CHAPTER 83"Kailangan ko ng isang maganda at perpektong asawa. At ikaw, kailangan mo ng isang 'kasintahan' na magagamit mo, hindi ba? Kung nagawa mong pakasalan si Francis noon ay kaya mo rin siguro akong pakasalan,” sabi ni Raymond kay Sophia at ang boses nga niya ay banayad lamang ngunit tila ba nang aakit. "Pag isipan mo itong mabuti Sophia. Gumawa ka ng desisyon na sa tingin mo ay tama. Tandaan mo na maibibigay ko sa'yo ang lahat ng emosyonal na halagang kailangan mo. Ako ang magiging kasintahang magpapasaya sa’yo,” pagpapatuloy pa ni Raymond.Matalino talaga si Raymond. Ni hindi niya binanggit kung gaano niya ito kamahal o kung gaano niya ito kagusto. Sa halip ay sinabi niya lamang na siya ang magiging kasintahan na kayang punan ang kakulangan sa buhay nito. Pero sa huli ay hindi pa rin niya matakasan ang katotohanan na ito ay isang transaksyon lamang.Napakurap kurap naman ng kanyang mata si Sophia at hindi nga sya nakasagot kaagad dito. Sa halip ay iniwas niya ang tingin nya r
Last Updated : 2025-01-18 Read more