CHAPTER 109Ginawa naman ni Raymond ang lahat para lamang matupad ang kanyang hangarin kaya naman kahit ang kanyang assistant na si Kenneth ay hindi rin talaga makapaniwala.Pakiramdam niya ay hindi naman na kailangan pa na umabot sa ganito. At si Sophia ay isang babae na walang kinatatakutan.“Mr. Raymond gusto mo ba na makita kung ano ang ginagaea ni Manager Sophia ngayong gabi?” tanong ni Kenneth sa kanyang amo dahil kailangan niyang ipaalam kay Raymond ang lahat ng mga nangyari sa villa cpsa labas ng lungsod at sa runway.Hindi pa kasi talaga napapanood ni Raymond ang video nito kaya naman nagkaroon siya ng interes. Gusto niyang malaman kung ano nga ba ang ginawa ni Sophia ngayong gabi.Ipinadala naman kaagad ni Kenneth ang video sa kanya at agad nga itong pinanood ni Raymond.Sa screen ay bumungad kaagad sa kanya ang imahe ni Sophia at ang maitim niyang buhok ay sumasayaw sa hangin at kahit bahagyang malabo ang kanyang mukha sa dilim ay hindi nito natakpan ang likas niyang kagan
Sa likod ng malumanay niyang kilos ay nagkukubli ang isang mabangis na nilalang na para bang isang hayop na handang umatake sa kahit na sino at puno ng diskarte at kalupitan. Kung gayon ay ganito pala siya kapag may nais siyang makuha.Parang may kung ano namang bumara sa lalamunan ni Francis kaya namna napabuntong hininga na lamang nga siya.Pinanood niya muli ang video ngunit sa halip na masindak ay may kung anong kakaibang emosyon ang dumaloy sa kanyang katawan. Hindi niya maitatangging ang ganitong tapang at ang ganitong pagiging agresibo ay may isang kakaibang pang-akit.Tulad ng isang pulang rosas na namumukadkad sa gitna ng madilim na gabi ay mapanganib ito ngunit hindi mo kayang alisin ang tingin mo rito.Hindi namnan siya makatingin sa iba. At tanging si Sophia lamang ang nais niyang pagmasdan ngayon. At nang sumapit na nga ang madaling araw ay naroon pa nga rin siya. Hindi man lang kumurap at ni hindi inalis ang tingin sa screen.Dahan dahan naman na hinaplos ni Francis an
CHAPTER 110Si James ay isa sa mga taong pinahahalagahan ni Francis. Mas malalim ang koneksyon nilang dalawa kumpara kina Khate at Sophia.Sa loob ng kumpanya ng mga Bustamante ay maaaring sabihin na ang katayuan ni James ay kapantay o baka higit pa nga sa mga senior executive. May bahagi rin siyang pagmamay-ari sa kumpanya dahilan upang lalo pang lumakas ang impluwensya niya.Sa mga nagdaang taon dahil sa presensya nina Sophia at Khate ay madalas na nasa labas ng bansa si James upang makipag negosasyon. Bihira na nga siyang makita sa opisina. Tulad ni Francis ay malamig ang kanyang ugali. Ang tanging mahalaga sa kanya ay kakayahan at interes yun lang at wala nang iba pa.Noong unang pumasok si Sophia bilang sekretarya ay hindi siya pinansin ni James. Ni hindi nga siya nito tinatrato bilang bahagi ng kumpanya. Ngunit nang matagumpay niyang maisara ang isang mahalagang kasunduan sa ibang bansa ay doon lang siya tuluyang kinilala ni James. Sa katunayan nga ay siya mismo ang nagrekomen
