Agad na inihatid ni Jaxon ang mensahe ng Second Master kay Kenneth, na siya lamang may direktang ugnayan sa mga kidnapper.Hindi natuwa si Kenneth, pero alam niyang ang pagkakaroon ng 30 million ngayon ay nakasalalay sa tulong ng kanyang tiyuhin. Kaya’t wala siyang magawa kundi tawagan muli ang numero ng mga kidnapper.Pagkasagot ng tawag, narinig niya ang parehong malamig na boses. "Mr. Huete, ang bilis mo namang tumawag. Nahanda na ba kaagad ang tatlumpung milyon?""Walang magiging problema sa 30 million," sagot ni Kenneth habang nagpipigil ng galit. "Pero may isa pang kondisyon.""Sige, sabihin mo.""Gusto ni Uncle Kevin na personal kayong makausap. Kapag pumayag siya, makukuha niyo ang hinihingi niyo sa loob ng dalawang araw."Pagkatapos mag-isip ng ilang segundo, mariing tumanggi ang lalaki sa kabilang linya ng telepono."Hindi. Kilalang-kilala ang Second Master sa mundo namin, at kaming maliliit na tao ay kailangang umiwas sa kaniya, ni kahit anino hindi namin kami pwedeng map
Nang maramdaman ni Anthony na unti-unting nagkakaroon ng tensiyon sa sala, kinabahan siya at nagmasid sa paligid. Sa huli, hindi na niya napigilan ang sarili at nakialam na sa dalawang lalaki. Padabog niyang pinalo ang hita niya para makuha ang atensiyon ng mga ito at nagsalita ng may kunot sa noo. "Kenneth, hindi solusyon mag-away sa problema natin ngayo. Ako na ang magsasabi sa kaniya ng totoo. "Nag-iba ang ekspresyon ni Kenneth, at sa mababang boses ay sinaway ito."Shut up.""Kung hindi lang ako napadaan sa pinto, hindi ko malalaman ang nararamdaman mo para kay Ella," buntong-hininga ni Anthony habang nagpahid ng luha. Sa kabila ng tila bitin niyang kwento, napagpasyahan niyang isugal ang natitira niyang pagkakataon sa kayamanan sa pamamagitan ni Kenneth. Dahil hindi nagtagumpay si Evan na itali ang lalaki sa kanila, hindi naman siguro masama kung si Ella na lang ang gamitin niyang koneksiyon sa pamilya Huete. Basta’t huwag lang maagaw ng ibang babae sa labas ang posisyon, mala
Narinig ni Lindsey ang sagot ni Kevin nang papalapit siya. "Evan were kidnapped, and I can't still reach her." "What happened?" Bahagyang kumunot ang noo ni Chris, saka tumingin kay Lindsey na halata ang pagkabigla at pagkabahala. "May balita na ba?" "There's no problem with the ransom money. Ang problema ay kung sino ang magdadala ng pera." Itinaas ni Kevin ang hawak niyang baso ng alak at ininom ito lahat sa isang lagok lang. "First, it shouldn't be any family member of the Huete family, at second, professional is also not allowed. Kapag nakapansin sila ang kahit anong kahina-hinala, baka maging mas maingat sila at magdulot ito ng problema sa mga bihag." Habang nagsasalita si Kevin, kagat-labi si Lindsey habang tinitingnan ang mga babaeng kilala sa alta-sosyedad na halatang nag-aabang ng pagkakataong mapansin ni Kevin. Bagama’t natatangi ang ganda ni Lindsey kumpara sa mga ito, alam niyang walang silbi ang ganda kung sakaling magsawa sa kanya si Kevin. Iniisip niy
