Home / Romance / ANG PIYAYA NI PIPAY / Kabanata 71 - Kabanata 80

Lahat ng Kabanata ng ANG PIYAYA NI PIPAY: Kabanata 71 - Kabanata 80

121 Kabanata

😱Wow, sana all na lang Pipay 😱 Chapter 70

Chapter 70Hindi nagtagal ay natapos din agad ang mga inutos ko sa kanila, kaya napangiti ako na parang nanalo sa lotto."Wow, ang bilis niyo ha! Akala ko mga tamad kayo, pero mukhang may talent din pala kayo sa utos ko," sabi ko habang nakapamewang."Syempre naman, Pipay," sagot ni Lucas habang ipinapakita ang bagong gawa niyang page na may pangmalakasang logo. "'ANG PIYAYA NI PIPAY,' live na live na!"Lumapit naman si Rafael, hawak ang laptop niya. "Eto na ang video mo. Cinematic pa, parang trailer ng isang blockbuster film. May slow motion at background music pa na parang pambida sa cooking competition!"Tinignan ko ang video at muntik na akong maiyak sa saya. "Grabe, Rafael! Parang deserving na 'tong mapunta sa Cannes Film Festival! Iba ka talaga."Sumabat si Tristan habang ini-screenshot ang page. "Okay na rin 'tong piyaya mo, Pipay. Pero sana lang, walang mag-comment na: 'Piyaya lang pala, ang dami pang arte.'""Hoy, Tristan! Wala kang tiwala sa piyaya ko? Kapag yan naging viral
last updateHuling Na-update : 2025-01-25
Magbasa pa

🥰 Siya na talaga ang Lucky charms mo, Pipay 🥰Chapter 71

Chapter 71 Napangiwi si Rafael. "Pipay, seryoso ka ba? Baka naman pagkinagat ng tao, maiyak sila! Tapos ikaw pa ang sisihin!" "Eh paano kung ‘PIYAYA NI PIPAY: LUXURY EDITION’? Lalagyan ko ng edible gold leaf!" excited kong sabi. Si Lucas, halos mahulog sa upuan sa kakatawa. "Pipay, sino target market mo? Mayayaman ba? O taga-barangay?" Napairap ako. "Hoy, Lucas, don’t underestimate my vision! Basta’t may pagmamahal at konting creativity, papatok ‘to!" Biglang tumunog ulit ang phone ni Rafael. "Oh, Pipay, may bagong comment." "Ano na naman?" tanong ko, habang kinikilig sa excitement. Binasa ni Rafael nang seryoso. "'Hi, magkano po ang order? Interested buyer here.'" Napatalon ako sa saya. "Ay! May interesado na agad! Eto na ‘to, boys! Ang piyaya empire ay magsisimula na!" "Hoy, Pipay, kalma! Isa pa lang ‘yan," sabi ni Rafael habang nakataas ang kilay, pero may ngisi sa labi. "Eh ano ngayon kung isa pa lang?" sagot ko, halos hindi mapakali sa excitement. "Bawat imper
last updateHuling Na-update : 2025-01-26
Magbasa pa

🥴 Naku, Pipay. Mukhang busy kana sa negosyo mo.🥴 Chapter 72

Chapter 72 Si Tristan naman, todo ngiti at nag-pose pa na parang model. “O, ano? Sinong boss ngayon, Pipay?” pabirong sabi niya. “Hoy, Tristan, wag ka masyadong magpaka-star diyan!” asik ni Lucas. “Kailangan mo nang mag-training bilang delivery boy. Baka magulat ka, pati autographs hingin sayo!” “Oo nga!” sabat ni Rafael, natatawa. “Tapos baka gusto ng customer, sa susunod ikaw na lang ang lutuin bilang main dish.” “Mga gago kayo!” sagot ni Tristan, pero halatang enjoy na enjoy siya. “Alam mo, Tristan,” sabi ko, humawak sa balikat niya, “kung ganyan lagi ang orders, baka mag-retire na ako at gawin na lang kitang mascot ng negosyo!” Nagkatawanan kami, pero hindi ko maitago ang saya ko. “Tristan, ikaw na talaga ang secret ingredient ng ‘Ang Piyaya ni Pipay!’ Kaya huwag kang mawawala, ha?” “Siyempre naman,” sagot niya, nakangiti. “Pero dagdagan mo na ang sahod ko, boss!” “Magkano ba?” tanong ko, kunwari seryoso. “Isang piyaya per delivery,” sabi niya, sabay kindat. “Ha
last updateHuling Na-update : 2025-01-26
Magbasa pa

