Chapter 136PAGLABAS nila ng ospital, madilim ang mukha ni Camila at halatang-halata ang inis doon. Si Brix ay tumawa nang bahagya nang may pagkasarkastiko at nagsabi, "Hindi ba't magaling magsalita? Bakit ganoon ang nangyari sa loob?"Napairap si Camila sa inis, "Kahit anong sabihin ko, hindi naman sila maniniwala. Ano pang magagawa ko?"Kanina lang, tinakot siya ng ama niyang magpapakamatay kung hindi siya papayag sa gusto nito at si Vivian naman ay basta na lang ipinagwalang-bahala ang lahat sa dahilan na "pamilya" sila at hindi na dapat ilabas ang baho nila. Tinapik ni Brix nang magaan ang balikat niya bilang pampalubag-loob. "Gabi na, umuwi na tayo."Pagtingin niya sa kamay ni Brix na nasa balikat niya, bigla niyang naalala kung paano siya siniraan noon ni Daisy at hindi siya pinaniwalaan ng lalaking ito. Lalo siyang nagalit.Malamig niyang inalis ang kamay nito at sumakay sa kotse.Pagkarating sa bahay ng pamilya ng mga Monterde, tuluyan nang dumilim ang paligid.Masayang tuma
Chapter 137MATAGAL nang naging executive president si Carlos at sanay na sa iba't ibang pagsubok sa buhay. Kaya nang makita nito ang ekspresyon ni Camila, agad nitong naintindihan na hindi siya nagsisinungaling."I-play mo," utos nito habang halatang nagugulat.Kalmado namang binuksan ni Camila ang cellphone niya at pinatugtog ang recording.Nang marinig ni Carlos na may iba't ibang lalake si Vivian, agad itong tumingin sa doktor na nagmo-monitor ng kalagayan nito. Nahihiya at galit na galit, pinatigil nito iyon. “Tama na ‘yan!” sigaw ni Carlos. Pinatay ni Camila ang recording at nagtanong, "Naniniwala ka na ngayon sa sinabi ko?"Hawak-hawak ni Carlos ang dibdib nito, malalim ang paghinga. Pinaalis muna nito ang doktor bago galit na itinapon ang lahat ng gamit sa bedside table."Walang-hiya ang babaeng ‘yon!"Habang namumula sa galit si Carlos, bahagyang ngumiti si Camila, puno ng pangungutya.Dati, ang totoo at mapagmahal niyang ina ay iniwanan lang dahil sa tingin ng kanyang ama,
Chapter 138HINDI alam ni Camila na patuloy na tinutulungan ni Carlos si Vivian sa lihim, kaya nagulat siya nang makatanggap ng tawag mula sa ospital matapos maipakulong ang madrasta niya."Miss Camila, may sakit ulit ang tatay mo at hindi maganda ang lagay niya. Kung may oras ka, pakiusap, pumunta ka rito..."Matapos magpaalam kay Brix, agad niyang pinaharurot ang sasakyan papuntang ospital. Papalapit na ang rainy season pero mainit pa rin ang hangin. Pagdating niya, pinagpawisan na siya nang husto.Pinuntahan niya ang doktor ng ama at nalaman niyang matagumpay ang pagsagip dito at nasa ligtas nang kalagayan. Nakahinga siya ng maluwag.Pagdating sa pinto ng kwarto, sinabihan siya ng doktor. "Huwag mo masyadong paiinitin ang ulo ng tatay mo."Narinig na niya ito ng paulit-ulit, pero mahinahon pa rin siyang sumagot, "Salamat, doc. Naiintindihan ko."Pagpasok niya, nakita niya ang ama niyang nakahiga, nakapikit at mukhang sobrang hina.Lalong lumiit ang mukha nito, namamaga ang pisngi,
