Kinabukasan, sinundo siya ni Sixto sa hotel. Sa wakas, natapos na rin ang isang gabi sa hotel kasama si Feng, isang gabing bahagi ng tradisyon bago ang nalalapit nilang kasal. Kahit papaano, gumaan-gaan na ang pakiramdam niya habang naglalakad palabas ng hotel. Nauna na si Feng na lumabas mga sampung minuto ang nakalipas. Sadyang nagpahuli siya dahil alam niyang bibiyahe pa si Sixto para sunduin siya. Pagkapasok niya sa kotse, agad niyang napansin ang isang bagay na nakapatong sa mga hita ng kapatid. Mahaba iyon, balot na balot sa isang pulang tela, at sa mismong ibabaw ay may nakaimprentang logo ng isang Japanese brand. "Ano 'yan, Sixto?" tanong niya habang tinuturo ang hawak nito, habang nakakunot-noo. "Katana para kay Caramel. Ireregalo ko sa kanya. Inorder ko pa 'to two weeks ago. Kahapon lang dumating, galing Japan," kaswal na sagot ni Sixto habang inilalapit pa sa kanya ang espada, tila proud sa napiling regalo. Napataas ang kilay ni Fourth, at bahagyang napangiwi. Taray. May
Last Updated : 2024-12-30 Read more