Habang kalmado at relax lang si Chris, lalo namang nagngangalit si Kenneth.Pilit itong tumayo. Inabot ni Kenneth ang kwelyo ni Chris at hinila ito, tila may balak magsabi ng mabibigat na salita. Ngunit biglang tumunog ang cellphone na nakapatong sa mesa.Sa isang iglap, napunta ang atensyon ng lahat sa silid na iyon sa iisang lugar.Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Kevin, at ang malamig niyang tingin ay tila nag-utos kay Kenneth na umatras ng ilang hakbang. Agad namang sinagot nito ang tawag, halatang nagmamadali.“Mr. Huete, kumusta ang paghahanda ng pera?”“Nasaan ang lokasyon ng transaksyon?”“Ganyan dapat, diretsong kausap. Bibigyan kita ng address. Ang taong magdadala ng pera ay kailangang makarating doon sa loob ng kalahating oras, dala ang pera. Kapag nakumpirma naming mag-isa siya at walang problema ang pagkakakilanlan niya, sasabihin namin ang susunod na hakbang. At, sino nga pala ang babaeng gusto mong ipalit?”Narating na nila ang pinakakritikal na sandali.Dahan-dahang i
Sa harap ng sitwasyong ito, hindi mawari ni Chris kung ano ang pinagdaanan ni Evan.Mabilis niyang hinubad ang kanyang T-shirt at tinakpan si Evan. Napuno siya ng galit at kinalma ang sarili bago sumigaw nang mababa."Hindi ba kayo kuntento sa ransom? Bakit kailangan n’yo pa siyang pahirapan nang ganito?""Haha, simpleng libangan ko lang ito," tugon ni Uwak, sabay kibit-balikat at may pakunwaring paghingi ng paumanhin. "Ito na ang pinakamalambot kong pagtrato. Kung hindi ka naniniwala, puwede mong puntahan sa impiyerno ang labintatlong babaeng pinaglaruan ko dati. Kung hindi ko lang tinahi ang mga bibig nila, siguradong masaya silang magpatunay sa harap mo para maniwala ka."Habang sinasabi niya ito, bakas ang pagmamalaki sa kanyang mukha. Halatang ipinagmamalaki niya ang kanyang nagawang kasalanan.Kahit panandalian lang nilang kasamahan si Uwak, hindi maitago ni Mata ang kanyang pagkainis at sinamaan ito ng tingin. "Hayop ka talaga," sambit niya na puno ng galit."Salamat sa papur
Wala nang magawa si Evan kundi sumunod at hayaan siyang hilahin, ang kanyang malambot na mga labi noon ay maputla at walang buhay na ngayon. Sa harap ng mapagtiis at nag-aalalang tingin ni Chris, pilit niyang inangat ang kanyang mga labi upang magbigay ng kaunting ngiti dito. Pinilit niyang ipagpag ang natitirang lakas upang mabigkas ng kanyang mga labi ang salitang "Bumalik ka na" Mali ang pagmamahal niya kay Kenneth, at ngayon, ito ang naging kabayaran ng lahat ng iyon. Maging ang pagmamahal niya kay Kevin ay pinagsisihan na rin niya ngayon. Si Chris naman, wala siyang ginawang masama. Kahit gaano siya katakot, hindi niya dapat ipinilit na idamay si Chris sa isang lugar na parang impyerno. Habang pinapanood ni Chris ang paghandusay ni Evan sa madilim at sira-sirang bahay, hindi niya inisip ang kaligtasan ni Ella. Mahigpit niyang ikinuyom ang kanyang mga kamao, ipinagdiinan ang mga ngipin, at binanggit ang password. Sa ganitong sitwasyon, kung maipaparating niya ang lahat n
Kung alam lang niya na hahantong ang mga bagay sa ganitong tagpo, kung bibigyan siya ng pagkakataon na pumili muli, tiyak na pipiliin na niya mysi Evan kaysa kay Ella. Ngunit sa mundong ito, ang mga desisyon ay kaya pang mabago, ngunit paano nga ba babalik ang oras? Sa kabila ng matinding ingay sa kanyang tainga, sinapo ni Kenneth ang kanyang ulo at tahimik na sumigaw. Sinusuntok niya ang pader na para bang mababawasan noon ang kanyang galit. Nagiwan ang kaniyang ginawa ng mantsa ng dugo sa kulay pink na dingding. Marami siyang nais sabihin kay Evan, kaya't hindi niya papayagan na magtapos ang lahat ng ito nang walang pahintulot niya. Ang pinakamalaki niyang takot ay kung sakaling mamatay ang babae, at kung mangyari yun, madali na ba niyang makakalimutan ang nangyari kay Evan? Sa gabi ng ika-apat na araw simula nang ma-confine ito, bigla na lamang nagmulat ng mata si Evan. Si Kenneth na nagbabantay sa kanyang kama, ay napatigil saglit. Nakatitig ito kay Evan na parang nakakita ng
