NAPABUNTONG-HININGA si Monalisa at kaagad na iniiwas ang pansin sa lalaki.
"Hey! don't pity me. Look at me, I'm just f-fine!" she murmured rigidly, before plastering a phony smile on her face. Pilit na pinasisigla ang kanyang tinig. Napakurap naman si Judas at napatango-tango, nagulat ito dahil tila nabasa nito ang isipan niya. Minabuti na lang din ng binata na isentro sa hawak na baso ang pansin. The expression on Monalisa's face today made him feel something odd deep inside. Muling umayos ng pagkakaupo ang babae. Idinantay na niya ang kaliwang siko sa ibabaw ng counter na kaharap. Unti-unti ay tinatablan na siya ng iniinom. Nagiging magaan na ang pakiramdam niya. Limang taon na rin ang nakararaan, magmula ng matuto siyang uminom. Sa dami ng nangyari sa nakalipas ay madaming nagbago. Isa na roon ang masayang Pamilya nila dati. Kung hindi dahil sa pagiging busy niya sa kanyang trabaho ay tuluyan siyang lulugmukin sa tuwina ng mga problema na pilit niyang tinatakasan. Monalisa's mind suddenly stopped traveling in the past when she heard the baritone voice of Judas. "Patawad, kung naramdaman mong naawa ako sa iyo. Wala akong karapatan para manghimasok sa pinagdadaanan mo. Pero kung kinakailangan mo ng makakausap. Narito lang ako, handang makinig sa 'yo. Hindi mo lang ako bodyguard, maari mo rin akong maging kaibigan kung nanaisin mo." Tuluyan inabot ni Judas ang kanang kamay ni Monalisa na malayang nakapatong sa ibabaw ng lamesa at pinisil iyon. Dahil sa mapangahas na gawi ng binata ay hindi mapigilan ng dalaga na matulala sa guwapong mukha ng kaharap. Marami na siyang nakikilala at nakakasalamuhang kalalakihan sa araw-araw sa industriyang kinabibilangan. She is a model and actress of their generation, so meeting handsome men is not new to her. Ngunit, ngayon lang siya nakakaramdam ng kakaiba sa isang katulad ni Judas Duran Olivarez. Lumalamang ang pisikal na appearance nito sa iba. Ang semi-wavy hair na buhok na sadiyang may blonde dye. Makapal ang pares na kilay nanunuot kong makatitig. Bumagay sa matangos nitong ilong ang hugis ng mukha. Labi nitong manipis at kayumangging balat. Napuno ng tattoos ang braso nito na nakikita niyang nakalantad ngayon. Dahil nakasuot na lamang ito ng puting kamiseta at pambahay na short. Hindi katulad noong una, na naka-denim jacket ito at fitted rudge pants. May hawig ito sa local actor na si Jericho Rosales. Inaamin niyang na-attract siya sa ka-guwapuhan meron ito. Hindi lang hanggang doon iyon. Ngunit kakaiba ang ipinaparanas nitong concern sa kanya, kahit na bagong magkakilala pa lamang sila nito. When Judas smiled sweetly at her. She automatically raised her hand where he placed one hand. She focused her attention on the front. Dahil sa naging abala si Monalisa sa kausap ay hindi niya napansin na naubos na pala ang iniinom niyang champagne. "I'm going to bed first, don't worry, my first schedule at BEC is after lunch." Tinutukoy ni Monalisa ay ang "Brilliantes Entertainment Company". Kumpaniyang pag-aari ng ina. Kung saan ay hinahawakan siya bilang exclusive model at actress na rin. Tumango lang din si Judas habang tutok pa rin ang pansin sa kabuuan ni Monalisa. Kusang ipinag-matay malisiya ng dalaga ang init na gumapang sa kanya sa mahalay na paraan lang naman ng titig nito. LATE na rin nagising si Monalisa sa umagang iyon alas-diyes na ng tanghali. Naginat-inat na siya, pagkatapos ay sunod niyang ginawa ang daily morning routine niya. Fifteen minutes bago siya tuluyan bumaba mula sa dining area. Kung saan nadatnan lang niyang nasa kumedor na ang inang abala sa pagkain ng lunch nito. Akmang bubuwelo siya pabalik, dahil ayaw niyang makasalo ito sa pagkain. Ngunit huli na, dahil tuluyan na siyang nasipat ng ina. "Hey! my dear Ali, I'm glad your awake. Come sit beside me. Eat with me," her mother said in a soft voice. Mas gusto na lang sana ni Monalisa na bumalik sa sariling silid at ipaakiyat ang kakainin. Pero inapura na ni Allysa ang ilang katulong na