Tinitigan ni Evan si Kenneth na parang hindi makapaniwala. Matagal siyang nanatiling tahimik bago tuluyang tumawa nang mapait, nanginginig ang kanyang mga balikat sa labis na pagtawa ng sarkasmo. "Kenneth, kung pinatay ko ang mga magulang mo at sinira ang buhay mo, maiintindihan ko pa kung bakit mo ako tinatrato nang ganito, pero wala akong ginawang masama sa'yo ah? Ang tanging naging kasalanan ko lang ay nang mahalin kita, at binayaran ko na iyon ng pinakamabigat at pinakamasakit na kaparusahan sa buhay ko. Kailan ba tuluyang matatapos ‘yang utang ko sa'yo na hindi naman nag-eexist?” “P-Paano mo nasisikmurang pahirapan ako nang ganito?" Hindi agad nakasagot si Kenneth. Nang magsalita siya, halatang may halong sakit ang kanyang boses. "Evan, all I want from you is to love me again. That's it, so please." "Imbes na hilingin mong mahalin kita ulit, mas mabuti pang patayin mo na lang ako." Tumawa si Evan na parang nawawala sa katinuan, habang ang dugo sa kanyang noo ay nagpapalabo
Kung ibang babae lang ang nasa kalagayan niya, siguradong nag-iiyak na ito o nagrereklamo dahil sa sakit. Pero si Evan, parang wala lang. Nag-alinlangan pa siyang humingi ng tulong, bagay na lalo pang nagpatindi ng lungkot na nararamdaman ni Chris habang tinitingnan siya.Kahit madalas silang magkausap sa internet bago siya pumunta ng Pilipinas, iba pa rin talaga ang makita si Evan nang harapan. Higit pala itong nakakaantig kaysa sa inaasahan niya.Kung magpapatuloy ito, hindi sigurado si Chris kung makakayanan niyang tuparin ang hiling ni Lindsey.HIndi nagtagal, bumalik si Chris bitbit ang medicine box.Alam ni Evan na mukhang kaawa-awa ang itsura niya ngayon, kaya mabilis siyang kumuha ng basang tuwalya at nilinis ang paligid ng kanyang sugat. Umaasa siyang kahit papaano, hindi siya magiging nakakadiri sa paningin ng lalaki.Habang mabilis niyang pinupunasan ang sugat, naramdaman niyang hinawakan ni Chris ang kanyang pulso. Mahinahon ngunit mahigpit ang hawak nito, saka inagaw ang
"Pero gusto kong kumain kasama ka."Parang magic na lumabas mula sa likuran ni Chris ang isa pang mangkok ng mainit na noodles. Kumuha siya ng upuan at umupo sa harap ng mesa. Tinikman niya ang noodles gamit ang kutsara at ngumiti."Ako na talaga ang perpektong lalaki sa mundo. Kaya kong magluto ng ganito kasarap kahit sandali ko lang tinignan ang recipe."Napaisip si Evan, at di napigilang magtanong, "Kakaluto mo lang ba nito?""Siyempre. Hanga ka na ba?" Tinaasan siya ng kilay ni Chris at tinitigan siya, "Alam mo, ako na ang sunod na maghahawak ng mana ng pamilya Greece, isa pa rin akong tunay na ginoo. Kung araw-araw kailangan ko pang gumawa ng ganitong maliliit na bagay, paano pa ako magiging pinakabatang master sa industriya ng jewelry design?"Ibig sabihin…Natigilan si Evan at napatingin sa mangkok ng noodles na mukhang napakatakam-takam. Hindi siya sigurado kung sadyang natutunan iyon ni Chris para lang sa kanya.Nang makita niyang hindi ito masyadong naantig si Evan, napasi
