Home / Romance / Until Divorce Do Us Part / Kabanata 21 - Kabanata 30

Lahat ng Kabanata ng Until Divorce Do Us Part: Kabanata 21 - Kabanata 30

53 Kabanata

Chapter 21: Storm Breaks

  Hindi mapakali si Cerise  nang maramdaman ang mainit na labi ni Sigmund sa kanyang mga labi. Saglit siya nitong tiningnan at hinalikan uli, ngayon ay mas malalim, mas mainit, mas matamis. Halos makawala na sa katawan niya ang kanyang puso sa sobrang bilis ng tibok nito, at pakiramdam niya’y huminto sa pagtakbo ang isip niya. Ang dalawang kamay ni Sigmund ay nasa pisngi ni Cerise habang maigi niyang ninanamnam ang tamis ng labi nito. Maingat ang bawat galaw niya dahil ayaw niyang masaktan ito dahil sa kaagresibohan niya. Akmang itutulak na ni Cerise palayo si Sigmund pero nahawakan nito ang kanyang kamay. Gamit ang isa nitong kamay ay itinaas nito ang dalawang kamay niya at mas nadiin siya sa dingding ng elevator. Halos sakopin na ng bibig nito ang bibig niya. Ramdam ni Cerise ang pagiging agresibo ni Sigmund, pati ang pag-iingat nito na baka mai
last updateHuling Na-update : 2025-01-02
Magbasa pa

Chapter 22: Moment of Truth

“He’s coming.” Saad ng katabi niya. “Gusto mo bang lumayo sa kanya?”Alalang tanong nito. Alam ni Percy kung paano siya itrato ni Sigmund kaya naiintindihan ni Cerise ang ugaling ganito niya.Napalingon si Cerise sa sinabi nito. “Ha? Paano?”Tiningnan siya nito gamit ang kanyang maamong mata. Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ni Cerise, pero tila nailang ito sa ginawa niya.“Let’s date.” Biglang sabi ni Percy. Gulat namang tumingin sa kanya si Cerise. “Gusto kita.”Patuloy ni Percy.Hindi naman nakaisip nang mabuti si Cerise, hindi niya alam ano ang isasagot, at bago pa man gumana uli ang utak niya ay bumukas mula sa labas ang pinto.Biglang pumasok ang malamig na hangin pati ang brasong puwersahan siyang hinila palabas.Dahil sa gaan niya ay sumama lang ang katawan niya sa pagkakahila at nahinto nang tumama na sa matangkad na katawan ng lalaking nasa labas, malamig ang mata at walang bakas ng pagkatuwa sa mga tingin nito.Samantalang si Sigmund naman ay namumuhi sa tingin sa ka
last updateHuling Na-update : 2025-01-03
Magbasa pa

Chapter 23: A Room of What for What

  Linagpasan lang ni Sigmund ang kanilang mga manonood, napahinto siya nang mapunta siya sa sala. Gulat ang lahat dahil bago itong awra niya, hinintay nila itong may sabihin pero sa halip ay lumabas lang ito. Sinundan naman ito ng Papito at daddy niya nang hindi nagpapahalata. Ang mommy at Mamita niya naman ay nasa pintuan parin. “Riri.” “Baby Riri.” Halos sabay lang na tawag ng dalawa. Alam ni Cerise kung gaano siya kagusto ng mommy at Mamita ni Sigmund. Gustong-gusto ng dalawa na maging parte siya ng pamilya. Ngunit ngayon, pakiramdam niya ang pagtawag nito sa kanya ay mas lalo lang siyang nanliliit sa sarili dahilan para mapayuko siya. “Sorry po, Mamita, Mom.” “Baliw, bakit ka naman magsosorry? Ano ba sinosorryhan mo? Iyang batang hindi ka pinaphalagahan? Dapat la
last updateHuling Na-update : 2025-01-04
Magbasa pa

