Halos sabay na lumitaw si Vash sa eksena, tahimik ngunit puno ng presensya. Tumabi siya kay Sugar at marahang hinawakan ang kanyang kamay. "Tama si Sugar," sabi ni Vash, ang kanyang tono ay kalmado ngunit puno ng awtoridad. "Kung mahal mo talaga siya, Stephan, dapat noon pa ipaglaban mo na siya. Pero hindi mo ginawa. At ngayon, huli na ang lahat."Tahimik si Stephan, tila natatalo sa bigat ng kanyang emosyon. Alam niyang may punto si Vash, at sa likod ng kanyang galit, naroon ang katotohanang hindi niya maitatanggi.Tumalikod si Sugar at Vash, iniwan si Stephan na nakatayo sa gitna ng crowd. Habang papalayo sila, sabi pa ni Sugar, "Ano, Vash? Kapani-paniwala ba ang drama ko? Hehehe. Gusto kong mabaliw si Stephan para magkasira sila ni Pia," natatawang sabi ni Sugar. "Oo naman, Sugar, nagseselos na nga ako na para tuloy kayong magkasintahan. Sure ka ba na walang nangyari sa inyo?" pag-aalalang tanong ni Vash. Lumapit si Sugar kay Vash at niyakap ng mahigpit. "Walang nangyari sa amin,
최신 업데이트 : 2025-01-13 더 보기