Chapter 139KAILANGANG aminin na talagang kilala ni Carlos ang ugali ni Charlotte.Matapos matanggap ang tawag mula kay Atty. Leonidas, tahimik lang si Camila maliban sa gulat. Samantalang si Charlotte, na nasa malayo pa, agad na tinawagan si Atty. Leonidas upang alamin ang laman ng huling habilin at dali-daling bumalik.Pagkababa ni Charlotte ng eroplano, iniwan niya ang bagahe sa driver at dumiretso sa ospital nang hindi man lang nagpapahinga.Pagdating sa ward, agad siyang hinarang ng mga bodyguard."Miss, sinabi ni Sir Carlos na ayaw niyang makita ang kahit sino. Sana huwag mo kaming pahirapan.""Lumayas kayo! Mga walang silbi!" Sinipa ni Charlotte ang tuhod ng isa sa mga gwardya.Pero nanatili lang ito sa puwesto, ang ekspresyon sa mukha niya ay lalo pang lumamig."Hangga't walang pahintulot si Sir Carlos, hindi ka namin maaaring papasukin."Hindi niya kayang itulak palayo ang dalawa, kaya galit siyang kumatok nang malakas sa pinto:"Papa! Ako si Charlotte, papasukin mo ako! Papa
Chapter 140ALAS DOS NG HAPON, tirik na tirik ang araw.Mainit na mainit ang pisngi ni Camila sa tindi ng sikat ng araw. Habang lumilipas ang oras, hindi niya mapigilang mainip at kabahan."Ano bang gusto n'yo?" tanong niya sa limang lalaki sa harapan niya.Hindi naman siya sinaktan ng mga ito pero hindi rin siya pinalalayo. Gusto lang ba nilang… patagalin ang oras?Napakunot ang noo niya sa naisip.Isang lalaki na may kaunting berde sa buhok, nakapasok ang mga kamay sa bulsa, ang nagsalita nang may kayabangan. "Ilang beses pa ba namin uulitin? Gusto lang naming maglibang kasama ka."Matalim ang tingin ni Camila sa kanila, saka pinagmasdan ang suot ng mga tao sa harapan. Pinilit niyang ikalma ang boses. "Magtapat kayo. Binayaran lang kayo para gawin ‘to, ‘di ba? Para malaman n’yo, ako ang may-ari ng kumpanyang ‘yan." Itinuro niya ang matayog na gusali sa harapan."Kita n’yo ‘yan? Akin ‘yan. Kung magkano man ang bayad sa inyo, babayaran ko kayo ng doble."Natahimik ang limang lalaki…
Chapter 141PAGKAKITA pa lang ni Charlotte kay Camila, agad itong sumabog sa galit. Hindi na nito inisip na nasa harap nito sina Brix at Eric. Tumayo siya at diretsong nagtanong. "Ano ang sinabi mo kay Papa? Bakit ibinigay niya sa’yo ang buong kontrol sa kumpanya?"Ngumiti si Camila at lumapit kay Charlotte. "Akin naman talaga ang Perez Empire."Pagkatapos, tumingin siya nang matalim kay Charlotte. "Ikaw ba ang naglagay ng mga tao sa labas ng kumpanya ko?"Iniwas ni Charlotte ang tingin nito, halatang may tinatago. "Hindi ko alam ang sinasabi mo.""Tigilan mo na ang pagpapalusot."Malamig na tumawa si Camila at tumingin kay Atty. Leonidas na halos hindi na makilala sa dami ng pasa sa mukha. Sandali siyang nag-isip at naisip na malamang nagkutsaba ang dalawa para pakialaman ang testamento.Lumapit siya kay Atty. Leonidas, kalmado ang boses. "Nasaan ang testament, Atty. Leonidas?"Nanginig si Atty. Leonidas sa kaba, agad nitong kinuha ang dokumento mula sa drawer at ibinigay kay Camila
Chapter 142KATATAPOS lang pirmahan ni Camila ang kontrata. Kinaumagahan, bago siya pumunta sa kumpanya, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Yesha na nagtatanong tungkol sa testament. Ayon dito, kumakalat ang balita sa loob ng kumpanya na malapit nang mamatay si Carlos.Nagulat si Camila at agad na nagtanong kung sino ang nagpapakalat ng tsismis.Una sa lahat, tinanggal niya sa listahan si Charlotte. Malaki ang naging talo nito kahapon kaya hindi nito gugustuhing malaman ng iba ang tungkol sa testamento, lalo na’t buhay pa si Carlos.Makalipas ang ilang minuto, nag-reply si Yesha, at doon naintindihan ni Camila ang sitwasyon. May isang empleyado sa kumpanya na may kaibigang abogado. Nasaksihan nito mismo ang pagpunta ni Camila at Charlotte sa law firm kahapon.Nag-usap lang ang dalawa nang pribado, pero ang balita ay kumalat mula sa isa, naging sampu, hanggang umabot sa daan-daang tao.Napabuntong-hininga si Camila. Hindi pa siya handang ipahayag ang tungkol dito kaya kung biglang ma