Mukhang nahulaan ng batang babae ang nais niyang gawin dahil nagawa agad nitong harangan ang daraanan niya. Saka, tusong tinuro ang gwapong lalaki na sumusunod sa kanya, sabay sabi nito ng seryoso. "Dapat ikaw na lang ang sumama sa parents' dance kasama ang gwapong daddy ni Ashton. You are so childish if you go to our dance party when it is only for kids of our age." Para bang ang tanging solusyon para hindi siya guluhin ng batang babae ay summa siya kay Kevin? Dahil nahulog sa nakakahiyang sitwasyon, hindi na kayang tumingin ni Evan sa ekspresyon ng lalaki at pilit na iniiwas ang kamay niya dito. Subalit, sa pagkakataong ito, hindi siya hinayaang makawala ni Kevin. "Mr. Huete." Nahiya at naiirita siya, kaya't lihim niyang pinigilan ang sarili, umaasang makawala siya sa mga kamay ni Kevin. "What's wrong?" Tanong ng lalaki, na may knowing look habang tinititigan siya mula sa taas. Ang tinig nito ay may kakaibang pang-aakit na hatid sa kaniya, kasabay noon ay ang mahina
Ang guro ni Ashton lang ang tila nagtataka. Natatandaan niyang minsan nang ipinakilala ni Evan ang sarili bilang ina ni Ashton. Lumapit siya kay Evan at ngumiti."Ang mga bata ay lilipat muna sa ibang silid para mag-ensayo. Dito tayo maghahanda ng mga inumin. Pwede ka bang tumulong?""Oo naman," sagot ni Evan na tumango at sumunod sa guro papunta sa gilid ng silid. Maingat niyang inayos ang mga prutas at alak ayon sa sinabi ng guro kung saan ito ilalalagay at paano.Habang abala siya, naririnig niya ang mga bulong at usapan ng mga mayayamang babae na nakatingin sa kanya mula sa malayo. Malinaw na iniiwasan siya ng mga ito. Pero buti na lang, kaya niya ang gawain nang mag-isa kaya wala namang nakakahiya na nangyari.Pinili niyang huwag pansinin ang mga ito at ituon ang sarili sa ginagawa. Pero habang abala siya, may anino na humarang sa harapan niya, tinatakpan ang mainit na sikat ng araw mula sa bintana.Bahagyang nanginig ang kanyang pilik-mata. Inangat niya ang kanyang mga mata, at
Sa cellphone, galit na boses ni Anthony Villaflor ang umalingawngaw. "Nagka-heart attack at naospital ang nanay mo, Evan. Alam mo bang hindi nagawa ni Kenneth ang trabaho niya at isinama pa si Cheska para lang makapunta dito? Pero ang magaling kong anak, nasaan? Ano ba? Get your ass here! Dumiretso ka na sa First Hospital, bilisan mo!" "Naospital po si Mama?" Napamulagat si Evan, tila tumigil ang mundo niya. Agad siyang nagpunta sa gilid ng kalsada at sumubok mag-abang ng sasakyan. "Kumusta po siya? Malubha ba? Ano po ang sabi ng doktor? Stable na po ba?" "Leche! Dahil 'yan sa kawalan mo ng kakayahang ayusin ang mga problema ng pamilya! Ang nanay mo, sa edad niya, nag-aalala pa rin sa’yo kahit ang tanda-tanda mo na. Tapos ikaw itong kung saan-saan nagsusuot habang siya ay todo ang pag-aalala sa'yo?" Nagpatuloy si Anthony sa pagbunganga, wala man lang binanggit na kahit ano tungkol kay Ella samantalang siya naman ang puno't dulo ng lahat ng problema ng kanilang pamilya. Kung
