Makaraan ang ilang linggo, tuluyan nang iniwasan ni Cherry si Jal. Hindi niya ito tiningnan, kinausap, o binigyan man lang ng pansin. Para itong hangin sa kanya—walang halaga, walang puwang sa kanyang buhay. Kahit anong pilit ni Jal na makipag-usap, nanatili siyang matibay.Pero hindi ibig sabihin noon ay hindi pa rin siya nasasaktan."Cherry, sure ka ba talaga sa desisyong ‘to?" tanong ni Marites habang tinutulungan siyang mag-empake ng gamit. "Hindi mo na ba talaga siya bibigyan ng pagkakataon na magpaliwanag?"Napahinto si Cherry sa pag-aayos ng kanyang maleta. Saglit siyang pumikit, pinakiramdaman ang tibok ng kanyang puso. Hindi na ito kasing bigat ng dati, pero andun pa rin ang sugat."Kahit anong paliwanag ang gawin niya, Marites, hindi na magbabago ang katotohanan. Pinili niyang ipagpalit ako. Pinili niyang saktan ako.""Pero lasing siya noon!" giit ni Marites. "Alam mo naman ang mga gimik ni Prescilla, baka naman sinadya niyang—""Marites." Mahinahon pero matigas ang boses ni
Biglang nanahimik si Cherry. Dahan-dahan siyang napatingin sa malayo, kung saan nakatayo si Jal, malayo pero nakamasid. Kahit wala siyang sinasabi, ramdam niyang nais nitong lapitan siya. Kita niya sa mga mata ni Jal ang hinanakit, pagsisisi, at pagmamakaawang bigyan siya ng isa pang pagkakataon.Pero hindi na niya hihintayin.Hindi na niya kailangang marinig ang kahit anong paliwanag.Sa unang pagkakataon, siya na mismo ang pipili sa sarili niya.Huminga siya nang malalim, pilit na tinatanggap ang katotohanang ito na ang wakas ng kwento nila ni Jal. Ang lalaking minahal niya nang buong puso, ang lalaking pinangarap niyang makasama habang buhay, ay hindi kailanman magiging kanya."Tara na, Marites."At sa gabing iyon, sa unang pagkakataon… siya na mismo ang lumayo.Sa Loob ng Blue Ocean CruiseHabang paalis si Cherry, hindi na nakapagpigil si Jal. Mabilis siyang sumugod palapit, sinubukang pigilan ang paglayo ng babaeng mahal niya."Cherry, please… kahit isang minuto lang… pakinggan m
"Cherry… nagkamali ako." Mahina ngunit puno ng pagsisisi ang boses ni Jal. "Pero hindi kita pinili dahil sa kahinaan ko. Hindi ako bumigay dahil wala kang halaga sa akin. Bumigay ako dahil… natakot akong hindi kita mapanatili sa buhay ko. Natakot akong hindi ko kayang tapatan ang pagmamahal mo sa akin. Kaya noong gabing iyon, nangyari ang hindi dapat mangyari. Pero Cherry… ikaw lang ang mahal ko."Nanginginig ang buong katawan ni Cherry."Huli na ang lahat, Jal.""Cherry, hindi. Alam kong nasaktan kita. Alam kong nasira ko ang tiwala mo. Pero ipapakita ko sa’yo… na ako ang lalaking nararapat sa’yo.""At paano mo gagawin ‘yon?" Napapikit si Cherry, pilit pinipigilan ang pagluha. "Hindi mo na mabubura ang sakit na idinulot mo sa’kin. Hindi mo na mababawi ang gabing ‘yon.""Kahit gano’n, hindi ako susuko," sagot ni Jal, mahigpit na nakatitig sa kanya. "Hahabulin kita, Cherry. Hanggang sa mapatawad mo ako. Hanggang sa mapatunayan kong ako lang ang lalaking karapat-dapat sa’yo."Napailing
