Ang guro ni Ashton lang ang tila nagtataka. Natatandaan niyang minsan nang ipinakilala ni Evan ang sarili bilang ina ni Ashton. Lumapit siya kay Evan at ngumiti."Ang mga bata ay lilipat muna sa ibang silid para mag-ensayo. Dito tayo maghahanda ng mga inumin. Pwede ka bang tumulong?""Oo naman," sagot ni Evan na tumango at sumunod sa guro papunta sa gilid ng silid. Maingat niyang inayos ang mga prutas at alak ayon sa sinabi ng guro kung saan ito ilalalagay at paano.Habang abala siya, naririnig niya ang mga bulong at usapan ng mga mayayamang babae na nakatingin sa kanya mula sa malayo. Malinaw na iniiwasan siya ng mga ito. Pero buti na lang, kaya niya ang gawain nang mag-isa kaya wala namang nakakahiya na nangyari.Pinili niyang huwag pansinin ang mga ito at ituon ang sarili sa ginagawa. Pero habang abala siya, may anino na humarang sa harapan niya, tinatakpan ang mainit na sikat ng araw mula sa bintana.Bahagyang nanginig ang kanyang pilik-mata. Inangat niya ang kanyang mga mata, at
Sa cellphone, galit na boses ni Anthony Villaflor ang umalingawngaw. "Nagka-heart attack at naospital ang nanay mo, Evan. Alam mo bang hindi nagawa ni Kenneth ang trabaho niya at isinama pa si Cheska para lang makapunta dito? Pero ang magaling kong anak, nasaan? Ano ba? Get your ass here! Dumiretso ka na sa First Hospital, bilisan mo!" "Naospital po si Mama?" Napamulagat si Evan, tila tumigil ang mundo niya. Agad siyang nagpunta sa gilid ng kalsada at sumubok mag-abang ng sasakyan. "Kumusta po siya? Malubha ba? Ano po ang sabi ng doktor? Stable na po ba?" "Leche! Dahil 'yan sa kawalan mo ng kakayahang ayusin ang mga problema ng pamilya! Ang nanay mo, sa edad niya, nag-aalala pa rin sa’yo kahit ang tanda-tanda mo na. Tapos ikaw itong kung saan-saan nagsusuot habang siya ay todo ang pag-aalala sa'yo?" Nagpatuloy si Anthony sa pagbunganga, wala man lang binanggit na kahit ano tungkol kay Ella samantalang siya naman ang puno't dulo ng lahat ng problema ng kanilang pamilya. Kung
"Doc, ang ibig mong s-sabihin..."Nanlambot ang katawan ni Evan, halos matumba pa siya ngunit nasalo kaagad siya ni Kenneth. Nangangatog ang buong katawan ni Evan, namumula ang rin mga mata, at nauutal na sa pagtatanong ng kaniyang suspetsya sa doktor. "Ibig niyo po bang sabihin, gusto ng nanay ko na m-magpakamatay?""Maaari pong sabihin na ganoon na nga," sagot ng doktor. Hindi niya matiis makita ang matinding lungkot sa mukha ni Evan kaya’t mabilis niyang ipinaliwanag ang sitwasyon."Pero stable na po ang ating pasyente. Kaso nga lang, kahit na nailigtas na natin siya sa pagkakataon ngayon, kung patuloy pa rin ang kagustuhan niyang manatay, hindi na namin sigurado kung maliligtas pa siya sa susunod."Napabuntong-hininga si Kenneth, bumagsak ang nakataas niyang kamay at marahang ipinatong iyon sa balikat ni Evan. Mahigpit niya itong niyakap, tila inaalalayan ang fragile na damdamin nito ngayon.Mahina siyang bumulong sa tainga nito para pagaanin kahit kaunti ang bigat ng dinadala n
