Chapter 145KINABUKASAN, nang paalis na si Camila papunta sa kompanya, biglang tinaas ni Brix ang ulo niya mula sa pagbabasa ng magazine sa sofa at nagsalita. "Samahan mo ako para makilala ang ilang tao ngayon.""Sino?" Napahinto si Camila at nagtatakang nagtanong."Mga kaibigan ko."Pagkarinig nito, agad na sumama ang loob ni Camila at hindi natuwa.Noon, gusto niyang makapasok sa mundo ni Brix at makilala ang mga kaibigan nito pero hindi siya pinansin ng lalaki. Ni minsan, hindi siya isinama kahit pa noong panahong pinagmamalaki ni Daisy sa harap niya ang pagiging malapit nito sa grupo ni Brix.Matagal siyang nadismaya noon, pero ngayon, ngayong binibigyan siya ng pagkakataong iyon, pakiramdam niya parang hindi na iyon ganoon kahalaga sa kanya."Busy ako sa trabaho, wala akong oras!"Naningkit ang mga mata niya sa inis, saka nagpatuloy sa paglakad palabas nang hindi lumilingon. Naiwan si Brix sa sofa na nakakunot-noo.Pagkalabas niya ng pinto, hindi niya alam kung bakit, pero napali
Chapter 146PAUPO pa lang si Lester kasama si Camila nang biglang tumayo si Brix at lumapit sa kanila. Mula simula hanggang dulo, nakatutok pa rin ang tingin ni Brix sa babaeng nasa tabi ni Lester. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Lester. Kinabahan ito at nagtanong, "Brix, anong ginagawa mo..."Ito ang unang nakakita sa babae kaya naman hindi ito puwedeng agawin sa kanya!Isang malamig na tingin lang ang ibinigay ni Brix kay Lester tapos walang sabi-sabing hinapit nito ang bewang ni Camila at hinila ito palapit sa pwesto nito. "Brix, ikaw naman..." Halos maluha na si Lester sa sama ng loob. Wala siyang lakas ng loob na lumaban kaya kahit labis ang panghihinayang, wala siyang nagawa kundi ang umupo na lang nang tahimik.Lalo namang naaliw ang ibang kalalakihan sa eksena. Pinagmasdan nilang mabuti si Camila at saka tumango-tango. Hindi na nakapagtataka kung bakit si Brix mismo ang kumuha. Napakaganda talaga ng babaeng ito.Saktong magsasalita pa lang sila para aliwin si Lester nan
Chapter 147MATAPOS mapawi ang pangangailangang pumunta sa banyo, isinara ni Camila ang sinturon sa kanyang baywang habang pinagmamasdan ang dekorasyon ng banyo.Sa totoo lang, naiintindihan niya kung bakit ginawang misteryoso ang disenyo ng lobby ng bar pero hindi ba medyo kakaiba na pati ang banyo ay ganito rin ang theme? Bukod sa lahat, ang madilim na ilaw ay hindi maganda para sa mga gustong mag-retouch ng makeup habang nakatingin sa salamin.Matapos itali ang lace sa kanyang baywang, nag-ayos si Camila at inabot ang pinto para buksan ito. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nang mapatingin siya sa maliit na siwang ng pinto, tumama ang tingin niya sa isang pares ng madilim na mga mata.Anong klaseng mga mata ang mga ito? Madilim, walang emosyon, at malamig. Ilang segundo silang nagtitigan, at biglang nakaramdam ng kilabot si Camila.Bumalik sa isipan niya ang iba’t ibang nakakatakot na tsismis tungkol sa bar: isang babae na biglang nawala, mga bakas ng dugo sa kisame, isang inosente
