Namataan niya ang kanyang ina ngayon na nakaupo sa bench at nakatitig sa kawalan. Mayroon itong hawak na kape at mukhang may malalim na iniisip.Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at lumapit dito. Mukhang agad ding napansin ng kanyang ina ang kanyang pagdating. Nag-angat ito ng tingin sa kanya.Hilaw siyang ngumiti rito. “Ai—I mean, U-uncle says you want to talk to me?”“When are you leaving?” tanong nito at muling binalik ang tingin sa kawalan. “Why are you still here? Need someone to help you with your travelling bag?”Mariing kinagat ni Bliss ang kanyang ibabang labi at humugot ng malalim na hininga. Kinalma niya muna ang sarili at pilit na ngumiti rito.“I’ve decided to stay, mommy.”“Sayang ang perang winaldas mo sa pag-book ng ticket kung hindi ka rin tutuloy,” saad nito at nilingon siya. “Well, as you see, Bliss, I had enough. Kung hindi mo ako pagbibigyan sa simpleng hiling ko, then it’s fine with me. Siguro ay dahil naiisip mong hindi ka rin naman mananatili rito. You don’
Last Updated : 2025-01-21 Read more