All Chapters of Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy: Chapter 151 - Chapter 160

228 Chapters

Chapter 140

Chapter 140ALAS DOS NG HAPON, tirik na tirik ang araw.Mainit na mainit ang pisngi ni Camila sa tindi ng sikat ng araw. Habang lumilipas ang oras, hindi niya mapigilang mainip at kabahan."Ano bang gusto n'yo?" tanong niya sa limang lalaki sa harapan niya.Hindi naman siya sinaktan ng mga ito pero hindi rin siya pinalalayo. Gusto lang ba nilang… patagalin ang oras?Napakunot ang noo niya sa naisip.Isang lalaki na may kaunting berde sa buhok, nakapasok ang mga kamay sa bulsa, ang nagsalita nang may kayabangan. "Ilang beses pa ba namin uulitin? Gusto lang naming maglibang kasama ka."Matalim ang tingin ni Camila sa kanila, saka pinagmasdan ang suot ng mga tao sa harapan. Pinilit niyang ikalma ang boses. "Magtapat kayo. Binayaran lang kayo para gawin ‘to, ‘di ba? Para malaman n’yo, ako ang may-ari ng kumpanyang ‘yan." Itinuro niya ang matayog na gusali sa harapan."Kita n’yo ‘yan? Akin ‘yan. Kung magkano man ang bayad sa inyo, babayaran ko kayo ng doble."Natahimik ang limang lalaki…
last updateLast Updated : 2025-02-16
Read more

Chapter 141

Chapter 141PAGKAKITA pa lang ni Charlotte kay Camila, agad itong sumabog sa galit. Hindi na nito inisip na nasa harap nito sina Brix at Eric. Tumayo siya at diretsong nagtanong. "Ano ang sinabi mo kay Papa? Bakit ibinigay niya sa’yo ang buong kontrol sa kumpanya?"Ngumiti si Camila at lumapit kay Charlotte. "Akin naman talaga ang Perez Empire."Pagkatapos, tumingin siya nang matalim kay Charlotte. "Ikaw ba ang naglagay ng mga tao sa labas ng kumpanya ko?"Iniwas ni Charlotte ang tingin nito, halatang may tinatago. "Hindi ko alam ang sinasabi mo.""Tigilan mo na ang pagpapalusot."Malamig na tumawa si Camila at tumingin kay Atty. Leonidas na halos hindi na makilala sa dami ng pasa sa mukha. Sandali siyang nag-isip at naisip na malamang nagkutsaba ang dalawa para pakialaman ang testamento.Lumapit siya kay Atty. Leonidas, kalmado ang boses. "Nasaan ang testament, Atty. Leonidas?"Nanginig si Atty. Leonidas sa kaba, agad nitong kinuha ang dokumento mula sa drawer at ibinigay kay Camila
last updateLast Updated : 2025-02-17
Read more

Chapter 142

Chapter 142KATATAPOS lang pirmahan ni Camila ang kontrata. Kinaumagahan, bago siya pumunta sa kumpanya, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Yesha na nagtatanong tungkol sa testament. Ayon dito, kumakalat ang balita sa loob ng kumpanya na malapit nang mamatay si Carlos.Nagulat si Camila at agad na nagtanong kung sino ang nagpapakalat ng tsismis.Una sa lahat, tinanggal niya sa listahan si Charlotte. Malaki ang naging talo nito kahapon kaya hindi nito gugustuhing malaman ng iba ang tungkol sa testamento, lalo na’t buhay pa si Carlos.Makalipas ang ilang minuto, nag-reply si Yesha, at doon naintindihan ni Camila ang sitwasyon. May isang empleyado sa kumpanya na may kaibigang abogado. Nasaksihan nito mismo ang pagpunta ni Camila at Charlotte sa law firm kahapon.Nag-usap lang ang dalawa nang pribado, pero ang balita ay kumalat mula sa isa, naging sampu, hanggang umabot sa daan-daang tao.Napabuntong-hininga si Camila. Hindi pa siya handang ipahayag ang tungkol dito kaya kung biglang ma
last updateLast Updated : 2025-02-17
Read more

