All Chapters of The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle: Chapter 101 - Chapter 110

147 Chapters

Chapter 101

Mabilis at simple lang ang ginawa ni Cristopher pero masama ang kutob niya dahil sa tuso nitong pamamaraan. Halos hindi makapaniwala si Evan sa nangyari. Napatigil siya at parang nasamid, na para bang may masamang pangitain at hindi maganda ang magiging bunga ng halik kanina. Galit niyang sinumbatan si Chris. "Hindi na natin pag-uusapan kung maganda ba ang paraang ito o hindi, pero sana man lang sinabi mo muna sa akin para nakapaghanda ako nang maayos!" "Sandali lang." Galit ding sumagot si Chris, bahagyang yumuko papalapit kay Evan, itinuro ang kanyang mukha na parang ipinagmamalak. "Nakakalimutan mo yata kung sino ba ako. Ako si Chris, ang kilalang jewelry master. Napakaraming sikat na babae ang humihiling na mahalikan ko sila, pero binalewala ko lahat 'yon. Ikaw pa, na mas mababa kaysa sa mga iyon, ang nangangahas na insultuhin ang guro mo?" "Oo na, ikaw na ang pinakamagandang lalaki, okay?" Napilitang tumugon si Evan, iniunat ang isang daliri at marahang itinulak a
last updateLast Updated : 2025-01-25
Read more

Chapter 102

Iba-iba ang naging reaksyon ng tatlong taong natitira sa hapag sa pagpapakitang iyon ng malasakit ni Evan sa kaniyag guro. Una, si Chris ay nagpasalamat at kinuha ang mga rosas mula sa vase sa dining table. Ibinigay niya ito kay Evan habang nakangiti, na nagpapakita ng kasiyahan sa kanya. Sumunod, si Lindsey ay bahagyang ngumiti at mabagal na nagsalita, may bahid ng pahiwatig sa kanyang tono. "Talaga namang maalaga si Miss Villaflor. Hindi ko na kailangang mag-alala tungkol sa kapatid ko kung ikaw ang kasama niya, hindi ba, Kevin?" Tumango si Kevin ng bahagya habang may ngiti sa labi, at ang mga mata niya ay patuloy na nakatutok kay Evan, pinapanood ang munting interaksiyon nila ni Chris. Hindi nagtagal, inihain na ang mga pagkain, at isa sa mga ito ay ang nilutong hipon na inilagay sa gitna ng mesa. Pumunta si Evan at nagsuot ng disposable gloves tulad ng dati, at saka lang niya napansin na wala ni isa mang tumulong sa kanya hanggang sa magbalat siya ng hipon. Sa isang
last updateLast Updated : 2025-01-25
Read more

Chapter 103

Sinabi niya na wala siyang pakialam kung bumalik man si Cheska o hindi, pero hindi niya inakala na seseryosohin ni Kenneth ang pahintulot at kalayaan niyang binigay dito para gawin ang kung ano mang nanaisin. Sineryoso nga nito iyon nang husto na pati si Ella ay nakapasok din sa bahay.Ito na ang tapat na paraan ni Kenneth ng paghingi ng tawad? Bakit nga ba aasa pa siyang magbabago ito?Habang patuloy ang malalakas na sigaw ni Cheska, maririnig rin ang ang mga yabag ng hindi iisa mula sa pasilyo.Naunang pumasok si Kenneth. Mabilis siyang lumapit sa kama at tiningnan si Cheska. Nang makumpirmang kapritso lang ang ipinapakita ng bata dahil wala naman itong galos o ano, at mukhang wala namang sumasakit sa kahit saang parte ng katawan, dumilim ang mukha niya Diretso niya itong pinagalitan. "Stop throwing your tantrums, Cheska. It's already dark outside, can't you see that? Paano makakapagpahinga ang iba sa bahay kung ganyan kang sisigaw sa dis-oras ng gabi?""No! I didn't mean to!!" s
last updateLast Updated : 2025-01-26
Read more

