All Chapters of The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle: Chapter 121 - Chapter 130

147 Chapters

Chapter 121

Wala nang magawa si Evan kundi sumunod at hayaan siyang hilahin, ang kanyang malambot na mga labi noon ay maputla at walang buhay na ngayon. Sa harap ng mapagtiis at nag-aalalang tingin ni Chris, pilit niyang inangat ang kanyang mga labi upang magbigay ng kaunting ngiti dito. Pinilit niyang ipagpag ang natitirang lakas upang mabigkas ng kanyang mga labi ang salitang "Bumalik ka na" Mali ang pagmamahal niya kay Kenneth, at ngayon, ito ang naging kabayaran ng lahat ng iyon. Maging ang pagmamahal niya kay Kevin ay pinagsisihan na rin niya ngayon. Si Chris naman, wala siyang ginawang masama. Kahit gaano siya katakot, hindi niya dapat ipinilit na idamay si Chris sa isang lugar na parang impyerno. Habang pinapanood ni Chris ang paghandusay ni Evan sa madilim at sira-sirang bahay, hindi niya inisip ang kaligtasan ni Ella. Mahigpit niyang ikinuyom ang kanyang mga kamao, ipinagdiinan ang mga ngipin, at binanggit ang password. Sa ganitong sitwasyon, kung maipaparating niya ang lahat n
last updateLast Updated : 2025-02-01
Read more

Chapter 122

Kung alam lang niya na hahantong ang mga bagay sa ganitong tagpo, kung bibigyan siya ng pagkakataon na pumili muli, tiyak na pipiliin na niya mysi Evan kaysa kay Ella. Ngunit sa mundong ito, ang mga desisyon ay kaya pang mabago, ngunit paano nga ba babalik ang oras? Sa kabila ng matinding ingay sa kanyang tainga, sinapo ni Kenneth ang kanyang ulo at tahimik na sumigaw. Sinusuntok niya ang pader na para bang mababawasan noon ang kanyang galit. Nagiwan ang kaniyang ginawa ng mantsa ng dugo sa kulay pink na dingding. Marami siyang nais sabihin kay Evan, kaya't hindi niya papayagan na magtapos ang lahat ng ito nang walang pahintulot niya. Ang pinakamalaki niyang takot ay kung sakaling mamatay ang babae, at kung mangyari yun, madali na ba niyang makakalimutan ang nangyari kay Evan? Sa gabi ng ika-apat na araw simula nang ma-confine ito, bigla na lamang nagmulat ng mata si Evan. Si Kenneth na nagbabantay sa kanyang kama, ay napatigil saglit. Nakatitig ito kay Evan na parang nakakita ng
last updateLast Updated : 2025-02-01
Read more

Chapter 123

Noong araw na iyon, kahit na mayroong mataas na lagnat, narinig ni Maris ang pinaguusapan nina Anthony at Ella. Nanginginig siyang itinapon ang malamig na tuwalya sa kanyang noo, binunot ang karayom sa kanyang kamay, at iginiit na pupunta siya sa ospital para makita si Evan.Walang nagawa si Anthony sa kanyang pagpupumilit, kaya’t sinamahan na lang niya ang asawa sa ospital, kahit puno ito ng takot na baka mapaano ang ginang."Ma, Pa, nandito na po pala kayo."Sa tabi ng kama, tumayo si Kenneth at bumati, saka ibinigay ang kanyang upuan kay Maris na umiiyak ng malakas matapos makita ng sariling mga mata na gising na nga ang anak niya.Hindi siya umalis sa silid. Tumayo lamang siya sa isang tabi, kalmado at tahimik, habang tinititigan si Evan. Pinagmamasdan niya ang bawat kilos nito, hinahanap ang kahit kaunting bakas ng emosyon, kahit sakit, lungkot, o anumang damdaming nagpapatunay na naroon pa rin ang pagkatao nito.Sa kasamaang-palad, kahit anong iyak ni Maris sa tabi ng kama, nana
last updateLast Updated : 2025-02-02
Read more