Hindi pa nakakabangon si Evan mula sa gulat ng biglaang pagsugod sa kanila ng mga lalaki ay bigla naman siyang nawalan ng malay dahil sa gamot na iniligay ng mga ito sa panyo na itinakip sa kanilang ilong. Hindi maaari... Sa isip niya, kung magising si Mama at malaman na pareho silang nawawala ni Ella, baka may magawa na naman itong masama sa sarili. Kailangan niyang malabanan ang mga ito sa abot ng kaniyang makakaya! Pero sadyang matapang talaga ang gamot na ginamit sa kanila dahil iyon na ang huling pumasok sa kanyang isipan bago tuluyang magdilim ang kanyang paningin, at bumagsak siya nang walang malay sa malamig na sahig ng ospital.Pagmulat ng kanyang mga mata, nagdahan-dahan si Evan sa paggalaw at napansin niyang nasa loob siya ng isang lumang bahay.Ang huling sinag ng araw mula sa dapithapon ay dumadaan sa bakal na bintana na nasa isang sulok ng kwartong kinalalagyan nila. Amoy alikabok ang paligid at mahina lang ang liwanag dahil ang sinag lang sa labas ang nagbibigay tangl
"Kaya sinasabi ko na sa inyo, simulan niyo nang magdasal na may halaga kayo sa lalaking iyon. Dahil kung hindi at ignorahin niya lang ang mga tawag namin? Sige… hulaan niyo muna kung anong gagawin namin sa inyong magkapatid.”“Eh kung sinisimula niyo na kayang tawagan si Kenneth para malaman niya kung saan ipapadala ang pera. Daldal pa kayo ng daldal dito, sinasayang niyo lang ang mga oras ng bawat isa. ‘Wag kayong mag-alala dahil sigurado akong kapag nalaman niyang kinidnap niyo ‘ko, magkukumahog na ‘yung ibigay agad sa inyo ang pera. Stupid jerks." Biglaang sabat ni Ella na gising na pala.“Hindi ko nagugustuhan ang tabil ng kapatid mo, Miss. Pero gaya nga ng sinasabi ko, may kalalagyan kayo sa’min kapag hindi binigay ni Kenneth ang hinihingi naming pera, na walang labis at walang kulang. Baka sa huli, ipatikim ko na lang kayong magkapatid sa lahat ng mga kasama ko bago itapon sa kung saan para ibaon. Kahit alin man sa dalawang pagpipilian na iyon ay siguradong panalo pa rin kami. "
Nag-aapoy ang pisngi ni Evan habang nagdurugo ang kanyang balat dahil sa pagkiskis niya ng kaniyang pulso sa makapal na lubid. Sinusubukan niya ngayong kumawala sa pagkakatali gamit ang lakas. Medyo malayo rin kasi sa pwesto niya si Ella kaya hindi niya ito mahingan ng tulong. Ramdam niyang natutuklap na ang kaniyang balat doon dahil sa diin at desperasyon niyang makawala. Napapasinghap siya sa hapdi, habang namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata dahil sa sumisidhing sakit.Maging ang sinumang mangmang ay maiintindihan ang ibig sabihin ng sinabi ni Mata bago ito umalis. Mata na ang tawag niya sa nakakatakot na lalaking may mata na parang sa daga. Malayo ang mga banta nito kanina sa inaasahan niyang simpleng pagpatay. Hindi niya mapigilang kilabutan nang muling maalala kung paano siya takutin nito kanina. Habang bumabaha ng malamig na pawis sa kanyang noo, binalot ng takot ang isipan ni Evan. Pinag-iisipan na niya kanina kung paano magpapakamatay bago pa siya sapitin ang mas malu
Samantala, sa kabilang panig ng siyudad, gulong-gulo na ang pamilya Villaflor at si Kenneth. Kaagad na itinago ni Kenneth ang balita tungkol sa pagkawala nina Evan at Ella mula sa matandang ginang. Ginawa niyang base camp ang ospital at nagsimula ng maayos na pagsisiyasat sa mga nakalap na lead mula sa CCTV ng ospital na doon huling nakita ang magkapatid."Kenneth, umiiyak na naman ang asawa ko. May nakita ka na bang bagong lead?"Pumasok si Anthony na tila pinapasan na ang lahat ng problema ng buong mundo. Pinapaypayan niya ang sarili gamit ang isang tiklop na pamaypay. Ngunit kahit anong gawin niya, hindi mabawasan ang init ng kanyang ulo. "Alam mo naman ang mga anak ko. Mula pagkabata, mabait si Ella. Siguradong si Evan ang dahilan ng gulong ito. Baka kung sino ang inaway niyan noong nakakulong pa siya, kaya ngayon ay nadadamay pa si Ella!"Noong nakaraan, ni hindi nakialam si Kenneth sa mga usapin ng pamilya Villaflor.Pero sa pagkakataong ito, isang malamig na tingin ang lumaba