Chapter 143

Chapter 143ONE HUNDRED THOUSAND kada gabi. Ramdam ni Camila ang matinding pang-iinsulto. Biglang lumamig ang kanyang mukha habang nagtatawanan ang grupo ng mga nagpapautang. Nang akma na niyang tawagin ang security para paalisin sila, biglang may malakas na tunog ng pagbukas ng pinto sa likuran niya.Paglingon niya, nakita niya si Brix na nakasuot ng itim na suit kasama ang assistant nito. Agad bumaba ang tensyon sa kwarto at ang malalakas na tawa ng mga tao ay agad na naputol.Nagkatinginan ang lahat at mabilis na bumati, pilit na nagpapakita ng pagiging magalang. "M-Mr. Monterde? Anong ginagawa n’yo rito?""Napasyal ka ba rito para maningil din ng utang?"Hindi pinansin ni Brix ang mga ingay sa paligid. Diretso itong naglakad patungo sa sofa, umupo at bahagyang tinaas ang kanyang baba habang tinitingnan si Camila."Come here."Lahat ng mata ay napatingin kay Camila. Pinigilan niya ang sariling mapangiwi pero naglakad pa rin siya palapit.Paglapit ni Camila, agad siyang hinila ni B
last updateLast Updated : 2025-02-17
Read more

Chapter 144

Chapter 144NANG LUMABAS ang balita, hindi lang si Camila ang nagulat.Ngayon, naging open secret na ang tungkol sa testament ng ama ni Camila. Maraming mayayamang pamilya ang nag-aabang ng pagkakataon para kumita mula sa pamilya Perez Pero bago pa sila makagalaw, lumabas na ang balitang ito sa harapan ng lahat.Walang duda, isa itong babala at pananakot mula sa Monterde Family para pigilan ang mga taong may balak. Dahil dito, muling pinag-isipan ng mga negosyante ang kanilang pagtrato sa pamilya Perez. Maraming plano ang nabuo sa isip nila pero syempre, wala nang nangahas na kalabanin si Brix sa panahong ito.Matapos ang kanilang hapunan, iniisip pa rin ni Camila ang tungkol sa trabaho. Pero nag-alok si Brix na maglakad-lakad sa tabi ng ilog.Medyo napakunot ang noo ni Camila at tumingin sa kanya, pagkatapos ay diretsong tumanggi. "Ikaw na lang, may iba pa akong gagawin."Naglakad-lakad pagkatapos kumain? Huwag itong masyadong makulit.Bukod pa roon, pakiramdam niya ay parang may kak
last updateLast Updated : 2025-02-17
Read more

Chapter 145

Chapter 145KINABUKASAN, nang paalis na si Camila papunta sa kompanya, biglang tinaas ni Brix ang ulo niya mula sa pagbabasa ng magazine sa sofa at nagsalita. "Samahan mo ako para makilala ang ilang tao ngayon.""Sino?" Napahinto si Camila at nagtatakang nagtanong."Mga kaibigan ko."Pagkarinig nito, agad na sumama ang loob ni Camila at hindi natuwa.Noon, gusto niyang makapasok sa mundo ni Brix at makilala ang mga kaibigan nito pero hindi siya pinansin ng lalaki. Ni minsan, hindi siya isinama kahit pa noong panahong pinagmamalaki ni Daisy sa harap niya ang pagiging malapit nito sa grupo ni Brix.Matagal siyang nadismaya noon, pero ngayon, ngayong binibigyan siya ng pagkakataong iyon, pakiramdam niya parang hindi na iyon ganoon kahalaga sa kanya."Busy ako sa trabaho, wala akong oras!"Naningkit ang mga mata niya sa inis, saka nagpatuloy sa paglakad palabas nang hindi lumilingon. Naiwan si Brix sa sofa na nakakunot-noo.Pagkalabas niya ng pinto, hindi niya alam kung bakit, pero napali
last updateLast Updated : 2025-02-17
Read more

Chapter 146

Chapter 146PAUPO pa lang si Lester kasama si Camila nang biglang tumayo si Brix at lumapit sa kanila. Mula simula hanggang dulo, nakatutok pa rin ang tingin ni Brix sa babaeng nasa tabi ni Lester. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Lester. Kinabahan ito at nagtanong, "Brix, anong ginagawa mo..."Ito ang unang nakakita sa babae kaya naman hindi ito puwedeng agawin sa kanya!Isang malamig na tingin lang ang ibinigay ni Brix kay Lester tapos walang sabi-sabing hinapit nito ang bewang ni Camila at hinila ito palapit sa pwesto nito. "Brix, ikaw naman..." Halos maluha na si Lester sa sama ng loob. Wala siyang lakas ng loob na lumaban kaya kahit labis ang panghihinayang, wala siyang nagawa kundi ang umupo na lang nang tahimik.Lalo namang naaliw ang ibang kalalakihan sa eksena. Pinagmasdan nilang mabuti si Camila at saka tumango-tango. Hindi na nakapagtataka kung bakit si Brix mismo ang kumuha. Napakaganda talaga ng babaeng ito.Saktong magsasalita pa lang sila para aliwin si Lester nan
last updateLast Updated : 2025-02-18
Read more