nakaantabay na asikasuhin siya. Ayaw naman niyang maging bastos. Gayong maayos naman siyang kinausap ng sariling ina. Mukhang wala na itong sama ng loob. Buhat ng nangyari kagabi dahil sa pagtatalo lang naman nila ng tungkol kay Judas. Sabagay, ganito naman palagian si Allysa. Mabilis magalit pero kinabukasan ay bigla na lang iyon mawawala na tila hindi sila nagtalo nito. "How's your schedule today. I heard you have a photo shoot at Argimas HM?" tanong ng ina sa kanya. "Yes mom, two 'o clock pa naman iyon. Mauuna muna akong dumaan sa BEC para sa sign contract na pipirmahan naman ni Judas," sambit niya na nasa toasted bread niya nakatutok. Kahit hindi niya pagkaabalahan tapunan ng pansin ang ina ay napuna pa rin niya ang pagkawala ng masiglang ngiti mula sa labi nito. "Ija, hindi ba puweding mabago pa ang isipan mo. Hanggang ngayon ay hindi pa natin nakakausap ang Tito Julio mo sa bagay na ito," saad ng Ginang tukoy nito sa step-father niya. Kaagad na kinuha ni Monalisa ang walang laman na baso niya na nasa gilid at pinasalinan ng juice sa isang katulong na nasa malapit sa kanya. Nagpasalamat din siya rito, bago tuluyan binalingan ang ina. "Don't think about that Mommy, I know Tito will understand that I hired Judas as a body guard. You know him as well, he will definitely understand and be happy because of what I did, the growth rate sale of our company will be increase even more after this." Mukhang naiintindihan na ngayon ng ina niya ang ginagawa. Dahil tanging ang makakabuti sa sariling kumpaniya nila ang mahalaga sa magulang. Iyon naman talaga ang importante sa mga ito. Nakita na niyang muling ibinalik ng ina ang pansin sa kinakain. She took a deep breath to ease the tugging in her chest. TULUYAN umalis naman si Judas mula sa kinatatayuan. Naroon lang naman siya magmula nang pumasok si Monalisa upang sabayan kumain si Donya Allysa. Nagtago lamang siya sa isang makapal na kurtina ng bintana na katabi ng pintuan sa dining area ng mansiyon ng mga Brilliantes. Dinala siya ng paa hanggang sa may pool side at doon niya piniling sindihan ang sigarilyo na nasa cigarette pack. Naka-ilang hit-hit buga siya, bago tuluyan kumalma ang buong sistema niya. "Wala ka rin pa lang ipinag-iba sa nanay mong ma-topak Monalisa!" kinagagalitan na ngayon ni Judas ang babae sa kanyang isipan. Gustong-gusto na niyang sa mga sandaling iyon na parusahan ito. He taken a back from what she said a while ago. Ginagamit lang pala siya sa pansariling motibo ni Monalisa! Nagtaggis ang ngipin niya ng buhat sa likuran ay narinig niya ang tinig ng babaeng pinaggigilan niya sa isipan. Biglang naglahong parang bula ang lahat ng inis niya sa babae ng awtomatiko niyang natitigan na may pagnanasa ang kabuuan ngayon ni Monalisa. Nakasuot lang naman kasi ito ng two piece black bikini swim suit na natitiyak niyang branded pa rin. Napalunok siya ng sariling laway sa nanunuyong lalamunan niya ng sinenyasan pa siyang lumapit dito. "Can you put some sun block lotion at may back Judas?" Simpleng utos lang naman ang ipinapagawa nito. Ngunit bakit pakiramdam niya ay mahihirapan siyang magawa iyon. Pumuwesto na ito sa may pool bench patalikod sa kanya, upang malaya na niyang malagiyan ang likuran nito. "Alright, I want to sunbathe. There is still time before we go to BEC," untag ni Monalisa na hindi pa gumalaw sa kinapuwe-puwestuhan si Judas. Tumango na rin siya at inumpisahan lagiyan ng lotion ang palad at saka iyon inumpisahan ipahid sa malambot at makinis na kutis ng babaeng amo. Hindi man niya mapigilan ang sarili, ngunit kusang nag-react ang pang-ibabang bahagi niya. Napatiim-bagang pa siya habang dumdaus-dos ang magaspang niyang palad sa maputing leeg nito. Hindi naglaon ay hinimas-himas niya iyon ng simple. Nagitla pa siya ng narinig nitong umungol si Monalisa na tila nasasarapan sa ginagawa niya. "Ooohh! that's it. Your hands are good, have you used to massage before? You're great, I love the way you do it." Then she turned to him. Kitang-kita