Chapter 148UMAGA sa isang villa sa Bansang Indonesia, nakaupo si Daisy sa sala. Matapos panoorin ang isang video sa Facébook, sobrang galit niya kaya hinagis niya ang cellphone sa sahig.Nagkapira-piraso ang cellphone niya."Shît! Bakit hindi ka na lang mamatay?!"Alam niyang kukunin ni Camila ang pagkakataon para akitin si Brix habang wala siya at tama nga siya!Naalala niya sa video nang ipinakilala ni Brix si Camila sa kanyang mga kaibigan, sabay sabing, "Ito ang magiging hipag niyo." Sa sobrang galit, parang sasabog ang dibdib niya. Kumuha siya ng mga gamit sa bahay—mga flower vase, mga painting sa dingding—at walang awang pinagbabato at pinunit ang mga ito, na parang si Camila ang sinisira niya.Pagkatapos, lumipat ang tingin niya sa malaking aquarium sa gilid. Galit na kinuha niya ang isang upuan at itinaas ito, handang basagin ang salamin.Agad na lumapit ang isang kasambahay at pinigilan siya. "Miss, maghinay-hinay po kayo! Anong nangyari?"Nainis si Daisy sa panghihimasok ni
Chapter 149KINAUMAGAHAN, natatakpan pa ng manipis na hamog ang buong villa ng Monterde Family. Ang natatanaw lamang ay ang kulay brown na bubungan at ang tuktok ng mga berdeng puno. Mula sa malayo, mistulang isang lugar iyon na nakikita sa movies. Si Camila ay mahimbing pang natutulog sa malambot na unan nang biglang lumiwanag ang madilim na screen ng kanyang cellphone. May tumatawag—si Yesha.Matapos tumunog ng ilang beses, sa wakas ay iminulat ni Camila ang kanyang malalabong mata, waring isang bagong panganak na kuting na hindi pa sanay sa liwanag.Nasa gitna pa siya ng isang panaginip tungkol sa kanyang tagumpay sa negosyo nang biglang maputol ito dahil sa nakakairitang tunog ng cellphone. Napakunot-noo siya sa inis at inabot ang telepono mula sa ilalim ng manipis na kumot. Nang makita niyang si Yesha ang tumatawag, agad siyang bahagyang natauhan.Alam niyang hindi ito tatawag nang ganito kaaga kung walang mahalagang dahilan."Hello..." Mahinang sagot niya habang nakapikit pa ri
Chapter 150SA OFFICE ng CEO, abala si Brix sa kanyang mesa, tinatapos ang mga gawain sa araw-araw.Ang kanyang mesa ay hugis-U at gawa sa mamahaling kahoy, may computer sa kaliwang bahagi at mga lalagyan ng dokumento sa harap at kanan. Sa likuran niya ay may malaking bookshelf na puno ng mga professional materials at ilang personal na libro na maaari niyang silipin anumang oras.Laganap sa opisina ang natural na halimuyak ng kahoy, malambing ngunit hindi madaling mawala. Ang ilaw sa kisame ay tamang-tama lang—hindi masakit sa mata ngunit hindi rin sobrang liwanag—na nagbibigay ng seryoso at malalim na pakiramdam sa sinumang pumasok.Knock.Isinara ni Brix ang hawak niyang dokumento, itinukod ang likod sa upuan, at tumingin sa pinto. "Get in."Bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang assistant, bahagyang nakayuko at lumapit sa kanya.Tuwing papasok ito sa opisina ng kanyang boss, palagi niyang nararamdaman ang bigat ng presensya nito—parang may mabigat na batong nakadagan sa kanyang di
Chapter 151KAMAKAILAN lang ay biglang bumagsak ang negosyo ng kumpanya, kaya biglang naging maluwag ang oras ni Camila.Wala rin namang silbi ang mag-alala lalo na’t tinutulungan siya ni Brix sa problemang ito kaya minabuti niyang hayaan na lang muna. Dahil wala siyang masyadong ginagawa, tinamad na rin siyang pumasok sa kumpanya. Sa halip, isinama niya si Braylee sa supermarket para mamili ng mga lulutuin."Mommy, para kay Daddy mo lulutuin ‘yan o para kay Braylee?" Tanong ni Braylee habang nakatitig sa malaking lobster na nakalatag sa durog na yelo, halos tumulo ang laway niya."Walang para sa inyo. Para sa akin ‘to." Pabirong sagot ni Camila.Biglang nalungkot ang mukha ni Braylee. "You're bad, Mommy!" reklamo nitoNatawa si Camila at kinuha ang apat na malalaking lobster, inilagay sa shopping cart. Isa-isang binilang ito ni Braylee at nang makumpirma niyang marami-rami ang binili, muli siyang natuwa.Habang abala sila sa pamimili, biglang may grupo ng mga dalagitang nag-uusap mal
