Home / Romance / I'm Crazy For You / Chapter 121 - Chapter 130

All Chapters of I'm Crazy For You: Chapter 121 - Chapter 130

220 Chapters

I'm Crazy For You Chapter 121

Napangisi si Prescilla, pero sa likod ng kanyang ngiti ay isang apoy na naglalagablab sa kanyang dibdib. “Ang yabang mo rin, Cherry.”“Hindi kayabangan ang tawag doon, kundi katotohanan.” Diretso ang tingin ni Cherry sa kanya, hindi nagpaapekto sa tensyon ng sitwasyon.“Katotohanan?” Tumawa si Prescilla, pero halatang pilit. “Katotohanan na hanggang ngayon, ako pa rin ang nasa isip ni Jal tuwing nakikita ka niya?”Nanikip ang dibdib ni Cherry.“Prescilla, tama na.” Napalakas na ang boses ni Jal, halatang iritado. “Huwag mong idamay si Cherry sa hindi mo matanggap na katotohanan.”“Anong katotohanan, Jal?” Bumaling si Prescilla sa kanya, ang kanyang mga mata’y puno ng sakit at pagsisisi. “Na minahal mo ako noon, pero iniwan kita? Alam kong nagkamali ako, pero hindi mo ba naisip na baka may dahilan kung bakit nangyari iyon?”“At anong gusto mong gawin ko ngayon? Bumalik sa’yo? Pilitin ang sarili kong kalimutan si Cherry para lang bigyan ka ng pangalawang pagkakataon?” Diretsahan ang tan
last updateLast Updated : 2025-02-23
Read more

I'm Crazy For You Chapter 122

Napahawak si Cherry sa sentido. “Marites, please, ang dami mong energy para sa umagang ‘to.”“Cherry, ‘day, magpasalamat ka! Ako ang number one fan ng love story n’yo!”“Number one fan na may sakit sa ulo.” bulong ni Cherry.Natawa si Jal at hinawakan ang kamay ni Cherry, saka ito marahang hinila. “Tara na, Cherry. Bago pa tayo masiraan ng ulo dito kay Marites.”“Hoy, walang iwanan!” sigaw ni Marites habang tumatakbo papalapit sa kanila. “Ano ‘to, best supporting character arc lang ako? Hindi puwede! Sama ako!”At sa gitna ng tawanan at asaran, sa kabila ng lahat ng nangyari, isang bagay ang naging malinaw—Sa kabila ng lahat ng drama, away, at rebelasyon…Si Cherry pa rin ang huling pinili.At sa pagkakataong iyon, wala na siyang balak pakawalan si Jal.Pagkatapos ng matinding paghaharap, huminga nang malalim si Cherry, pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi niya aakalain na magiging ganito ka-intense ang umaga niya—at nasa trabaho pa sila!"Cherry, grabe ka! Ang lakas ng energy mo t
last updateLast Updated : 2025-02-23
Read more

I'm Crazy For You Chapter 123

Ang gabing iyon ay puno ng ilaw, musika, at tawanan. Ang malawak na grand hall ng Blue Ocean Cruise Ship ay punong-puno ng mga opisyal ng barko—mula sa mga first-class officers hanggang sa mismong mga kapitan. Bihirang magkaroon ng ganitong okasyon kung saan ang lahat ay pwedeng mag-relax at magsaya.Sa gitna ng engrandeng selebrasyon, isang babae ang may ibang plano—Prescilla Gana.Kanina pa niya pinagmamasdan si Captain Jal Pereno na abala sa pakikipag-usap sa ilang senior officers. Gwapo pa rin ito sa suot nitong navy blue uniform, pero iba ang kinang ng mga mata nito ngayon—masaya, kontento… dahil kay Cherry.Napakagat-labi si Prescilla. Hindi. Hindi niya hahayaang matapos ang lahat ng ganito lang. Kung si Cherry ang kanyang kahuli-hulihang balakid, sisiguraduhin niyang mawawala ito sa buhay ni Jal.At sa gabing ito, wala si Cherry.Prescilla Gana.Nakatayo siya sa isang sulok ng engrandeng hall, hawak ang isang baso ng champagne, ngunit hindi niya ito iniinom. Hindi siya andito p
last updateLast Updated : 2025-02-24
Read more