naman niya ang pagpungay ng mga mata nitong nakatitig sa mukha niya. Hindi makuhang ngumiti ni Judas dahil abala siyang pinapahupa ang sariling kahibangan dito. Ngunit mainam na sumagot na rin siya. "Hindi naman... ginagawa ko lang ito sa tuwing nanakit ang likod ni Mama noong nabubuhay pa siya." Buhat sa pagkaalala sa inang namayapa. Biglang nanumbalik ang pagdadalamhati at sakit ng alaala na naranasan niya ng araw na mawala ito. Mukhang napansin siya ni Monalisa at kusa na itong napaupo pagkatapos. "I'm sorry for your lost Judas. Thank you," Monalisa's voice was mixed with concern to him. Tumango naman ang binata at iniwan na ang dalaga na nakamasid lang sa paglalakad niya palayo. Tumigil din naman siya saglit at muling nilingon si Monalisa na ngayon ay nakahiga na sa may bench habang ibinibilad lang naman nito ang magandang katawan. Any man can be affected by the beauty of her. But Judas shouldn't be consumed by that, because he has other goals that's why he's in there. That was to seduce Monalisa as well as his Aunt Adelaida ordered. SA araw na iyon ay naging opisyal na bodyguard na ni Monalisa Brilliantes si Judas. Katatapos lang niyang pumirna sa contract paper. Hindi na niya pinagkaabalahan basahin iyon. "Congratulations and thank you for accepting this job Judas. You made me happy!" galak na pasasalamat ng dalaga matapos silang makapag-kamay nito. Tumango lang naman si Judas. Gusto niyang mapa-ismid, ngunit nagpigil siya. Alam naman niyang pakitang-tao lang naman ang inaakto ng babae. Ginagamit lamang siya nito! "So it's your first day, I would like to treat you a make over. Don't worry, I'll take care of everything," she said while clapping her hands beacause of excitement. Naglakad na ito paalis sa harapan niya na hindi man lang inaalam nito ang desiyon niya kung pumapayag ba siya. Wala namang nagawa si Judas nang matapos itong makipag-usap sa Manager nito ay umalis na sila. Naglakad na sila sa maluwang na espasyo ng meeting hall. Papunta sa may elevator, manaka-nakang inililibot ng binata ang tingin sa buong paligid. Napakaraming tao ang pababalik-balik at lumalabas sa mga pintong nakasarado papunta sa mga bawat studio ng BEC. Abalang-abala ang lahat, ngunit napansin pa rin niyang panay pagbati ng mga ito kay Monalisa na tinutugon din naman nito. Ngayon pa lang ay nakikita na niyang hindi ito katulad ng ibang mga personalidad sa showbiz. Pala-pansin ito at hindi nang-i-i-snob. Matapos nilang makarating sa ground floor gamit ang elevator ay dumiretso na sila sa sasakiyan kung saan naman naghihintay ang driver nitong si Mang Pido. Judas didn't wait for the driver to come out. He took the initiative to open the door for the woman. Nginitian lang naman siya ng tipid nito. Habang siya ay nagpunta na sa tabi ni Mang Pido. Dumiretso na nga sila sa pupuntahan. HINDI alam ni Judas kung anong magiging reaction sa katatapos lang na make over niya. Pinaputulan nito ang may kahabaan na niyang buhok, bagama 't pinanitili nito ang blonde dye na kulay niyon. Pina-shave din nito ang mga pinong balbas na nagtutubuan sa may panga niya. Mayroon din ibinigay ang may-ari ng salon na men's skin care para sa kanya. He wanted it back because he didn't need it. Only Bluederm soap is okay with him. Napamaang siya sa loob ng kung saan sila sunod na pumunta ng kasama niya. Hinahanapan siya ng Personal Assistant ni Monalisa na si Theodora short from Theo. Ipinakilala lang naman silang dalawa kanina nito. Matangkad ang babae, slim ang pangangatawan at may mahabang unat na buhok na ipinusod nito. Naka-black theme Stitch Fix attire ito. Matching with classy heels black. May suot itong eye wear kaya mas nagmumukhang masungit ito sa tingin niya. Sa hindi malamang dahilan ay hindi niya gusto ang presensiya ng babae. "Okay na tayo sa hairstyle make over. Sa isusuot mo na lang," pormal na sagot ni Theo sa tabi niya. Naglakad ito papunta sa mga nakasabit na damitan mula sa suit wear station at naghalungkat doon ng babagay