Chapter 24: Crossroads

“Bakit ka naman matatakot? Hindi naman ako interesado dyan.” Saad nito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Kahit man pinahiya siya nito, hindi naman mapakali ang puso niya dahil hinawakan nito ang kamay niya. Hinawakan niya ito nang mahigpit at pilit tinanggal pero dahil sa lakas ni Sigmund ay hindi man lang ito nagalaw.Magagalit na sana siya nang itulak siya nito sa kama. Dahil sa gaan niya ay tumalbog siya nang kaunti. Nahilo siya dahil dito, napaisip tuloy siya ano kayang kasalanan na naman niya dito para pagtripan na naman siya nito?Natulog si Sigmund ng gabing iyon sa kama katabi niya. Tuwing susubukan niyang tumayo at umalis ay hihilahin siya nito pabalik at dadaganan gamit ng mahahaba nitong binti. “Matutulog ka sa kama o matutulog kang nakatali?”Napairap naman si Cerise. Alam niyang wala naman siyang mabuting mapapala kaya mabuti nang matulog nang hindi nakatali.Natulog siyang may mabigat na nakadagan sa kanya. Hindi niya alam kung braso ba ito ni Sigmund o ang mahab
last updateHuling Na-update : 2025-01-05
Magbasa pa

Chapter 25: Unfathomable Resistance

Nasa dressing room si Cerise at pinag-aaralan ang script niya para sa programa nang may pumasok at ibinulong sa kanya. Agad niyang hinanap ang kanyang cellphone at nakita ang pinakamainit na topic sa social media ngayon.‘Popular now: The road to fame of the daughter of a criminal’At isang larawan niya kanina noong bumaba sa kotse ng isa sa mga ‘manliligaw’ niya.‘Ang anak ng isang kriminal na nagpakamatay dahil sa takot ay hindi lamang nakakapag-aral sa abroad, at bumalik pa ng Pilipinas para maging isang tagapagbalita. Napakawalang-hiya…’Nanginig naman ang pagkatao ni Cerise sa salitang ‘kriminal’ pero dahil siya ito, mukha siyang kalmado. Marahan niyang tiningnan ang taong pumasok. “Puwede bang matanggal ‘yan?”“Hindi ba ‘yan masyadong halata kaysa sa itago ito? Baka sabihin nila guilty ka.” Saad ng staff member na pumasok.Naisip niyang tama nga naman kaya itinabi niya ang cellphone at bumalik sa kanyang ginagawa sabay kibit-balikat. Tama nga naman, bakit niya naman ito papatulan
last updateHuling Na-update : 2025-01-06
Magbasa pa

Chapter 26: Of Lovers, Lies, and Bitter Ends

Matapos ang programa ni Cerise ay naghanda na siyang umuwi nang may lumapit na staff sa kanya. “Wala na ‘yong mga articles.”Nagtataka niya itong tiningnan. “Ano? Wala na?”“Oo, lahat!”Hindi siya makapagsalita dahil sa pagkagulat. Kinuha niya ang cellphone at binuksan ito para tingnan, at totoo nga. Wala na ang mga posts at articles na kanina halos nag-uunahan pa.Anong nangyayari? Kalahating oras palang ang lumipas, paano ito nawala nang ganun kabilis?“Mabuti na ‘yang wala.” Ani Kara na katrabaho niya bago ito umalis.Napatango naman si Cerise dahil tama naman ito. Nagtungo siya dressing room at hindi mapakali ang isip niya. Hindi siya mahinto sa kakaisip dahil wala namang ibang puwedeng gumawa nito. Wala na siyang pamilya kaya sino ang magtatanggol sa kanya sa ganito?Sigmund?Agad siyang umiling.‘Masyado na akong nag-iisip nang marami. Bakit naman siya magiging mabait? Pero maliban sa kanya, sino?’ Isip niya.Nakaupo na siya sa harap ng salamin at nag-aayos nang may pumasok na st
last updateHuling Na-update : 2025-01-07
Magbasa pa

Chapter 27: Shackles of Control

Makalipas ang kalahating oras, dumating si Vivian sa silid kung nasaan si Sigmund. Nandoon rin si Izar, at nang makita niya ang pagdating nito ay napatanong siya, “Dapat ba akong umalis?”“Pamilya tayo, ba’t mo naman kami iiwan dito? Sinabi sakin ni Ceri na may lagnat si Sigmund at naglasing kaya pumunta ako.” Mahinhing sabi nito. “Sigmund, how can you drink at this time?”Hindi sumagot si Sigmund at tiningnan lang ang kamay na nakasapo sa noo niya.Maganda rin ang mga kamay ni Vivian, pero mukhang hindi ito ang kamay na inaasahan niya.At ang babaeng iyon ay mas gugustuhing tawagan si Vivian kaysa siya ang pumunta dito. Napansin naman ni Vivian na mukhang hindi natuwa si Sigmund nang dumampi ang kamay niya dito kaya agad niyang kinuha ang kamay.“Dalawang baso lang ang ininom niya.” Sagot ni Izar na napansing hindi man lang tinitingnan ni Sigmund si Vivian.Tumingin naman ito kay Izar at ngumiti na parang nagpapasalamat. “Hindi ka dapat umiinom kahit dalawang baso lang ‘yan. Ang mga t
last updateHuling Na-update : 2025-01-07
Magbasa pa