Chapter 104

Tinitigan ni Evan si Kenneth na parang hindi makapaniwala. Matagal siyang nanatiling tahimik bago tuluyang tumawa nang mapait, nanginginig ang kanyang mga balikat sa labis na pagtawa ng sarkasmo. "Kenneth, kung pinatay ko ang mga magulang mo at sinira ang buhay mo, maiintindihan ko pa kung bakit mo ako tinatrato nang ganito, pero wala akong ginawang masama sa'yo ah? Ang tanging naging kasalanan ko lang ay nang mahalin kita, at binayaran ko na iyon ng pinakamabigat at pinakamasakit na kaparusahan sa buhay ko. Kailan ba tuluyang matatapos ‘yang utang ko sa'yo na hindi naman nag-eexist?” “P-Paano mo nasisikmurang pahirapan ako nang ganito?" Hindi agad nakasagot si Kenneth. Nang magsalita siya, halatang may halong sakit ang kanyang boses. "Evan, all I want from you is to love me again. That's it, so please." "Imbes na hilingin mong mahalin kita ulit, mas mabuti pang patayin mo na lang ako." Tumawa si Evan na parang nawawala sa katinuan, habang ang dugo sa kanyang noo ay nagpapalabo
last updateLast Updated : 2025-01-27
Read more

Chapter 105

Kung ibang babae lang ang nasa kalagayan niya, siguradong nag-iiyak na ito o nagrereklamo dahil sa sakit. Pero si Evan, parang wala lang. Nag-alinlangan pa siyang humingi ng tulong, bagay na lalo pang nagpatindi ng lungkot na nararamdaman ni Chris habang tinitingnan siya.Kahit madalas silang magkausap sa internet bago siya pumunta ng Pilipinas, iba pa rin talaga ang makita si Evan nang harapan. Higit pala itong nakakaantig kaysa sa inaasahan niya.Kung magpapatuloy ito, hindi sigurado si Chris kung makakayanan niyang tuparin ang hiling ni Lindsey.HIndi nagtagal, bumalik si Chris bitbit ang medicine box.Alam ni Evan na mukhang kaawa-awa ang itsura niya ngayon, kaya mabilis siyang kumuha ng basang tuwalya at nilinis ang paligid ng kanyang sugat. Umaasa siyang kahit papaano, hindi siya magiging nakakadiri sa paningin ng lalaki.Habang mabilis niyang pinupunasan ang sugat, naramdaman niyang hinawakan ni Chris ang kanyang pulso. Mahinahon ngunit mahigpit ang hawak nito, saka inagaw ang
last updateLast Updated : 2025-01-27
Read more

Chapter 106

"Pero gusto kong kumain kasama ka."Parang magic na lumabas mula sa likuran ni Chris ang isa pang mangkok ng mainit na noodles. Kumuha siya ng upuan at umupo sa harap ng mesa. Tinikman niya ang noodles gamit ang kutsara at ngumiti."Ako na talaga ang perpektong lalaki sa mundo. Kaya kong magluto ng ganito kasarap kahit sandali ko lang tinignan ang recipe."Napaisip si Evan, at di napigilang magtanong, "Kakaluto mo lang ba nito?""Siyempre. Hanga ka na ba?" Tinaasan siya ng kilay ni Chris at tinitigan siya, "Alam mo, ako na ang sunod na maghahawak ng mana ng pamilya Greece, isa pa rin akong tunay na ginoo. Kung araw-araw kailangan ko pang gumawa ng ganitong maliliit na bagay, paano pa ako magiging pinakabatang master sa industriya ng jewelry design?"Ibig sabihin…Natigilan si Evan at napatingin sa mangkok ng noodles na mukhang napakatakam-takam. Hindi siya sigurado kung sadyang natutunan iyon ni Chris para lang sa kanya.Nang makita niyang hindi ito masyadong naantig si Evan, napasi
last updateLast Updated : 2025-01-27
Read more

Chapter 107

Mukhang nahulaan ng batang babae ang nais niyang gawin dahil nagawa agad nitong harangan ang daraanan niya. Saka, tusong tinuro ang gwapong lalaki na sumusunod sa kanya, sabay sabi nito ng seryoso. "Dapat ikaw na lang ang sumama sa parents' dance kasama ang gwapong daddy ni Ashton. You are so childish if you go to our dance party when it is only for kids of our age." Para bang ang tanging solusyon para hindi siya guluhin ng batang babae ay summa siya kay Kevin? Dahil nahulog sa nakakahiyang sitwasyon, hindi na kayang tumingin ni Evan sa ekspresyon ng lalaki at pilit na iniiwas ang kamay niya dito. Subalit, sa pagkakataong ito, hindi siya hinayaang makawala ni Kevin. "Mr. Huete." Nahiya at naiirita siya, kaya't lihim niyang pinigilan ang sarili, umaasang makawala siya sa mga kamay ni Kevin. "What's wrong?" Tanong ng lalaki, na may knowing look habang tinititigan siya mula sa taas. Ang tinig nito ay may kakaibang pang-aakit na hatid sa kaniya, kasabay noon ay ang mahina
last updateLast Updated : 2025-01-28
Read more

