All Chapters of The Regret of my Billionaire Ex-Husband: Chapter 121 - Chapter 130

136 Chapters

CHAPTER 111.1

CHAPTER 111"Pinalayas mo si Sophia pero kaya mong ipasok ang sarili mo? Kung ikaw ang nasa sitwasyon ay maaari pa bang tawaging matibay ang isang tatsulok?" punong puno ng panunuya ang tono ni James ng sabihin nya iyon kay Bianca.Namula naman bigla ang mukha ni Bianca."Hindi ko sinasadya na sirain ang relasyon niyo. Nasa kumpanya pa rin naman si Sophia at siya na ngayon ang direktor ng project department. Hindi ba't isang malaking hakbang ito para sa kanya?" sagot ni Bianca kay James."Tanga ka ba talaga o nagkukunwari lang?" tila naiinis ng sabi ni James sa dalaga. "Bilang chief secretary at assistant ni Mr. Francis ay halos kasing antas ko na ang mga direktor ng iba't ibang departamento at kung hindi man higit pa sa kanila. Si Sophia ay kahit inilipat sa project department ay ipinakita lang na may promosyon sa pangalan nya pero sa totoo lang ay isa iyong demotion,” dahdag pa ni James.Hindi naman nakapagsalita si Bianca dahil halata nya na naiinis na nga ang binata sa kanya."Si
last updateLast Updated : 2025-02-06
Read more

CHAPTER 111.2

Walang iba iyon kundi si Sophia. Mukha ngang nag aalala ito dahil sa nakalimutan nga nitong magdala ng regalo para sa binata kaya naman bumaba nga ito muli at agad na nagpunta ng fruit shop upang bumili ng mga prutas. Pinagmasdan naman ni Raymond ang papalayo na si Sophia at hindi nga siya kumukurap man lang. Hindi niya kayang isipin kung paano magalit si Sophia kapag nalaman niyang nakaligtas na si Emman. “Ano ang gusto mong ipusta sa akin?” tanong ni Raymond. “Pipilitin kong ilipat siya mula sa project department at gawing chief secretary ko ulit. Gusto mo bang pumusta?” Sagot ni Francis. “Gusto mong pumusta kung papayag si Sophia na maging sekretarya mo ulit?” tanong ni Raymond kay Francis habang seryoso nga nya itong tinititigan. “Sige magpustahan tayo. Pero kapag hindi pumayag si Phia na maging sekretarya mo ulit ay ibabalik mo sa amin si Emman,” dagdag pa ni Raymond. "Pero kung pumayag siyang maging sekretarya ko muli ay kailangan mong isuko ang proyektong na kamakailan
last updateLast Updated : 2025-02-06
Read more

CHAPTER 112.1

CHAPTER 112Nagulat naman si Sophia sa ginawang paghalik na iyon ni Raymond sa kanya. Hindi na lamang nga siya nagreact pa at hindi rin naman sya tumugon dito. Nang matapos siyang halikan ni Raymond ay tiningnan nga lamang ito ng malamig ng dalaga at para bang walang epekto sa kanya ang ginawa nito.Samantala naman si Raymond ay napangiti na lamang talaga. Para bang nakakita sya ng isang bagay na nakakatuwa.Napatingin naman si Sophia kay Francis at bigla nga syang napaisip kung ano kaya ang dahilan ng pagpunta nito rito.Ngunit hindi naman na rin mahalaga pa kay Sophia kung ano man ang dahilan ni Francis. Kinuha na lamang nga muli ni Sophia ang kutsilyo kay Raymond at bumalik na nga lamang siya sa kanyang ginagawa.Bago pa man makapagsalita nga si Francis para sabihin kay Sophia na bumalik na nga ito sa kanyang dating posisyon ay nakapagdesisyon na nga si Sophia na hindi na bumalik sa Bustamante Group of Company kailanman.Sa mga sandaling iyon ay tila ba naglaho ang sakit ng mga sug
last updateLast Updated : 2025-02-06
Read more