Chapter 147

Chapter 147MATAPOS mapawi ang pangangailangang pumunta sa banyo, isinara ni Camila ang sinturon sa kanyang baywang habang pinagmamasdan ang dekorasyon ng banyo.Sa totoo lang, naiintindihan niya kung bakit ginawang misteryoso ang disenyo ng lobby ng bar pero hindi ba medyo kakaiba na pati ang banyo ay ganito rin ang theme? Bukod sa lahat, ang madilim na ilaw ay hindi maganda para sa mga gustong mag-retouch ng makeup habang nakatingin sa salamin.Matapos itali ang lace sa kanyang baywang, nag-ayos si Camila at inabot ang pinto para buksan ito. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nang mapatingin siya sa maliit na siwang ng pinto, tumama ang tingin niya sa isang pares ng madilim na mga mata.Anong klaseng mga mata ang mga ito? Madilim, walang emosyon, at malamig. Ilang segundo silang nagtitigan, at biglang nakaramdam ng kilabot si Camila.Bumalik sa isipan niya ang iba’t ibang nakakatakot na tsismis tungkol sa bar: isang babae na biglang nawala, mga bakas ng dugo sa kisame, isang inosente
last updateLast Updated : 2025-02-18
Read more

Chapter 148

Chapter 148UMAGA sa isang villa sa Bansang Indonesia, nakaupo si Daisy sa sala. Matapos panoorin ang isang video sa Facébook, sobrang galit niya kaya hinagis niya ang cellphone sa sahig.Nagkapira-piraso ang cellphone niya."Shît! Bakit hindi ka na lang mamatay?!"Alam niyang kukunin ni Camila ang pagkakataon para akitin si Brix habang wala siya at tama nga siya!Naalala niya sa video nang ipinakilala ni Brix si Camila sa kanyang mga kaibigan, sabay sabing, "Ito ang magiging hipag niyo." Sa sobrang galit, parang sasabog ang dibdib niya. Kumuha siya ng mga gamit sa bahay—mga flower vase, mga painting sa dingding—at walang awang pinagbabato at pinunit ang mga ito, na parang si Camila ang sinisira niya.Pagkatapos, lumipat ang tingin niya sa malaking aquarium sa gilid. Galit na kinuha niya ang isang upuan at itinaas ito, handang basagin ang salamin.Agad na lumapit ang isang kasambahay at pinigilan siya. "Miss, maghinay-hinay po kayo! Anong nangyari?"Nainis si Daisy sa panghihimasok ni
last updateLast Updated : 2025-02-18
Read more

Chapter 149

Chapter 149KINAUMAGAHAN, natatakpan pa ng manipis na hamog ang buong villa ng Monterde Family. Ang natatanaw lamang ay ang kulay brown na bubungan at ang tuktok ng mga berdeng puno. Mula sa malayo, mistulang isang lugar iyon na nakikita sa movies. Si Camila ay mahimbing pang natutulog sa malambot na unan nang biglang lumiwanag ang madilim na screen ng kanyang cellphone. May tumatawag—si Yesha.Matapos tumunog ng ilang beses, sa wakas ay iminulat ni Camila ang kanyang malalabong mata, waring isang bagong panganak na kuting na hindi pa sanay sa liwanag.Nasa gitna pa siya ng isang panaginip tungkol sa kanyang tagumpay sa negosyo nang biglang maputol ito dahil sa nakakairitang tunog ng cellphone. Napakunot-noo siya sa inis at inabot ang telepono mula sa ilalim ng manipis na kumot. Nang makita niyang si Yesha ang tumatawag, agad siyang bahagyang natauhan.Alam niyang hindi ito tatawag nang ganito kaaga kung walang mahalagang dahilan."Hello..." Mahinang sagot niya habang nakapikit pa ri
last updateLast Updated : 2025-02-18
Read more
PREV
1
...
1415161718
...
23
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status