MARAHAN lamang naglalakad si Judas sa makipot na eskinita. Tangan ang nakasinding sigarilyo sa bibig ay dire-diretso lamang ito sa paglalakad. Alas-diyes na ng tanghali, ayon sa napagtanungan niyang naglalako ng bigas sa daan kanina.Umaga pa lamang ay ramdam na ang alinsanagan sa Sitio Bayaac. Ang pinakasentro ng Bayan sa Bolanos. Dikit-dikit ang ilan sa mga ipinasadiyang bahay, nalalanghap ang amoy sa masangsang na estiro na hinahaluan ng iba’t ibang basura galing din sa mga residenting nakatira doon. Kaya kapag may malakas na pag-ulan ay binabaha ang kanilang lugar.“Judas! Mukhang tiba-tiba ka ngayon. Marami ka na naman bang nabiktima sa may simbahan,” turan ni Manny, isang tambay na kasalukuyan tumutuma ng gin sa gilid ng daan. Kasama nito ang mga barkadang wala na rin suot na pang-itaas. “Ayos naman, sapat sa pangaraw-araw namin at gamot ni Mama,” pagsagot niya.Tumayo ang lalaking nagsalita kanina at inakbayan siya. “Baka naman may pandagdag tayo diyan?” Pagtatanong nito sa ka
Last Updated : 2024-12-02 Read more