Noong araw na iyon, kahit na mayroong mataas na lagnat, narinig ni Maris ang pinaguusapan nina Anthony at Ella. Nanginginig siyang itinapon ang malamig na tuwalya sa kanyang noo, binunot ang karayom sa kanyang kamay, at iginiit na pupunta siya sa ospital para makita si Evan.Walang nagawa si Anthony sa kanyang pagpupumilit, kaya’t sinamahan na lang niya ang asawa sa ospital, kahit puno ito ng takot na baka mapaano ang ginang."Ma, Pa, nandito na po pala kayo."Sa tabi ng kama, tumayo si Kenneth at bumati, saka ibinigay ang kanyang upuan kay Maris na umiiyak ng malakas matapos makita ng sariling mga mata na gising na nga ang anak niya.Hindi siya umalis sa silid. Tumayo lamang siya sa isang tabi, kalmado at tahimik, habang tinititigan si Evan. Pinagmamasdan niya ang bawat kilos nito, hinahanap ang kahit kaunting bakas ng emosyon, kahit sakit, lungkot, o anumang damdaming nagpapatunay na naroon pa rin ang pagkatao nito.Sa kasamaang-palad, kahit anong iyak ni Maris sa tabi ng kama, nana
Biglang bumigat ang pakiramdam ni Evan nang marinig ang sinabi ni Stephanie.Noong nakaraang buwan, ang inhibitor na labis niyang kailangan ay sinimulang gawin at pagbutihin sa ibang bansa bago dalhin sa loob ng bansa.Sinabi sa kanya ni Ate Sophie na ang lahat ng gastusin ay sagot ng kanyang lola. Noong una, naniwala siya at iniisip na kaunting injection lang naman iyon. Kaya kahit gaano pa kamahal, hindi aabot sa daan-daang milyon.Pero ngayong pinag-iisipan niya ito nang mas mabuti, naisip niya, Kung walang buong pondo, anong laboratoryo ang gagastos ng ganito kalaki para sa isang produkto na wala namang tiyak na kita sa merkado?Iniwasan ni Kevin ang gulat na tingin ni Evan at ngumiti."Sister-in-law, that's my money. Kung paano ko ito gustong gastusin ay sarili kong desisyon. I don't think I have the responsibility to tell you my personal wealth, right?"Bahagyang nanghina ang balikat ni Stephanie, halatang hindi niya nagustuhan ang sagot ni Kevin. Pero kahit pa pilit niyang itin
Bago pa magawa ni Kenneth ang anumang ikagugulat ng lahat, mabilis na inalalayan ni Evan si Chris, ang kanyang malalabong mata ay puno ng matinding galit habang matalim siyang tumitig kay Kenneth."Kenneth!"Huling beses niyang nakita si Evan na ganito katatag ay sa maliit nilang apartment noon.Noong panahong iyon, ginagawa niya ito upang protektahan si Kenneth, pero ngayon, ibang lalaki na ang kanyang pinagtatanggol.Tinitigan siya ni Kenneth, at ang malamig niyang ngiti ay unti-unting naging malupit.Bago pa man siya magsawa sa larong ito, mayroon nang ibang lalaki si Evan?How could he let this happen?He won't let Evan let go from his grasp. Hinding-hindi mangyayari iyon.Habang iniisip ni Kenneth kung paano niya muling makokontrol si Evan, biglang tumunog ang musika na hudyat ng pagtatapos ng pagtitipon.Dahan-dahang nagsimulang maghiwa-hiwalay ang mga bisita. Ang karamihan ay nanatili sa bulwagan, habang ang ilan ay sumakay ng elevator patungo sa meeting room sa 18th floor.Mul