Chapter 152"TEKA, ikaw ba si Camila?" Isang babae na nakasuot ng itim na leather miniskirt ang nagsalita.Lumingon si Camila at agad niyang nakilala si Jackie, isang third level na artista. Itinaas niya ang kanyang baba at sinabing, "Ako nga. Eh ikaw, sino ka naman?""Ikaw!"Sa dami ng taon niya sa industriya, sanay na si Jackie na parang prinsesa siyang sinasamba ng mga fans. Ngayon lang siya tinanong ng ganito at hindi niya matanggap! Sa sobrang inis, umalog ang kanyang malalaking dibdib na hindi akma sa kanyang payat na bewang."Ang talas ng dila mo," singit ni Lanni, na hindi rin nagpatalo nang makita ang kaibigang napahiya."Anong kinalaman mo rito?" sagot ni Camila na may halong pang-aasar.Parehong may kaunting kasikatan sina Lanni at Jackie dahil sa dalawang online drama na pinagbidahan nila. May tig-sampung milyong followers sila, kaya akala nila ay bigatin na sila. Pero para kay Camila, wala lang silang kwenta.Nakapamewang si Lanni, kalmado sa labas pero halatang nagngangal
Chapter 167PAGKATALIKOD ni Camila, bigla niyang naramdaman ang matinding sakit sa likod. Napasigaw siya at napayuko nang kusa ang kanyang katawan. Ilang sandali lang, bumagsak siya sa lupa na parang nakuryente—hindi gumagalaw."Miss Camila!"Mabilis na umaksyon ang lalaking nakaitim. Tumakbo siya para habulin si Daisy na mabilis na tumakas pero natigilan siya nang makita si Camila na tahimik lang, duguan ang likuran.Dalawang segundo siyang nag-alinlangan bago tuluyang binaliwala si Daisy. Yumuko siya at maingat na binuhat ang walang malay na si Camila.Napatingin siya sa kutsilyong nakatarak sa katawan nito, pero hindi siya naglakas-loob na alisin ito. Iningatan niyang huwag masyadong gumalaw si Camila habang nagmamadaling lumapit sa kotse sa gilid ng kalsada.Bago pa siya makalapit, narinig na niya ang tunog ng makina ng sasakyan. Nataranta ang lalaking nakaitim at binilisan ang pagtakbo. Saktong nakita niya si Daisy na hawak ang manibela, pinapatakbo ang nag-iisang sasakyan palayo
Chapter 166SA TABI ng bundok at kagubatan, malapit sa isang trench. Umihip ang malamig na hangin habang naglalakad si Camila sa isang makitid na daan na natatakpan ng mga damo. Nang tumingin siya sa unahan, nakita niya ang isang babaeng may piring sa mata, nakatali sa puno at nanginginig.Dahan-dahan siyang lumapit, hindi alintana ang tunog ng kanyang mga yabag.Nang marinig ni Daisy ang paglapit ni Camila, agad itong tumagilid at ang mahina nitong ungol ay naging mas desperado. Tinakpan ni Camila ang kanyang bibig at ngumiti, iniisip sa sarili, dumating na rin ang araw na ito para sa'yo, Daisy! Huminto siya sa harap ng puno at kumindat sa lalaking nakaitim na nakatayo sa tabi niya. Agad naman siyang inabutan nito ng kutsilyo.Ang lalaking iyon ay ang kanyang personal na bodyguard na inupahan niya sa malaking halaga. Bihasa ito sa pagsubaybay at pang-kidnap ng mga tao. Ilang araw nito munang sinundan si Daisy bago nakahanap ng tamang pagkakataon para bihagin ito.Ang matalim at mal