sa kanya. Wala naman nagawa si Judas. Pumunta lang naman siya yata roon para umu-oo lang at i-approve ng mga isusuot niya sa pag-uumpisa ng trabaho niya para kay Monalisa. Laking dismaya niya, dahil hindi nila kasama ang babae. Sabagay may mahalaga itong photo shoot sa Araw na iyon. "Take in this, so we can leave," Theo said, handing him approximately ten different sorts of well-tailored outfits. Walang imik naman siyang nagpunta sa fitting room. Matapos niyang maisuot ang isang set ay labis siyang nanibago sa nakikitang replesksiyon mula sa kaharap na salamin. "Wow! ibang-iba na ang datingan natin ngayon ah! Parang hindi na ikaw iyan Judas, bagay mo rin pa lang maging ganito," natatawa niyang pagsasalita. Lumabas na rin naman siya at ipinakita kay Theo iyon. Naghihintay na may sabihin man lang ito sa bagong look niya. Ngunit sa huli tikom ang bibig nito. Dahil approved naman na ay nagpunta naman na sila sa shoes section. Para sa kukuhanin niyang sapatos. Pagkatapos doon ay umalis na sila para puntahan si Monalisa. Natagalan pa sila roon dahil may ilang tao na nakakilala sa kanya at nagpa-picture pa. Magmula ng iligtas niya sa tangkang pagdukot si Monalisa ay may lumalapit na sa kanya para magpakuha ng litrato o kaya magpa-autograph. Instant sikat tuloy siya. "Aba! napaka-guwapo naman natin ngayon ijo. Mukhang matatablan na rin sa iyo si Ma'am," pagbibiro ni Mang Pido. Nangiti lang naman si Judas at iniwan na roon ang matanda matapos silang makarating sa Argimas HM. Gusto sana niyang sagutin pabalik ang biro nito. Ngunit iniisip niyang naroon si Theo. Iba talaga kasi ang pakiramdam niya rito. Parang may lihim itong galit sa kanya. Sinabayanna nga niya ito sa paglalakad. Hanggang sa pumasok sila sa isang kuwarto. Monalisa was just there being fixed by her personal makeup artist and hairstylist. Nang makita sila nito mula sa salamin na kaharap matapos nilang pumasok. "Everyone, can you leave us for a second please," anunsiyo nito sa mga nag-aasikaso rito. Tuluyan naman na lumabas ang lahat. Maliban sa kanilang dalawa ni Theodora. Nang tuluyan maisarado ang pinto ay pinalapit naman ni Monalisa ang PA nito. Habang si Judas ay nanatili mula sa kinatatayuan. Naghihintay siyang mapansin ng dalaga sa bagong ayos lang naman niya. He can not understand himself. But he hoped she would notice the change in his appearance. He just watched the conversation between the two women. "Theo, thank you for accompanying Judas. Kung wala ka ay hindi ko na alam ang gagawin ko." Dinig niyang pagsasalita ni Monalisa sa PA nito. "As what you wished for babe," matamis na sambit at ngiti naman nito. Kasabay naman ng pagyakap ni Monalisa sa babae na yumakap din naman pabalik. Ang ikinagulat lang naman ni Judas ay nang nag-umpisa ng maghalikan ang dalawa sa harapan niya na paranf walang pakialam kung naroon siya at nasasaksihan iyon. Hindi lang kasi simpleng halik ang ginawa ng dalawang babae. Kung 'di torrid kiss pa!HINDI mapaniwalaan ngayon ni Judas ang nalaman niya. Isang sikat na model at actress si Monalisa Brilliantes. Isa sa may pinakamamagandang mukha at hubog ng pangangatawan sa industriyang kinabibilangan nito. Maraming nabibighaning mga kalalakihan. Kabilaan ang offers at projects sa iba ‘t ibang bigatin company. Tinitingala at kinikilala ng nakararami. Imposibleng mapaniwalaan na may karelasyon itong katulad nitong babae! Isang tikhim ang nagmula kay Monalisa na nakaupo sa may likuran lang niya habang katabi nito si Theodora. Siya naman ay nanatiling nakatutok sa harapan ng manibela ng sasakiyan. Siya ang nakatokang maging driver slash bodyguard na rin nito. Biglaan iyon, dahil kinailangan ni Mang Pido na mag-leave. Dahil itinakbo sa hospital ang bunsong anak nito dahil sa asthma. “Hey! Judas anything wrong?” Monalisa asked, noticing the silence in his presence. Napagawi ang titig niya mula sa rear view mirror at nailing. “Wala naman, bakit meron bang maging dapat problemahin.” K