Sa engrandeng mid-year party ng Huete Group, lumabas si Evan na napakaganda at elegante sa kanyang mamahaling damit. Mapayapang kasama niya si Christopher Greece, nakayuko paminsan-minsan habang may mahinhing ngiti sa labi. Panaka-naka rin itong nakikipag-usap sa bawat direktor.Marahil upang mas maging bagay sila ni Evan, nagpalit si Chris ng kasuotan na kapareho ng kulay ng kanyang suot. Sa kanyang gwapong mukha, nagniningning ang isang maliwanag at maaliwalas na ngiti sa lalaki. Kitang-kita kung gaano niya ine-enjoy ang sandali habang magkahawak-braso silang naglalakad.Samantala, hindi maipaliwanag ni Kenneth ang nararamdaman niya. Marahil ay nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Evan. Dahil nang una niyang makita ang kanyang payat at eleganteng pigura, napahinto siya nang hindi namamalayan, hindi man lang narinig ang paulit-ulit na pagtawag sa kanya ng mga nasa paligid."Huwag kang mag-alala, pamangkin kong Kenneth, susuportahan ka namin sa eleksyong ito.""Tama! Si Kenneth ay isa
"Kenneth, ‘wag mong sisihin ang sarili mo." Saglit na tumigil si Ella bago muling nagsalita ng malambing at masakit na mga salita. "Kung ako man ang unang nagmahal sa'yo, kung natakot akong mawala ka, o kahit ginamit ko ang kamatayan para magkaroon pa ng puwang diyan sa puso mo, lahat ng iyon ay kasalanan ko."Nagdilim ang tingin ni Kenneth. Alam naman niya noon pa ang mga pangamba ni Ella, pero hindi niya ito binigyang pansin.Ngunit ngayong narinig niyang ginawa niya ang lahat ng ito dahil ayaw niyang maiwan, hindi niya maitatangging may bahagyang kirot sa puso niya.At sa pagkakataong ito, ang tunay na dahilan kung bakit tinangka ni Ella ang pagpapakamatay, ay walang iba kundi siya mismo. Habang tahimik na nag-iisip si Kenneth, agad na nagpalit ng paksa si Ella. "Ako na ang magpapaliwanag sa mga magulang ko. Sasabihin kong nadulas lang ako habang nagbabalat ng prutas.""Hindi sapat 'yan." Pilit ngumiti si Kenneth, ngunit maya-maya, seryosong nagtanong, "Ella, sabihin mo sa aki
Mabilis na hinawakan ng nurse dalaga at malambing na sinabihan ito. "Gwen, bagong pasyente ito. Dito lang siya na-assign sa kwarto mo, kaya tabi ang kama niyo. Hindi siya ang ate mong si Bernardita Paranal."Pagkarinig sa pangalang iyon, bumilis ang tibok ng puso ni Evan. Sandaling lumiwanag ang kanyang mga mata ngunit unti-unting nagdilim muli.Minsan nang sinabi ng kanyang tiyuhin na ang huling balita tungkol kay Bernard Paranal ay nasa isang mental hospital siya. Pero sa dami ng taong may ganoong pangalan sa mundo, hindi na siya dapat umasa sa ganito kalabong lead."Hindi, ang natutulog sa kama na ito ay si Ate Bernardita!" Matigas ang ulo ng batang si Gwen. Mahigpit niyang hinila ang kumot ni Evan at tumitig sa kanya gamit ang malalaki niyang mata, tila nagtataka. "Ate, bakit hindi mo ako kinakausap?"Napabuntong-hininga ang nurse, tila wala nang balak makipagtalo pa sa isang pasyenteng wala sa sarili. Pinatong niya ang kamay sa balikat ni Gwen at pasimpleng sinabihan ito. "Si
Anuman ang mangyari, kasalanan ni Ella kung bakit siya humantong sa ganitong sitwasyon. Tinanggap lang niya ang bunga ng sarili niyang mga ginawa. Wala itong kinalaman kay Evan.Nanginginig ang kamay ni Kenneth habang pinipirmahan ang dokumento ng patient's waiver para sa kritikal na kondisyon ni Ella. Matapos nitong paalisin ang doktor, agad siyang bumaling kay Evan at matalim siyang tinitigan. Ngunit kahit anong pilit niya, wala siyang makita ni bahagyang pagsisisi o pagkabalisa sa mukha nito.Sa sumunod na segundo, gamit ang matinding lakas, hinatak niya si Evan mula sa sahig at itinapon ito nang malakas sa harap ng pintuan ng operating room. Itinutok niya ang daliri sa kanya at galit na galit na sumigaw."Evan! Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito! Malapit nang mamatay si Ella, lumuhod ka ngayon din!"Mabilis na bumangon si Evan, mariing itinuwid ang leeg, at matalim siyang tinitigan. Parang matutulis na kutsilyo ang kanyang tingin na tila tumatarak sa laman ni Kenneth."Kenne