I'm Crazy For You Chapter 124

Samantala si Cherry.Ngunit sa kanyang pagdating, isang crew member ang nakarinig niyang nag-uusap.“Narinig mo ba? Dinala ni Captain Gana si Captain Pereno sa VIP room.”“Talaga? Ang sweet naman. Baka nagkaayos na sila.”Natigil si Cherry sa kanyang paglalakad.“Ano…?”Hindi na siya nagdalawang-isip. Mabilis siyang tumakbo papunta sa VIP rooms.Sa VIP roomSaglit na kumislap ang sakit sa mata ni Prescilla, pero agad din iyong napalitan ng isang mapait na ngiti. “Mahal mo siya?” bulong niya. "Eh paano kung malaman niya kung anong nangyari sa atin?"Nag-freeze si Jal."Kung malaman niyang magkasama tayong dalawa sa kwartong ‘to… sa parehong kama... sa ilalim ng parehong kumot?"“HINDI!” Napakuyom si Jal. “Hindi kita hahayaang sirain ang relasyon namin!”Ngunit bago pa siya makaalis, bumukas ang pinto.“ANO 'TO?”Parang bumagal ang oras.Si Cherry.Nakatayo siya sa pintuan, namumutla, nanlalaki ang mga mata. Hawak niya ang doorknob, nanginginig, habang nakatitig sa eksenang nasa harapa
last updateLast Updated : 2025-02-24
Read more

I'm Crazy For You Chapter 125

Napalunok si Jal. Alam niyang nasasaktan si Cherry—pero alam din niyang hindi siya puwedeng sumuko.“Cherry…”"Huwag mo akong tawagin sa pangalan ko na parang wala lang nangyari!" Tumaas ang boses ni Cherry, nanggigigil na. "Jal, gusto kitang paniwalaan, gusto kong ipaglaban ka—pero paano kung ang dapat kong ipaglaban ay ang sarili ko na?"Natahimik ang lahat. Pati ang kalmadong si Prescilla ay hindi makapagsalita."Paano kung ako na ang talo sa laban na ito, Jal?" Kumakawala na ang luha sa mga mata ni Cherry. "Paano kung napagod na akong umasa na sa huli, ako pa rin ang pipiliin mo?"Hindi niya na hinintay ang sagot ni Jal. Tumalikod siya at tuluyang lumayo.At sa pagkakataong iyon, hindi na siya nilingon ni Jal.At si Prescilla?Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya, bago niya marahang ibinulong sa sarili—"At sa huli, ako ang natira."Palabas sa VIP room si Cherry na umiiyak at nakita ito ni Marites na kakabreak lang sa trabaho."Cherry! Anong nangyari?!" Napaatras
last updateLast Updated : 2025-02-24
Read more

I'm Crazy For You Chapter 126

Halos hindi makahinga si Cherry habang patuloy na bumabagsak ang mga luha niya. Pakiramdam niya, nilamon siya ng isang bangungot na hindi niya kailanman inasahan. Ang lalaking minahal niya nang buo, pinagkatiwalaan, at inakala niyang magiging katuwang niya sa buhay—si Jal—ay pinili ang iba.At hindi lang basta pinili.Niloko siya. Pinagtaksilan.“Marites…” Nanginginig ang tinig ni Cherry, pilit na pinipigilan ang muling paghagulgol. “Ano bang nagawa kong mali? Hindi ba ako sapat? May pagkukulang ba ako?”Mariing napapikit si Marites, ramdam ang bigat ng sakit na dinadala ng kaibigan. Hinawakan niya ito sa balikat, mahigpit ngunit puno ng pagdamay.“Cherry, huwag mong isisi sa sarili mo,” aniya, pilit na pinapatahan ang kaibigan. “Kung may mali man dito, hindi ikaw ‘yon. Si Jal ‘yon. Siya ang nagkulang. Siya ang hindi nakakita ng halaga mo.”Ngunit umiling si Cherry, napayuko, mahigpit na niyakap ang sarili. “Pero Marites… mahal ko siya.”Parang tinutusok ang puso ni Marites sa narinig
last updateLast Updated : 2025-02-25
Read more

I'm Crazy For You Chapter 127

Napayuko si Jal, hindi alam kung paano ipagtatanggol ang sarili.“Huwag mo akong gawing tanga, Jal,” bulong ni Cherry, nanginginig ang boses. “Dahil kahit lasing ka, alam mo pa rin kung sino ang mahal mo.”Napakuyom ang kamao ni Jal. “Ikaw ang mahal ko.”"HUWAG MONG SABIHIN 'YAN!" Sigaw ni Cherry, nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. “Huwag mo akong gawing panakip-butas sa konsensya mo! Dahil kung talagang mahal mo ako, HINDI MO AKO IPAGPAPALIT!”Natahimik si Jal.Huminga nang malalim si Cherry, pilit na pinipigil ang panginginig ng kanyang boses. “Alam mo, Jal, noon… handa akong ipaglaban ka. Handa akong ipaglaban ang relasyon natin kahit sino pa ang humadlang.”Muling bumagsak ang mga luha niya. “Pero paano ko ipaglalaban ang isang taong hindi ako kayang ipaglaban?”Natahimik si Jal. Hindi niya alam kung paano sasagutin iyon—dahil alam niyang tama si Cherry.Nakangiting lumingon si Cherry, pero punong-puno ng pait ang ekspresyon niya. “Tapos na tayo, Jal. Hindi ko na hahayaan a
last updateLast Updated : 2025-02-25
Read more