CHAPTER 112.2

Dahil sa magandang ugali, kagandahan at talino ni Sophia ay hindi lubos maisip ni Raymond na basta na lamang nga ito babalik kay Francis upang maging personal secretary nito muli.Kahit naiintindihan niya si Sophia ay hindi niya mapigilang mag alala. Natatakot siyang baka bigla itong magdesisyong bumalik kay Francis nang hindi pinag iisipan.Katahimikan naman ang bumalot sa buong silid na iyon at nagpatuloy nga lamang si Sophia sa kanyang ginagawa. At nang mapansin nga niya na mahuhulog na ang balat ng mansanas sa sahig ay agad nga niyang hinila ang basurahan gamit ang kanyang paa.Lumipas pa nga ang ilang sandali at wala pa rin nga siyang sagot kay Francis. Tahimik at kalmado pa rin ang kanyang ekspresyon na para bang walang anumang nangyayari.Nagpatuloy na nga lamang sila Francis at Raymond sa kanilang pag uusap tungkol sa negosyo pero halata mo sa kanilang mga kilos na hindi talaga nila iyon iniisip at pareho nga silang nakatuon kay SophiaSa unang pagkakataon ay pareho nilang na
last updateLast Updated : 2025-02-06
Read more

CHAPTER 113.1

CHAPTER 113"Ang totoo dahilan lang naman kaya mo ako inimbitahan ay dahil tinanggap mo ang hiling ni Bianca na bumalik sa kumpanya. Binigyan mo siya ng mataas na sahod pero alam mong kailangan mo ng isang sekretarya na hahawak sa mga gawain. Kaya naisipan mong kunin muli ako,” seryosong sabi ni Sophia kay Francis. "Ginagawa mo lang ang lahat ng ‘to dahil pansamantala lang akong kailangan ni Bianca. Pero bumalik naman na si James. Kaya anumang kaya kong gawin ay sigurado akong kaya rin niyang gawin," dagdag pa nya.Nakahilig naman si Raymond sa kama ng ospital habang marahang nginunguya ang mansanas mula sa plato. May nakakalokong ngiti naman ang nakapaskil sa kanyang labi at ang mga mata nga niya ay tila aliw na aliw sa mga nangyayare.Gustong gusto kasi ni Raymond ang ganitong ekspresyon ng mukha ni Sophia na malamig at walang bahid ng damdamin.“Iba ka kay James,” agad na sagot ni Francis kay Sophia.Bigla namang napahinto si Sophia sa kanyang ginagawa na pagbabalat ng mansanas. K
last updateLast Updated : 2025-02-07
Read more

CHAPTER 113.2

“Mr. Francis malinaw naman na siguro sa’yo kung ano ang desisyon ni Phia,” mapanuksong sabi ni Raymond. “Malinaw naman na siguro sa’yo na ayaw na niyang maging sekretarya mo,” dagdag pa nya.“Gusto ko na kay Sophia ko mismo marinig ang sagot niya,” seryoso naman na sagot ni Francis.“Tama ang sinabi ni Raymond. Hindi na ako babalik pa sa kumpanya mo,” walang pag aalinlangan na sabi ni Sophia kay Francis.Bahagya pa nga na ngumiti si Sophia at isang ngiti iyon na tila ba walang anumang bigat sa naging desisyon nya.“Tinanggihan ko si Mr. Francis para maalagaan kita. Masaya ka na ba roon? baling ni Sophia kay Raymond.Saglit naman na natigilan si Raymond dahil sa sinabi na iyon ni Sophia. Kagat kagat pa nga niya ang mansanas na hiniwa ni Sophia kanina.Tila naman lahat ng kaba, takot at pangamba na matagal na niyang tiniis na hindi nya mawari kung paano mawawala ay a isang iglap lang ay napalitan ng lubos na kasiyahan dahil nanalo nga siya sa pustahan nila ni Francis.Samantala naman
last updateLast Updated : 2025-02-07
Read more

CHAPTER 114.1

CHAPTER 114Si Raymond ay isang lalaking sanay sa pananamantala sa ibang tao. Kaya naman nang mapansin niyang handang magbalat ng prutas si Sophia para sa kanya ay agad siyang nagpatuloy sa pagkain nito at humingi pa nga diya rito.May halong panunukso pa nga sa kanyang mga mata habang nakatingin nga siya kay Sophia.Ang lalaki kasi na ito ay halatang kasing tuso ng isang lobo at sa sandaling ito ay nagmukhang kaibig ibig ito. Para itong isang kuting o tuta na nakakatuwang hawakan at isang nilalang na nais mong haplusin at pisilin sa pisngi.Naramdaman naman ni Sophia ang bahagyang init sa kanyang mga daliri. Ngunit hindi siya nagpakita ng emosyon. Tahimik niyang hiniwa ang mansanas sa plato at kinuha ang isang piraso gamit ang toothpick at walang pag-aalinlangan itong isinubo kay Raymond.Ngumiti naman si Raymond habang kinakagat it, at sa halip na bitawan ang kanyang kamay ay hinawakan pa niya ito nang mas mahigpit at saka marahang pinipisil ang kanyang mga daliri na para bang sad
last updateLast Updated : 2025-02-07
Read more