Matapos kasing alukin si Bianca ng oportunidad ng kabilang kumpanya ay nagsagawa pa siya ng panibagong pagsusuri. At doon nga niya nalaman na kung matutuloy ang kasunduan kay Michael ay napakalaking halaga ang ilalabas ng mga Bustamante at wala pa nga itong kasiguraduhan kung mababawi pa ba ito.Kung nagkamali nga sila ng hakbang ay maaaring ma-freeze ang working capital ng kumpanya at iyon ang magiging sanhi ng pagbagsak nito. Nang matuklasan nga ito ni Bianca ay pakiramdam niya ay bumagsak ang kanyang mundo.Alam rin ni Bianca na kung sakali nga na nangyare ang lahat ng iyon ay kakalat nga ang balita na iyon. At kapag nga lumabas ang tungkol dito ay hindi si Sophia ang pagtatawanan ng lahat kundi siya mismo.Ngayon nga ay wala na siyang ibang magagawa kundi ang magmakaawa kay Francis. Kung papayagan siya nitong makabalik sa kumpanya nito ay kahit papaano ay may maipagmamalaki pa rin siyang posisyon bilang sekretarya.At higit pa roon ay kahit papaano ay mawawala ang tingin ng iban
CHAPTER 111"Pinalayas mo si Sophia pero kaya mong ipasok ang sarili mo? Kung ikaw ang nasa sitwasyon ay maaari pa bang tawaging matibay ang isang tatsulok?" punong puno ng panunuya ang tono ni James ng sabihin nya iyon kay Bianca.Namula naman bigla ang mukha ni Bianca."Hindi ko sinasadya na sirain ang relasyon niyo. Nasa kumpanya pa rin naman si Sophia at siya na ngayon ang direktor ng project department. Hindi ba't isang malaking hakbang ito para sa kanya?" sagot ni Bianca kay James."Tanga ka ba talaga o nagkukunwari lang?" tila naiinis ng sabi ni James sa dalaga. "Bilang chief secretary at assistant ni Mr. Francis ay halos kasing antas ko na ang mga direktor ng iba't ibang departamento at kung hindi man higit pa sa kanila. Si Sophia ay kahit inilipat sa project department ay ipinakita lang na may promosyon sa pangalan nya pero sa totoo lang ay isa iyong demotion,” dahdag pa ni James.Hindi naman nakapagsalita si Bianca dahil halata nya na naiinis na nga ang binata sa kanya."Si
Walang iba iyon kundi si Sophia. Mukha ngang nag aalala ito dahil sa nakalimutan nga nitong magdala ng regalo para sa binata kaya naman bumaba nga ito muli at agad na nagpunta ng fruit shop upang bumili ng mga prutas. Pinagmasdan naman ni Raymond ang papalayo na si Sophia at hindi nga siya kumukurap man lang. Hindi niya kayang isipin kung paano magalit si Sophia kapag nalaman niyang nakaligtas na si Emman. “Ano ang gusto mong ipusta sa akin?” tanong ni Raymond. “Pipilitin kong ilipat siya mula sa project department at gawing chief secretary ko ulit. Gusto mo bang pumusta?” Sagot ni Francis. “Gusto mong pumusta kung papayag si Sophia na maging sekretarya mo ulit?” tanong ni Raymond kay Francis habang seryoso nga nya itong tinititigan. “Sige magpustahan tayo. Pero kapag hindi pumayag si Phia na maging sekretarya mo ulit ay ibabalik mo sa amin si Emman,” dagdag pa ni Raymond. "Pero kung pumayag siyang maging sekretarya ko muli ay kailangan mong isuko ang proyektong na kamakailan
CHAPTER 112Nagulat naman si Sophia sa ginawang paghalik na iyon ni Raymond sa kanya. Hindi na lamang nga siya nagreact pa at hindi rin naman sya tumugon dito. Nang matapos siyang halikan ni Raymond ay tiningnan nga lamang ito ng malamig ng dalaga at para bang walang epekto sa kanya ang ginawa nito.Samantala naman si Raymond ay napangiti na lamang talaga. Para bang nakakita sya ng isang bagay na nakakatuwa.Napatingin naman si Sophia kay Francis at bigla nga syang napaisip kung ano kaya ang dahilan ng pagpunta nito rito.Ngunit hindi naman na rin mahalaga pa kay Sophia kung ano man ang dahilan ni Francis. Kinuha na lamang nga muli ni Sophia ang kutsilyo kay Raymond at bumalik na nga lamang siya sa kanyang ginagawa.Bago pa man makapagsalita nga si Francis para sabihin kay Sophia na bumalik na nga ito sa kanyang dating posisyon ay nakapagdesisyon na nga si Sophia na hindi na bumalik sa Bustamante Group of Company kailanman.Sa mga sandaling iyon ay tila ba naglaho ang sakit ng mga sug