"Doc, ang ibig mong s-sabihin..."Nanlambot ang katawan ni Evan, halos matumba pa siya ngunit nasalo kaagad siya ni Kenneth. Nangangatog ang buong katawan ni Evan, namumula ang rin mga mata, at nauutal na sa pagtatanong ng kaniyang suspetsya sa doktor. "Ibig niyo po bang sabihin, gusto ng nanay ko na m-magpakamatay?""Maaari pong sabihin na ganoon na nga," sagot ng doktor. Hindi niya matiis makita ang matinding lungkot sa mukha ni Evan kaya’t mabilis niyang ipinaliwanag ang sitwasyon."Pero stable na po ang ating pasyente. Kaso nga lang, kahit na nailigtas na natin siya sa pagkakataon ngayon, kung patuloy pa rin ang kagustuhan niyang manatay, hindi na namin sigurado kung maliligtas pa siya sa susunod."Napabuntong-hininga si Kenneth, bumagsak ang nakataas niyang kamay at marahang ipinatong iyon sa balikat ni Evan. Mahigpit niya itong niyakap, tila inaalalayan ang fragile na damdamin nito ngayon.Mahina siyang bumulong sa tainga nito para pagaanin kahit kaunti ang bigat ng dinadala n
Hindi pa nakakabangon si Evan mula sa gulat ng biglaang pagsugod sa kanila ng mga lalaki ay bigla naman siyang nawalan ng malay dahil sa gamot na iniligay ng mga ito sa panyo na itinakip sa kanilang ilong. Hindi maaari... Sa isip niya, kung magising si Mama at malaman na pareho silang nawawala ni Ella, baka may magawa na naman itong masama sa sarili. Kailangan niyang malabanan ang mga ito sa abot ng kaniyang makakaya! Pero sadyang matapang talaga ang gamot na ginamit sa kanila dahil iyon na ang huling pumasok sa kanyang isipan bago tuluyang magdilim ang kanyang paningin, at bumagsak siya nang walang malay sa malamig na sahig ng ospital.Pagmulat ng kanyang mga mata, nagdahan-dahan si Evan sa paggalaw at napansin niyang nasa loob siya ng isang lumang bahay.Ang huling sinag ng araw mula sa dapithapon ay dumadaan sa bakal na bintana na nasa isang sulok ng kwartong kinalalagyan nila. Amoy alikabok ang paligid at mahina lang ang liwanag dahil ang sinag lang sa labas ang nagbibigay tangl
Kung tutuusin, sa galing ni Lindsey sa pagpapanggap at panlilinlang, kahit pa hindi totoo, kaya niyang magkunwaring mahal si Ashton sa harap ng tiyuhin nito.Pero sa lahat ng nakita, mukhang alinman sa dalawa ang totoo—kulang ang effort ni Lindsey sa pagpapanggap, o masyadong matalino si Ashton para malinlang. Sa isang sulyap pa lang, parang nababasa na niya ang lahat ng kilos ni Lindsey.Napatingin si Evan sa malungkot na ekspresyon ni Ashton—isang lungkot na hindi niya sinasadya pero hindi niya rin kayang itago. Naramdaman niya ang awa sa bata, pero alam niyang wala siyang karapatang husgahan si Lindsey. Ang tanging magagawa niya lang ay sikaping mapasaya si Ashton sa bawat pagkakataon na kasama niya ito.Walang ibang paraan. Matagal siyang nag-alinlangan habang hawak ang cellphone, pero sa huli ay pinindot niya ang numero ng kanyang tiyuhin.“Evan,” bati ni Kevin nang sagutin ang tawag.“Tito,” mahinahon niyang sagot. “Kasama ko si Ashton. Gusto niyang maglaro sa bahay ninyo. Pwede
Kinagabihan, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Ashton—pinapapunta siya sa school para sunduin ito.Na-miss na rin niya ang bata, at kahit sandali siyang nagdalawang-isip, hindi niya rin kayang tanggihan ang hiling nito.Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa isipan niya ang nangyari noong huli siyang pumunta sa school—pati ang hapdi ng paso sa likod ng kanyang kamay, hindi pa rin niya malimutan.Kahit pa pilitin niyang kumbinsihin ang sarili na si Lindsey ay kasintahan ng kanyang tiyuhin at wala na siyang dapat ipaglaban, iba pa rin ‘yung sakit. Hindi porket hindi siya nagsalita ay hindi na siya nasaktan."Evan,, anong iniisip mo at parang ang lungkot mo?" tanong ni Christopher habang lumalapit, hawak ang isang tasa ng kape. Umupo siya sa tabi ni Evan at sinimulang ikwento ang mga plano niya para sa studio.Epektibo ang paraan niya—agad nawala sa isip ni Evan ang iniisip niya at masaya siyang nakisali sa pag-uusap."Sige, ayusin mo 'yang mga ideya, tapos i-email mo agad sa tito mo. Sigu
