Hindi niya inaasahan na may sagot siyang maririnig, ngunit matapos ang halos limang minutong katahimikan, halos tumalon ang puso ni Chris nang narinig niya ang mahinang boses ni Evan."Salamat."Nagliwanag ang mga mata ni Chris, at tiningnan niya si Evan na may halong pagkabilgla at awa. Sinabi niya ang matagal na niyang iniisip na imbitasyon dito."Evan, pormal ka nang apprentice ng master na ito, at sapat na ang sweldo mo para mabuhay nang maayos. Kung hindi ka masaya dito, gusto mo bang sumama sa akin sa ibang bansa para makita ang mas malawak na mundo doon?"Para bang hindi narinig ni Evan ang kanyang imbitasyon.Tahimik siyang naghintay ng sagot, iniisip na baka mas gusto pa rin nitong manatili sa kinaroroonan niya.Naisip niya na baka paparating na si Kenneth, kaya hindi na siya nangulit pa. Pero bago siya tumalikod, napatigil siya at napatingin kay Evan. Napansin niya na kahit walang pagbabago sa ekspresyon nito, nakita naman niya ang kaunting kilos nitong tango. Tinatanggap n
Itinulak ng kasambahay ang wheelchair ni Evan papunta sa kainan. Pagkapasok pa lang nila sa silid, agad nilang nakita si Ella na nakapulupot kay Kenneth na parang isang ibong sumisilong sa pugad. Nakasuot ito ng puting tube top na bestida, nagpapakita ng malaking parte ng kaniyang balat, at nakabuka nang bahagya ang mapupulang labi habang hinihintay ang pagkaing iaabot sa kanya ng lalaki.Biglang nag-iba ang ekspresyon ng kasambahay, at nagpalitan sila ng tingin ng mayordoma ng bahay. Wala silang magawa kundi ilagay si Evan sa puwestong medyo malayo sa dalawa.Para kay Evan, ang peke at mapagkunwaring galaw ni Ella sa harap ni Kenneth ay mas angkop tawaging "pagpapapansin ng alagang hayop" kaysa pagmamahal ng isang kasintahan.Paano nga ba siya dumating sa puntong kailangang makipaglaban sa atensyon ng isang lalaki na hindi na niya mahal laban sa isang "alagang hayop"? Ngunit ang masaklap lang ay ang katotohanang kaya niyang balewalain si Ella, pero ang huli, kusang naghanap ng para
Para kay Cheska, ang mga salitang iyon ay parang pinakamalupit na panunuya sa tanang buhay niya.Sanay kasi siyang maging sentro ng atensyon ng lahat. Hindi pa niya naranasan ang ganitong pangbabalewala sa kaniya, lalo pa ng daddy niya. At sa isip niya, si Evan ang may kagagawan ng lahat ng ito. Tahimik niyang pinigilan ang galit, mahigpit na ikinuyom ang kanyang mga kamao, at mabilis na tumakbo patungo sa kwarto ng kanyang ama.Sa likod niya ay pinanood siya ni Ella na may madilim na ekspresyon sa mukha, bago dahan-dahang sumunod sa bata.Sa loob naman ng kwarto ay itinulak ni Kenneth si Evan sa kama at agad itong pinatungan.“Evan, ano ba takaga ang gusto mo?" Nang makita ang gwapong mukha nitong napakalapit sa kanya, biglang bumigat ang pakiramdam ni Evan. Pakiramdam niya'y sobrang pagod na siya. Tumingin siya sa kisame, iniiwasan ang tingin ni Kenneth, saka malamig na sinabi, “Pakawalan mo ako." Pinangako na ng kanyang lola na ibibigay ang kalayaan niya, kaya aalis na siya kasa