Dahil sa magandang ugali, kagandahan at talino ni Sophia ay hindi lubos maisip ni Raymond na basta na lamang nga ito babalik kay Francis upang maging personal secretary nito muli.Kahit naiintindihan niya si Sophia ay hindi niya mapigilang mag alala. Natatakot siyang baka bigla itong magdesisyong bumalik kay Francis nang hindi pinag iisipan.Katahimikan naman ang bumalot sa buong silid na iyon at nagpatuloy nga lamang si Sophia sa kanyang ginagawa. At nang mapansin nga niya na mahuhulog na ang balat ng mansanas sa sahig ay agad nga niyang hinila ang basurahan gamit ang kanyang paa.Lumipas pa nga ang ilang sandali at wala pa rin nga siyang sagot kay Francis. Tahimik at kalmado pa rin ang kanyang ekspresyon na para bang walang anumang nangyayari.Nagpatuloy na nga lamang sila Francis at Raymond sa kanilang pag uusap tungkol sa negosyo pero halata mo sa kanilang mga kilos na hindi talaga nila iyon iniisip at pareho nga silang nakatuon kay SophiaSa unang pagkakataon ay pareho nilang na
“Francis, ikaw mismo ang pumatay sa anak mo. Ikaw mismo ang nagplano para patayin ang tagapagmana mo,” sabi ni Sophia at patuloy pa rin nga sa pag agos ang kanyang luha habang sinasabi nga niya iyon.At talagang napakasakit nga nitong isipin. Siya ang nasaktan pero tila si Francis ay wala ngang pakialam. Paanong nagawa niyang patayin ang sarili niyang anak na para bang wala lang?“Bakit Francis? Bakit mo nagawa ito? Ikaw ang salarin dito. At iaw ang ugat sa lahat ng kasamaan na ito. Kaya dapat lang na magdusa ka rin kasama ko,” sabi pa ni Sophia.Nanatili naman nga na nakatayo lang si Francis at nakaatulala. Paa bang pakiramdam nga niya ay bigla ngang nawalan ng saysay ang lahat. At para bang wala siyang ibang naririnig kundi ang isang pangungusap na paulit-ulit nga sa kanyang isip.“Francis, ikaw mismo ang pumatay sa anak mo.’Napakurap kurap pa nga si Francis habang nakatingin nga siya kay Sophia at tila ba naguguluhan nga siya. Hindi nya alam kung anong ibig sabihin no’n? Paanong s
CHAPTER 215Sa mga sandali nga na iyon ay para bang tuluyan nang nakalimutan ni Francis ang lahat ng hindi nila pagkakaunawaan ni Sophia.Para bang hindi kailanman nangyari ang diborsyo, ang aksidente o ang lahat ng sakit sa pagitan nila. At para bang mag-asawa pa rin nga sila. At talaga namang nakakatawa nga iyon. KKung noon siguro ito ay maaaring natuwa pa nga si Sophia pero ngayon nga ay tila ba isa na itong katawa-tawang biro na lamang.“Francis, mukhang nakalimutan mo na ang lahat ng pader sa pagitan nating dalawa. Kailangan pa ba kitang paalalahanan ngayon?” sabi ni Sophia at saka nga siya napatingin sa red wine na nasa harapa nga niya at sa loob-loob nga niya ang may bahid nga ng pangungutya.“At saka kelan lang ako nakunan. Masyado pang mahina ang katawan ko. Hindi pa ako pwedeng uminom ng ganyan,” dagdag pa nga ni Sophia.Sa pagbanggit nga ni Sophia ng salitang ‘nakunan’ ay bigla ngang nagdilim ang mata ni Francis.“Huwag mo nang banggitin ang bagay na iyan sa harapan ko,” m