Para sa Driver ni Kenneth, ang pagging tahimik niya ay natural lamang sa kaniya. Matagal niyang tinitigan ang bihirang ngiti ni Evan—parang uhaw na uhaw siyang titigan ito, at habang lumilipas ang bawat segundo, lalo lamang tumitindi ang pagnanasa niyang angkinin ang babaeng nasa harap niya. Pero kahit ganoon, hindi siya nangahas na pilitin ito muli.“Evan, akin ka.”Mahinahon man ang pagkakabitaw niya ng mga salitang iyon, naroon ang lalim ng pananakot sa likod ng kanyang malamlam at maitim na mga mata. Bawat salita ay tila pahayag ng pag-aangkin.Hindi siya pinahiya ni Evan. Bagkus, bahagya pa niyang itinaas ang kanyang mukha, pinanatili ang mahinang ngiti sa mga labi. Ngunit hindi ito umabot sa kanyang mga mata. Sa ilalim ng ngiting iyon, may halong lamig at hinanakit.Pagkatapos, inalis niya ang tingin mula kay Kenneth, dahan-dahang isinara ang pinto ng sasakyan, saka tahimik na inutusan ang driver. “Tayo na.”Alangan ang driver. Sa pamamagitan ng rearview mirror, sinulyapan niya
Nag-reach out ang housekeeper mula sa lumang bahay ni Evan, at sinabi na nais siyang makita ng matandang babae.Wala nang magawa si Evan kundi hilingin kay Christopher na magsimula ng pansin mula sa mga reporters. Nagbago siya ng itsura at tumakas sa likod ng pinto.Pagdating sa lumang bahay ng Huete, bumukas ang mga ukit na pintuan. Paglabas ni Evan mula sa sasakyan, naglakad siya at aksidenteng nakasalubong si Stephanie na nakasuot ng matingkad na damit.Hindi na pinansin ni Evan ang dating ina-inahan. Nakataas ang kanyang ulo, dumaan siya nang mataas ang tingin."Evan, ako pa naman ang iyong mother-in-law. Hindi mo man lang ba ako babatiin?" Nang makita siya ni Stephanie, muling lumamig ang kanyang mukha. Hinadlangan siya nito at may poot sa mata, "Huwag ka munang maglakad, may sasabihin ako sa'yo."Hindi pinansin ni Evan ang kanyang pang-aasar, tinitigan siya ng malamig at naglakad palayo.Paano naman si Stephanie? Hindi niya palalagpasin ang ganitong pagtingin ni Evan. Tumayo siy
“Miss Evan, paano mo nagawa iyon?"Wala nang kaalaman si Evan na nagawa niya iyon dahil sa kanyang bentahe sa kasarian, at inisip na ang pato na may pinit na rice wine ang totoong may sala. "Siguro, swerte lang ako. Tungkol sa proseso, hindi mo na kailangang sabihin sa tito ko. Pakiusap na lang, ipasubok mo sa kanya. Kung hindi gumana, mag-iisip ako ng ibang paraan."Pinatol ni Jaxon ang tawag at tinitigan ang misteryosong mata ng presidente ng Huete Group sa likod ng desk habang nakanganga ang ulo.Ayaw ng Master na malaman ni Evan na siya'y seryosong nasugatan dahil sa kanya, at hindi rin gusto ni Miss Evan na malaman ng Master na humingi siya ng tulong medikal para sa kanya, at siya'y isang maliit na tao lang. Nasa gitna siya ng lahat at natatakot na baka isang araw, mamatay siya nang hindi buo ang katawan.Nilulon ni Jaxon ang laway sa takot at mabilis na nagsabi: "Master, si Miss Evan ang tumawag. Tinutukoy niya ang mga maliliit na bagay sa studio. By the way, narinig ko lang na