Mataas ang sikat ng araw sa dagat, at ang Diamond Cruise Ship ay tila isang palasyong lumulutang sa ibabaw ng tubig. Bagong barko. Bagong trabaho. Bagong buhay.Pero kahit anong bago, may mga sugat pa ring hindi madaling maghilom.Nakatanaw si Cherry mula sa deck, pinagmamasdan ang bughaw na dagat habang hinihigpitan ang hawak sa kanyang cellphone. Ilang segundo pa bago niya pinindot ang call button."PUTANGINA, CHERRY! Ang daya mo! Hindi mo man lang ako sinama!" malakas na bungad ni Marites mula sa kabilang linya.Napangiti si Cherry, pero ramdam niya ang pangungulila. "Ikaw naman kasi, ayaw mong iwan ang Blue Ocean.""Siyempre! Paano na si Capt. Jal kung wala ako?" may halong panunukso ang boses ni Marites.Nanahimik si Cherry.Alam ni Marites na tinamaan ang kaibigan kaya agad siyang bumawi. "Sorry, Cherry. Tangina, hindi ko sinasadya."Huminga nang malalim si Cherry bago sumagot. "Okay lang, Marites. Hindi ko rin naman siya maiiwasan kahit malayo na ako. Sa isip ko, nandiyan pa ri
Nag-atubili si Cherry, pero bago pa niya madecline, nag-flash sa screen ang pangalan ng tumatawag."Jal Pereno is calling."Napahigpit ang hawak ni Cherry sa telepono.At sa isang saglit na desisyon, pinindot niya ang Decline."Tama ka, Marites. Hindi ko kailangang marinig ‘yon."Tatlong linggo na simula nang lumipat si Cherry sa Diamond Cruise Ship, at sa loob ng panahong iyon, hindi na siya kailanman sumagot sa kahit anong tawag ni Jal Pereno. Kahit anong mensahe ang ipadala nito, hindi na niya tinignan. Kahit anong email ang matanggap, agad niya itong dinelete. Para sa kanya, tapos na ang lahat.Pero tila hindi iyon naiintindihan ni Jal.Kada linggo, hindi ito tumitigil sa pangungumusta sa kanya—at kung hindi niya sasagutin, si Marites ang inuuto nito para lang malaman kung ayos siya.At gaya ng dati, nag-ring na naman ang telepono ni Marites habang nagbabakasyon ito sa isang port stop sa Singapore."Tangina mo, Jal! Tama na! Sawa na akong magparating ng mensahe mo kay Cherry!" sig
Nanigas si Prescilla. At sa unang pagkakataon, nakita niya ang matinding galit sa mukha nito."Talaga, Jal?" Mariing sinabi ni Prescilla habang nag-aapoy ang kanyang mga mata. "Ako ang first love mo! Bakit hindi na lang tayo magbalikan? Nagkamali ako noon nang iniwan kita… Narealize ko ‘yon, sana pagbigyan mo ako."Pero imbes na sumagot agad, isang mapait na tawa ang lumabas kay Jal."Pagbigyan?" Paulit-ulit niyang inulit ang salitang iyon, bago tumingin kay Prescilla nang diretso sa mata. "Seryoso ka bang humihingi ng pangalawang pagkakataon?""Oo, Jal!" Hinawakan ni Prescilla ang braso niya, mariing ipinaparamdam ang kanyang desperasyon. "Alam kong nasaktan kita noon, pero hindi ko sinasadyang saktan ka nang ganito. Pinagsisihan ko ang pag-alis ko—at ngayong nandito na ako, gusto kong itama ang lahat.""Itama ang lahat?" Umiling si Jal. "Hindi mo na maibabalik ang panahon, Prescilla. Hindi mo pwedeng basta burahin ang sakit na iniwan mo. Lalo na ngayon.""Dahil ba kay Cherry?" Matat
Mahigpit na hinawakan ni Cherry ang kanyang cellphone, para bang kaya nitong pigilan ang panginginig ng kanyang kamay. "Totoo ‘yan, Marites?""Oo, Cherry. Hindi lang basta haka-haka. May nangyari talaga sa kanila."Napakagat-labi si Cherry, pinipigilang humikbi. Pilit niyang nilalabanan ang pag-agos ng luha, pero kahit anong gawin niya, hindi niya mapigilan ang pait na bumalot sa kanyang dibdib."Putangina." Napabulong siya, nanginginig ang boses sa sakit at galit. "Bakit?""Hindi ko alam, Cherry." Malungkot na sagot ni Marites. "Pero kung ako sa’yo, ‘wag mo nang bigyan ng pagkakataon si Jal na makapagsalita pa. Wala ka nang kailangang marinig mula sa kanya."Napalunok si Cherry. "Hindi ko alam kung anong mas masakit, Marites. ‘Yung nakita ko sila noon? O ‘yung ngayon lang ako nakasigurado na totoo pala talaga ang lahat?""Cherry, kahit kailan, hindi ka dapat umasa sa isang taong sinaktan ka na nang ganyan."Saglit na natahimik si Cherry. Ilang saglit pa, napabuntong-hininga siya at p