Chapter 165"KUYA, kung hindi mo ako tutulungan, wala na akong ibang pagpipilian kundi mamatay."Ipinatong ni Daisy ang kutsilyo sa pulso niya at idiniin ito. Nang makita ito ni Dale, namula ang kanyang mga mata.Mahigpit niyang kinagat ang kanyang labi at isa-isang binigkas, "Daisy, hindi ako pumapayag."Pagkasabi ni Dale noon, bago pa man makabawi si Daisy sa pagkabigla, lumapit siya at hinawakan ang pulso nitong may hawak na kutsilyo. Sa isang iglap, nalaglag ang kutsilyo sa kanyang sariling kamay.Walang pag-aalinlangan, itinaas niya ito at bumaon ang matalim na talim sa kanyang balat.Walang takot sa mukha ni Dale, ni hindi man lang siya kumurap. Tinitigan niya si Daisy gamit ang mapulang mata at malamig na boses. "Sapat na ba ‘to?"Dahil sa alak na ininom niya, mas mabilis dumaloy ang dugo niya na bumagsak sa sahig. Dumagsa ang maliwanag na pulang dugo mula sa sugat, bumalot sa sahig na may disenyo ng palasyo at mabilis na bumuo ng isang maliit na pool. "Kuya!" Napasigaw si Da
Chapter 164HINILA ni Jeffrey si Daisy palabas ng gusali ng Perez Company. Sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya, namula ang maputing pulso ni Daisy."Jeff, anong ginagawa mo?""Jeff, bitawan mo ako! Ang sakit!"Hindi kumibo si Jeffrey at nanatiling seryoso ang mukha. Tahimik lang siyang naglakad hanggang sa makarating sila sa parking lot sa tabi ng kalsada. Doon lang siya huminto at mariing itinulak si Daisy sa sasakyan.Tumama ang bewang ni Daisy sa matigas na katawan ng kotse at namutla siya sa sakit. Ilang beses siyang napasinghap bago siya nagawang tumingin kay Jeffrey nang may pagtataka."Jeff, ano ba—"SLAP! Diretsong sinampal siya ni Jeffrey, dahilan para mapaling ang ulo niya sa isang tabi."Tanga! Alam mo ba ang ginawa mo?!"Napahawak si Daisy sa namumula at nananakit niyang pisngi, hindi makapaniwala sa nangyari."Jeff, bakit mo ako sinampal? Ano bang nangyayari?"Dahil sa dami ng dumadaang tao sa paligid, hindi mapakali si Jeffrey. Imbes na sumagot, binuksan na lang nito
Chapter 163NAGHÀLIKAN nang matindi ang dalawa habang nakatayo lang si Camila, tulala at hindi agad makapag-isip kung ano ang nangyayari.Kung hindi lang niya alam na galing ang dalawa sa Indonesia, iisipin niyang galing sila mismo sa kagubatan dahil sa mga aksyong ginagawa sa harap niya. Habang naguguluhan pa siya, muling bumukas ang pinto ng opisina.Paglingon niya, nakita niyang si Brix iyon, nakasuot ng itim na casual shirt at nakatayo sa may pintuan. Mabilis nitong sinuri ang paligid bago lumapit kay Camila.Napalingon si Daisy sa ingay at nang makita niya si Brix, napasigaw ito sa gulat, "Ah!" sabay tulak kay Jeffrey palayo."Billy, bakit ka nandito? Hindi ito ang iniisip mo!"Kumunot ang noo ni Brix, hindi sinagot si Daisy, bagkus ay tinitigan si Jeffrey.Nagtagpo ang mga mata nila at biglang bumigat ang atmosphere sa kwarto.Hindi alintana ni Daisy ang tensyon. Mabilis siyang lumapit kay Brix at hinawakan ang kanyang pulso. "Billy, ako—"Ngunit walang emosyon sa mukha ni Brix
Chapter 162NANG mabalitaan nina Camila at Brix na nakabalik na sa Pilipinas sina Jeffrey at Daisy, dali-dali silang bumili ng ticket pauwi at lumipad pabalik sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.Habang nasa lubak-lubak na daan pa sina Camila, si Daisy naman ay nakarating na sa villa ni Jeffrey.Pagkapasok na pagkapasok nila sa kwarto, agad na nag-krus ng braso si Daisy at umupo sa sofa na may malamig na ekspresyon sa mukha. Ni hindi man lang siya tumingin kay Jeffrey na nakaupo sa tabi niya.Lumapit si Jeffrey at naupo sa tabi niya, ipinatong ang kamay sa balikat nito, saka bahagyang yumuko. "Galit ka ba?""Hmph!" Tumalikod si Daisy.Hinawakan ni Jeffrey ang mukha niya at pinaharap ito. "Sige na, alam mo namang hindi pa tamang panahon para ipaalam ang relasyon natin.""Ang totoo niyan, hindi mo lang talaga ako sineseryoso. Anong ‘female secretary’? Ano tingin mo sa akin sa harap ng ibang tao?""Okay, okay, walang sinuman ang makakabastos sa 'yo basta andito ako."Matapos siyang l