Napatitig siya rito, saka tumango. "Simula Sabado, sumama ka sa akin sa Emerald Welfare Home."Ang hiling na
Makalipas ang tatlong oras, dumating si Evan sa isang lumang bahay at kumatok sa pinto nito. Ang pintura sa kahoy ay luma at natutuklap na.May narinig siyang mga yapak sa loob bago bumukas ang pinto. Ngunit imbes na ang matandang lalaki ang sumalubong sa kanya, ang lalaking matagal nang may ayaw sa kanya ang nasa harapan niya.Nabigla ito nang makita siya."Ano’ng nangyari sa’yo?"Alam ni Evan kung bakit siya nagulat kaya ngumiti lang siya at hindi ito pinansin. Inalis niya ang kanyang sunglasses, saka lumampas sa lalaki papunta sa hardin kung saan ang matandang lalaki ay abala sa pag-aalaga ng mga bulaklak at paglalaro sa kanyang aso."Lolo, magluluto ka ba ulit ng fermented duck ngayon?"Nagulat ang matanda. Hindi niya inaasahan na tutuparin pa rin ni Evan ang kanyang pangako sa kabila ng gulong kinasasangkutan nito."Hindi. Bumili ako ng dalawang igat kanina, nasa kusina. Manood ka na lang habang niluluto ko."Tahimik na napangiti ang matanda. Habang pinagmamasdan ang lalaking nas
Nang makita ng ilang malalaking lokal na brand ang isang makapangyarihang katunggali na biglang lumitaw, hindi na sila mapakali. Nagpadala sila ng mga bayarang tao upang siraan si Yeyan online, ngunit halos walang naging epekto ang kanilang paninira.Sa gitna ng pag-atake ng mga pekeng accounts, maraming netizens ang hindi nagpatinag at agad na nagbigay ng kanilang opinyon."Pakiusap naman, ‘yan ang brand na paborito mismo ng presidente ng Huete Corporation! Kung hindi mo gusto, baka ikaw ang may pangit na panlasa. Isipin mo na lang, kakaunti lang ang katulad ni Kevin—mayaman, gwapo, at maganda ang pangangatawan. Normal lang kung hindi mo kayang sabayan ang taste niya, pero maling mali na siraan mo ito ng walang basehan.""Sa estado at yaman ni Mr. Huete, sa tingin mo ba kailangan pa niyang kumuha ng endorsement gaya ng mga artista at magbenta ng produktong hindi niya ginagamit? Bukod pa roon, parang sadyang ginawa para sa kanya ang hikaw—napakaganda ng disenyo at pulido ang pagkakagaw
Nakatingin si Evan kay Kenneth na nasa ilang metro ang layo mula sa kanya. Matagal na silang magkakilala, pero ngayon lang niya nakita si Kenneth na ganito kapuruhan ang itsura.Kung limang taon na ang nakalipas, marahil ay naawa pa siya rito.Pero ngayon, ang lalaking minsan niyang minahal ay nasa harapan na niya — sobrang lapit na halos mahawakan niya ito — ngunit sa puso niya'y wala nang nararamdamang iba kundi kapaitan.Hindi niya alam kung bakit nagpapaka-drama si Kenneth, pero batay sa pagkakakilala niya rito, hinding-hindi ito basta-basta susuko.Ibinaba niya ang tingin, saka ibinulsa ang susi ng kotse sa bulsa ni Kevin. Mahina niyang sinabi, "Uncle, mauna ka na. Ako na'ng bahala rito."Itinaas ni Kevin ang kanyang makakapal na kilay at tiningnan si Evan — walang sinabi, pero malinaw na nag-aalala.Sa ilalim ng ilaw ng kalye, litaw na litaw ang payat na pigura ni Evan — parang abo pagkatapos ng apoy na nagliyab.Hindi kalayuan, mahigpit na nakasara ang kamao ni Kenneth — nangin