Malamig ang ihip ng hangin sa Diamond Cruise Ship nang lumabas si Cherry sa deck. Mahigit isang buwan na siyang nagtatrabaho rito, at kahit anong pilit niya, hindi niya magawang kalimutan ang isang pangalan—Jal Pereno.Ngunit sa kabila ng sakit at alaala, mas pinili niyang isantabi ang lahat at magpatuloy sa kanyang buhay. Tapos na ang lahat sa kanila. Wala nang babalikan.Pero sa mga nakaraang linggo, may isang bagay na bumabagabag sa kanya.Hindi pa siya dinatnan.Noong una, inisip niyang epekto lang ito ng stress sa trabaho. Bagong environment, puyat, at puwersahang paglimot kay Jal—lahat iyon ay nakakapagod. Pero habang lumilipas ang mga araw, napansin niyang may ibang kakaiba.Madali siyang mahilo.Kanina lang, habang nag-aayos ng trays sa dining area, biglang umikot ang paningin niya. Kung hindi siya agad nakahawak sa counter, malamang na bumagsak siya sa sahig.Napansin iyon ng kasamahan niyang si Tanya, isang matagal nang crew member sa Diamond Cruise Ship."Girl, ayos ka lang
“Kung darating man siya... hindi ikaw ang kailangang matakot. Kami ng Papa mo ang bahala. Hindi ka namin papabayaan. Lalo na’t para sa mga bata ang pinoprotektahan mo.”Napayuko si Cherry, pilit pinipigilan ang luha.“Hindi ko alam, Ma, kung tama ang ginawa kong pagtatago. Baka naging makasarili ako. Baka… baka mali ang iniisip kong protektahan sila mula sa ama nila.”“Anak,” malumanay ang tinig ni Gemma, “ang isang ina, laging iniisip ang kapakanan ng anak. Hindi ‘yan pagiging makasarili. Yan ang pagmamahal. Pero… darating ang araw na hindi na kayang itago ang katotohanan. Darating ang panahon na kakailanganin mong harapin ang lahat. Kahit masakit. Kahit hindi ka handa.”Tumulo ang luha ni Cherry. Agad niya itong pinahid, ayaw niyang makita ng ina ang bigat sa dibdib niya.“Hindi pa ako handa, Ma,” halos pabulong. “Hindi ko alam kung kaya ko pang masaktan ulit.”“Anak,” mahigpit ang hawak ni Gemma sa kamay niya, “kahit kailan, hindi ka nag-iisa. Andito kami. At kahit pa single mom ka
“Anak, huwag kang mag-aalala. Malaki ang Quezon. Hindi gano’n kadaling makapunta rito. Mahigpit ang mga checkpoint, may ECQ pa. Hindi siya basta-basta makakarating dito.”Humugot si Cherry ng malalim na buntong-hininga. Hindi maikakaila ang kaba sa kanyang dibdib.“Pero Ma… ‘di ba ang swerte minsan, malupit din?” mahinang sabi niya. “Paano kung biglang mapadpad siya rito? Paano kung… makita niya ang mga bata? Paano kung malaman niya ang totoo?”Mariin ang tinig ni Gemma, puno ng paninindigan.“Huwag kang matakot. Nandito kami ng Papa mo. Kami ang bahala. Hindi ka namin papabayaan.”Tumango si Cherry pero halata sa kanyang mata na hindi pa rin siya ganap na panatag. Nagpalinga-linga siya na parang may inaabangan. Sa kanyang dibdib, ang pintig ng puso'y tila hindi mapigil, tila may kinatatakutang darating.Pinilit ni Gemma na ibahin ang usapan.“Bumili ako ng paborito mong buko. At magtitínola ako mamaya, ha? Para lumakas-lakas ang katawan mo. Palagi ka nang nagpupuyat sa trabaho.”Napa