"Okay, I'm accepting it." Nanggigigil si Kenneth habang nagsasalita, ramdam ang kaba na hindi pa niya naramdaman kahit kailan pa sa buhay niya. "Bigyan niyo ako ng dalawang araw. Sa loob ng panahong iyon, kung may ginawa kayong hindi dapat sa kahit ano sa dalawang babae, hahabulin kayo ng pamilya Huete kahit saan kayo magtago. I will chop you into minced meat and my forces will track you down to the ends of the earth. I even could follow you after your grave's soil. Naiintindihan niyo ba ‘yon?”"Mananakot na lang ba kayo? Nagsasayang lang kayo ng laway kung ganoon dahil wala kaming takot na nararamdaman sa mga katawan namin. Tandaan niyo, nasa amin ang alas ng transaksiyong ito. Ipapadala namin ang lugar kung saan niyo dadalhin ang pera pagkatapos ng dalawang araw. Hindi niyo kami madidiktahan.”"Aren't you listening? Itatak niyo diyan sa maruruming kokote niyo na wala kayong pwedeng gawing kahit ano sa dalawang babae.”"Oo, hindi kami bingi. At isa pa, ang tapang mo masiyado, para
Biglang bumigat ang pakiramdam ni Evan nang marinig ang sinabi ni Stephanie.Noong nakaraang buwan, ang inhibitor na labis niyang kailangan ay sinimulang gawin at pagbutihin sa ibang bansa bago dalhin sa loob ng bansa.Sinabi sa kanya ni Ate Sophie na ang lahat ng gastusin ay sagot ng kanyang lola. Noong una, naniwala siya at iniisip na kaunting injection lang naman iyon. Kaya kahit gaano pa kamahal, hindi aabot sa daan-daang milyon.Pero ngayong pinag-iisipan niya ito nang mas mabuti, naisip niya, Kung walang buong pondo, anong laboratoryo ang gagastos ng ganito kalaki para sa isang produkto na wala namang tiyak na kita sa merkado?Iniwasan ni Kevin ang gulat na tingin ni Evan at ngumiti."Sister-in-law, that's my money. Kung paano ko ito gustong gastusin ay sarili kong desisyon. I don't think I have the responsibility to tell you my personal wealth, right?"Bahagyang nanghina ang balikat ni Stephanie, halatang hindi niya nagustuhan ang sagot ni Kevin. Pero kahit pa pilit niyang itin
Bago pa magawa ni Kenneth ang anumang ikagugulat ng lahat, mabilis na inalalayan ni Evan si Chris, ang kanyang malalabong mata ay puno ng matinding galit habang matalim siyang tumitig kay Kenneth."Kenneth!"Huling beses niyang nakita si Evan na ganito katatag ay sa maliit nilang apartment noon.Noong panahong iyon, ginagawa niya ito upang protektahan si Kenneth, pero ngayon, ibang lalaki na ang kanyang pinagtatanggol.Tinitigan siya ni Kenneth, at ang malamig niyang ngiti ay unti-unting naging malupit.Bago pa man siya magsawa sa larong ito, mayroon nang ibang lalaki si Evan?How could he let this happen?He won't let Evan let go from his grasp. Hinding-hindi mangyayari iyon.Habang iniisip ni Kenneth kung paano niya muling makokontrol si Evan, biglang tumunog ang musika na hudyat ng pagtatapos ng pagtitipon.Dahan-dahang nagsimulang maghiwa-hiwalay ang mga bisita. Ang karamihan ay nanatili sa bulwagan, habang ang ilan ay sumakay ng elevator patungo sa meeting room sa 18th floor.Mul