NAKATAYO lamang siya mula sa labas ng kotse. Naghihintay na bumaba mula sa silid si Monalisa kasama si Theodora. He glanced at the wristwatch he was wearing to check the time.Alas-diyes na ng umaga, ayon na rin sa schedule ng babae ay may pupuntahan itong guesting event. Magsisindi sana ng sigarilyo ang binata nang makita niya mula sa bumukas na elevator ang paglabas nito. He would rather just put the cigarette stick and lighter back inside his pocket. Then he waited for the two to get close enough to open the door for them. Pansin niya ang hindi pagpapansinan ng dalawa. Mukhang nagkaroon ng mis-understanding ang dalawang mag-syota. Akala niya ay tatabihan ni Monalisa mula sa likuran si Theodora. Ngunit, sa may tabi niya ito naupo. "Judas, what else are you doing there?" Pumasok ka na at mag-drive, male-late na tayo!" Pag-agaw pansin sa kanya ng personal assistant ni Monalisa. Napatango naman siya at sinunod ito. Inumpisahan na nga niyang ipagmaeneho ang dalawa. He has got rece
NAPABALIKWAS ng bangon ang batang si Monalisa, pagkarinig sa tunog ng chime na nakasabit sa may pinto.Dali-dali siyang nagtatakbo palapit sa kanyang Lola Merlinda. Limang taon gulang siya ng madalas siyang maiwanan sa poder ng matanda. Parati kasing busy sa mga kaniya-kanyang business trip ang magulang niya.That's okay with her. Especially since she is Lola's girl.“Lola! Dala mo na po iyong ipinabili kong bibingka ni Aleng Lorelay?” bibang tanong na salubong ng pitong taong gulang na si Monalisa. “Aba! Oo naman Apo, medyo natagalan lang ako sa pag-uwi. Nagka-kuwentuhan pa kasi kami sa tindahan niya,” tugon ng matanda na inabot ang palad sa apo na nagmano naman kaagad dito.Monalisa eagerly accepted the bag containing the still-warm bibingka. Monalisa brought it to the dining area quickly and opened it to begin eating.“Hinay-hinay lang apo, mainit pa at baka mapaso ka.” Paalala ng Lola sa kanya. Ngunit patay-malisya siya sa narinig. Kaya dire-diretso niyang inilapit iyon sa bib
MADILIM na mula sa labas, ngunit nanatiling nasa biyahe sila. Tatlong oras na rin ang nakalilipas magmula nang umalis sila sa condominium unit Monalisa. Judas’ gaze was drawn to Monalisa, who had fallen asleep next to him. While he was still behind the wheel. Kitang-kita niya ang kapaguran sa magandang mukha ng babae.“Patawad! Kung nalaman ko lang noong una pa lamang. Hindi ako papayag sa hinihingi mong pabor sa akin,” saad ni Judas na hinawi pa niya pagilid ang mga ilang hibla ng buhok na nakatabing sa may mukha ni Monalisa. She's merely resting quietly at his side. But he had the impression that she was still concerned about what was taking place previously.Muli, naalala niya kung bakit sila nasa ganoon sitwasyon. That's because he entrusted to do the favor she requested: be a tool to help her lose her virginity. Wala naman siyang dapat ikabahala sa nangyari. Dahil unang-una pa lang ay hindi niya ito pinilit man lang. Kusa itong nagpagalaw sa kanya.Hindi dahil sa ayaw niya na
SA unang Araw ay ipinasiyal ni Judas si Monalisa. Dahil malayo ang Bayan ng San Salvation at hindi pa maunlad ang pook, hindi masiyadong magkakakilala ang lahat. Pagsasaka at pag-aalaga ng mga alagang hayop sa bukid ang siyang pinagkikitaan ng mga tao roon. There are no substantial commercial structures in the market center; only one barely noticeable grocery shop has been built there. “Pasensya ka na, kung dito kita dinala. Ito kasi ang kaagad kong naisip na pagdalhan sa iyo.” Kumakamot ang ulo na paghingi ng pasensya ng binata sa tahimik na si Monalisa. The woman caught his attention and smiled. "It's fine with me. Actually, I appreciate this town. Quiet, far from the chaotic city we came from." Napangiti na rin naman si Judas pagkarinig sa isinagot nito. Itinaas niya ang payong upang hindi masiyadong mainitan ito mula sa matirik na araw. Pansin ni Judas ang pamamawis sa mukha at leeg ni Monalisa. Pinahiraman sila ng kaibigan niyang si Tolits ng mga damit na kanilang suot ngay
