"Wait, andiyan na ba si Sir? Eina.""Kanina pa, bakit ngayon ka lang, anong oras na, may ginawa ka sigurong kalokohan noh? Tapos dinala mo pa talaga ang mga bata???""Eina naman, tamang hinala. Nasiraan kasi kami, kaya na strunded kami sa school. Ayan na naman ang utak mo ehh, Advance kung mag-isip.""Oh, tapos?" sabay tayo ng kilay niya. Ito talagang asawa ko, kung kailan matapos manganak mas lalong naging masungit. Mabuti na lang, mabait si Sir at ma'am Zinnia, kasi pinatira nila kami rito. Ito kasing si Eina, ayaw huminto sa pagtratrabaho, gusto niya talaga magpagod. "Simon." Buong boses ni sir STEVE.Napalingon naman ako sa kanya, malalim ang kanyang tingin sa akin. Tila'y nagalit ko yata si Sir, ngayon."Simon, what are you doing? what happened on your face?" He seriously said. "Ahm, ehh, sir, wala naman po. Ayos lang po ako." "No, tell me right now. What happened? Ang tagal niyong maka-uwi. I thought na una na kayo rito kaysa sa akin. But now, look at yourself. So, tell me."
Последнее обновление : 2025-03-07 Читайте больше