Chapter 28: For Someone Else, Yet Yours  

“…ang taong magugustuhan mo ay dapat kilala ni Mamita at ni Papito. Kapag makita nilang maayos ito, hindi mo nalang mamamalayan at magiging sang-ayon rin sila kalaunan, kapag okay na sa kanila.”Pagpatuloy ni Sigmund nang hindi siya tinitingnan.Napayuko naman si Cerise. “Okay.”Inabot nitya ang kamay niya para tulungan itong tumayo pero hindi nito tinanggap. Tumayo ito gamit ang dingding sa likod niya at dumulas pataas pero hinablot niya parin ang braso nito.Pakiramdam ni Cerise ay gusto nitong baliin ang buto niya sa pagkakahawak nito. Gusto niyang kumawala pero nang subukan niya ay agad siya nitong isinandal sa dingding.Napapikit siya sa sobrang takot, ang mga pilik-mata niya ay balot na ng luha niya. Ang hininga nitong amoy alak ay ramdam at naamoy niya sa mukha niya. “Huwag mo na uli akong pipilitin.”Hindi alam ni Cerise ang isasagot.“Tumingin ka sa’kin.” Utos nito sa kanya.Dahan-dahang idinilat ni Cerise ang mata niya pero hindi siya tumingin dito. Pero habang umiiwas siya
last updateHuling Na-update : 2025-01-08
Magbasa pa

Chapter 29:  When the Air Stilled

Nang kasunod na araw, walang balita tungkol kay Cerise ang lumabas gaya ng inaasahan, wala rin ni isang post tungkol sa kanya sa kahit ano mang social media platform. Pero sa pagkakaalam niya ay maraming paparazzi ang sumusunod sa kanya kahapon. Ano kayang nangyari?Nang mag-almusal ay kumain siya ng tinapay at maiging tiningnan ang kanyang cellphone. Bigla niyang namiss ang sandwich na ginawa para sa kanya ni Sigmund, masarap at nakakatakam sa paningin.Biglang may kumatok sa pintuan niya at agad siyang tumayo sa pag-aakalang si Sigmund ito.“Ceri, may dala akong almusal!”Pero ni hindi nga ito lalaki.Binuksan niya ito at agad itong pumasok dala ang dalawang bag ng almusal mula sa isang kilalang kainan.“Anong mukha ‘yan? Gustong-gusto mo ‘to nung bata ka pa ah.” Saad nito sabay lapag sa mesa niya.“Thank you.” Hindi niya alam ano pa ang dapat niyang sabihin.“That’s weird. Wala ka nang ibang magulang, at kami ni Sig ang pamilya mo na ngayon. Tama lang na pagsidalhan ka namin ng alm
last updateHuling Na-update : 2025-01-09
Magbasa pa

Chapter 30: What It Was

“Kung may nangyari kay Vivian, sisiguraduhin kong buhay mo ang ibabayad mo. At tinatanong mo pa ako kung mahal ba kita?” Ngisi nito at madiing tinanong siya.“Binigay na sakin ni Apito ang household registration book tapos sasabihin mong hindi siya sang-ayon na maghiwalay tayo?”“Labag sa kalooban niya ‘yun!” Sagot nito at nag-iwas ng tingin.Tumango naman si Cerise. “E di sige! Ayon sa sinabi mo, kailangan kong makipagkita kay kuya Izar hanggang sa pumayag silang dalawa. Pero bago naman lahat ng iyon, asikasuhin mo naman ‘yang babae mo at huwag mo nang papuntahin sakin. Hindi ako kailanman tumutol sa divorce.”Nandilim ang paningin ni Sigmund sa sinabing ito ni Cerise. Magtatanong pa sana siya pero nakaalis na ito. Bigla siyang kinabahan, alam niyang kanina nang magtagpo ang mata nila, wala ni ano mang alab sa likod nito. Napatingin siya sa ngayon ay nakababa ng kausap at napamura sa galit.Papunta sa kanyang trabaho, paulit-ulit na sinabi ni Cerise sa sarili na hindi siya dapat magp
last updateHuling Na-update : 2025-01-10
Magbasa pa
PREV
123456
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status