🥴Serious mode na talaga si Pipay 🥴 Chapter 73

Chapter 73 Napatingin ako kay Lucas at sabay tanong, "Lucas, anong ibig sabihin nun? Paano ba mag-reseller? Anong pamaraan?" Si Lucas ay nag-isip saglit bago sumagot, "Pipay, madali lang 'yan. Kailangan mo lang mag-set up ng reseller program kung saan yung mga tao, like yung mga followers mo, ay bibigyan mo ng pagkakataon na magbenta ng Piyaya sa kanila. Binibigyan mo sila ng discount, tapos sila na ang magbenta at kikita ng konti." "Ah, so parang partnership?" tanong ko, nagsisimula nang magka-idea. "Exactly!" sagot ni Lucas. "Kapag naging reseller sila, magkakaroon sila ng special pricing, tapos makakapagbenta sila ng Piyaya gamit ang pangalan mo. Kaya, parang palaki ng palaki ang network mo." "Pero, paano kung may mga resellers na hindi magtulungan o hindi magbenta ng maayos?" tanong ko, nag-aalala sa posibilidad ng mga hindi magiging seryosong reseller. "Good question," sabi ni Rafael. "Kailangan mong magkaroon ng agreement sa kanila. May rules—kagaya ng minimum order, at ku
last updateHuling Na-update : 2025-01-26
Magbasa pa

😍Finest products 😍 Chapter 74

Chapter 74"Okay, team, ito na ang last batch!" masaya kong sabi habang nilalagay ang mga neatly packed piyaya sa mesa. Si Lucas ang abala sa pag-label ng mga lalagyan, habang si Rafael naman ay maingat na tinatali ang mga boxes upang siguradong hindi magkalat sa biyahe."Rafael, huwag mong masyadong higpitan ang tali. Baka magmukha namang delivery ng cement bags ang mga piyaya natin," biro ni Lucas, na tinawanan naman ni Rafael."Ano ka ba, Lucas? Gusto mo ba na malaglag 'to sa daan? Isa pa, finest products ito ni Pipay, kaya dapat secured!" sagot ni Rafael habang tinitiklop ang tali."Aba, aba, ang gagaling ng mga tao ko," ngiti kong sabi habang abala rin sa pag-check kung kumpleto ang orders. "Tristan, 'yung sasakyan mo, naayos mo na ba? Siguraduhin mong malinis ang BMX mo. Baka may alikabok pa 'yan!""Relax ka lang, Pipay," sagot ni Tristan habang sinisilip ang loob ng BMX na naka-park sa driveway. "Pinunasan ko 'to kanina, pati gulong! Sobrang kinis nga, pwede na akong mag-mirror
last updateHuling Na-update : 2025-01-26
Magbasa pa

😱 New delivery boy 😱 Chapter 75

Chapter 75"Uwi na tayo, guys para ihanda ang ibang PIYAYA," sabi ko. Pagdating namin sa mansyon, agad kaming bumaba at dumiretso sa kusina para maghanda ng panibagong batch ng piyaya. Habang inaayos ko ang mga ingredients, si Lucas naman ay busy sa pag-check ng orders sa laptop. Si Rafael, on the other hand, nagtitimpla ng juice dahil mukhang pagod na."Okay, team! Kailangan nating magmadali. Ang daming orders!" sabi ko, punong-puno ng excitement habang sinisimulan nang magmasa."Grabe, Pipay," sabi ni Lucas, tumatawa habang nakatingin sa screen. "May nag-message pa dito, gusto raw bilhin lahat ng piyaya mo para exclusive sila lang ang may stock!""Hala! Ano sila, monopoly?" sagot ko, kunot-noo pero natatawa rin. "Sabihin mo, hindi for sale ang buong negosyo ko!""Hindi ka talaga magpapadaig, ano?" sabat ni Rafael habang nilalapag ang mga baso ng juice sa counter. "Sige, focus na tayo. Tristan lang ang may lakas mag-deliver. Kung puwede lang hatiin ang katawan nun, ginawa na natin."
last updateHuling Na-update : 2025-01-27
Magbasa pa

🥴 Chef Pipay 🥴 Chapter 76

Chapter 76"Magluto muna ako ng hapunan natin, habang wala pa si Lucas!" sabi ko sa kanila habang inaayos ang buhok ko para maghanda sa kusina."Wow, Pipay, chef ka na rin pala ngayon?" biro ni Tristan habang nakaupo sa sofa, hawak ang phone niya at nagba-browse sa page namin."Aba, oo naman!" sagot ko, naglalakad papunta sa kusina. "Kung kaya kong magluto ng piyaya, kayang-kaya ko rin magluto ng hapunan. Teka lang at ipapakita ko sa inyo kung anong magic ang gagawin ko."Sumunod si Rafael sa akin at sumilip sa kusina. "Anong lulutuin mo? Baka naman puro dessert din 'yan!""Hindi, no! Gusto n'yo ba ng adobo o sinigang? Ako bahala, basta tiyak masarap 'to!" sagot ko habang naglalabas ng mga sangkap."Kung ako tatanungin, Pipay, kahit ano. Basta may kanin!" sabi ni Rafael na tumatawa. "Hindi kami pihikan basta libre!""Libre? Aba, hindi libre 'to, ha! I-charge ko 'to sa mga kinita ng piyaya natin," sagot ko, kunwaring seryoso pero halatang nang-aasar."Ang daya mo, Pipay!" reklamo ni Tr
last updateHuling Na-update : 2025-01-27
Magbasa pa