Ngunit si Kenneth ay nakatitig kay Ella nang may mabibigat na kilay. Ang kanyang mga mata ay hindi nagpapakita ng awa o pagmamahal, kundi puno ng pagkainis. Sa kawalan ng pag-asa, bahagyang ngumiti si Ella, humakbang nang paatras na parang isang dahon sa hangin, at mabilis na tumakbo palabas ng silid. Nawala na sa isip niya ang anak kaya iniwan niya ang umiiyak na si Cheska doon. "Daddy, ang sakit-sakit po..." mahina nang umiiyak si Cheska, tumutulo ang mga luha sa kanyang pisngi. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Hindi niya magamit ang tamang mga salita upang ipahayag ang kanyang sakit. Ang tanging alam lang niya ngayon ay si Aunt Ella, na siyang laging nagmamahal sa kanya, ay pinalayas ng masamang babae. Ngayon, mananatili siya sa pamilya Huete, kung saan hindi siya gusto ng kanyang lola, at ang kanyang Daddy ay tila may galit din sa kanya. Lubos nang nag-iisa ang kaniyang pakiramdam. Napabuntong-hininga si Kenneth sa kawalan ng magawa. Kinailangan niyang p
Maingat na hinaplos ni Evan ang ulo ni Ashton. Nang marinig niya ang bata na banggitin ang dance party na tila malalim ang naging epekto non sa kanya, bahagyang lumalam ang kanyang mga mata.Walang duda, kaya patuloy na nagyayabang si Lindsey ay dahil bilang isang babaeng iniingatan at minamahal ni Kevin, may ilang pribilehiyo siyang taglay na hindi kailanman matatamasa ni Evan.Ngunit agad niyang inisantabi ang lungkot at sumang-ayon sa gusto ng bata."Sige, pero quits na tayo, ah? ‘Wag ka nang magtampo sa akin, please?""They say, to get on someone's good side, you need to appease their stomach. Magaling ka diyan, Vanvan. Hindi na po ako magtatampo kapag busog na ako!" Napangiti si Ashton nang malaki, sabay ikot sa likuran ng wheelchair ni Evan, tila balak siyang tulungan papunta sa kusina.Sa kasamaang-palad, bago pa sila makalayo ng dalawang hakbang, bigla silang hinarang ng isang matayog na bulto ng isang lalaki, si Kenneth."Hindi puwede."Tiningnan ni Kenneth ang dalawa ni Ash
"Ano pa bang ibang silbi ng itlog ng babae maliban sa paglikha ng buhay?" Kumunot ang noo ni Greg at tinitigan si Kenneth na parang nasisiraan na ng bait. "Sinasabi ko sa'yo Kenneth, kung nagbago na ang isip mo kay Secretary Villaflor at gusto mo nang magkaanak kay Evan, hindi ba't magandang balita 'yon? Bakit ka nagtatago na parang magnanakaw at ayaw mo itong ipaalam sa kaniya?" Matagal na nilang kilala ang isa't isa, at may madilim na nakaraan na rin silang dalawa mga napagdaanan. Pero sa tuwing naaalala ni Greg ang ekspresyon ni Evan noong panahong iyon, malinaw na hindi naman ito ganap na walang nararamdaman para kay Kenneth. Nagsimula nang pagpawisan ang doktor habang nanginginig na nagsabi ng kaniyang opinyon sa usapan ng dalawa. "But Mr. Huete, we need her consent to harvest her egg cells. Labag po sa batas ang gusto niyong ipagawa.” "Sabihin mo na lang ang presyo mo," malamig na sagot ni Kenneth na hindi iniintindi ang sinasabi nito. "Asawa ko siya sa legal n