CHAPTER 114.2

Samantala naman lumabas na rin nga si Francis sa loob ng silid ni Raymond pero hindi nga siya tuluyang umalis dahil nanatili nga lamang siya sa labas ng silid na iyon habang tahimik nga siyang nakamasid kila Raymond at Sophia.Pinagmamasdan nga ni Francis ang dalawa at kitang kita nga niya ang paraan ng kanilang pagtitinginan at ang matamis na ilusyon ng pag ibig sa pagitan nilaAlam naman ni Francis na hindi totoo iyon at isang palabas lamang nga ang lahat ng iyon.Ngunit bakit parang may kung anong pumipiga sa puso ni Francis? Bakit nga ba may pait na lumalagok sa kanyang lalamunan. Yun ay dahil nga sa natalo nga siya.Dahan dahan naman nga na sumandal sa malamig na pader na iyon si Francis habang mahigpit nga niyang hawak ang kanyang cellphone. Marahan pa nga niyangbipinikit ang kanyang mga mqta at pilit na tinatanggal ang bigat sa kanyang dibdib.Sa tabi niya ay isang pamilyar na tinig ang marahang bumasag sa katahimikan."Nagsisisi ka na ba?" tanong ni Dr. Gerome kay Francis at
last updateLast Updated : 2025-02-08
Read more

CHAPTER 115.1

CHAPTER 115Narinig naman ni Sophia ang sinabi na iyon ni Raymond at bahagya pa nga na napataas ang kanyang kilay na waring may iniisip. Nag angat naman ng tingin nya si Sophia at may bakas pa nga ng pang uuyam ang ekspresyon ng kanyang mukha.Tinabig nga ni Sophia ang kamay ni Raymond at saka nga nya muling binalingan ang mga dokumento na hawak nya at muli nya nga itong binasa.“Bakit mo naman nasabi na iniisip ko pa rin si Francis?” tanong ni Sophia kay RaymondAng world class financial summit na ito ay gaganapin sa Lungsod at dinaluhan nga ito ng mga malalaking kumpanya mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Lahat ng naroon ay may isang layunin lamang at yun ay ang makahanap ng matibay na oportunidad sa negosyo.Natural lamang na may ilang proyektong gustong makuha si Sophia kaya naman pursigido siyang magtagumpay sa bidding."May paparating na auction sa loob ng dalawang araw, may isang financial summit at pagkatapos ay college entrance exams sa loob ng isang buwan. Balak ko ri
last updateLast Updated : 2025-02-08
Read more

CHAPTER 115.2

“Sa tingin ko ay mas mukha kang kontrabida,” sabi ni Sophia kay Raymond. “Kung tutuusin nga ay mas bagay pa kay Francis ang maging male lead sa isang CEO novels,” dagdag pa nya na tila ba inaasar pa nga niya si Raymond.Hindi naman nabawasan ang ngiti ni Raymond at sa halip nga ay mas lalo pa itong lumalim. Hinaplos niya ang palad ni Sophia bago hinawakan ito at saka nya pinagsalikop ang kanilang mga daliri."Sabagay ayos na rin ‘yon. Ako ang kontrabida na tatalo sa male lead at ninakaw ko lang naman ang prinsesa ng bida. Hindi ba perpektong ending ‘yon? Mukhang gusto ng kontrabida ang ganyang klaseng pagtatapos," sagot naman ni Raymond kay Sophia.Alam naman ni Sophia na para siyang batang kinakausap nito. Nang makita niyang muling lumalapit si Raymond sa kanya upang halikan siya ay mabilis niyang itinagilid ang kanyang ulo at tinakpan ang bibig ng lalaki gamit ang kanyang kamay."Raymond bakit ba halik ka ng halik?" tanong ni Sophia rito at nanatili nga na hawak nito ang bibig ng bi
last updateLast Updated : 2025-02-09
Read more
PREV
1
...
91011121314
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status