"Hoy, parang hindi ka na isang tunay na master ng alahas sa mga sinasabi mo." Hindi alam ni Evan kung matatawa o maiiyak sa sinabi ni Chris. Hindi niya kayang tanggapin ang alok nito. "Baguhan pa lang ako sa industriyang ito. Hindi ko kayang dalhin ang pangalan mo bilang master ko. Hahanap na lang ako ng ibang paraan para makabili ng regalo." "Huwag mo akong utuin." Saglit na nag-isip si Chris. "Wait! As far as I know, may natitira pa akong kwintas na hindi naibenta sa jewelry exhibition dito sa siyudad. I can give it to you as temporary solution." Ang mga alahas na idinisenyo at ginawa mismo ni Chris ay palaging nauubos sa mga foreign design exhibitions, duda tuloy siya sa sinasabing iyon ng guro. Siguradong ang regalong ito ay akma sa estado ng kaniyang Lola, pero napakalaking pabigat naman nito sa bulsa ni Evan dahil hindi basta-basta ang mga dinesenyo ni Chris na pang-international level. Nakita ni Chris ang pag-aalinlangan sa mukha ni Evan kaya't bahagya siyang ngu
Samatanla, makalipas ang kalahating oras matapos umalis si Evan, dumating si Kenneth sa bahay ni Ella na hindi mapakali ang pakiramdam.Bago pa man niya maikatok ang kamay sa pinto, kusa n itong bumukas nang marahan. Kaya naman, lalo pang lumakas ang hindi magandang kutob niya."Ella!"Mabilis siyang pumasok sa sala, sinipat ang paligid, at tumutok ang tingin niya sa dalawang baso ng tsaa sa lamesa, hindi pa nahuhugasan.Mukhang dumalaw nga rito si Evan, at ipinaghanda pa siya ng tsaa ni Ella.Sa gitna ng katahimikan, may narinig siyang mahinang tunog ng tubig.Napalingon siya sa direksyon ng kwarto ni Ella at agad na naglakad papasok.Bukas nang kaunti ang pinto ng banyo. Sa sahig, may mga bahid ng tubig na dumadaloy, halo ng malinaw na likido at isang matingkad na pulang anino.Nang mapansin ito ni Kenneth, parang may biglang malaking kamay na biglang pumigil sa kanyang paghinga.Lumaki ang kanyang mga mata, saka mabilis na binuksan ang pinto at sumugod papunta sa bathtub.Sa loob n
Alas dos y media ng hapon, dumating si Evan sa opisina ng presidente tulad ng napagkasunduan.Hindi nakalubog sa trabaho si Kevin tulad ng dati. Sa halip, nakaupo siya malapit sa mga halamang nasa sulok ng opisina. Ang kanyang itim na manggas ay nakatupi hanggang siko habang tahimik siyang gumagawa ng sariwang tsaa.Isang lang namang gwapong lalaki na nakatuon ang pansin sa ginagawa ang tanawin ni Evan ngayon.Hindi tuloy madaling alisin ang tingin niya sa lalaki. Mayroon itong kakaibang aura ng katahimikan at katiwasayan.Nang ilang beses nang mag-alinlangan si Evan na basagin ang katahimikang iyon, mas pinili niyang manatili sa may pintonhabang tahimik siyang nagmamasid kung kailan mapapansin ni Kevin ang pagdating niya.Hindi na niya matandaan kung gaano katagal mula noong huling beses na nakita niya ito. Ang singkit nitong mga mata ay katulad pa rin ng dati, kahit anong oras ito tumingin sa isang tao, laging may nagbabadyang lamig at matinding emosyon.Isang titig pa lang, sapat n