🥰 Go, Pipay. Mag-aaral ka muli. 🥰 Chapter 77

Chapter 77Habang ini-steam ko ang gulay na kasama sa beefsteak, bigla akong nagsalita, medyo nag-aalinlangan. "Alam niyo, may gusto sana akong itanong sa inyo...""Ano na naman 'yan, Pipay? Kung paano gumawa ng sushi?" tanong ni Tristan, sabay tawa."Hindi ah," sagot ko, bahagyang ngumiti pero seryoso pa rin ang tono. "Alam niyo ba kung saan pwedeng mag-aral? Gusto ko kasi sanang makapag-aral ulit. Alam niyo naman hanggang Grade 5 lang ako dahil... sa madrasta ko dati."Biglang natahimik ang dalawa. Napatigil si Rafael sa pag-check ng phone niya, at si Tristan naman ay huminto sa pagsasalin ng tubig sa baso."Talaga? Gusto mong bumalik sa pag-aaral?" tanong ni Rafael, seryoso ang tono pero may halong pagkamangha."Oo," sagot ko, tumango nang marahan. "Alam ko naman na okay na ako sa buhay ko ngayon. May business na, nakakakain ng maayos... pero iba pa rin yung may diploma, di ba? At saka, gusto ko rin naman matutunan yung mga bagay na hindi ko naabot noon.""Grabe, Pipay, saludo ako
last updateHuling Na-update : 2025-01-27
Magbasa pa

🥰 Isang desisyon 🥰 Chapter 78

Chapter 78Pagkatapos naming magligpit ng hapunan, tumayo ako at nag-inat. "Mauna na ako, ha. Ang bigat sa tiyan ng beefsteak, kailangan ko nang humiga," sabi ko sa kanila habang hawak ang tyan ko."Hoy, Pipay, baka di ka na gumising bukas sa sobrang kabusugan," biro ni Tristan."Hayaan mo na siya, Tristan. Baka sa panaginip niya eh gumagawa pa rin siya ng PIYAYA," dagdag ni Rafael, natatawa."Bahala kayo sa buhay niyo! Alam ko naman na dito rin kayo matutulog, kaya wag kayong mag-ingay, ha?" sagot ko habang paakyat sa hagdan."Bakit? Ayaw mo bang marinig ang tambalan namin ni Lucas mamaya?" sabat ni Tristan, sabay tawanan nila ni Lucas."Ay naku, Tristan, mananahimik ako sa kwarto ko. Wag mo na akong idamay sa ingay niyo," sagot ko habang naglalakad papunta sa silid ko.Pagpasok ko, hinubad ko ang tsinelas ko at humiga agad sa malambot na kama. Napatingin ako sa kisame, at naisip ko ang lahat ng nangyari sa araw na ito."Grabe naman ang araw na 'to," bulong ko sa sarili ko. "Kanina l
last updateHuling Na-update : 2025-01-28
Magbasa pa

🥴 Panaginip 🥴Chapter 79

Chapter 79 Pagkatapos kong humiga ulit, pilit kong pinakalma ang sarili. Ngunit hindi ko namalayang unti-unti na naman akong nadadala sa antok. Sa panaginip, nasa isang madilim na kalsada ako. Sa malayo, nakita ko ang pamilyar na mukha—ang taong nanghiram sa akin ng isang libo at nangakong magbabayad, pero hanggang ngayon ay wala pa rin. “Hoy!” sigaw ko, habang mabilis na nilalapitan siya. “Kailan mo babayaran ang utang mo?” Tila wala siyang narinig at naglakad pa rin palayo. Nag-init ang dugo ko, kaya hinabol ko siya. “Wag kang magpanggap na hindi mo ako nakikita! Nagkakilala tayo, diba? Nangako ka! Nangako ka na babayaran mo ako!” galit kong sabi habang tinuturo siya. Lumingon siya sa akin, ngunit imbes na sumagot, ngumiti lang siya. Isang nakakalokong ngiti na lalo pang nagpainit sa ulo ko. “Anong ngiti-ngiti diyan? Ibalik mo ang pera ko!” sigaw ko habang nilalapitan siya. Pero habang papalapit ako, parang lalo siyang lumalayo. “Ang dali lang naman, di ba? Tutal, sab
last updateHuling Na-update : 2025-01-28
Magbasa pa
PREV
1
...
678910
...
13
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status