KAHIT may hang-over pa si Judas ng umagang iyon, minabuti na niyang bumangon para maghanda ng makakain nila. He and Monalisa have been residing in the other hut since last night. They each have one room that they are now using. At the very least, he had a good night's sleep. Tinapunan niya ng pansin ang silid ni Monalisa. Tiyak niyang tulog na tulog pa rin ito, lalo naparami ito ng inom kagabi. Pumunta siya sa kusina at nadatnan naman niya si Tolits na naglalagay ng mga naani na gulay sa lamesa. "Gising ka na pala, heto pinartihan kita ng nakuha ko sa taniman nina Manong Manuel. Pwedi niyo itong isahog sa lulutuin niyong ulam mayang tanghalian," ani ni Tolits nang malingunan siya. "Salamat Dre, hulog ka talaga ng langit sa amin. Sa susunod babawi talaga ako sa 'yo," pasasalamat na wika naman niya. Agad na siyang nagparikit ng apoy sa kalan. Para makapag-painit na siya ng mainit na tubig sa titimplahin niyang kape. "Huwag mong isipan pa iyon Dre, siya nga pala. Baka gusto mong pu
PRENTING nakaupo si Donya Allysa sa pang-isahang upuan mula sa loob ng office ng JSC. JULIO SAAVEDRO CORPORATION. Isa sa nangungunang Auto Manufacturer sa Bansa.Malamig at maluwang ang tanggapan na kinaroroonan ng Ginang. May lihim na pagmamalaki at kasiyahan mula sa loob-loob si Allysa. Dahil balang-araw ay lahat ng ito ay mamanahin ng nag-iisa niyang Anak na si Monalisa.Sa pagkaalala sa kanyang unica ija ay muling nabahiran ng dismaya ang damdamin niya. Ikatlong-araw na, ngunit wala pa rin lead kung nasaan ito. Hindi siya mapakali sa loob ng kanilang mansyon sa pag-iisip dito. Kaya siya na mismo ang nagpunta sa taong, tiyak niyang makakatulong sa problema niya ukol sa Anak niya.Agad ang pagbaling niya sa malaking pinto na gawa sa muwebles ng pinakintab na inangkat pa mula sa bansang Geropa."At last! darling, you've arrived! I can finally relax!" she exclaimed to his husband.Julio sat immediately in the empty swivel chair behind the CEO desk.Senenyasan nito ang secretary niton
MULA sa may ‘di kalayuan ay napansin ni Judas ang isang lalaking kahina-hinala ang dating na kanina pa nakamasid sa kanila. Habang nag-uusap sila nina Bernadette.Kaya mabilis na niyang hinila sa karamihan ng tao si Monalisa. Nang hindi na niya makita ang lalaking iyon ay napanatag na siya.Sa buong magdamag na nasa plaza sila ay hindi hinayaan ni Judas na mapalayo sa kanyang tabi si Monalisa. Magmula pagka-bata ay hindi siya nakaranas na magkaroon ng masasabing kaniya. Kaya ipinagmamalaki niyang ipakita na siya si Judas Duran Olivarez ang lalaking kasama ng isang Monalisa Brilliantes.Kahit hindi pa niya maipag-sigawan lahat ng taong naroon na ito ang babaeng mahal na mahal. Ayos lang sa kanya, darating sila roon.Nanunuod lang naman sila sa patuloy na pagtugtog ng band orchestra sa may stage. Ang lahat ay pinaunlakan na sumayaw sa gitna.Si Tolits ay agad na hinila ang nobya nitong si Juliette. Habang si Rodora at Elena nakipag-sayaw din.Si Judas ay nanatili naman nakatutok sa har
PABALIBAG na isinarado ni Monalisa ang pinto ng kotse. Hindi niya hinintay na pagsaraduhan siya ni Ross na nakasunod sa kanya. The photo shoot lasted until eleven p.m."You have an issue?" Ross asked, confused.Monalisa retorted with resentment, "Oh, I don't know with you!" Tuluyan umikot naman sa driver seat ang lalaki. Hindi ito pinansin ni Monalisa, inis na inis pa rin siya sa buong pangyayari. Mabuti na lamang at wala nang ibang taong natitira sa parking lot ng “Slyvestre Olivarez Merchandise Of Car Corp.”She wasn't herself when they got to the building. As a result, Monalisa failed to notice the large signeeze.Sabagay, kahit makita niya iyon kanina. Hindi man sasagi sa isip niya na pag-aari mismo iyon ni Judas. "I don't understand you anymore, Hon, but I assumed it would turn out well. Hindi ba magiging matunog uli ang pangalan mo kung ikaw nga ang makukuhang model sa latest edition ng year cover ng SOMCC,” tugon ni Ross na nag-umpisang ipagmaneho siya.Tuluyan ibinaling ni
