All Chapters of The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle: Chapter 131 - Chapter 140

147 Chapters

Chapter 131

"I don't care if Grandma agrees. This is my marriage that we're talking about!” “You mean, "our” marriage? Na simula ng mapirmahan mo ang papel ay binabasura mo lang?" Bahagyang sumakit ang dibdib ni Kenneth sa sinabi ng babae. Ngumisi siya nang malamig at mariing sinabi, "Evan, ako ang asawa mo, at ako lamang ang may karapatang magdesisyon sa kalayaan mo. Tandaan mo 'yan." Biglang nanlaki ang mga mata ni Evan, at bumalot sa puso niya ang apoy ng galit na kailanman ay hindi na yata matutupok. Tinitigan niya si Kenneth nang hindi makapaniwala. "Ni hindi mo man lang iginagalang ang salita ni Lola?" Ito na lang ang huling pag-asa niya. Nang itanong niya iyon, ang boses at ekspresyon niya’y sobrang babasagin, tila kaunting hangin na lang ay mababasag na siya. Napatigil si Kenneth sa pagkabigla, ngunit pagkatapos pag-isipan muli ang kalagayan ni Evan, malamig siyang ngumiti nang mas malalim at marahas na binalewala ang mga pakiusap nito. "Siyempre iginagalang ko si Lola. Pero, Ev
last updateLast Updated : 2025-02-04
Read more

Chapter 132

"Lola ko..." Bahagyang natigilan si Evan. Ang huli niyang alaala ay nasa ospital siya, kaya't sandaling naguluhan ang kanyang isip. "Oo, ako ito, si Lola." Lalong nagliwanag ang mukha ng matanda sa tuwa. Bahagyang umayos ang kanyang baluktot na katawan at mabilis na kinamusta ang apo. "Mukhang epektibo talaga ang inhibitor na ito, pero hindi pa ito nagtatagal. Kakailanganin pa ng isang buwan bago ka tuluyang gumaling." Dahan-dahang nagningning ang mga mata ni Evan nang maunawaan ang sinabi ng matanda. Ngunit ang naramdaman niya ay hindi ginhawa kundi kirot at takot. Sa mga nagdaang araw, pira-piraso ang kanyang alaala. Minsan ay malinaw, minsan ay nawawala. Sa ganitong paraan lamang niya nagagawang pilitin ang sarili na manatili sa ilalim ng iisang bubong kasama si Kenneth. Ngayon na bumalik na ang kanyang normal na pag-iisip, alam niyang mahihirapan na siyang itago ang galit na nadarama niya para kay Kenneth. Naalala niya ang malupit na mga salita ng lalaki noong nasa ospit
last updateLast Updated : 2025-02-05
Read more

Chapter 133

Tumayo si Evan at kinuha ang isang manipis na kumot. Saka niya maingat na tinakpan ang matanda. Tahimik siyang nakinig sa huling dalawang bilin ng kanyang lola."Si Sophie ay ang aking butihing pamangkin, isa siyang nurse sa estados unidos pero nagbakasyon siya dito sa Pilipinas kaya naman labis ang tuwa ko nang sabihin niyang tutulungan ka niya. Mananatili siya rito hanggang sa ganap kang gumaling. Kung nababagot ka sa bahay, ayos lang na lumabas kasama siya. Huwag kang mag-alala, hindi siya magsusumbong kay Kenneth."Sa labas ng pinto, matagal nang naghihintay si Kenneth kasama ang butler.Nakatitig siya sa mabigat at detalyadong pintuan, nakakunot ang noo, at unti-unting lumalalim ang hinala sa kanyang isipan.Kung talagang wala sa tamang pag-iisip si Evan, ano pa ang dahilan para panatilihin siya ng matanda sa loob nang ganito katagal?Maya-maya, bumukas ang pinto at lumabas si Evan na walang ekspresyon ang mukha.Sabay na lumapit sina Kenneth at ang butler, pero magkaiba ang kani
last updateLast Updated : 2025-02-05
Read more