Chapter 143ONE HUNDRED THOUSAND kada gabi. Ramdam ni Camila ang matinding pang-iinsulto. Biglang lumamig ang kanyang mukha habang nagtatawanan ang grupo ng mga nagpapautang. Nang akma na niyang tawagin ang security para paalisin sila, biglang may malakas na tunog ng pagbukas ng pinto sa likuran niya.Paglingon niya, nakita niya si Brix na nakasuot ng itim na suit kasama ang assistant nito. Agad bumaba ang tensyon sa kwarto at ang malalakas na tawa ng mga tao ay agad na naputol.Nagkatinginan ang lahat at mabilis na bumati, pilit na nagpapakita ng pagiging magalang. "M-Mr. Monterde? Anong ginagawa n’yo rito?""Napasyal ka ba rito para maningil din ng utang?"Hindi pinansin ni Brix ang mga ingay sa paligid. Diretso itong naglakad patungo sa sofa, umupo at bahagyang tinaas ang kanyang baba habang tinitingnan si Camila."Come here."Lahat ng mata ay napatingin kay Camila. Pinigilan niya ang sariling mapangiwi pero naglakad pa rin siya palapit.Paglapit ni Camila, agad siyang hinila ni B
Chapter 170SINABI ni Jeffrey kay Daisy ang balita. Ang gusto lang naman niya ay mapagtanto nito kung gaano kaseryoso ang problema at pumunta kay Brix para humingi ng tawad, para hindi na siya madamay pa. Pero hindi niya inasahan na kabaligtaran ang magiging epekto.Nang marinig niya ang sagot ni Daisy, kumunot ang noo ni Jeffrey. "Ang kuya mo lumuhod para sa'yo at matigas ang paninindigan ni Mr. Monterde dahil sa dami ng 'magagandang' bagay na nagawa mo. Bakit mo ngayon sinisisi si Miss Perez ?"Nang makita niyang ipinagtatanggol din nito si Camila, nagpanting ang tenga ni Daisy at lalong nagalit. "Kung hindi dahil sa malanding Camila na niloko si Brix, hindi niya ako ituturing na ganito! Kasalanan ng babaeng 'yon!"Alam ni Jeffrey na walang saysay na makipagtalo sa babae kaya deretsahan na lang niyang sinabi. "Ilalabas kita mamaya. Ayusin mo ang sarili mo at pumunta ka sa ospital para humingi ng tawad kay Master Monterde."Sa mata ni Brix, si Jeffrey ang tagasuporta ni Daisy. Kun
Chapter 169SINA CYFER at Charlotte na dumating para manggulo kay Camila ay hindi inasahang makakakita ng ganoong eksena sa harap mismo ng ospital.Ngayon, hindi sila makausad pero ayaw din nilang umatras.Sa wakas, nagkaroon na si Charlotte ng pagkakataong makita si Camila na nahihirapan. Hindi niya matitiis na hindi siya pagtawanan at laitin.Pero narinig niya na dati ay parang magkapatid sina Dale at Brix at ngayon ay ganito na ang pagtrato ni Brix sa kaibigan. Paano kung sa kanila ito gawin ni Brix? Baka mapatay sila sa bugbog.Pinunasan ni Cyfer ang pawis sa noo, hindi alam kung dahil ba sa init o kaba. Diyos ko, matagal na siyang sikat pero ngayon lang siya nakaranas ng ganito."Umalis na muna tayo. Hindi ito ang tamang oras. Paano kung makita ka ni Mr. Monterde na inaapi si Camila? Hindi ba't ikaw ang mapapahamak?"Naiintindihan ni Charlotte ang pag-aalala nito. Matapos makita ang sinapit nina Jackie at Lannie, imposibleng hindi matakot si Cyfer kay Brix.Gigil na gigil siyang