“ARIAL stands for: alliance, reverse, ignorance, apply, and legacy. An alliance that gives support to the innocent. The totality of the principle will be given to the one served.”EIGHT YEARS AFTERTAHIMIK lamang siyang naglalakad habang nagsasalita sa kanyang tabi ang kanyang secretary.Ipinapaalala nito sa kanya ang mga gawain niya at appointment sa Araw na iyon.Sa lumipas na taon ay nasanay na rin naman siya sa paulit-ulit na gawain sa araw-araw.Get up early and head to his own office. Sa tatlong taon ay naging mabilis ang pangyayari, since the day he was released from prison. Tinanggap at pinaghirapan niyang matutunan ang lahat ng meron siya ngayon.Dahil sa mga taong nagbigay sa kanya ng oportunidad sa loob at labas man ng kulungan. So he can get the justice that he wanted a long time ago.Hindi naging madali ang lahat, ngunit lahat iyon ay kinaya niya.Dahil kailangan.“Boss Olivarez, may meeting kayo mamaya sa board member para sa franchise ng new look ng car show sa Naveen,”
NAKAYUKO ang ulong ipinasok si Judas. Tuluyan siyang inilipat at ikinulong sa mas malaking pasilidad. Doon na siya pipirmi sa mahabang taon ng sentensiya sa kanya. "Mag-enjoy ka rito Olivarez. Mas okay sana kung sa mental ka nakulong!" tatawa-tawang panambitan ng pulis na umakay sa kanya papasok. Bingi-bingihan at Pipi-pipihan siya. Pinid ang bibig at sarado ang mata niya sa lahat ng mga pang-iinsultong ibinabato sa kanya. The two correctional officers gazed at him for still being silent. "Huwag kang umarte dyan, andito ka na sa loob. Ang lakas kasi ng loob mo na humangad. Sa isa pang nakapagandang artista at modelo na si Monalisa Brilliantes. Huwag kang ambisyoso uy!" Sabay tuktok sa kanya ng isa. Kabuntot na naman ng isa pang halakhak sa mga ito. "Bilisan mong maglakad!" bulyaw ng Warden.Ginawa naman niya ang ipinag-uutos sa kanya ng walang reklamo. Ngayon pa lang ay sinasanay na ni Judas ang sarili. Ito ang pinili niyang landas magmula ng piliin niyang mahalin ang isang kat
DINALA muna si Judas sa presinto ng Bulanos. Habang hinihintay niya ang araw kung saan siya haharap sa korte upang litisin. Siksikan sila at halos wala silang inaatupag sa loob kung saan kasama ni Judas ang mga kapuwa niya detainee sa loob ng selda. Nakapagitan ang bakal na rehas mula sa tanggapan ng presinto. Kung saan abala ang ilang Pulis at ibang taong pabalik-balik sa paglalakad. Magkagayunman wala man silang ibang ginagawa sa loob ay halos walang pahinga sa pag-iisip si Judas. "Ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyo Duran. Kung hindi dahil sa akin, hindi mo makikilala si Monalisa," ani ni Adelaida. This was the only person who had paid him a visit since his imprisonment. "Huwag mong sisihin ang iyong sarili. Kung hindi dahil sa iyo, hindi ko siya makikilala," saad naman ni Judas na nakatitig sa sahig.At that point, he remembered Monalisa. Ilang araw na ang nakararaan, However, she did not even pay him a visit. Wala siyang ideya kung anong nangyari rito pagkatapos ng araw na
MABINING simoy ng hangin ang dumarampi sa kani-kanilang balat nina Judas at Monalisa. Naroon sila sa mayabong na damuhan malapit sa ilog. Kung saan abala naman naliligo sina Rodora at Elena. Habang si Tolits at Juliette ay kasalukuyan naman naglalaba. It was a weekday, so the six of them decided to go there for laundry and a shower. They leave early because the weather will be hot later on. Rodora and Elena are already making a lot of noise as they splash water on each other. Kapag magkasama talaga ang dalawa talo pa ang bata sa pagkukulitan. "I'm glad you were released right away; I was worried you'd end up in the police station for a long time," Monalisa murmured, bending her head at Judas. Kasalukuyan itong naka-unan sa magkabilang binti ng babae, habang nakasalampak sila mula sa tela na inilapag nila. Mabilis silang nakatapos sa paglalaba, naghihintay na lamang silang matuyo iyon mula sa pagkaka-dantay sa mga malalaking bato na kalat doon. "Huwag mo na ngang paka-isipin iyon
