"Delikado na talaga ang panahon ngayon. Ilang linggo na itong balita na may serial killer daw umiikot tuwing gabi.Pero ang maganda lang, drug addict at rapist ang mga pinapatay niya. " Nagtago ako saglit sa damuhan pagkarinig ko sa usapan ng mga tauhan ni Thunder. Nagkakape silang tatlo ngayon at nakatalikod sa akin. Hindi nila napansin na nakababa na ako. Tulog na ang mga tao sa taas kaya nagmamadali akong bumaba. Kailangan kong makaalis agad. "Dapat lang talaga sa mga yun patayin. Kung ako, pasasasalamatan ko pa ang killer na yun sa mga ginawa niya. Kahit na brutal yung mga ginagawa niya at least nakakatulong sya puksain ang mga salot sa lipunan." "Alam niyo ba, yung isang pinatay na natagpuan dun sa ilalim ng tulay? Ang balita sa lugar nila rapist daw, niyari ang mismong anak na limang taong gulang." "Put*ng ina! Hayup na yun! Tama lang na pinutol ang ari ng gagong yun at pinakain sa kanya!" "Tapos yung isa naman labas masok na sa kulungan, drug addict at nambubugbog pa ng a
Last Updated : 2025-01-22 Read more