Sa engrandeng mid-year party ng Huete Group, lumabas si Evan na napakaganda at elegante sa kanyang mamahaling damit. Mapayapang kasama niya si Christopher Greece, nakayuko paminsan-minsan habang may mahinhing ngiti sa labi. Panaka-naka rin itong nakikipag-usap sa bawat direktor.Marahil upang mas maging bagay sila ni Evan, nagpalit si Chris ng kasuotan na kapareho ng kulay ng kanyang suot. Sa kanyang gwapong mukha, nagniningning ang isang maliwanag at maaliwalas na ngiti sa lalaki. Kitang-kita kung gaano niya ine-enjoy ang sandali habang magkahawak-braso silang naglalakad.Samantala, hindi maipaliwanag ni Kenneth ang nararamdaman niya. Marahil ay nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Evan. Dahil nang una niyang makita ang kanyang payat at eleganteng pigura, napahinto siya nang hindi namamalayan, hindi man lang narinig ang paulit-ulit na pagtawag sa kanya ng mga nasa paligid."Huwag kang mag-alala, pamangkin kong Kenneth, susuportahan ka namin sa eleksyong ito.""Tama! Si Kenneth ay isa
"Kenneth, ‘wag mong sisihin ang sarili mo." Saglit na tumigil si Ella bago muling nagsalita ng malambing at masakit na mga salita. "Kung ako man ang unang nagmahal sa'yo, kung natakot akong mawala ka, o kahit ginamit ko ang kamatayan para magkaroon pa ng puwang diyan sa puso mo, lahat ng iyon ay kasalanan ko."Nagdilim ang tingin ni Kenneth. Alam naman niya noon pa ang mga pangamba ni Ella, pero hindi niya ito binigyang pansin.Ngunit ngayong narinig niyang ginawa niya ang lahat ng ito dahil ayaw niyang maiwan, hindi niya maitatangging may bahagyang kirot sa puso niya.At sa pagkakataong ito, ang tunay na dahilan kung bakit tinangka ni Ella ang pagpapakamatay, ay walang iba kundi siya mismo. Habang tahimik na nag-iisip si Kenneth, agad na nagpalit ng paksa si Ella. "Ako na ang magpapaliwanag sa mga magulang ko. Sasabihin kong nadulas lang ako habang nagbabalat ng prutas.""Hindi sapat 'yan." Pilit ngumiti si Kenneth, ngunit maya-maya, seryosong nagtanong, "Ella, sabihin mo sa aki
Mabilis na hinawakan ng nurse dalaga at malambing na sinabihan ito. "Gwen, bagong pasyente ito. Dito lang siya na-assign sa kwarto mo, kaya tabi ang kama niyo. Hindi siya ang ate mong si Bernardita Paranal."Pagkarinig sa pangalang iyon, bumilis ang tibok ng puso ni Evan. Sandaling lumiwanag ang kanyang mga mata ngunit unti-unting nagdilim muli.Minsan nang sinabi ng kanyang tiyuhin na ang huling balita tungkol kay Bernard Paranal ay nasa isang mental hospital siya. Pero sa dami ng taong may ganoong pangalan sa mundo, hindi na siya dapat umasa sa ganito kalabong lead."Hindi, ang natutulog sa kama na ito ay si Ate Bernardita!" Matigas ang ulo ng batang si Gwen. Mahigpit niyang hinila ang kumot ni Evan at tumitig sa kanya gamit ang malalaki niyang mata, tila nagtataka. "Ate, bakit hindi mo ako kinakausap?"Napabuntong-hininga ang nurse, tila wala nang balak makipagtalo pa sa isang pasyenteng wala sa sarili. Pinatong niya ang kamay sa balikat ni Gwen at pasimpleng sinabihan ito. "Si
Anuman ang mangyari, kasalanan ni Ella kung bakit siya humantong sa ganitong sitwasyon. Tinanggap lang niya ang bunga ng sarili niyang mga ginawa. Wala itong kinalaman kay Evan.Nanginginig ang kamay ni Kenneth habang pinipirmahan ang dokumento ng patient's waiver para sa kritikal na kondisyon ni Ella. Matapos nitong paalisin ang doktor, agad siyang bumaling kay Evan at matalim siyang tinitigan. Ngunit kahit anong pilit niya, wala siyang makita ni bahagyang pagsisisi o pagkabalisa sa mukha nito.Sa sumunod na segundo, gamit ang matinding lakas, hinatak niya si Evan mula sa sahig at itinapon ito nang malakas sa harap ng pintuan ng operating room. Itinutok niya ang daliri sa kanya at galit na galit na sumigaw."Evan! Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito! Malapit nang mamatay si Ella, lumuhod ka ngayon din!"Mabilis na bumangon si Evan, mariing itinuwid ang leeg, at matalim siyang tinitigan. Parang matutulis na kutsilyo ang kanyang tingin na tila tumatarak sa laman ni Kenneth."Kenne