MULA sa may ‘di kalayuan ay napansin ni Judas ang isang lalaking kahina-hinala ang dating na kanina pa nakamasid sa kanila. Habang nag-uusap sila nina Bernadette.Kaya mabilis na niyang hinila sa karamihan ng tao si Monalisa. Nang hindi na niya makita ang lalaking iyon ay napanatag na siya.Sa buong magdamag na nasa plaza sila ay hindi hinayaan ni Judas na mapalayo sa kanyang tabi si Monalisa. Magmula pagka-bata ay hindi siya nakaranas na magkaroon ng masasabing kaniya. Kaya ipinagmamalaki niyang ipakita na siya si Judas Duran Olivarez ang lalaking kasama ng isang Monalisa Brilliantes.Kahit hindi pa niya maipag-sigawan lahat ng taong naroon na ito ang babaeng mahal na mahal. Ayos lang sa kanya, darating sila roon.Nanunuod lang naman sila sa patuloy na pagtugtog ng band orchestra sa may stage. Ang lahat ay pinaunlakan na sumayaw sa gitna.Si Tolits ay agad na hinila ang nobya nitong si Juliette. Habang si Rodora at Elena nakipag-sayaw din.Si Judas ay nanatili naman nakatutok sa har
PRENTING nakaupo si Donya Allysa sa pang-isahang upuan mula sa loob ng office ng JSC. JULIO SAAVEDRO CORPORATION. Isa sa nangungunang Auto Manufacturer sa Bansa.Malamig at maluwang ang tanggapan na kinaroroonan ng Ginang. May lihim na pagmamalaki at kasiyahan mula sa loob-loob si Allysa. Dahil balang-araw ay lahat ng ito ay mamanahin ng nag-iisa niyang Anak na si Monalisa.Sa pagkaalala sa kanyang unica ija ay muling nabahiran ng dismaya ang damdamin niya. Ikatlong-araw na, ngunit wala pa rin lead kung nasaan ito. Hindi siya mapakali sa loob ng kanilang mansyon sa pag-iisip dito. Kaya siya na mismo ang nagpunta sa taong, tiyak niyang makakatulong sa problema niya ukol sa Anak niya.Agad ang pagbaling niya sa malaking pinto na gawa sa muwebles ng pinakintab na inangkat pa mula sa bansang Geropa."At last! darling, you've arrived! I can finally relax!" she exclaimed to his husband.Julio sat immediately in the empty swivel chair behind the CEO desk.Senenyasan nito ang secretary niton
KAHIT may hang-over pa si Judas ng umagang iyon, minabuti na niyang bumangon para maghanda ng makakain nila. He and Monalisa have been residing in the other hut since last night. They each have one room that they are now using. At the very least, he had a good night's sleep. Tinapunan niya ng pansin ang silid ni Monalisa. Tiyak niyang tulog na tulog pa rin ito, lalo naparami ito ng inom kagabi. Pumunta siya sa kusina at nadatnan naman niya si Tolits na naglalagay ng mga naani na gulay sa lamesa. "Gising ka na pala, heto pinartihan kita ng nakuha ko sa taniman nina Manong Manuel. Pwedi niyo itong isahog sa lulutuin niyong ulam mayang tanghalian," ani ni Tolits nang malingunan siya. "Salamat Dre, hulog ka talaga ng langit sa amin. Sa susunod babawi talaga ako sa 'yo," pasasalamat na wika naman niya. Agad na siyang nagparikit ng apoy sa kalan. Para makapag-painit na siya ng mainit na tubig sa titimplahin niyang kape. "Huwag mong isipan pa iyon Dre, siya nga pala. Baka gusto mong pu
SA unang Araw ay ipinasiyal ni Judas si Monalisa. Dahil malayo ang Bayan ng San Salvation at hindi pa maunlad ang pook, hindi masiyadong magkakakilala ang lahat. Pagsasaka at pag-aalaga ng mga alagang hayop sa bukid ang siyang pinagkikitaan ng mga tao roon. There are no substantial commercial structures in the market center; only one barely noticeable grocery shop has been built there. “Pasensya ka na, kung dito kita dinala. Ito kasi ang kaagad kong naisip na pagdalhan sa iyo.” Kumakamot ang ulo na paghingi ng pasensya ng binata sa tahimik na si Monalisa. The woman caught his attention and smiled. "It's fine with me. Actually, I appreciate this town. Quiet, far from the chaotic city we came from." Napangiti na rin naman si Judas pagkarinig sa isinagot nito. Itinaas niya ang payong upang hindi masiyadong mainitan ito mula sa matirik na araw. Pansin ni Judas ang pamamawis sa mukha at leeg ni Monalisa. Pinahiraman sila ng kaibigan niyang si Tolits ng mga damit na kanilang suot ngay