All Chapters of The Regret of my Billionaire Ex-Husband: Chapter 91 - Chapter 100

136 Chapters

CHAPTER 91

CHAPTER 91Mukha namang tamad na tamad na si Dr. Gerome. Ang itsura nya ngayon ay kalmado lamang pero makikita mo sa mga mata nito ang sobrang pagod. Marahil ay dahil sa kagagaling lamang nga nito sa dalawang operasyon at hindi pa nga ito nakakapag pahinga man lang.At dahil nga sensitibo ang pang amoy ni Sophia ay amoy na amoy na talaga niya ang disinfectant na tila nakakapit na sa katawan ni Dr. Gerome.Napatingin naman si Dr. Gerome sa gawi ni Raymond at kalmado lamang niya itong tiningnan saka nya muling ibinaling ang tingin nya kay Sophia.“Anong nangyare sa’yo?” tanong ni Dr. Gerome kay Sophia. “Ako na lamang ang titingin sa’yo. Bilang kuya mo ay nag aalala rin ako sa’yo,” dagdag pa ni Dr. Gerome.Napakumot naman ang noo ni Raymond dahil sa narinig nya na sinabi nitong ‘kuya’ dahil hindi nya alam kung magkapatid ba talaga ang mga ito o baka naman hinahangaan lamang nya itong kuya o baka naman sadyang malambing lamang ito kay Sophia kaya kuya na ito kung ituring nito.Bahagya nam
last updateLast Updated : 2025-01-23
Read more

CHAPTER 92

CHAPTER 92Tahimik naman na nag angat ng kanyang tingin si Sophia at ang malamig niyang mga mata ay dumapo kay Dr. Gerome."Kasal na ako at nagdadalang tao ako sa anak namin ni Francis. Ang batang ito ay kailangang maipanganak at maalagaan ko ng maayos," sabi ni Sophia kay Dr. Gerome at bawat salita na iyon ay may diin pa ang pagkakasabi."Oo nga at marami nga ang may gustong mapalapit sa akin. Pero sino sa kanila ang mapagkakatiwalaan ko at makakasiguro ako na indi magbabago ang isip kapag nalaman nila ang totoo. Baka nga hindi sila mag alala pero sigurado ako na ang mga nakatatanda sa pamilya nila ang unang tututol. At ang bata na nasa sinapupunan ko ay magiging tinik sa kanilang mga mata. Kahit maipanganak ko siya ay baka hindi niya kayanin ang mga susunod na taon,” sabi pa ni Sophia at ang kanyang boses ay nanatiling malamig.Tahimik lamang naman na nakikinig si Dr. Gerome sa mga sinasabi ni Sophia at ramdam nya na nangangamba rin ito para sa batang nasa sinapupunan nito.“Alam ko
last updateLast Updated : 2025-01-23
Read more

CHAPTER 93

CHAPTER 93Pagkatapos sabihin iyon ay agad na rin naman na umalis si Sophia roon.Ang receptionist pala na kausap ni Sophia ay may nakalagay na bluetooth headset sa isang tenga at napabalik lamang nga ito sa wisyo ng umalis na sa harapan nya si Sophia kaya naman napakamot na lamang nga siya sa kanyang ulo.“Kanino ko raw ibibigay ang sulat na ito?” tanong ng receptionist sa kanyang sarili habang nakatingin sa pinapabigay na sulat ni Sophia.Abala kasi sya kanina sa pakikinig ng kanta kaya hindi na nya napagtuunan ng pansin ang sinasabi ni Sophia sa kanya kanina.“Para kaya ito kay Mr. Francis? Malapit si Manager Sophia kay President Francis kaya siguradong ipapaliwanag nya ang tungkol sa kaso ng mga Cruz. Siguro ang sulat na ito ay paliwanag nya tungkol doon,” sabi ng receptionist na iyon sa kanyang sarili.Pero nababahala pa rin nga ito dahil baka nga magkamali rin sya. Kaya naman agad na nga lamang nyang tinawagan si Khate upang ireport dito ang nangyare.Nang matanggap naman ni K
last updateLast Updated : 2025-01-24
Read more