Chapter 124

Hindi niya inaasahan na may sagot siyang maririnig, ngunit matapos ang halos limang minutong katahimikan, halos tumalon ang puso ni Chris nang narinig niya ang mahinang boses ni Evan."Salamat."Nagliwanag ang mga mata ni Chris, at tiningnan niya si Evan na may halong pagkabilgla at awa. Sinabi niya ang matagal na niyang iniisip na imbitasyon dito."Evan, pormal ka nang apprentice ng master na ito, at sapat na ang sweldo mo para mabuhay nang maayos. Kung hindi ka masaya dito, gusto mo bang sumama sa akin sa ibang bansa para makita ang mas malawak na mundo doon?"Para bang hindi narinig ni Evan ang kanyang imbitasyon.Tahimik siyang naghintay ng sagot, iniisip na baka mas gusto pa rin nitong manatili sa kinaroroonan niya.Naisip niya na baka paparating na si Kenneth, kaya hindi na siya nangulit pa. Pero bago siya tumalikod, napatigil siya at napatingin kay Evan. Napansin niya na kahit walang pagbabago sa ekspresyon nito, nakita naman niya ang kaunting kilos nitong tango. Tinatanggap n
last updateLast Updated : 2025-02-02
Read more

Chapter 125

Itinulak ng kasambahay ang wheelchair ni Evan papunta sa kainan. Pagkapasok pa lang nila sa silid, agad nilang nakita si Ella na nakapulupot kay Kenneth na parang isang ibong sumisilong sa pugad. Nakasuot ito ng puting tube top na bestida, nagpapakita ng malaking parte ng kaniyang balat, at nakabuka nang bahagya ang mapupulang labi habang hinihintay ang pagkaing iaabot sa kanya ng lalaki.Biglang nag-iba ang ekspresyon ng kasambahay, at nagpalitan sila ng tingin ng mayordoma ng bahay. Wala silang magawa kundi ilagay si Evan sa puwestong medyo malayo sa dalawa.Para kay Evan, ang peke at mapagkunwaring galaw ni Ella sa harap ni Kenneth ay mas angkop tawaging "pagpapapansin ng alagang hayop" kaysa pagmamahal ng isang kasintahan.Paano nga ba siya dumating sa puntong kailangang makipaglaban sa atensyon ng isang lalaki na hindi na niya mahal laban sa isang "alagang hayop"? Ngunit ang masaklap lang ay ang katotohanang kaya niyang balewalain si Ella, pero ang huli, kusang naghanap ng para
last updateLast Updated : 2025-02-02
Read more

Chapter 126

Para kay Cheska, ang mga salitang iyon ay parang pinakamalupit na panunuya sa tanang buhay niya.Sanay kasi siyang maging sentro ng atensyon ng lahat. Hindi pa niya naranasan ang ganitong pangbabalewala sa kaniya, lalo pa ng daddy niya. At sa isip niya, si Evan ang may kagagawan ng lahat ng ito. Tahimik niyang pinigilan ang galit, mahigpit na ikinuyom ang kanyang mga kamao, at mabilis na tumakbo patungo sa kwarto ng kanyang ama.Sa likod niya ay pinanood siya ni Ella na may madilim na ekspresyon sa mukha, bago dahan-dahang sumunod sa bata.Sa loob naman ng kwarto ay itinulak ni Kenneth si Evan sa kama at agad itong pinatungan.“Evan, ano ba takaga ang gusto mo?" Nang makita ang gwapong mukha nitong napakalapit sa kanya, biglang bumigat ang pakiramdam ni Evan. Pakiramdam niya'y sobrang pagod na siya. Tumingin siya sa kisame, iniiwasan ang tingin ni Kenneth, saka malamig na sinabi, “Pakawalan mo ako." Pinangako na ng kanyang lola na ibibigay ang kalayaan niya, kaya aalis na siya kasa
last updateLast Updated : 2025-02-03
Read more

Chapter 127

Ngunit si Kenneth ay nakatitig kay Ella nang may mabibigat na kilay. Ang kanyang mga mata ay hindi nagpapakita ng awa o pagmamahal, kundi puno ng pagkainis. Sa kawalan ng pag-asa, bahagyang ngumiti si Ella, humakbang nang paatras na parang isang dahon sa hangin, at mabilis na tumakbo palabas ng silid. Nawala na sa isip niya ang anak kaya iniwan niya ang umiiyak na si Cheska doon. "Daddy, ang sakit-sakit po..." mahina nang umiiyak si Cheska, tumutulo ang mga luha sa kanyang pisngi. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Hindi niya magamit ang tamang mga salita upang ipahayag ang kanyang sakit. Ang tanging alam lang niya ngayon ay si Aunt Ella, na siyang laging nagmamahal sa kanya, ay pinalayas ng masamang babae. Ngayon, mananatili siya sa pamilya Huete, kung saan hindi siya gusto ng kanyang lola, at ang kanyang Daddy ay tila may galit din sa kanya. Lubos nang nag-iisa ang kaniyang pakiramdam. Napabuntong-hininga si Kenneth sa kawalan ng magawa. Kinailangan niyang p
last updateLast Updated : 2025-02-03
Read more