Chapter 161"HAHA! Camila, karapat-dapat ka bang lumaban sa akin?"Matapos marinig ang magandang balita mula sa kanyang mga tauhan sa Pilipinas, hindi mapigilan ni Daisy ang sarili sa sobrang tuwa.Pinikit niya ng bahagya ang kanyang mga mata at napangisi.'Camila, kahit pa may tulong ka mula kay Brix at Mr. Pimentel, ano ngayon? Hindi mo ba kusa lang isinuko ang kumpanya mo? At ito pa lang ang simula. Marami ka pang pagdadaanan!'Naalala niya ang pang-aapi kay Camila online nitong mga nakaraang araw.at sobrang ikinatuwa ni Daisy ito.Ngumiti siya, inilapag ang cellphone sa mesa, kinuha ang isang baso, binuksan ang bote ng red wine at naglakad papunta sa terrace upang tikman ang alak nang dahan-dahan.Nakatanaw mula sa itaas ng matayog na gusali, kitang-kita ni Daisy ang buong siyudad. May bahagyang yabang at determinasyon sa kanyang mga mata.Darating ang araw, makukuha rin niya ang lahat ng pag-aari ni Camila at mas maganda kung tuluyan na siyang mawawala sa mundo. At si Brix...Hah
Chapter 160MATAPOS kunin ang kanyang plane ticket, pumasok si Camila sa first-class cabin. Habang iniisip niyang mag-isa siyang pupunta para hanapin ang lalaking iyon at hindi alam kung anong panganib ang maaaring kaharapin sa daan, hindi niya maiwasang makaramdam ng bigat sa dibdib. Walang emosyon sa kanyang mukha nang hanapin niya ang kanyang upuan pero may isang lalaking nakaupo na roon. Matangkad at matipuno ang lalaki, nakasuot ng mamahaling itim na suit. Nakahiga siya sa kalahating nakatuping upuan, may hawak na librong binabasa. Nakayuko ito kaya hindi makita ang mukha pero ramdam ang malamig at kalmadong presensya nito. Tumayo si Camila sa gilid at magalang na nagsabi, "Mr, mukhang..." mali ang kanyang upuan. Tinaas ng lalaki ang kanyang ulo at nagtagpo ang kanilang mga mata. Natigilan si Camila. Brix?!Bakit nandito siya? Sinadya ba niyang sumabay sa kanya? Sa isang iglap, ang mabigat niyang pakiramdam ay biglang gumaan kahit hindi ni Camila napansin mismo iyon sa
Chapter 159DALAWANG sasakyan at mahigit sampung tao ang umalis mula sa mansyon ng pamilya Monterde. Pagkalipas ng isang oras, dumating sila sa isang villa sa silangang bahagi ng lungsod at dumiretso sa garahe sa unang palapag sa ilalim ng lupa. Nasa passenger seat si Lolo Herman at lumingon kay Camila at Braylee. "Binili ko ito mahigit sampung taon na ang nakalipas. Bihira ko itong napuntahan. Apat na palapag ito at may mahigit limandaang square meters lang ang sukat. Medyo maliit." Tumango si Camila at bumaba ng sasakyan. Sa pinakaloob ng garahe, may isang pinto. Nilapitan ito ni Lolo Herman, pinindot ang fingerprint scanner at agad na bumukas ang pinto nang lumiwanag ang screen. Diretso sa reception area ang daan. Kahit nasa ilalim ng lupa at walang sikat ng araw, maganda pa rin ang bentilasyon dahil may nag-aalaga rito nang regular. Walang kahit anong amoy ng amag o lamig sa hangin. Tinuro ni Lolo Herman ang elevator at saka tinapunan ng tingin ang isang bahagi ng silid.