Abala si Caramel sa pagpapaligo sa kambal. Tinulungan siya ng isang katulong dahil ang lilikot ng mga ito. " Olivia, magpalit ka na ng damit. Kanina ka pa diyan nakababad," saway ni Caramel sa kanyang panganay na anak na nag-eenjoy sa bathtub. " Yes po, Mommy," pagsang-ayon ni Olivia bago lumabas ng banyo. Pumasok naman ang isa pang katulong at kinausap siya. " Ma'am, pinapatawag po kayo ni Miss Fifth," wika ng katulong. " Bakit daw?" tanong ni Caramel bago tumayo. " Si Sir Fourth ayaw kumain at inumin ang mga gamot niya. Kumukulo na ang dugo ni Miss Fifth sa katigasan ng ulo nito," tugon ng katulong. " Mainit na naman siguro ang ulo ng hinàyúpak na ‘yon at tinutupak na naman," bulong ni Caramel sa sarili. " Pakipalitan na lang ng damit ang mga anak ko," utos niya sa katulong bago lumabas ng banyo. Nagkasalubong sila ni Fifth, bitbit ang tray ng may lamang pagkain at kasama na ang gamot para sa lagnat ni Fourth. " Ako na," saad ni Caramel kay Fifth. " Mabuti pa. Na
Last Updated : 2025-01-11 Read more