Maingay ang tunog ng mga pinggan habang naghuhugas si Cherry sa kusina. Sa tabi niya, nakaupo si Mikee sa baby chair, habang si Mikaela ay nakahiga sa crib, at si Mike ay tahimik na natutulog. Tumunog ang kanyang cellphone—si Marites ang tumatawag."Hello, Marites? Kumusta ka na diyan sa barko?""Cherry! Grabe, ang dami kong kwento. Alam mo ba, umuwi na sina Capt. Jal at Capt. Prescilla sa Pilipinas. Kasama nila ang baby nilang si Miguel.""Talaga? Bakit sila umuwi?""Natatakot sila na baka mahawa ang baby nila sa COVID. May mga kaso pa kasi dito sa barko. Nakadaong kami pansamantala sa Vietnam, pero hindi pa rin ligtas.""Oo nga, mahirap na. Buti na lang at nakauwi sila. Dito nga, todo ingat ako sa mga bata. Laging naghuhugas ng kamay at nag-aalcohol.""Kumusta naman ang trabaho mo bilang CSR na work-from-home?""Okay naman. Nakakapagod, pero kinakaya para sa mga anak ko.""At si David? Kumusta na?""Ah, si David... Wala na kaming komunikasyon. Pinapalabas ko lang na siya ang ama ng
Si Madam Luisa ay biglang humarap kay Heidy, ang mga mata ay puno ng galit at tapang. “Heidy, tama na. Wala nang ibang maaaring pumili ng landas ni Jal kundi siya. Kung may sinuman sa atin na hindi nararapat sa Pereno, ikaw yun. May ilang bagay na hindi mo kayang tanggapin.”“Wala akong sinasabi na hindi tama, Lola,” sagot ni Heidy.Si Jal, na tila nakaramdam ng pagkabigo, ay lumapit kay Prescilla at hinawakan ang kanyang kamay. “Pres, hindi mo kailangang magpaliwanag pa. Ako na ang bahala.”“Alam ko naman, Jal. Ang gusto ko lang ay maging bahagi ng pamilya ninyo. Hindi ko po kailanman hangad na masaktan kayo,” sabi ni Prescilla, ang boses ay puno ng lungkot.Madam Luisa ay niyakap si Prescilla. “Huwag kang mag-alala. Sa atin, hindi lang pangalan ang mahalaga. Ang pagmamahal natin sa isa’t isa, yun ang magdadala sa atin.”Si Jal ay tumingin kay Heidy, at tinanong ang kanyang ina. “Ma, sana... sana tanggapin mo na ang aming desisyon.”Mabilis na tumingin si Heidy kay Jal, at sa wakas,
Pagdating sa mansyon ng mga Pereno, tahimik si Prescilla. Pinatuloy siya, inalalayan, at tila ba pinaparamdam na siya’y bahagi na ng pamilya. Ngunit hindi pa rin niya makalimutang malamig na pagtanggap ni Heidy.Tahimik na naglakad si Prescilla habang pumasok sila sa loob ng mansyon. Alam niyang hindi madaling baguhin ang lahat, at hindi pa rin nawawala ang takot sa kanyang puso. Sa kabila ng mainit na pagtanggap ng mga kasambahay at ng mga naririnig niyang papuri kay Miguel, nararamdaman pa rin niyang hindi siya ganap na bahagi ng pamilya ni Jal.“Jal, sigurado ka bang... okay lang ‘to?” tanong ni Prescilla habang huminto sa gitna ng sala, isang kamay na nakahawak sa bag at ang isa ay nakayakap kay Miguel. “Parang ramdam kong... may lamat pa rin.”Si Jal ay tumingin sa kanya, mahigpit na hinawakan ang kamay ni Prescilla. “Pres, hindi madaling baguhin ang puso ng mga tao, lalo na kung sanay sila sa ibang pamumuhay. Pero wag mong isipin na hindi mo kaya. Isa-isa nating patutunayan sa k
Maliwanag ang sikat ng araw nang magising si Prescilla. Sa kanyang tabi, mahimbing na natutulog si Miguel, ang kanilang isang buwang gulang na anak. Habang pinagmamasdan niya ang maamo nitong mukha, unti-unting napuno ang kanyang puso ng damdaming hindi maipaliwanag—halo ng kaba, tuwa, at pag-asa.Ilang oras na lang, lilipad na sila pauwi ng Pilipinas. Sa wakas, matapos ang mahigit isang taon ng pagka-stranded sa Vietnam dahil sa pandemya, may pahintulot na silang makauwi. At higit sa lahat, matatapos na rin ang pagbitbit nila ng lihim. Lihim na sila’y isang buong pamilya na.“Pres, gising ka na pala.” Lumapit si Jal habang may hawak na tasa ng kape. “Tinimplahan na kita. Saka... naka-pack na ‘yung mga gamit. Inaantay na lang natin ang sundo pa-airport.”“Salamat, Jal.” Hinawakan ni Prescilla ang tasa at umupo sa gilid ng kama. “Hindi ko pa rin mawari ang nararamdaman ko. Parang... ang bilis ng lahat.”“Ako rin. Pero sa bawat pagdikit ng paa ko sa lupa, palapit nang palapit sa 'Pinas,