Chapter 108

Ang guro ni Ashton lang ang tila nagtataka. Natatandaan niyang minsan nang ipinakilala ni Evan ang sarili bilang ina ni Ashton. Lumapit siya kay Evan at ngumiti."Ang mga bata ay lilipat muna sa ibang silid para mag-ensayo. Dito tayo maghahanda ng mga inumin. Pwede ka bang tumulong?""Oo naman," sagot ni Evan na tumango at sumunod sa guro papunta sa gilid ng silid. Maingat niyang inayos ang mga prutas at alak ayon sa sinabi ng guro kung saan ito ilalalagay at paano.Habang abala siya, naririnig niya ang mga bulong at usapan ng mga mayayamang babae na nakatingin sa kanya mula sa malayo. Malinaw na iniiwasan siya ng mga ito. Pero buti na lang, kaya niya ang gawain nang mag-isa kaya wala namang nakakahiya na nangyari.Pinili niyang huwag pansinin ang mga ito at ituon ang sarili sa ginagawa. Pero habang abala siya, may anino na humarang sa harapan niya, tinatakpan ang mainit na sikat ng araw mula sa bintana.Bahagyang nanginig ang kanyang pilik-mata. Inangat niya ang kanyang mga mata, at
last updateLast Updated : 2025-01-28
Read more

Chapter 109

Sa cellphone, galit na boses ni Anthony Villaflor ang umalingawngaw. "Nagka-heart attack at naospital ang nanay mo, Evan. Alam mo bang hindi nagawa ni Kenneth ang trabaho niya at isinama pa si Cheska para lang makapunta dito? Pero ang magaling kong anak, nasaan? Ano ba? Get your ass here! Dumiretso ka na sa First Hospital, bilisan mo!" "Naospital po si Mama?" Napamulagat si Evan, tila tumigil ang mundo niya. Agad siyang nagpunta sa gilid ng kalsada at sumubok mag-abang ng sasakyan. "Kumusta po siya? Malubha ba? Ano po ang sabi ng doktor? Stable na po ba?" "Leche! Dahil 'yan sa kawalan mo ng kakayahang ayusin ang mga problema ng pamilya! Ang nanay mo, sa edad niya, nag-aalala pa rin sa’yo kahit ang tanda-tanda mo na. Tapos ikaw itong kung saan-saan nagsusuot habang siya ay todo ang pag-aalala sa'yo?" Nagpatuloy si Anthony sa pagbunganga, wala man lang binanggit na kahit ano tungkol kay Ella samantalang siya naman ang puno't dulo ng lahat ng problema ng kanilang pamilya. Kung
last updateLast Updated : 2025-01-28
Read more

Chapter 110

"Doc, ang ibig mong s-sabihin..."Nanlambot ang katawan ni Evan, halos matumba pa siya ngunit nasalo kaagad siya ni Kenneth. Nangangatog ang buong katawan ni Evan, namumula ang rin mga mata, at nauutal na sa pagtatanong ng kaniyang suspetsya sa doktor. "Ibig niyo po bang sabihin, gusto ng nanay ko na m-magpakamatay?""Maaari pong sabihin na ganoon na nga," sagot ng doktor. Hindi niya matiis makita ang matinding lungkot sa mukha ni Evan kaya’t mabilis niyang ipinaliwanag ang sitwasyon."Pero stable na po ang ating pasyente. Kaso nga lang, kahit na nailigtas na natin siya sa pagkakataon ngayon, kung patuloy pa rin ang kagustuhan niyang manatay, hindi na namin sigurado kung maliligtas pa siya sa susunod."Napabuntong-hininga si Kenneth, bumagsak ang nakataas niyang kamay at marahang ipinatong iyon sa balikat ni Evan. Mahigpit niya itong niyakap, tila inaalalayan ang fragile na damdamin nito ngayon.Mahina siyang bumulong sa tainga nito para pagaanin kahit kaunti ang bigat ng dinadala n
last updateLast Updated : 2025-01-29
Read more
PREV
1
...
910111213
...
15
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status