Dahan-dahan naman nga na tumayo si Sophia at muli nga siyang tumingin sa buong paligid at talaga ngang walang nagbago roon.Nandoon pa rin nga ang mga stuffed toys sa sofa na siya nga mismo ang naglagay. Ang mga couple mugs na siya rin nga ang pumili ay nakapwesto rin nga sa mesa. Ang mga upuan ay ganoon pa rin nga ang disenyo. Ang rystal chandelier na siya rin nga mismo ang nagdisenyo ay nandoon pa rin. At ang mga mural sa pader na isa-isa nga niyang pinintahan ng buong pagmamahal noon para sana salubungin ang isang bagong buhay ay naroon pa rin. At halos sa lahat nga ng sulok ng bahay na iyon ay may bakas pa rin nga ng kanyang presensya.“Bakit hindi mo ito pinapalitan? Bakit nandito pa ang lahat ng ito? Iniisip mo ba na babalik pa ako?” mga tanong sa isipan ni Sophia habang inililibot nga niya ang kanyang tingin.Marahil nga sa sobrang liwanag ng ilaw ay itinaasnga ni Sophia ang kanyang mga kamay at saka nga niya tinakpan ang kanyang mga mata. At pakiramdam nga niya ay para bang ma
“Pwede kang bumalik sa bahay natin,” sabi ni Francis at may bahid nga ng hinanakit ang kanyang boses. Matagal na kasing hinihintay ni Francis ito ang pagbabalik ni Sophia sa kanilang tahanan— sa tahanang itinuring nila na tahanan nilang mag-asawa.Ibinaling nga ni Sophia ang kanyang tingin at saka nga siya mahinang sumagot dito. At sa totoo lang ay wala nga siyang pakialam kung saan sila magkikita ngayon.“Sige, pupunta ako,” sagot nga ni Sophia.Pagkababa nga ng tawag ay nanatili pa nga rin na nakaupo si Sophia sa kanyang hospital bed habang hawak nga niya ang kanyang cellphone. At tila ba hindi pa rin nga siya nakakabalik sa kanyang sarili.Maya maya nga ay dahan-dahan na nga siyang tumingin kay Harold.“Dalhin mo ako roon,” mahina ang boses na sabi ni Sophia kay Harold. Alam kasi niyang narinig ni Harold ang buong pag uusap nila ni Francis.Hindi naman din kasi kalayuan ang bahay nila dati ni Francis noon sa ospital kung nasaan siya ngayon. At mga sampung minuto lang naman ang bya
CHAPTER 214Pero ano nga ba ang papel ni Bianca sa lahat ng ito?Mahal na mahal nga ni Bianca si Francis at sa sobrang pagmamahal nga niya rito ay hindi nga niya matanggap na may ibang babae sa paligid ni Francis. Lalong lalo namang hindi niya matatanggap na si Sophia pa ang magdadala ng magiging anak ni Francis.Kaya naman hindi na nga kailangang kumilos ni Francis. Sapat na nga ang ibalita niya ang pagbubuntis ni Sophia at si Bianca na nga ang bahalang gumawa ng paraan para tapusin ito.Ang pagkalaglag nga ng bata na nasa sinapupunan ni Sophia ay dahil nga sa iniinom niyang gamot.Matapos nga na maisakatuparan ni Bianca ang una niyang plano ay mas lalo nga itong naging mapangahas. At unti-unti nga siyang tumapang. Lahat nga ng bagay tungkol kay Sophia ay kinamumuhian niya. At gusto nga niya na tuluyan na nga na mabaliw si Sophia hanggang sa manghina nga ito at sa huli ay mamamatay na lang na parang isang tuyong bulaklak.Sa puso nga ni Bianca ay pareho lang silang anak ni Nelson per
Nanatili naman nga na tahimik si Louie at pinagmamasdan nga niya ang lahat sa harap niya. Ni hindi nga ito ngumingiti at hindi rin nga niya pinipigil ang galit ni Harold. Pero sa totoo lang ay pareho nga sila ng iniisip.Maya maya nga ay lumapit na nga siya kay Dr. Gerome.“Dr. Gerome wala na dapat tayong inaaksaya pa na oras. Kailangan na nating madaliin ito,” mahina ngunit deretsahan na sabi ni Louie.Pero sino nga ba ang maaaring gumawa nito kay Sophia? Wala nga silang kaide-ideya kung sino. At sa totoo lang ay iniisip nila na baka nadiskubre na ang totoong pagkatao ni Sophia na siya pala ang tunay na utak sa likod ng Prudence.Iniisip nila na baka gusto ng mga ito na pigilan ang pagdalo ni Sophia sa paparating na financial summit kaya gumamit sila ng ganito karuming paraan.Kung iyon nga talaga ang dahilan ay napakarami nga ng posible nilang kalaban kagaya na lamang nga pamilya Villamayor, pamilya ng mga Marquez, mga dating kasosyo at pati na rin ang mga tao na galing pa sa malal