CHAPTER 94

CHAPTER 94“We were kissing, hindi mo ba nakita?” paos ang boses na sagot ni Francis kay Raymond at ang kanyang boses pa nga ang may pahiwatig ng kasiyahan matapos matikman ang labi ni Sophia. Mahigpit pa nga rin niyang yakap si Sophia at hindi nga nya ito pinayagang makapalag pa.“Francis nababaliw ka na talaga,” sabi ni Sophia habang pilit nga niyang itinutulak si Francis. Sa pagkakataon na ito ay hindi naman na sya pinigilan pa ni Francis.Pero kahit na hinayaan na nga sya ni Francis ay hindi naman nya kayang tumayo ng maayos kahit pa humawak sya sa pader at ang sampal na ibinigay niya sa lalaki ay parang wala namang epekto rito.“Francis krimen na itong ginagawa mo,” sabi pa ni Sophia at akmang tatayo na nga sana sya ng bigla nga syang nanghina at kamuntik na ngansyang bumagsak pero mabuti na lamang nga at may sumalo sa kanyang baywang at nakita nga nya na si Raymond ito kaya naman agad nga syang napasandal sa bisig nito at mahigpit nga siyang niyakap nito.“Phia, sabihin mo sa ak
last updateLast Updated : 2025-01-24
Read more

CHAPTER 95

CHAPTER 95Ang mga alaala ng titig ni Sophia noong nasa tabi niya ito ay biglang bumalik sa isipan ni Francis. Napaka seryoso nito ngunit malinaw na may nakatagong lambing at pagmamahal doon. Ngunit sa isang iglap ay napunta si Sophia a puling ng iba at para iyong isang kataksilan.Kitang kita naman ni Francis na magkayakap nga sila Raymond at Sophia na para bang walang ibang tao sa kanilang paligid. Kaya naman ang mga mata ni Francis ay nabalot ng lungkot habang nakatingin sa dalawang naghahalikan sa kanyang harapan. Ang dating mainit na tingin ninFrancis kay Sophia ngayon nga ay napalitan na ng kilabot na malamig.Hindi na nga namalayan ni Francis kung gaano ba nya katagal na pinapanuod ang dalawa kahit na alam nya sa sarili nya na parang dinudurog ang puso nya sa kanyang nasasaksihan at talagamg parang pinaparusahan na ni Francis ang kanyang sarili dahil sa ginagawa nyang iyon.Nang matapos na maghalikan sila Raymond at Sophia ay parang bigla nga syang nawalan ng lakas at ang kanya
last updateLast Updated : 2025-01-25
Read more

CHAPTER 96

CHAPTER 96Ang laman na tubig kasi ng timba na iyon ay linagyan pa nga ni Sophia ng yelo bago nya tuluyang ibinuhos sa dalawang lalaki na nag aaway. Kaya naman talagang natigilan na lamang sila Raymond at Francis sa kanilang pag aaway.“Phia gusto ko lamang naman na ilabas ang galit ko,” sabi ni Raymond at halata mo nga sa boses nito na galit nga ito.Nang marinig kasi ni Raymond ang mga sinabing pang iinsulto na iyon ni Francis kay Sophia ay hindi na nga nya napigilan pa ang kanyang sarili at agad nya nga muling sinugod muli si Francis at agad nga nya itong sinuntok at hindi rin naman nagpatalo si Francis dito at talagang halos magpagulong gulong na nga silang dalawa roon.Mahalaga kay Raymond si Sophia kaya hindi sya makapapayag na mayroong babastos dito. Ang mas lalong kinainis pa ni Raymond ay ang pagiging walang pakialam ni Francis kay Sophia matapos ang tatlong taon na pagsasama ng mga ito bilang mag asawa at talagang minahal nga ito ni Sophia ng mga panahon na iyon.Kaya nam
last updateLast Updated : 2025-01-26
Read more

CHAPTER 97

CHAPTER 97Hinawakan ni Raymond ang mukha ni Sophia gamit ang dalawa nyang kamay. Nang ibaba niya ang kanyang tingin ay may bahagyang bakas ng kawalang magawa sa kanyang makikitid na mata. Ang kanyang mga matang may ngiti ay puno ng lambing habang nakatingin sa kanya.Ang lambing na iyon ay bagama’t hindi nangangahulugan ng matinding pagmamahal ay parang instinktong proteksyon ng isang lalaking mabangis na hayop sa piling ng kanyang itinuring na kasamahan. Kaya naman inaalagaan at binibigyan niya talaga ito ng atensyon.Gamit ang mahahaba niyang daliri ay pinunasan niya ang mga luhang tuluy tuloy na dumadaloy sa pisngi ni Sophia. Pero kahit na umiiyak nga ito ay napakaganda pa rin talaga nito.Sa mga sandaling iyon ay namumula na ang pisngi at mata ni Sophia. Ang mga mata niya na dati ay punong puno ng kinang ay parang nawalan ng liwanag at tila mga basag na bituin na lang ang natira. Pati ang kanyang ilong ay namumula na rin at patuloy na bumabagsak ang mga luha mula sa kanyang mga m
last updateLast Updated : 2025-01-27
Read more