Chapter 134

Dahan-dahang pinikit ni Kenneth ang kanyang mga mata, hinayaan si Ella na magpakapagod sa pagsuyo sa kanya. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o ano sa mga ginagawang pang-aakit nito.Sa kung anong dahilan, sigurado siyang wala namang problema sa kanyang katawan, pero tila wala na siyang interes sa mga ganitong bagay.Siguro nga, ang mga bagay na hindi mo makuha ang siyang pinakamaganda. Habang tinitingnan niya ang mukha ni Ella, na halos kamukha ni Evan, hindi niya maiwasang bumalik sa alaala ng huli.Sa loob ng isang buwang ito, paulit-ulit niyang binalikan ang lahat ng ginawa niya simula nang makalaya si Evan mula sa kulungan.Pakiramdam niya, nanatili sa limang taon na ang nakalipas ang alaala niya tungkol dito. Kung saan-saan na siya dinadala ng pag-alala sa nakaraang lumipas dahil hindi niya matanggap ang kasalukuyang galit at malamig na pagtrato sa kanya ni Evan.Lalo na noong inalok niya itong magpakasal, handa na siya noong mabuti. Puring-puri na niya ang pag-arte dahil
last updateLast Updated : 2025-02-05
Read more

Chapter 135

Hindi nagtagal, napansin niyang may ibang pakay ang kausap niya. Totoo na gumagawa siya ng mga alahas na may kinalaman sa pag-ibig at romance, pero sa lahat ng tao, siya ang pinaka-hindi naniniwala sa pag-ibig at kaligayahan. "Evan, parang wala ka sa sarili," sabi ni Reese, na agad napansin ang kanyang pagiging malayo ang tingin. Ibababa na sana nito ang hawak na tablet nang humigop muna ng kape, at saka siya tinitigan nang seryoso. "Kung may bumabagabag sa'yo, puwede mong sabihin sa akin. Baka matulungan kita." "Salamat, pero—" Hindi pa man natatapos ang pagtanggi ni Evan, bigla nang nawalan ng pasensya si Reese sa mabagal na paraang ginagamit niya sa panliligaw. Kaya't buong tapang niyang hinawakan ang kamay nito sa mesa, at bahagyang namumula pa ang mukha bago mahinang nagsalita. "Evan, dahil wala ka namang kasintahan, maaari mo ba akong bigyan ng pagkakataon? Can I court you?" Natigilan si Evan. Noong una, inakala niyang ang kasal nila ni Kenneth ay pawang peke lamang
last updateLast Updated : 2025-02-06
Read more

Chapter 136

Para bang hindi lang isang simpleng mensahe ang natanggap ni Evan. Sa kanyang isipan, parang kusa itong umuukit sa kaniyang utak kahit hindi niya ito pakatandaan.Sa kanyang mga bangungot, sa mga sakit at pang-aabusong dinanas niya, palaging may isang lalaking may matang parang daga na nagsasalita sa kakila-kilabot na tono. Ang boses nito ay may kumpiyansa, tila siya na ang pinakamagaling sa mundo. Ang mga salita naman ay parang latay ng sinturon na nakatatak na sa kanyang isip, at kahit anong gawin niya, hindi niya ito matanggal.Biglang nanliit ang kanyang mga mata, nanginginig na tinitigan ang text message sa loob ng ilang segundo bago agad pinindot ang dial button gamit ang nanginginig niyang mga kamay.Kahit sigurado siyang si Mata ang nagpadala ng mensahe, gusto niya pa ring marinig mismo ang boses nito para makumpirma."The subscriber cannot be reached. Please try your call later."Sa tunog ng abalang linya, ibinalik niya ang tingin sa text message at muling pinagmasdan ang pan
last updateLast Updated : 2025-02-07
Read more

Chapter 137

"Ako pa ang naninira sa kanya? 'Wag mo akong patawanin, Kenneth. Alam kong alam mo kung anong mga kayang gawin ni Ella. Nagbubulagbulagan ka lang."Muling tumawa si Evan. Humakbang siya ng isang beses para mas malayo niya ang kanyang katawan niya sa isang hayop na nagkatawang tao. Nanginginig pa ang kanyang mga balikat dahil sa matinding emosyon. Isang ideya ang biglang pumasok sa kanyang isipan, kaya walang pag-aalinlangang sinabi niya ang laman ng kaniyang isipan. "Kenneth, kaya mo bang subukan natin siya?"Alam niyang imposibleng patunayan na may kinalaman si Ella sa pagdukot gamit lang ang isang text message.Pero kung mapipilit niya itong umamin mismo, mas magiging madali ang lahat."Ano ang balak mo?" Taas-noo si Kenneth habang tinitigan siya. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, bigla siyang nagbago ng isip at ngumiti. "Okay, sige, pero may kapalit."Kailanman ay hindi nag-atubili si Kenneth na ipakita ang kanyang malupit na ugali sa harapan ni Evan. Kaya naman sinulyapan s
last updateLast Updated : 2025-02-07
Read more