Hindi maipaliwanag ni Katelyn kung bakit parang lalabas na ang puso niya sa kaba habang mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Evan. Parang may kung anong pumipigil sa kanyang paghinga.Habang papalapit si Kenneth, panakaw siyang sumulyap kay Evan. Bukod sa halatang kaba, dama rin ang takot sa kanyang mga mata. Gusto na lang niyang mawala sa paningin ng lalaki sa lalong madaling panahon.Ngunit bakit siya ganito?Pinipilit ni Katelyn na intindihin ang nararamdaman, habang hinahaplos ang kanyang sentido dahil sa matinding sakit ng ulo. Pilit niyang inaalala kung kailan niya nakilala si Kenneth.Kung nagkasalubong man sila noon, wala siyang dahilan para matakot sa kanya. Isa siyang anak ng tanyag na Montecarlos family, maimpluwensiya rin ang pamilya nila. Kahit si Kevin, hindi niya dapat kinatatakutan.Pero, posible kayang may nagawa si Kenneth sa kanya? Isang bagay na hindi niya malimutan sa ilalim ng kanyang kamalayan?Kailan at paano nangyari iyon?Tahimik na inobserbahan ni Evan si
"I don't care if Grandma agrees. This is my marriage that we're talking about!” “You mean, "our” marriage? Na simula ng mapirmahan mo ang papel ay binabasura mo lang?" Bahagyang sumakit ang dibdib ni Kenneth sa sinabi ng babae. Ngumisi siya nang malamig at mariing sinabi, "Evan, ako ang asawa mo, at ako lamang ang may karapatang magdesisyon sa kalayaan mo. Tandaan mo 'yan." Biglang nanlaki ang mga mata ni Evan, at bumalot sa puso niya ang apoy ng galit na kailanman ay hindi na yata matutupok. Tinitigan niya si Kenneth nang hindi makapaniwala. "Ni hindi mo man lang iginagalang ang salita ni Lola?" Ito na lang ang huling pag-asa niya. Nang itanong niya iyon, ang boses at ekspresyon niya’y sobrang babasagin, tila kaunting hangin na lang ay mababasag na siya. Napatigil si Kenneth sa pagkabigla, ngunit pagkatapos pag-isipan muli ang kalagayan ni Evan, malamig siyang ngumiti nang mas malalim at marahas na binalewala ang mga pakiusap nito. "Siyempre iginagalang ko si Lola. Pero, Ev
Kung tutuusin, sa galing ni Lindsey sa pagpapanggap at panlilinlang, kahit pa hindi totoo, kaya niyang magkunwaring mahal si Ashton sa harap ng tiyuhin nito.Pero sa lahat ng nakita, mukhang alinman sa dalawa ang totoo—kulang ang effort ni Lindsey sa pagpapanggap, o masyadong matalino si Ashton para malinlang. Sa isang sulyap pa lang, parang nababasa na niya ang lahat ng kilos ni Lindsey.Napatingin si Evan sa malungkot na ekspresyon ni Ashton—isang lungkot na hindi niya sinasadya pero hindi niya rin kayang itago. Naramdaman niya ang awa sa bata, pero alam niyang wala siyang karapatang husgahan si Lindsey. Ang tanging magagawa niya lang ay sikaping mapasaya si Ashton sa bawat pagkakataon na kasama niya ito.Walang ibang paraan. Matagal siyang nag-alinlangan habang hawak ang cellphone, pero sa huli ay pinindot niya ang numero ng kanyang tiyuhin.“Evan,” bati ni Kevin nang sagutin ang tawag.“Tito,” mahinahon niyang sagot. “Kasama ko si Ashton. Gusto niyang maglaro sa bahay ninyo. Pwede
Kinagabihan, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Ashton—pinapapunta siya sa school para sunduin ito.Na-miss na rin niya ang bata, at kahit sandali siyang nagdalawang-isip, hindi niya rin kayang tanggihan ang hiling nito.Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa isipan niya ang nangyari noong huli siyang pumunta sa school—pati ang hapdi ng paso sa likod ng kanyang kamay, hindi pa rin niya malimutan.Kahit pa pilitin niyang kumbinsihin ang sarili na si Lindsey ay kasintahan ng kanyang tiyuhin at wala na siyang dapat ipaglaban, iba pa rin ‘yung sakit. Hindi porket hindi siya nagsalita ay hindi na siya nasaktan."Evan,, anong iniisip mo at parang ang lungkot mo?" tanong ni Christopher habang lumalapit, hawak ang isang tasa ng kape. Umupo siya sa tabi ni Evan at sinimulang ikwento ang mga plano niya para sa studio.Epektibo ang paraan niya—agad nawala sa isip ni Evan ang iniisip niya at masaya siyang nakisali sa pag-uusap."Sige, ayusin mo 'yang mga ideya, tapos i-email mo agad sa tito mo. Sigu
