Hindi naman pinilit ni Raymond na manatili si Sophia roon ng matagal. Matapos nga nilang mag usap na dalawa ay si Raymond na mismo ang nagpilit kay Sophia na umuwi na muna para makapagpahinga nga ito. Hindi na rin naman nga tumanggi si Sophia rito.At dahil nga aalis na si Sophia ay hindi na rin nga nagtagal pa si Louie roon at sabay na nga silang umalis ng ospital ni Sophia.Habang naglalakad nga silang dalawa palabas ng ospital ay napatingin nga si Louie kay Sophia.“Sigurado ka na ba sa kanya?” hindi na maiwasang tanong ni Louie kay Sophia dahil hindi nya talaga maiwasang mag alala rito dahil parang kapatid na nga talaga ang turing nya rito.“Oo kuya Louie. Sa ngayon ay sigurado ako sa kanya,” walang pagdadalawang isip na sagot ni Sophia sa kuya Louie nya.Mabuti naman basata siguraduhin mong magiging masaya ka sa piling nya,” sagot ni Louie kay Sophia habang may ngiti sa kanyang labi.Naalala kasi ni Louie kanina habang nasa ospital nga sila kung paano pilit na pinapasaya ni Raymo
Last Updated : 2025-02-02 Read more