I'm Crazy For You Chapter 128

Makaraan ang ilang linggo, tuluyan nang iniwasan ni Cherry si Jal. Hindi niya ito tiningnan, kinausap, o binigyan man lang ng pansin. Para itong hangin sa kanya—walang halaga, walang puwang sa kanyang buhay. Kahit anong pilit ni Jal na makipag-usap, nanatili siyang matibay.Pero hindi ibig sabihin noon ay hindi pa rin siya nasasaktan."Cherry, sure ka ba talaga sa desisyong ‘to?" tanong ni Marites habang tinutulungan siyang mag-empake ng gamit. "Hindi mo na ba talaga siya bibigyan ng pagkakataon na magpaliwanag?"Napahinto si Cherry sa pag-aayos ng kanyang maleta. Saglit siyang pumikit, pinakiramdaman ang tibok ng kanyang puso. Hindi na ito kasing bigat ng dati, pero andun pa rin ang sugat."Kahit anong paliwanag ang gawin niya, Marites, hindi na magbabago ang katotohanan. Pinili niyang ipagpalit ako. Pinili niyang saktan ako.""Pero lasing siya noon!" giit ni Marites. "Alam mo naman ang mga gimik ni Prescilla, baka naman sinadya niyang—""Marites." Mahinahon pero matigas ang boses ni
last updateLast Updated : 2025-02-26
Read more

I'm Crazy For You Chapter 129

Biglang nanahimik si Cherry. Dahan-dahan siyang napatingin sa malayo, kung saan nakatayo si Jal, malayo pero nakamasid. Kahit wala siyang sinasabi, ramdam niyang nais nitong lapitan siya. Kita niya sa mga mata ni Jal ang hinanakit, pagsisisi, at pagmamakaawang bigyan siya ng isa pang pagkakataon.Pero hindi na niya hihintayin.Hindi na niya kailangang marinig ang kahit anong paliwanag.Sa unang pagkakataon, siya na mismo ang pipili sa sarili niya.Huminga siya nang malalim, pilit na tinatanggap ang katotohanang ito na ang wakas ng kwento nila ni Jal. Ang lalaking minahal niya nang buong puso, ang lalaking pinangarap niyang makasama habang buhay, ay hindi kailanman magiging kanya."Tara na, Marites."At sa gabing iyon, sa unang pagkakataon… siya na mismo ang lumayo.Sa Loob ng Blue Ocean CruiseHabang paalis si Cherry, hindi na nakapagpigil si Jal. Mabilis siyang sumugod palapit, sinubukang pigilan ang paglayo ng babaeng mahal niya."Cherry, please… kahit isang minuto lang… pakinggan m
last updateLast Updated : 2025-02-26
Read more

I'm Crazy For You Chapter 130

"Cherry… nagkamali ako." Mahina ngunit puno ng pagsisisi ang boses ni Jal. "Pero hindi kita pinili dahil sa kahinaan ko. Hindi ako bumigay dahil wala kang halaga sa akin. Bumigay ako dahil… natakot akong hindi kita mapanatili sa buhay ko. Natakot akong hindi ko kayang tapatan ang pagmamahal mo sa akin. Kaya noong gabing iyon, nangyari ang hindi dapat mangyari. Pero Cherry… ikaw lang ang mahal ko."Nanginginig ang buong katawan ni Cherry."Huli na ang lahat, Jal.""Cherry, hindi. Alam kong nasaktan kita. Alam kong nasira ko ang tiwala mo. Pero ipapakita ko sa’yo… na ako ang lalaking nararapat sa’yo.""At paano mo gagawin ‘yon?" Napapikit si Cherry, pilit pinipigilan ang pagluha. "Hindi mo na mabubura ang sakit na idinulot mo sa’kin. Hindi mo na mababawi ang gabing ‘yon.""Kahit gano’n, hindi ako susuko," sagot ni Jal, mahigpit na nakatitig sa kanya. "Hahabulin kita, Cherry. Hanggang sa mapatawad mo ako. Hanggang sa mapatunayan kong ako lang ang lalaking karapat-dapat sa’yo."Napailing
last updateLast Updated : 2025-02-26
Read more
PREV
1
...
1112131415
...
22
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status