Chapter 168MAAGANG-MAAGA pa lang, nakaupo na si Dale sa hapag-kainan sa ikalawang palapag, hawak ang isang food bowl ng masustansyang lugaw na espesyal na inihanda ng chef para sa kanya upang palakasin ang kanyang katawan.Dahan-dahan siyang kumakain, isang kutsara sa bawat subo, ang kilos niya ay parang isang robot—paulit-ulit at walang emosyon. Pati ang dati niyang malinaw na mga mata, na medyo hawig sa kay Daisy noon ay wala nang ningning.Lubhang bumagsak ang kanyang katawan nitong mga nakaraang araw. Lumubog na ang kanyang mga mata, kaya mukha na siyang isang taong malnourished na may anorexia.Nang nasa 70% na siyang busog, biglang nag-vibrate ang cellphone sa ibabaw ng mesa.Ibinalik niya ang kutsara, kinuha ang cellphone at binuksan ito. Nang makita niyang si Daisy ang nagpadala ng mensahe, mabilis niyang pinindot ito."Kuya, tulungan mo ako, basement."Sa sobrang pagkataranta ni Daisy, hindi na niya nailagay ang address o kung sino ang nagkulong sa kanya, kaya walang ideya k
Chapter 167PAGKATALIKOD ni Camila, bigla niyang naramdaman ang matinding sakit sa likod. Napasigaw siya at napayuko nang kusa ang kanyang katawan. Ilang sandali lang, bumagsak siya sa lupa na parang nakuryente—hindi gumagalaw."Miss Camila!"Mabilis na umaksyon ang lalaking nakaitim. Tumakbo siya para habulin si Daisy na mabilis na tumakas pero natigilan siya nang makita si Camila na tahimik lang, duguan ang likuran.Dalawang segundo siyang nag-alinlangan bago tuluyang binaliwala si Daisy. Yumuko siya at maingat na binuhat ang walang malay na si Camila.Napatingin siya sa kutsilyong nakatarak sa katawan nito, pero hindi siya naglakas-loob na alisin ito. Iningatan niyang huwag masyadong gumalaw si Camila habang nagmamadaling lumapit sa kotse sa gilid ng kalsada.Bago pa siya makalapit, narinig na niya ang tunog ng makina ng sasakyan. Nataranta ang lalaking nakaitim at binilisan ang pagtakbo. Saktong nakita niya si Daisy na hawak ang manibela, pinapatakbo ang nag-iisang sasakyan palayo
Chapter 166SA TABI ng bundok at kagubatan, malapit sa isang trench. Umihip ang malamig na hangin habang naglalakad si Camila sa isang makitid na daan na natatakpan ng mga damo. Nang tumingin siya sa unahan, nakita niya ang isang babaeng may piring sa mata, nakatali sa puno at nanginginig.Dahan-dahan siyang lumapit, hindi alintana ang tunog ng kanyang mga yabag.Nang marinig ni Daisy ang paglapit ni Camila, agad itong tumagilid at ang mahina nitong ungol ay naging mas desperado. Tinakpan ni Camila ang kanyang bibig at ngumiti, iniisip sa sarili, dumating na rin ang araw na ito para sa'yo, Daisy! Huminto siya sa harap ng puno at kumindat sa lalaking nakaitim na nakatayo sa tabi niya. Agad naman siyang inabutan nito ng kutsilyo.Ang lalaking iyon ay ang kanyang personal na bodyguard na inupahan niya sa malaking halaga. Bihasa ito sa pagsubaybay at pang-kidnap ng mga tao. Ilang araw nito munang sinundan si Daisy bago nakahanap ng tamang pagkakataon para bihagin ito.Ang matalim at mal
Chapter 165"KUYA, kung hindi mo ako tutulungan, wala na akong ibang pagpipilian kundi mamatay."Ipinatong ni Daisy ang kutsilyo sa pulso niya at idiniin ito. Nang makita ito ni Dale, namula ang kanyang mga mata.Mahigpit niyang kinagat ang kanyang labi at isa-isang binigkas, "Daisy, hindi ako pumapayag."Pagkasabi ni Dale noon, bago pa man makabawi si Daisy sa pagkabigla, lumapit siya at hinawakan ang pulso nitong may hawak na kutsilyo. Sa isang iglap, nalaglag ang kutsilyo sa kanyang sariling kamay.Walang pag-aalinlangan, itinaas niya ito at bumaon ang matalim na talim sa kanyang balat.Walang takot sa mukha ni Dale, ni hindi man lang siya kumurap. Tinitigan niya si Daisy gamit ang mapulang mata at malamig na boses. "Sapat na ba ‘to?"Dahil sa alak na ininom niya, mas mabilis dumaloy ang dugo niya na bumagsak sa sahig. Dumagsa ang maliwanag na pulang dugo mula sa sugat, bumalot sa sahig na may disenyo ng palasyo at mabilis na bumuo ng isang maliit na pool. "Kuya!" Napasigaw si Da