Chapter 138

Gusto kitang patayin. Hulaan mo na lang kung ano ang gusto kong inumin."Habang nakatayo sa sala ay nilibot ni Evan ang paningin sa buong paligid. Mukhang napakahalaga ng tirahang ito kay Ella. Ang mainit na estilo ng probinsya ay nagbigay ng pakiramdam ng tahanan. Bagama’t hindi ito kasing engrande ng mansyon ng pamilya Huete, malinis at maaliwalas naman ito, eksaktong akma sa imahe ni Ella sa iba bilang isang banal na bulaklak.Ngumiti lamang si Ella, kunwaring hindi niya narinig ang sinabi ni Evan.Pumunta siya sa kusina at nagdala ng itim na tsaa. Kasabay nito, kinuha rin niya ang isang kutsilyong kumikislap sa lamig ng bakal at umupo sa sofa upang magbalat ng mansanas. Napatingin siya sa kanyang suot at agad na ibinaba ang kutsilyo, saka napangiti nang may kahihiyan. "Pasensya na, hindi ko alam na ikaw pala ang dumating. Akala ko kasi siya... Magpapalit lang muna ako ng damit. Alam mo na, medyo revealing lang itong suot ko."Sa sinabi niyang iyon, napansin ni Evan ang suot ni E
last updateLast Updated : 2025-02-08
Read more

Chapter 139

Alas dos y media ng hapon, dumating si Evan sa opisina ng presidente tulad ng napagkasunduan.Hindi nakalubog sa trabaho si Kevin tulad ng dati. Sa halip, nakaupo siya malapit sa mga halamang nasa sulok ng opisina. Ang kanyang itim na manggas ay nakatupi hanggang siko habang tahimik siyang gumagawa ng sariwang tsaa.Isang lang namang gwapong lalaki na nakatuon ang pansin sa ginagawa ang tanawin ni Evan ngayon.Hindi tuloy madaling alisin ang tingin niya sa lalaki. Mayroon itong kakaibang aura ng katahimikan at katiwasayan.Nang ilang beses nang mag-alinlangan si Evan na basagin ang katahimikang iyon, mas pinili niyang manatili sa may pintonhabang tahimik siyang nagmamasid kung kailan mapapansin ni Kevin ang pagdating niya.Hindi na niya matandaan kung gaano katagal mula noong huling beses na nakita niya ito. Ang singkit nitong mga mata ay katulad pa rin ng dati, kahit anong oras ito tumingin sa isang tao, laging may nagbabadyang lamig at matinding emosyon.Isang titig pa lang, sapat n
last updateLast Updated : 2025-02-08
Read more

Chapter 140

Samatanla, makalipas ang kalahating oras matapos umalis si Evan, dumating si Kenneth sa bahay ni Ella na hindi mapakali ang pakiramdam.Bago pa man niya maikatok ang kamay sa pinto, kusa n itong bumukas nang marahan. Kaya naman, lalo pang lumakas ang hindi magandang kutob niya."Ella!"Mabilis siyang pumasok sa sala, sinipat ang paligid, at tumutok ang tingin niya sa dalawang baso ng tsaa sa lamesa, hindi pa nahuhugasan.Mukhang dumalaw nga rito si Evan, at ipinaghanda pa siya ng tsaa ni Ella.Sa gitna ng katahimikan, may narinig siyang mahinang tunog ng tubig.Napalingon siya sa direksyon ng kwarto ni Ella at agad na naglakad papasok.Bukas nang kaunti ang pinto ng banyo. Sa sahig, may mga bahid ng tubig na dumadaloy, halo ng malinaw na likido at isang matingkad na pulang anino.Nang mapansin ito ni Kenneth, parang may biglang malaking kamay na biglang pumigil sa kanyang paghinga.Lumaki ang kanyang mga mata, saka mabilis na binuksan ang pinto at sumugod papunta sa bathtub.Sa loob n
last updateLast Updated : 2025-02-08
Read more
PREV
1
...
101112131415
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status