CHAPTER 98

CHAPTER 98 Kulay itim din naman ang suot na robe ni Raymond ngunit ang kanyang presensya ay mas mahinahon kumapara kay Francis. Bahagya naman na itinaas ni Raymond ang kanyang tingin ka nya hinaplos ang kanyang manipis na labi na para bang nagpapahiwatig o nagpapakita ng pag angkin nya sa kanyang teritoryo. Nanatili lamang naman sa kinatatayuan nya si Francis habang pinagmamasdan ang kanilang mga likuran gamit ang madilim niyang mga mata. Sa di kalayuan naman ay naghihintay si Khate. Iniabot niya kay Francis ang mga impormasyong nakalap niya. Habang pinapanood naman ni Francis ang surveillance video kung saan makikita ang mapanlinlang na ngiti ni Bianca ay unti unting kumunot ang kanyang noo. “Mr. Francis may gusto pa po ba kayong ipagawa?” tanong ni Khate sa kanyang amo. Alam na rin naman kasi niya ang nangyare noong nakaraang gabi na iyon. At hindi naman na sya nagulat pa roon dahil may mga maruruming intensyon na talaga si Bianca. Alam na rin nila na plano ni Bianca na sa
last updateLast Updated : 2025-01-28
Read more

CHAPTER 99

CHAPTER 99Ang lugar kung saan matatagpuan ang lumang bahay ng pamilya Bustamante ay sobrang maunlad ngayon ngunit hindi talaga ito ang kanilang orihinal na tahanan. Sa mga naunang taon ay ang pamilya Bustamante ay dumanas ng matinding pagsubok at ang kanilang minanang ari arian ay naibenta at napunta sa pamilya Villamayor.Ang tunay na ancestral property ng pamilya Bustamante ay matatagpuan sa pinakamayamang lugar sa Lungsod. Mistulang isang klasikal na kastilyo ito at matagal nang kabilang sa listahan ng protektadong yaman ng bansa. Bukod sa halaga ng bahay ay ang lupa sa lugar na iyon ay nagkakahalaga ng bilyun bilyon. Kaya't nang gamitin ni Raymond ang ancestral home bilang kapalit sa isang pustahan ay tila isa itong kabaliwan para kay Francis."Raymond sigurado ka bang seryoso ka dito sa sinasabi mo na ito?" tanong ni Francis kay Raymond."Mukha ba akong nagbibiro Francis? Hindi ako nagbibiro sa mga ganitong bagay," seryosong agot ni Raymond kay Francis. "Kung manalo ang Villamay
last updateLast Updated : 2025-01-28
Read more

CHAPTER 100

CHAPTER 100Tila sinasadya naman ni Raymond na bitawan ang mga salitang iyon kay Desiree. Gusto kasi nitong siguraduhin na hindi na nga nito muling babanggitin pa si Francis kay Sophia.Alam naman nilang hindi madaling kausap ang pamilya Villamayor ngunit hindi rin biro ang pamilya Bustamante. Hindi lamang para kay Desiree ang mga salitang iyon ni Raymond kundi ito ay para rin marinig nina lolo Robert at Francis.Hindi hahayaan ni Raymond na basta basta na lamang lalapitan ng pamilya Villamayor si Sophia ngunit sa parehong paraan ay nais niyang ipabatid sa pamilya Bustamante na dapat silang magkaroon ng kaunting konsensya at kamalayan.Si Desiree na dati ay mabilis ang dila at laging may sagot ay ngayon ay biglang natahimik na lamang.Lumabas naman na mula sa loob ng kotse si David at tumabi nga ito sa kanyang anak na si Desiree habang may ngiti sa labi dahil gusto nya sanang ayusin ang sitwasyon."Pasensya na Mr. Raymond. Si Desiree ay medyo bata pa at minsan ay padalos dalos pa sa
last updateLast Updated : 2025-01-29
Read more
PREV
1
...
89101112
...
14
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status