"Hoy, parang hindi ka na isang tunay na master ng alahas sa mga sinasabi mo." Hindi alam ni Evan kung matatawa o maiiyak sa sinabi ni Chris. Hindi niya kayang tanggapin ang alok nito. "Baguhan pa lang ako sa industriyang ito. Hindi ko kayang dalhin ang pangalan mo bilang master ko. Hahanap na lang ako ng ibang paraan para makabili ng regalo." "Huwag mo akong utuin." Saglit na nag-isip si Chris. "Wait! As far as I know, may natitira pa akong kwintas na hindi naibenta sa jewelry exhibition dito sa siyudad. I can give it to you as temporary solution." Ang mga alahas na idinisenyo at ginawa mismo ni Chris ay palaging nauubos sa mga foreign design exhibitions, duda tuloy siya sa sinasabing iyon ng guro. Siguradong ang regalong ito ay akma sa estado ng kaniyang Lola, pero napakalaking pabigat naman nito sa bulsa ni Evan dahil hindi basta-basta ang mga dinesenyo ni Chris na pang-international level. Nakita ni Chris ang pag-aalinlangan sa mukha ni Evan kaya't bahagya siyang ngu
Samatanla, makalipas ang kalahating oras matapos umalis si Evan, dumating si Kenneth sa bahay ni Ella na hindi mapakali ang pakiramdam.Bago pa man niya maikatok ang kamay sa pinto, kusa n itong bumukas nang marahan. Kaya naman, lalo pang lumakas ang hindi magandang kutob niya."Ella!"Mabilis siyang pumasok sa sala, sinipat ang paligid, at tumutok ang tingin niya sa dalawang baso ng tsaa sa lamesa, hindi pa nahuhugasan.Mukhang dumalaw nga rito si Evan, at ipinaghanda pa siya ng tsaa ni Ella.Sa gitna ng katahimikan, may narinig siyang mahinang tunog ng tubig.Napalingon siya sa direksyon ng kwarto ni Ella at agad na naglakad papasok.Bukas nang kaunti ang pinto ng banyo. Sa sahig, may mga bahid ng tubig na dumadaloy, halo ng malinaw na likido at isang matingkad na pulang anino.Nang mapansin ito ni Kenneth, parang may biglang malaking kamay na biglang pumigil sa kanyang paghinga.Lumaki ang kanyang mga mata, saka mabilis na binuksan ang pinto at sumugod papunta sa bathtub.Sa loob n
Alas dos y media ng hapon, dumating si Evan sa opisina ng presidente tulad ng napagkasunduan.Hindi nakalubog sa trabaho si Kevin tulad ng dati. Sa halip, nakaupo siya malapit sa mga halamang nasa sulok ng opisina. Ang kanyang itim na manggas ay nakatupi hanggang siko habang tahimik siyang gumagawa ng sariwang tsaa.Isang lang namang gwapong lalaki na nakatuon ang pansin sa ginagawa ang tanawin ni Evan ngayon.Hindi tuloy madaling alisin ang tingin niya sa lalaki. Mayroon itong kakaibang aura ng katahimikan at katiwasayan.Nang ilang beses nang mag-alinlangan si Evan na basagin ang katahimikang iyon, mas pinili niyang manatili sa may pintonhabang tahimik siyang nagmamasid kung kailan mapapansin ni Kevin ang pagdating niya.Hindi na niya matandaan kung gaano katagal mula noong huling beses na nakita niya ito. Ang singkit nitong mga mata ay katulad pa rin ng dati, kahit anong oras ito tumingin sa isang tao, laging may nagbabadyang lamig at matinding emosyon.Isang titig pa lang, sapat n