Para sa Driver ni Kenneth, ang pagging tahimik niya ay natural lamang sa kaniya. Matagal niyang tinitigan ang bihirang ngiti ni Evan—parang uhaw na uhaw siyang titigan ito, at habang lumilipas ang bawat segundo, lalo lamang tumitindi ang pagnanasa niyang angkinin ang babaeng nasa harap niya. Pero kahit ganoon, hindi siya nangahas na pilitin ito muli.“Evan, akin ka.”Mahinahon man ang pagkakabitaw niya ng mga salitang iyon, naroon ang lalim ng pananakot sa likod ng kanyang malamlam at maitim na mga mata. Bawat salita ay tila pahayag ng pag-aangkin.Hindi siya pinahiya ni Evan. Bagkus, bahagya pa niyang itinaas ang kanyang mukha, pinanatili ang mahinang ngiti sa mga labi. Ngunit hindi ito umabot sa kanyang mga mata. Sa ilalim ng ngiting iyon, may halong lamig at hinanakit.Pagkatapos, inalis niya ang tingin mula kay Kenneth, dahan-dahang isinara ang pinto ng sasakyan, saka tahimik na inutusan ang driver. “Tayo na.”Alangan ang driver. Sa pamamagitan ng rearview mirror, sinulyapan niya
Nag-reach out ang housekeeper mula sa lumang bahay ni Evan, at sinabi na nais siyang makita ng matandang babae.Wala nang magawa si Evan kundi hilingin kay Christopher na magsimula ng pansin mula sa mga reporters. Nagbago siya ng itsura at tumakas sa likod ng pinto.Pagdating sa lumang bahay ng Huete, bumukas ang mga ukit na pintuan. Paglabas ni Evan mula sa sasakyan, naglakad siya at aksidenteng nakasalubong si Stephanie na nakasuot ng matingkad na damit.Hindi na pinansin ni Evan ang dating ina-inahan. Nakataas ang kanyang ulo, dumaan siya nang mataas ang tingin."Evan, ako pa naman ang iyong mother-in-law. Hindi mo man lang ba ako babatiin?" Nang makita siya ni Stephanie, muling lumamig ang kanyang mukha. Hinadlangan siya nito at may poot sa mata, "Huwag ka munang maglakad, may sasabihin ako sa'yo."Hindi pinansin ni Evan ang kanyang pang-aasar, tinitigan siya ng malamig at naglakad palayo.Paano naman si Stephanie? Hindi niya palalagpasin ang ganitong pagtingin ni Evan. Tumayo siy
“Miss Evan, paano mo nagawa iyon?"Wala nang kaalaman si Evan na nagawa niya iyon dahil sa kanyang bentahe sa kasarian, at inisip na ang pato na may pinit na rice wine ang totoong may sala. "Siguro, swerte lang ako. Tungkol sa proseso, hindi mo na kailangang sabihin sa tito ko. Pakiusap na lang, ipasubok mo sa kanya. Kung hindi gumana, mag-iisip ako ng ibang paraan."Pinatol ni Jaxon ang tawag at tinitigan ang misteryosong mata ng presidente ng Huete Group sa likod ng desk habang nakanganga ang ulo.Ayaw ng Master na malaman ni Evan na siya'y seryosong nasugatan dahil sa kanya, at hindi rin gusto ni Miss Evan na malaman ng Master na humingi siya ng tulong medikal para sa kanya, at siya'y isang maliit na tao lang. Nasa gitna siya ng lahat at natatakot na baka isang araw, mamatay siya nang hindi buo ang katawan.Nilulon ni Jaxon ang laway sa takot at mabilis na nagsabi: "Master, si Miss Evan ang tumawag. Tinutukoy niya ang mga maliliit na bagay sa studio. By the way, narinig ko lang na
