelyong silk shirt na may mapusyaw na puting perlas, na nagdagdag ng banayad na pagiging elegante at mature sa kanya.Halos trenta na si Yesha, at bagay na bagay sa kanya ang ganitong klaseng pormal na pananamit.D
Chapter 216ANG papalubog na araw ay nakabitin sa langit, pinapadalhan ng huling sinag ng liwanag ang lupa. Ang madilaw na kulay nito ay nagbigay ng malabong tanawin sa buong siyudad.Bukas ang pintuan ng kompanya ng mga Perez at isa-isang lumabas ang mga empleyado na nakasuot ng pormal na kasuotan. Habang nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari sa araw na iyon, nagpaalamanan na rin sila sa isa’t isa. Nasa hulihan si Camila.Nagkaproblema sa isang account kanina, kaya buong hapon siyang nakatutok sa computer, nagko-compute. Ngayon, namumula at parang namamaga ang mga mata niya. Nang tumama pa ang nakakasilaw na araw, lalo lang sumakit ang kanyang paningin.Habang tinatakpan ang mata gamit ang kamay, naglakad siya papunta sa kalsada at nag-abang ng taxi. Isang Maybach ang nakapansin sa kanya mula pa lang sa malayo. Nang makita siyang nag-aabang, dahan-dahang lumapit ang sasakyan at huminto sa harapan niya."Sabi ko na nga ba, ako na ang susundo sa’yo. Bakit ka pa magta-taxi?" Binaba ni
Chapter 215PAGKATAPOS umalis sa istasyon ng pulis, hinawakan ni Lolo Herman ang kamay ni Braylee at tiningnan si Camila nang may pagsisisi."Alam ko na ang tungkol kay Maurice. Kasalanan namin ito."Umiling si Camila. "Paano ko naman kayo sisisihin, Lolo? Sino bang mag-aakalang magiging ganun siya kaahas?""Sa madaling salita, kasalanan ito ng pamilya Monterde dahil hindi ka namin naalagaan nang maayos. Halos..." Sandaling natigilan si Lolo Herman bago nagtanong nang maingat, "Nung gabing may nangyari, si Mr. Pimentel ba agad ang tinawagan mo?"Pinisil ni Camila ang kanyang mga daliri at tumingin sa pulang brick wall na nasa harapan nila."Oo."Noon pa man, nakapirma na siya ng divorce agreement. Paano niya nagawang tawagan si Brix? Wala siyang mukha para gawin iyon.Hindi na nagsalita si Lolo Herman, bagkus ay sinabing, "Camila, hindi ko na iniintindi kung ano mang alitan ang meron kayo ni Brix. Pero kung mahalaga pa ako sa’yo bilang lolo mo, tawagan mo ako sa susunod na may problem
Chapter 214HALOS matumba si Lolo Herman matapos siyang itulak ng lalaking reporter. Kung noong kabataan niya, kaya niyang harapin ang sampung tulad nito nang mag-isa, pero matanda na siya ngayon.Agad siyang inalalayan ng matipunong bodyguard, pati si Braylee, saka dinala sila sa gilid."Boss, gusto mo bang ako na ang kumilos?" tanong ng bodyguard.Hinaplos ni Lolo Herman ang kanyang balbas at galit na sumagot, "Oo, sige, palayasin mo ang mga ‘yan!"'Ang lakas ng loob nilang manggulo sa grand-daughter in law ko, wala akong palalampasin!'Pagkarinig nito, hindi na nag-aksaya ng oras ang bodyguard. Lumapit siya ng ilang hakbang, inabot ang kwelyo ng lalaking reporter, at walang kahirap-hirap na binuhat ito."Sino ‘to? Anong ginagawa mo?" Sigaw ng reporter. Pero bago pa niya matapos ang sinasabi, nakaramdam siya ng kirot sa batok. Napalingon siya at nakita ang mabagsik na mukha ng bodyguard.Bigla siyang natigilan at nauutal na sinabi, "A-anong balak mo, AARGH!"Hindi pa siya natatapos
Chapter 213KAKA-SCROLL lang ni Camila sa balitang kumakalat tungkol kay Maurice sa internet nang biglang may dumagsang grupo ng mga reporter sa labas ng kumpanya. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, pakiramdam niya ay may nagplano nito laban sa kanya."Paalisin niyo na lang sila. Tawagin ang security," nakakunot-noong utos niya.Nag-aalangan si Yesha. "Ang dami po nila, hindi na namin mapaalis. Nakasara na ang main gate at hindi na makapasok ang ibang empleyado.""Ilan ba sila?""Mga ilang dosena, hindi ko na nabilang."Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Camila. Hinawakan niya ang mouse at malamig na nagsabi, "Si Vice President na lang ang bahala diyan."Ayaw niyang harapin ang mga baliw na reporter na ‘yun.Tumango si Yesha, saka lumabas ng opisina para hanapin si Vice President. Pinilit ni Camila na kalmahin ang sarili at mag-focus sa trabaho, pero hindi pa siya nagtatagal sa ginagawa ay biglang nag-ring ang cellphone niya."Boss, hindi na po namin kaya. Mas mabuti sigurong bu
Chapter 212SA study room sa ikalawang palapag, magkatapat na nakaupo sina Camila at Dale sa isang maliit na mesa.Pumasok si Leny, ang kasambahay, at nagdala ng kape. Kinuha ni Dale ang tasa, pero hindi man lang uminom. Sa halip, mapait siyang ngumiti at nagsalita. "Miss Perez, alam mo bang matagal ko nang walang balita tungkol sa kapatid ko?""Ano namang kinalaman ko diyan?" malamig na sagot ni Camila.Nakita niyang hindi natuwa si Dale, kaya napangiti siya nang bahagya at sinabing, "Hindi ba tumakas papuntang Indonesia ang kapatid mo noon? Baka naglalakbay lang ulit siya sa ibang bansa ngayon.""Hindi. Ako ang nagpadala sa kanya sa Indonesia noon. Pero ngayon, totoong nawala siya.""Ah, ikaw pala ang may gawa niyan. Nagtaka ako kung bakit siya biglang nawala. Matagal ko rin siyang hinanap pero hindi ko siya makita," taas-kilay na sagot ni Camila.May bahid ng pagsisisi sa mukha ni Dale. "Alam kong may atraso siya sa'yo at nasaktan din niya si Braylee."Napabuntong-hininga si Camil