Tahimik ang gabi. Tanging ang tunog ng malamig na hangin mula sa aircon at banayad na huni ng kuliglig mula sa labas ng hotel room ang maririnig. Maliit lang ang kwartong iyon, ngunit tila naging isang santuwaryo para kay Prescilla at Jal—isang lugar kung saan sila muling binuo ng kapalaran.Nakaupo si Prescilla sa gilid ng kama, pinapadede si Miguel. Malamlam ang ilaw, saksi sa mga matang punong-puno ng pagod, saya, at pangarap para sa anak. Sa harapan niya, tahimik na umiinom ng kape si Jal, nakaupo sa isang lumang silya. Sa bawat higop niya sa mainit na inumin, may lungkot sa kanyang mga mata, ngunit higit doon ang pagnanais na ayusin ang lahat ng nasira noon.“Ang bilis ng panahon,” bulong ni Prescilla, halos hindi marinig kung hindi dahil sa katahimikan ng gabi. “Parang kahapon lang, nasa isolation facility pa ako.”Tumango si Jal. “Oo,” mahinang tugon niya. “Pero ngayon, andito ka na. Kasama na natin si Miguel.”Napatingin si Prescilla sa lalaki, may bahid ng pag-aalinlangan ngu
Isang buwan na ang lumipas mula nang huling magkausap si Prescilla at Jal sa video call. Isang buwan na ang nakalipas simula nang marinig niya ang masiglang tawa ng anak nilang si Miguel. At ngayon—sa wakas—hawak na niya ang resulta ng huling COVID test. Negative. Malaya na siya. Malaya na siyang muling mayakap ang pamilyang matagal na niyang pinangarap.Tahimik ang paligid ng discharge area. Ang amoy ng antiseptic at malalaking puting pader ay tila nagpapalakas ng kabog sa dibdib ni Prescilla. Hawak niya ang maliit na bag, parang kaya pa niyang magsingit ng ilang mga pangarap sa bawat sulok ng kanyang isipan. Ang mga simpleng blusa at faded jeans na suot niya ngayon ay nagbigay ng pakiramdam ng pagiging malaya. Ngunit kahit nakatago ang kanyang mukha sa mask, ang mga mata niyang punong-puno ng pangarap at takot ay nag-aalab pa rin sa pagkatalo at paghihirap.Sa loob ng kanyang maliit na backpack ay naroon ang mga lumang sketch—mga guhit ng buhay na tinangka niyang magtulungan muli sa
Sa Gitna ng Laban: VietnamTahimik ang paligid. Malinis ang maliit na hotel room kung saan pansamantalang tumuloy si Jal Pereno kasama ang kanilang anak. Maaga pa, pero tirik na ang araw sa labas. Sa kabila ng sikat ng araw, tila may malamig na hangin na pumapawi sa init—hindi sa katawan, kundi sa puso.Nakatayo si Jal sa harap ng bintana. Suot pa rin niya ang parehong t-shirt na gamit niya kahapon. Halos hindi niya namamalayan ang paglipas ng oras. Mula sa kanyang kinatatayuan, tanaw niya ang malalayong gusali, ang banayad na trapiko sa ibaba, at ang mga taong tila wala namang alalahanin sa buhay. Iba sa sitwasyon niya ngayon. Iba sa realidad na kinasadlakan nila.Hawak niya ang cellphone. Bukas ang video call app. Tinitigan niya ito ng matagal. Ilang beses na niyang sinubukang tawagan si Prescilla pero palaging hindi nasasagot.Napalingon siya sa crib na nasa tabi ng kama. Doon, mahimbing na natutulog ang kanilang sanggol. Mahigpit na yakap nito ang maliit na stuffed toy na binili n