Napatitig siya rito, saka tumango. "Simula Sabado, sumama ka sa akin sa Emerald Welfare Home."Ang hiling na
Makalipas ang tatlong oras, dumating si Evan sa isang lumang bahay at kumatok sa pinto nito. Ang pintura sa kahoy ay luma at natutuklap na.May narinig siyang mga yapak sa loob bago bumukas ang pinto. Ngunit imbes na ang matandang lalaki ang sumalubong sa kanya, ang lalaking matagal nang may ayaw sa kanya ang nasa harapan niya.Nabigla ito nang makita siya."Ano’ng nangyari sa’yo?"Alam ni Evan kung bakit siya nagulat kaya ngumiti lang siya at hindi ito pinansin. Inalis niya ang kanyang sunglasses, saka lumampas sa lalaki papunta sa hardin kung saan ang matandang lalaki ay abala sa pag-aalaga ng mga bulaklak at paglalaro sa kanyang aso."Lolo, magluluto ka ba ulit ng fermented duck ngayon?"Nagulat ang matanda. Hindi niya inaasahan na tutuparin pa rin ni Evan ang kanyang pangako sa kabila ng gulong kinasasangkutan nito."Hindi. Bumili ako ng dalawang igat kanina, nasa kusina. Manood ka na lang habang niluluto ko."Tahimik na napangiti ang matanda. Habang pinagmamasdan ang lalaking nas
Nang makita ng ilang malalaking lokal na brand ang isang makapangyarihang katunggali na biglang lumitaw, hindi na sila mapakali. Nagpadala sila ng mga bayarang tao upang siraan si Yeyan online, ngunit halos walang naging epekto ang kanilang paninira.Sa gitna ng pag-atake ng mga pekeng accounts, maraming netizens ang hindi nagpatinag at agad na nagbigay ng kanilang opinyon."Pakiusap naman, ‘yan ang brand na paborito mismo ng presidente ng Huete Corporation! Kung hindi mo gusto, baka ikaw ang may pangit na panlasa. Isipin mo na lang, kakaunti lang ang katulad ni Kevin—mayaman, gwapo, at maganda ang pangangatawan. Normal lang kung hindi mo kayang sabayan ang taste niya, pero maling mali na siraan mo ito ng walang basehan.""Sa estado at yaman ni Mr. Huete, sa tingin mo ba kailangan pa niyang kumuha ng endorsement gaya ng mga artista at magbenta ng produktong hindi niya ginagamit? Bukod pa roon, parang sadyang ginawa para sa kanya ang hikaw—napakaganda ng disenyo at pulido ang pagkakagaw
Nakatingin si Evan kay Kenneth na nasa ilang metro ang layo mula sa kanya. Matagal na silang magkakilala, pero ngayon lang niya nakita si Kenneth na ganito kapuruhan ang itsura.Kung limang taon na ang nakalipas, marahil ay naawa pa siya rito.Pero ngayon, ang lalaking minsan niyang minahal ay nasa harapan na niya — sobrang lapit na halos mahawakan niya ito — ngunit sa puso niya'y wala nang nararamdamang iba kundi kapaitan.Hindi niya alam kung bakit nagpapaka-drama si Kenneth, pero batay sa pagkakakilala niya rito, hinding-hindi ito basta-basta susuko.Ibinaba niya ang tingin, saka ibinulsa ang susi ng kotse sa bulsa ni Kevin. Mahina niyang sinabi, "Uncle, mauna ka na. Ako na'ng bahala rito."Itinaas ni Kevin ang kanyang makakapal na kilay at tiningnan si Evan — walang sinabi, pero malinaw na nag-aalala.Sa ilalim ng ilaw ng kalye, litaw na litaw ang payat na pigura ni Evan — parang abo pagkatapos ng apoy na nagliyab.Hindi kalayuan, mahigpit na nakasara ang kamao ni Kenneth — nangin