Chapter 164HINILA ni Jeffrey si Daisy palabas ng gusali ng Perez Company. Sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya, namula ang maputing pulso ni Daisy."Jeff, anong ginagawa mo?""Jeff, bitawan mo ako! Ang sakit!"Hindi kumibo si Jeffrey at nanatiling seryoso ang mukha. Tahimik lang siyang naglakad hanggang sa makarating sila sa parking lot sa tabi ng kalsada. Doon lang siya huminto at mariing itinulak si Daisy sa sasakyan.Tumama ang bewang ni Daisy sa matigas na katawan ng kotse at namutla siya sa sakit. Ilang beses siyang napasinghap bago siya nagawang tumingin kay Jeffrey nang may pagtataka."Jeff, ano ba—"SLAP! Diretsong sinampal siya ni Jeffrey, dahilan para mapaling ang ulo niya sa isang tabi."Tanga! Alam mo ba ang ginawa mo?!"Napahawak si Daisy sa namumula at nananakit niyang pisngi, hindi makapaniwala sa nangyari."Jeff, bakit mo ako sinampal? Ano bang nangyayari?"Dahil sa dami ng dumadaang tao sa paligid, hindi mapakali si Jeffrey. Imbes na sumagot, binuksan na lang nito
Chapter 163NAGHÀLIKAN nang matindi ang dalawa habang nakatayo lang si Camila, tulala at hindi agad makapag-isip kung ano ang nangyayari.Kung hindi lang niya alam na galing ang dalawa sa Indonesia, iisipin niyang galing sila mismo sa kagubatan dahil sa mga aksyong ginagawa sa harap niya. Habang naguguluhan pa siya, muling bumukas ang pinto ng opisina.Paglingon niya, nakita niyang si Brix iyon, nakasuot ng itim na casual shirt at nakatayo sa may pintuan. Mabilis nitong sinuri ang paligid bago lumapit kay Camila.Napalingon si Daisy sa ingay at nang makita niya si Brix, napasigaw ito sa gulat, "Ah!" sabay tulak kay Jeffrey palayo."Billy, bakit ka nandito? Hindi ito ang iniisip mo!"Kumunot ang noo ni Brix, hindi sinagot si Daisy, bagkus ay tinitigan si Jeffrey.Nagtagpo ang mga mata nila at biglang bumigat ang atmosphere sa kwarto.Hindi alintana ni Daisy ang tensyon. Mabilis siyang lumapit kay Brix at hinawakan ang kanyang pulso. "Billy, ako—"Ngunit walang emosyon sa mukha ni Brix
Chapter 162NANG mabalitaan nina Camila at Brix na nakabalik na sa Pilipinas sina Jeffrey at Daisy, dali-dali silang bumili ng ticket pauwi at lumipad pabalik sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.Habang nasa lubak-lubak na daan pa sina Camila, si Daisy naman ay nakarating na sa villa ni Jeffrey.Pagkapasok na pagkapasok nila sa kwarto, agad na nag-krus ng braso si Daisy at umupo sa sofa na may malamig na ekspresyon sa mukha. Ni hindi man lang siya tumingin kay Jeffrey na nakaupo sa tabi niya.Lumapit si Jeffrey at naupo sa tabi niya, ipinatong ang kamay sa balikat nito, saka bahagyang yumuko. "Galit ka ba?""Hmph!" Tumalikod si Daisy.Hinawakan ni Jeffrey ang mukha niya at pinaharap ito. "Sige na, alam mo namang hindi pa tamang panahon para ipaalam ang relasyon natin.""Ang totoo niyan, hindi mo lang talaga ako sineseryoso. Anong ‘female secretary’? Ano tingin mo sa akin sa harap ng ibang tao?""Okay, okay, walang sinuman ang makakabastos sa 'yo basta andito ako."Matapos siyang l