Chapter 128

Maingat na hinaplos ni Evan ang ulo ni Ashton. Nang marinig niya ang bata na banggitin ang dance party na tila malalim ang naging epekto non sa kanya, bahagyang lumalam ang kanyang mga mata.Walang duda, kaya patuloy na nagyayabang si Lindsey ay dahil bilang isang babaeng iniingatan at minamahal ni Kevin, may ilang pribilehiyo siyang taglay na hindi kailanman matatamasa ni Evan.Ngunit agad niyang inisantabi ang lungkot at sumang-ayon sa gusto ng bata."Sige, pero quits na tayo, ah? ‘Wag ka nang magtampo sa akin, please?""They say, to get on someone's good side, you need to appease their stomach. Magaling ka diyan, Vanvan. Hindi na po ako magtatampo kapag busog na ako!" Napangiti si Ashton nang malaki, sabay ikot sa likuran ng wheelchair ni Evan, tila balak siyang tulungan papunta sa kusina.Sa kasamaang-palad, bago pa sila makalayo ng dalawang hakbang, bigla silang hinarang ng isang matayog na bulto ng isang lalaki, si Kenneth."Hindi puwede."Tiningnan ni Kenneth ang dalawa ni Ash
last updateLast Updated : 2025-02-04
Read more

Chapter 129

"Ano pa bang ibang silbi ng itlog ng babae maliban sa paglikha ng buhay?" Kumunot ang noo ni Greg at tinitigan si Kenneth na parang nasisiraan na ng bait. "Sinasabi ko sa'yo Kenneth, kung nagbago na ang isip mo kay Secretary Villaflor at gusto mo nang magkaanak kay Evan, hindi ba't magandang balita 'yon? Bakit ka nagtatago na parang magnanakaw at ayaw mo itong ipaalam sa kaniya?" Matagal na nilang kilala ang isa't isa, at may madilim na nakaraan na rin silang dalawa mga napagdaanan. Pero sa tuwing naaalala ni Greg ang ekspresyon ni Evan noong panahong iyon, malinaw na hindi naman ito ganap na walang nararamdaman para kay Kenneth. Nagsimula nang pagpawisan ang doktor habang nanginginig na nagsabi ng kaniyang opinyon sa usapan ng dalawa. "But Mr. Huete, we need her consent to harvest her egg cells. Labag po sa batas ang gusto niyong ipagawa.” "Sabihin mo na lang ang presyo mo," malamig na sagot ni Kenneth na hindi iniintindi ang sinasabi nito. "Asawa ko siya sa legal n
last updateLast Updated : 2025-02-04
Read more

Chapter 130

Hindi maipaliwanag ni Katelyn kung bakit parang lalabas na ang puso niya sa kaba habang mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Evan. Parang may kung anong pumipigil sa kanyang paghinga.Habang papalapit si Kenneth, panakaw siyang sumulyap kay Evan. Bukod sa halatang kaba, dama rin ang takot sa kanyang mga mata. Gusto na lang niyang mawala sa paningin ng lalaki sa lalong madaling panahon.Ngunit bakit siya ganito?Pinipilit ni Katelyn na intindihin ang nararamdaman, habang hinahaplos ang kanyang sentido dahil sa matinding sakit ng ulo. Pilit niyang inaalala kung kailan niya nakilala si Kenneth.Kung nagkasalubong man sila noon, wala siyang dahilan para matakot sa kanya. Isa siyang anak ng tanyag na Montecarlos family, maimpluwensiya rin ang pamilya nila. Kahit si Kevin, hindi niya dapat kinatatakutan.Pero, posible kayang may nagawa si Kenneth sa kanya? Isang bagay na hindi niya malimutan sa ilalim ng kanyang kamalayan?Kailan at paano nangyari iyon?Tahimik na inobserbahan ni Evan si
last updateLast Updated : 2025-02-04
Read more
PREV
1
...
101112131415
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status