Pero kailan nga ba nagsimula na palitan ang gamot na iyon? Bago ba o pagkatapos ng pagkakalaglag ng batang nasa sinapupunan ni Sophia?Tahimik nga na tiningnan ni Dr. Gerome ang report na iyon. At lalo lamang ngang bumigat ang pakiramdam niya.Akala niya ang Shawn Hospital ay isang ligtas na tahanan at isang lugar na kontrolado niya. Pero hindi nga niya inaasahan na may ibang kamay na pala ang humahawak sa loob nito.Napansin naman nga nina Harold at Louie ang biglang pag-iiba ng ekspresyon ng mukha ni Dr. Gerome. Pareho pa nga silang napatingin sa kanya na puno ng kaba.“May problema ba sa mga gamot mo?” hindi na nga napigilan na tanong ni Harold ay Dr. Gerome.Alam kasi niya na para bang may kakaiba nga roon. At ramdam na ramdam nga niya ito noon pa dahil hindi nga ganito si Sophia.Hindi kasi kailanman naging ganito kabaliw si Sophia. Siya kasi ang klase ng tao na paagi ngang kalmado at kontrolado ang kanyang sarili. Kahit noon pa man na napilitan nga itong lumagda sa kontrata na k
CHAPTER 213Kinabukasan nga ay maaga nga na isinalang ni Dr. Gerome si Sophia sa iba’t ibang klase ng test para malaman nga niya kung bakit hindi pa rin nga gumagaling si Sophia.At nang lumabas na nga ang resulta ng lahat ng ginawang test kay Sophia ay napakunot na lamang nga ang noo ni Dr. Gerome habang tinitingnan nga niya ito.Bagamat nagreseta nga siya ng mga gamot na pampalakas ng dugo para kay Sophia ay kitang kita naman nga na lalo nga na nanghihina ang katawan nito. At para bang may sintomas nga ito ng matinding pagkawala ng dugo at higit pa nga roon ay tila ba naapektuhan na rin nga ang kanyang utak.Isang maling galaw nga lang at maaari nga na tuluyan na itong mauwi sa bipolar disorder. Sa mga nakalipas kasi na mga araw ay napapansin nga ni Dr. Gerome na lalo ngang nagiging magulo at hindi na makatwiran ang mga kilos ni Sophia. Kaya nagtataka nga siya kung bakit nga ba ito humantong sa ganito.“Ano ba ang mga kinakain niya nitong mga nakaraang mga araw? unot noo nga na tan
Ang tanging laman ng puso ni Sophia ngayon ay si Raymond lang at wala ng iba pa.Tinitigan nga ni Sophia si Francis at nagtagpo nga ang malamig nilang mga mata at si Sophia na nga rin ang dahan-dahan na umiwas dito. Wala nga ni isang salita ang lumabas sa kanyang bibig. At wala na talaga siyang pakialam ngayon kay Francis.Dapat nga ay noon pa ito nangyari sa mismong araw ng kanilang paghihiwalay. At wala na ring dahilan pa par sa matinding damdamin sa pagitan ng isang dating mag-asawa.“Francis,” mahinang sabi ni Sophia. “Ang dami mong naging malasakit sa butihin mong tiyo. Pero tingnan na lang natin kung kaya mong protektahan ang mga binti niya,” malamig pa na sabi ni Sophia.Pagasabi nga ni Sophia no’n ay unti-unti na nga na umangat ang bintana ng kotse at tuluyan na nga na isinarado ang pagitan nila.Tuluyan na nga na umalis ang sasakyan kung saan nakasakay si Sophia. At naiwan nga si Francis na nakatayo lang doon at tahimik na pinapanood ang papalayong anyo ni Sophia. At sa ilali